Share

CHAPTER 9

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER NINE

APPLE'S POV

"Handa ka na bang umuwi?" tanong sa'kin ni Hiro.

"Oo naman! Ako pa?! Uwi na tayo! Uwi na tayo! Uwi na—argh, aray..." d***g ko nang mapalakas ang dali ng paa ko sa tapakan nitong wheelchair.

Hays. Hindi pa ako makakalakad gawa ng paa ko na nabubog, kaya nakabalot ng benda ang magkabilang paa ko. Pati ulo ko meron, tapos nakasakay pa ako sa wheelchair. High-tech kaya ang wheelchair na ito? Yung tipong kapag inutusan kong, "Abante, abante!" ay aabante talaga tapos kapag inutusan kong "Atras! Atras!" ay aatras tapos kapag inutusan kong "Atras! Abante!" ay aatras-abante tapos ako ang magiging kauna-unahang tao sa buong mundo na nagchachacha nang nakaupo sa wheelchair?

Ah! Naririnig ko na! Ang hiyawan nila habang sinisigaw ang pangalan ko. Ang sabi nila, "Apple! Apple! Nasaan ang lechon?"

"Apple, Apple, nasaan ang lechon? Apple, Apple, nasaan ang—"

Natigilan ako nang mapansin ko si Hiro na nakatingin sa'kin. Nakataas din ang dalawang kamay ko. Teka nga, akala ko nag-iimagine lang ako?

"Tsss. Sa bahay ka na kumain at maghanap ng lechon. Tara na."

Nasabi ko ba talaga ng malakas iyon, ha? Sabihin n'yong hindi please? Sabihin n'yong hindi!

Pumuwesto na s'ya sa likuran ko, at nang maitulak na n'ya ng konti ang wheelchair, agad ko s'yang pinigilan.

"Hep-hep!" sabi ko na may pagtaas pa ng dalawang kamay.

"Hooray," walang ganang tugon naman ni Hiro saka ibinaba ang dalawang kamay ko. Bakit ba ang baba ng energy nito ngayon?

"Aish! Tingin mo nakikipaglaro ako ngayon? Umayos ka nga!"

"Tsk. Ano na naman ba?"

"Uhm, nasaan nga pala kasi si Drav? Kanina pa s'ya wala rito."

Nagtataka lang naman kasi ako. Pagkagising ko kanina wala na si Drav. Si Hiro nakanganga pa tapos si Kio wala na rin. Balak ba nila akong i-abandona rito sa hospital? O kaya—

Nanlaki ang aking mga mata, saka lumunok ng laway.

"Panlimang tanong mo na iyan, Apple. Tsk."

"E-Edi sagutin mo rin ng panlima!"

K-Kakatayin na ba ako rito sa hospital? Kunwari ooperahan ako pero ang totoo ay kakatayin na ako? Aalisin na ang laman-loob ko tapos ibebenta na? Tapos ang masterbrain ay si Drav?!

"Ano, ayos na? Uwi na tayo."

"Ay, hindi! Hindi ko narinig! Ulitin mo!"

"Tsk. Naaawa na ako kay Drav."

"Aba! Bakit sa kan'ya ka naaawa? Sino ba ang nakaupo ngayon sa wheelchair? Sino bang ipapakatay n'yo ng walang kalaban-laban? Si Drav ba?"

"Kakatayin? And where the hell did you get that?"

"Oo! Ipapakatay ako ng amo mong timang! At dahil alam ko namang mabuti kang tao," tumingala ako upang tingnan s'ya. Gusto kong maiyak para mas dama pero hindi ako naiiyak. Hays. "Iuwi mo nalang ako, para maging ligtas ako, hmm?" pagmamakaawa ko habang namumungay ang mga mata. Dahil hindi ako naiiyak ay ngumuso nalang ako, pero pinitik n'ya lang ang noo ko.

"Huwag ka nang magparahithit ng katol. Lumalala ka na," saad n'ya saka itinulak ang wheelchair na inuupuan ko. Walang ugali talaga!

