Share

Chapter 8

Author: solasabegail
last update Last Updated: 2022-04-09 20:00:31

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER EIGHT

Hiro's POV

"Pst, Kio," tawag ko kay Kio na prenteng nakaupo sa waiting area dito sa hospital.

Yeah. We're in this hospital because of Drav. He called the two of us earlier and pinasunod kami rito. And guess what? The reason was the girl who he resisted at first. Upon knowing his reason as well as while watching him walking from side to side, and even back and forth while waiting for the doctor to come out from the room, I know that there's something going on. I mean, this is not the usual him. Kanina lang lasing na lasing iyan. But now, parang nawala ang kalasingan.

"Kio!" pagtawag ko ulit kay Kio.

"What?!"

"Tsk. Anong oras na?"

"You have your own watch. Check it for yourself."

Tsss. Sa aming tatlo talaga s'ya ang pinakamasungit. Dinaig pa ang girlfriend ko kapag may regla.

Hindi, biro lang. Wala talaga akong girlfriend.

I tsked before glancing at my wrist watch. It's already ten-thirty in the evening.

"Dang it, dang it, dang it. Bakit ang tagal nila? Tanggala," bulong na ni Drav.

"Hey Drav. Calm down, will you?" I said to him.

"How will I fuckin' calm in here, Hiro? She's in there fighting for her life!"

"Tsss. Ang sabi mo lang naman ay may bubog sa magkabilang paa, saka nahulog kamo at nagpagulong-gulong sa hagdan? Pfft. Hindi naman malala," saad ko, na ikinahubad niya sa kaniyang sapatos. Nang akmang susunggaban na n'ya ako ay agad s'yang inawat ni Kio.

"Hey, hey, hey. If you don't want to follow her in there and fight for your lives too, stop and just be calm. Let's have a seat, Drav. Don't worry, she'll be fine," pagpapakalma n'ya kay Drav.

"Just let me hit that man first with my freakin' shoes, Kio! Then I'll fuckin' calm!"

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" saad ng kalalabas na doctor na agad namang nilapitan ni Drav.

"How is she, doc? How's Apple?"

"Don't worry, iho. Your girlfriend is safe now. Minor injury lang sa ulo ang tinamo n'ya. But it could be hard for her to walk since malalalim ang pagkakabaon ng mga bubog sa talampakan n'ya."

"Lang? Minor injury 'lang'? Doc! Sa tingin mo ba kailangan pang sabihing minor injury 'lang'? Hindi ba't ang malalala ay nagsisimula sa mga minor?! Minamaliit n'yo ang minor injuries?!" bulyaw ni Drav sa doctor na ikinagulat naming tatlo.

Wow. Drav? Is this still you?

"Uh, iho, that's not what I meant—"

"It is! Anong klaseng doctor kayo?!"

"Uh, we're very sorry, sir. He's just very worried sa girlfriend n'ya. Kami na pong bahala. Can we now visit her?" pagpapaumanhin ni Kio habang ako naman ay pinapakalma si Drav.

"Y-Yes you may now. Excuse me," sabi ng doctor bago umalis. Nang makaalis na ang doctor ay agad na sinigaw ni Drav ang pangalan ni Apple saka humangos papasok.

"Hiro. Napapansin mo rin ba ang napapansin ko?" tanong ni Kio habang nakatingin sa loob. Ako kasi nasa gilid pa kaya hindi ko pa kita ang loob.

"Yes. Napapansin ko rin. Mukhang tama na tayo ng napili ngayon, Kio!" masayang tugon sa kan'ya.

"N-No! Shit! Drav!" biglang saad ni Kio saka dali-dali ring pumasok ng room. Ano na naman bang nangyari? Naglakad ako palapit ng bungad ng pinto at, what the?!

"Kanina lang alalang alala ka tapos ngayon sasakalin mo s'ya?! Are you really losing your mind now, Drav?!" sermon ni Kio kay Drav na nakapagitan kina Drav at sa nakahigang si Apple na wala pang malay.

W-What the...sasakalin?

"Drav, take it easy, dude. Don't worry, ligtas ang baby n'yo," pang-aasar ko pa, at ang hawak n'yang sapatos kanina ay tumama na sa mukha ko matapos n'yang ibato sa akin.

"Shut up!"

Damn! Masakit!