"Edi hahayaan mo na naman akong magtatalak dito? Ha, Kiro? Nasaan na kasi si Drav? Bukod sa ipapakatay n'ya ako ay sinabihan n'ya ako kagabi ng gago kaya kukutusan ko s'ya!"

"Alam mo bang kapag ang taong may injury sa ulo ay nagparadaldal ng kung ano-ano, sumasabog ang utak nito? Gusto mo bang sumabog ang utak mo?"

Napalunok akong muli ng tatlong beses saka kinagat ang dila.

"T-Talaga? Hindi ka nagsisinungaling?"

"Seryoso ako."

Napatingin ako ng deretso sa dinaraanan namin. Natahimik din ako. A-Ayoko namang sumabog ang utak ko!

"Much better," rinig kong sabi n'ya. Maya-maya ay tumigil s'ya sa pagtulak sa wheelchair. May biglang nag-ring e. Sa malamang cellphone n'ya iyon. Mula sa likuran nanggaling ang tunog.

Ipinwesto n'ya sa parteng hindi masyadong nadadaanan ng tao ang wheelchair, saka pumunta sa harapan ko.

"Huwag na huwag mong gagalawin ang wheelchair ha? This might be your first time on using this at nababano ka pa, pero may kakausapin lang ako. Babalikan kita, okay?" pagpapaalam n'ya.

Ito na ba?! Iiwanan na n'ya ako tapos may darating na nurse tapos dadalahin na ako sa katayan at tatanggalan na ako ng laman-loob tapos ibebenta tapos ang masterbrain ay si Drav?!

"Hindi! Hinding hindi kayo magtatagump—hhmppp!"

Tinakpan agad ni Hiro ang bibig ko ng kamay n'ya. Nagtiringin kasi ang mga tao sa'kin nang bigla akong sumigaw. Aba! Paanong hindi ako sisigaw e buhay ko ang nakasalalay dito!

"Sorry, pardon," pagsosorry ni Hiro. Bakit s'ya nagsosorry? Wala namang nang-away sa kan'ya? Dapat nga sakin sya nagsosorry. Timang din e!

"Tsk. Sasabog ang utak mo, hindi ba?" pagpapaalala n'ya. Sumama ang tingin ko sa scarf n'ya at sombrero, kaya agad ko iyong kinuha mula sa kan'ya at isinuot sa akin.

"Para magkaroon ka ng dahilan para balikan ako. Alis! Bilisan mo na!" pagtataboy ko sa kan'ya.

"Tsss. Malamang babalikan kita. Tsk. I'll be right back."

Sinampal n'ya pa ako ng mahina bago s'ya umalis sa harapan ko at nagtungo sa may likod ko. Bakit may pagsampal pang nalalaman? Gagantihan ko iyan ng suntok. Habang ako naman, isinandal nalang ang likod sa sandalan nitong wheelchair at pinanood ang mga dumadaang tao at nurse sa harapan ko. Kitang kita na rin ang labasan mula rito, kaya kita ko na ang mga taong naglalabas-pasok sa hospital.

Kinanta ko nalang ang jingle ko sa pagtitinda ng ice candy para hindi ako mainip. Hays. Siguro nagtataka na 'yun sina Elena kasi hindi na ako nagtitinda ng ice candy doon. Galit pa rin kaya s'ya sa'kin kasi kinuha ko ang magazine n'ya? Pero at least hindi brochure ang kinuha ko. Kung brochure ang kinuha ko edi wala na s'yang titingnang mga bakat, hindi ba? Pfft.

Nasa kalagitnaan na ako ng jingle ko nang may tumulak na sa wheelchair.

"Hays. Ang bilis ah. Pero buti nalang binalikan mo ako. Akala ko talaga ipapakatay n'yo na talaga ako eh."

"Tsk. Shut up. How did you even managed to bring yourself in here? Tsk. Ang kulit mo talaga."