"Drav. Hahanap na ba kami ng kapalit?" tanong ni Kio na ikinatingin naman sa kan'ya ni Drav at ikinasigaw.

"Shut! Up!"

"Shut up, Drav! She's resting!"

"You shut up too, Kio!"

"Shut up, you two!"

"Hoy! Ang iingay n'yo!" sigaw ng babae sa likuran ko na ikinatakip ko ng tenga. Ang lakas!

"Shut up!" pabalik namang sigaw ni Drav sa babae. Bago pa lumala ang sigawan dito ay sinara ko na ang pinto.

"Shut up nga kayo, nagpapahinga ako e," mahinang sambit ng boses-babae. Napatingin kaming lahat kay Apple na nakapikit pa rin.

"Apple? Gising ka na?" tanong ko, pero hindi s'ya sumagot. Hindi naman nagbago ang posisyon n'ya. Ganun pa rin.

"Narinig nyo rin naman hindi ba?"tanong ko sa kanilang dalawa na kapwa tahimik.

"Apple, I know na gising ka na. You'll open your eyes or I'll choke you to death?!" galit na namang sambit ni Drav, pero hindi gumalaw si Apple. Maya-maya ay nagsimula na naman si Drav na akmang susugurin si Apple. Nakakabaliw ang gabing ito! Hindi na kita maintindihan, Drav!

"Hiro! Help me with this!" paghingi na ng tulong ni Kio. Tsss. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Hinila ko ang kwelyo ng polo ni Drav paharap sa'kin at inambahan s'ya ng suntok sa mukha. Nilakasan ko na para siguradong tulog, at hindi ako nabigo. Bumagsak sya sa sahig.

"Hiro, what have you done?"

"Tsk. Hayaan mo na. That's the best thing to do right now."

Napatingin ako kay Apple. Med'yo nakangiti s'ya habang kagat-kagat ang labi. Halata ring nakabukas nang bahagya ang isang mata n'ya, na agad ding sumara ng tuluyan at ang labi ay bumalik sa dati nang makita n'yang nakatingin ako sa kan'ya. Napangiti rin ako at napailing. Tumingin si Kio kay Apple, saka sa akin.

"What? What are you smiling at?"

"Tsss. None. May nakita lang akong bata sa tabi ni Apple at nakangiti sa akin," saad ko, na ikinamulat na ni Apple at ikinabaling sa gilid n'ya.

"Nagbubutog ka lang naman di'ba, Hiro?" tanong n'ya bigla na ikinatawa ko na. "Welcome back to Earth, Apple," pang-aasar ko pa na ikinasama n'ya ng tingin sa'kin.

*APPLE'S POV

Sobrang tahimik na ng paligid—

Zzzzzzzzz

Hindi pala. Akala n'yo bubuyog? Akala ko rin. Pero hindi. Hilik 'yan. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang humihilik. Pero kung sino man iyon, ang sarap tapyasan ng bunganga.

Pero, wala akong ganang magpara-daldal ngayon. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina mula kina Kio at Hiro tungkol kay Drav na nakanganga ngayon.

Nakanganga s'ya, literal. Gan'yan talaga siguro s'ya 'pag nasasarapan sa tulog. Pero, hindi.

*Flashback*

"He lost his dad when he was three years old. Kaya naging malapit s'ya sa mama n'ya, sa lolo n'ya, at sa lola n'ya. He is an inborn introvert. Hindi s'ya mahilig makipaghalubilo sa ibang tao. Naging magkaklase kaming tatlo nung high school, pero hindi na n'ya natapos iyon kasi nagsimula na s'ya sa modeling career n'ya."

***

"Actually, modeling isn't his thing. Pagsasayaw talaga ang gusto n'ya. Pero dahil ang angkan ng mama n'ya ay kilala sa pagiging modelo, pinilit s'ya ng mama n'ya na iyon na lamang din ang piliing karera. And sa kagustuhan n'yang maging proud sa kan'ya ang mama n'ya, pumayag s'ya at isinantabi ang sarili n'yang kasiyahan."

***

"About the contracts, hmm. Basta huwag mo nalang sasabihin na sinabi ko sa'yo. Papatayin ako n'yan. Pero, 'yung sa contracts kasi, ginagawa n'ya iyon para makahanap ng babaeng ihaharap n'ya sa mama n'ya. Nakatakda siyang ikasal sa kababata n'ya na, hindi n'ya gusto. As usual, business is involved in that agreement.

Mariing tinututulan iyon ni Drav, and nagkasundo sila na bago ang ika-21st birthday n'ya, dapat ay may maiharap s'yang babae na karapat-dapat sa mama n'ya. So, out of desperation, he dated random women, until that silly idea about the contract came up. Kami ni Kio ang naghahanap ng babae based on his standards, and s'ya na ang bahalang kumilatis kung pasado ba sa kan'ya o hindi."

"Standards?"

"Hmm, basehan kumbaga."

"Tsss. At ako pa talaga ang kinuha n'yo? Sa tingin n'yo ba papasa ako sa standards kuno n'ya? Tsk."

"Well, for the last time nagdemand s'ya ng someone na unique at hindi boring. And the moment that we saw you dancing while singing that day habang inaalok ang ice candy mo sa mga bata, we already knew that you're the one."

***

"Masyado nang pribado ang ibang nalalaman namin. Gustuhin ko mang sabihin sa'yo pero mas mainam kung sa kaniya mismo magmumula. We really hope that you won't get tired nor scared of him. May mga pagkakataon lang talagang hindi s'ya maintindihan, na minsan nakakatakot s'ya, but believe me. He's a nice guy. And maraming babae ang hindi nakita iyon dahil hindi nila binigyan ng pagkakataon si Drav na ipakita iyon, at hindi rin nila binigyan ng pagkakataon ang mga sarili nilang makita iyon."

*End of Flashback*

Nakatitig lang ako sa kan'ya habang inaalala iyon. Inaamin kong natakot talaga ako sa kan'ya kanina, at hindi ko rin sigurado kung mapipigilan ko ang sarili kong hindi matakot sa susunod na maging ganun ulit s'ya ka-agresibo. Natatakot ako kasi yung iba nga hindi nagtagumpay na kilalanin s'ya, ako pa kaya?

"Apple..." mahinang sambit n'ya na agad kong ikinapikit. Hindi naman n'ya siguro alam na gising na ako? E nakapikit pa naman ang mata n'ya e!

"Apple..." tawag n'ya ulit sa pangalan ko. Iminulat ko ng konti ang mga mata ko. Nakabaling sa gawi n'ya ang ulo ko kaya kita ko s'ya. Gumagalaw ang Adam's apple n'ya, tapos umiling-iling.

"Will you leave me too, Apple? Will you do the same thing that they did?"

Mababakas ang lungkot sa boses n'ya. Tagos hanggang puso. Naiiyak ako, lalo na at hindi ko s'ya naiintindihan. Pero, para kasi s'yang nagtatanong. Tinatanong n'ya ako? Nananaginip ba s'ya? Kausap n'ya ako sa panaginip n'ya? Teka, kasama n'ya ako sa panaginip n'ya?

"Apple, alam kong gising ka na. Buksan mo iyang mga mata mo," saad n'ya na ikinakunot ng aking noo. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, at naabutan ko s'yang nakatagilid na at nakatingin sa akin. Namumungay pa rin ang mga mata n'ya. Nawala ang pagiging siga n'ya. Sa akin ba talaga s'ya nakatingin?

"How are you feeling? I mean, kumusta pakiramdam mo?" tanong n'ya. Mabagal ang pananalita nya. Kakagising kasi, tapos parang nanghihina na ewan?

"O-Okay na ako," tugon ko naman, na ikinangiti n'ya na parang pilit.

"Glad to hear that," sabi n'ya saka pumikit ulit. Ibabaling ko na sana kina Hiro ang ulo ko nang tawagin n'ya ulit ang pangalan ko.

"Apple..."

Bumuntong-hininga ako.

"Hmm? Magpahinga ka na."

"I'm sorry..."

Tumingin ulit ako sa kan'ya, at nakapikit na naman s'ya. Tinitigan ko s'ya ng ilang minuto, at lumalalim na ang paghinga n'ya. Nakatulog na ulit s'ya.

Tama ba ang dinig ko? Nag-sorry s'ya?

"Tsss. Nilayasan ka na ba ng demonyong ka-buddy mo? Buti naman kung ganun," sambit ko habang nakatingin sa kan'ya. Papikit na sana ako nang muli siyang nagsalita.