Kumunot ang noo ko. Teka. Kailan pa nag-iba ang boses ni Hiro? Mas lumalim yata?

"Hiro? Lumaklak ka ba ng muriatic acid? Nag-iba yata boses mo?"

Hindi na s'ya sumagot, bagkus ay nagpatuloy na lang s'ya sa pagtulak sa'kin palabas. Tsk. Ang weird talaga ng mga tao ngayon.

"Alam n'yo, kayo, bakit ang weird n'yo ngayon? Pare-parehas talaga kayong mga timang."

At muli, wala na naman akong sagot na narinig mula sa kan'ya.

"Hindi ka ba talaga magsasalita?"

"Just shut up."

Hays. Bakit ganun? Iba talaga ang boses? Pero hinayaan ko nalang s'yang itulak ang wheelchair. Hindi na ako nag-abalang tingalain s'ya dahil hindi kami bati. Nang makalabas na kami ay tumambad sa akin ang isang van.

"Wow, umuunlad ka ah, van na hindi na kotse," saad ko nang makarating na kami sa harapan ng isang van na kulay itim. May isang lalaking hindi ko kilala na binuksan ang pinto ng van at inalalayan akong makasakay.

"Salamat kuya, nawa'y pagpalain ka pa ng mas maraming maraming anak," pasasalamat ko saka tumingin sa bintana. Hays, konti yata ang sasakyan ngayon sa kalsada? O baka naman, mga imbisibol na ba ang sasakyan ngayon?

Hindi ko na tiningnan si Hiro na kanina pa tahimik. Narinig ko na ring isinasakay n'ya ang wheelchair kasunod ang pagsara ng pinto. Naramdaman ko ring umupo na s'ya sa tabi ko. Nagtungo na rin sa loob ng van ang lalaking umalalay sa'kin. Ah, driver pala. Tatay na kaya ito ni Drav? Pero hindi e. GRAB rider ang kamag-anak n'ya, hindi van driver.

"Hindi naman siguro si kuya ang tatay ni Drav, ano? May sarili ka rin palang driver? Parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?" tanong ko nang hindi pa rin nililingon si Hiro, pero wala na naman akong sagot na natamo mula sa kan'ya. Aish. Pinaandar na ng driver ang van, pero si Hiro ay hindi pa rin nagsasalita.

"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?" tanong ko ulit sa kan'ya, pero s'ya,

"..."

Urgh! Naiinis na akong lumingon sa kan'ya. E? Ang laki ng hood n'ya. Kanina naman hindi s'ya nakasuot ng jacket ah?

"Hoy, kanino mo nadekwat ang jacket na iyan? Paano kung malaman na ng may-ari na dinekwat mo iyan? Madadamay pa ako kapag nagkahulihan na."

Hindi s'ya sumasagot, ni gumagalaw. Kaya naman naisipan ko nang hilahin ang hood n'ya.

"Ano ba?! Kanina pa kita kinakausap! Bakit hindi ka sumasagot?! Kanina lang ang daldal-daldal mo! Alam mo bang nakakasabog din ng utak ang pananatiling tahimik?! Hhaa?!"

"Aish! Will you please be quiet for a while, Peachie? I'm so freakin' tired from my trip," sabi n'ya na ikinabilis na ng tibok ng puso ko. Talagang mabilis! Pinagmasdan ko s'ya. Ibang iba na ang pustura n'ya. Tapos yung sapatos n'ya, hindi na puti!

S-Si Hiro ba talaga itong kasama ko?

"H-Hiro?" kinakabahang tanong ko.

"Tsss. Another thing," tumingin s'ya sa'kin na ikinaatras ko na palayo sa kan'ya. Nauntog pa ako sa bintana ng van. Argh! Hindi pa nga ayos ang utak ko mula sa pagkaka-alog! Tapos pakiramdam ko naalog na naman ng sampung beses na mas malakas kaysa kagabi!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status