"Gago."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The One-Year Contract   CHAPTER 27

    THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 27KAIRO's POV"Wow.""So Ms. Vienna, this will be your training ground."Inangat n'yang masyado ang ulo n'ya para tingnan ako. She is wearing a black cap and a black shades, same as mine. For safety, as she insisted."Training ground? So, dito ako sa mall magp-practice?""Yeah. Is there something wrong with that?""Meron. Ang daming tao rito. Paano ako makakapagpractice rito? Isa pa, paano kapag nahalata nila na ikaw si Kairo Theodore Easton na nakikita nila sa magazine ng Bel Cíélo? Pagkakaguluhan ka. Tapos kasama mo pa ako. Mas pagkakaguluhan ka..."Natigilan s'ya, at muling yumuko. "Tapos...mapipicturan na naman tayo na magkasama tapos—"Bago pa man n'ya tapusin ang sinasabi n'ya ay hinawakan ko na ang kamay n'ya at nagsimulang maglakad. I am still getting bothered whenever she said such things, maybe because I want her to forget whatever the hell happened in the past three months, including Dravour. Why? Maybe because, I just care about her? But, why

  • The One-Year Contract   CHAPTER 26

    THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 26KAIRO's POV—Evening, 7:00 PMI am reading some fitness guides nang mapansin ko si Vienna. Nasa isang sulok s'ya ngayon, tumitingki saka naglalakad. Inaayos n'ya rin ang posture n'ya. She's standing straight, chin up, stomach in, then walking in a tiptoe manner. Pfft. What is she doing, anyways? I mean, what's into her?I heard her as she cleared her throat, then started talking to the wall in front of her."Good evening. I am Ap—I mean, Vienna. I am 18 years old and I live in, uh," she stoped for a while and held her chin. "Ano nga palang sasabihin kong address? Saka apilyedo? Hindi naman pwede ang Tondo. Saka, hindi rin pwede ang Banana."She looked up and continued. I admit this is quite fascinating to watch. "Mama, hindi naman sa ikinakahiya ko ang lahi natin ha? Proud na proud ako na kasapi ako sa pamilya la'Banana pero kasi, hindi ba, kailangan ko nang magbagong buhay para maiwanan na ang madilim na nakaraan ko..."So, Banana talaga ang real surn

  • The One-Year Contract   CHAPTER 25

    THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14KAIRO's POV"Uy, may pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Xenon nang pumasok na rin s'ya sa dressing room ko. Ah. At last. Another tiring day of work is fcking over."Nah. I'll go home now. Magpahinga ka na rin. Sa malamang ay hinihintay ka na ni Melody."Melody is Xenon's girlfriend."Sus, hayaan mo 'yun. Malaki na 'yun.""Pfft. Don't be too harsh to your girl, man."He laughed. "S'yempre biro lang. Alam ko namang hindi ko matitiis iyon. Kahit na maya't maya ang talak 'nun ay mahal na mahal ko iyon."I couldn't help but smile again upon hearing that. Such a cliché, cheesy remark coming from a hulk like him."At ikaw naman, Kai," he said with a teasing tone."What about me now, Xenon?""Akala mo ba hindi ko napapansin? Simula nang mag-hire ka ng maid dalawang linggo na ang nakalilipas ay halos hindi ka na mapakali pagkatapos ng photoshoot. Atat na atat umuwi palagi. Ang sabi mo sa akin noon ayaw na ayaw mo ng maids pero anong meron sa maid na ito at parang

  • The One-Year Contract   CHAPTER 24

    THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 24DRAVOUR's POVThree months later."Yes, mom? Good morning," I greeted her over the phone."Good morning, my dear son. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing? Kumain ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dumito ka na muna sa bahay.""Don't worry, mom. I'm fine. In fact, I'm getting ready for work."I placed my phone on the table for a while and turned on the speaker, then continued fixing my suit."Are you really sure that you're ready for work now?""Yes, mom. I had enough rest. Time for me to get back on business.""Glad to hear that. I'll call you later, okay? Take care, honey. I love you.""I love you too, mom."I ended the call and put my phone in my pocket. After fixing myself in front of the mirror, I sighed deeply."You'll gonna be fully fine soon, Drav," I said while staring to myself."I'm sorry, mom, I... I can't..."I can't give her up, yet, I also can't bear to see my mom in such situation..."W-What do you mean, y-you can't? You are c

  • The One-Year Contract   CHAPTER 23

    THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes

  • The One-Year Contract   CHAPTER 22

    CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status