Napuno nang iyakan ang munting bahay nila Azariah nang mag paalam siya sa mga magulang na babalik na siya nang maynila.
Halos magaling narin naman ang kaniyang ama buhat sa tinamo nitong sugat matapos itong tagain nang asawa nang kaniyang tiyahin. Bumalik narin ito sa pag tatrabaho sa kanilang malawak na bukirin. Bagamat medyo nahihirapan ang mga magulang sa pag de deliver nang kanilang mga na harvest na gulay. Dahil wala na ang kalabaw na siyang ginagamit nila para mag dala nang kanilang mga ani sa kalapit na bayan. Mas magastos kasi kong mag aarkila pa ang mga ito nang sasakyan para mag dala nang kanilang mga inani sa kalapit na bayan. Kaya malaki talaga ang gamit nang kalabaw para sa kanilang pamumuhay. "Anak mag iingat ka doon ha? h'wag mo ring kalimutan na tumawag sa amin kapag may problema" ani nang kaniyang ina habang pinupunasan nito ang mga matang hilam sa sarili nitong luha. Natatawa namang niyakap ito ni Azariah at bahagyang hinagod hagod ang likuran. Pero siya man ay naiiyak na din dahil matagal tagal na naman bago sila muling mag kita nang kaniyang mga magulang. "Si inay talaga napaka iyakin, h'wag po kayong mag alala inay, dadalasan ko pong tumawag sa Inyo" Sambit niya rito matapos kumalas sa pag kakayakap. Pinunasan niya rin ang isang butil nang luha na nag landas sa kaniyang pisngi. Kapag kuwan ay binalingan niya naman ang kaniyang ama na naroon sa sulok at naka upo lamang sa upoang gawa sa tinapyas na kawayan. Naka tingin ito sa labas nang bintana at mababakasan nang lungkot ang mga mata nito. Dahan-dahang nag lakad papalapit dito si Azariah. Ma suyo niyang niyakap ang ama at hinalikan pa ang tuktok nang ulo nito. Doon ay narinig niya ang mahinang pag sinok nito, umiiyak ang kaniyang ama. "Itay aalis na po ako, alagaan niyo po ang sarili ninyo. Tsaka h'wag niyo na lamang pong patulan sila tiya Melba para wala po tayong maging problema" paalala niya sa ama habang naka yakap parin dito. "Talaga bang ngayon kana babalik sa maynila anak? hindi ba pwedeng ipagpa bukas mo na lamang" hirit nang ama na tinawanan naman ni Azariah. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at naupo sa tabi nito. "Kailangan ko na pong bumalik nang maynila itay, alam niyo naman po na naroon na ang buhay ko hindi po ba?" Malungkot niyang sambit sa ama na pilit ipinapa unawa dito na mayroon na siyang sariling pamilya na binubuo. Nag pahid nang luha sa mga mata ang ama ni Azariah, habang tahimik na nakatanaw sa labas nang kanilang bintana. Hindi paman umaalis ang anak ay tila nangungulila na kaagad ito. "Basta kapag sinaktan ka nang asawa mo, h'wag kang matakot na mag sabi sa'kin. Dahil hindi ako mag dadalawang isip na sugorin siya roon at baka mapatay ko pa siya pag nag kataon na malaman kong sinasaktan ka Niya" mahihimigan sa boses nito ang galit. Marahil siguro ay nararamdaman nang ama niya na may hindi tamang nangyayare sa kanila nang kaniyang asawa. Malungkot siyang ngumiti. "Ate, aalis ka na bang talaga?" Agad na nilingon ni Azariah ang nag salita, si Nico iyon na halatang kakagising lamang nito. Nakasunod naman sa likod nito ang kambal na si Nica. "Kailan po kayo babalik ulit?" malungkot na tanong naman ni Nica nang makalapit na sa kaniya ang mga ito. Niyakap niya nang mahigpit ang dalawang kambal. Mamimiss niya ang kakulitan nang mga ito. Pero kinakailangan niya na talagang bumalik nang maynila. Kumalas siya nang pagkakayakap sa mga ito habang naka ngiting pinag mamasdan ang dalawa. Nag babadya na namang mamasa ang kaniyang mga mata. Dahil sa namumuong luha. "Ate h'wag nalang po kayong umalis, dumito nalang po kayo" ani pa ni Nica na ngayon ay nag sisimula nang humikbi. Ganoon din si Nico na kahit pinipigilan ang mga luha ay kusa namang tumulo ang mga iyon. "Shhh, tahan na. Ano ba kayo, para namang hindi na tayo mag kikita ulit niyan" Natatawa niya pang sambit sa mga ito habang pinapalis ang mga luha na nag landas sa kaniyang pisngi. "Ma mi miss ka po namin ate, ingat po sa maynila" turan pa nang dalawang kambal. "Subrang ma mi miss ko rin kayo, tumulong kayo rito kanila inay at itay ha? h'wag kayong magiging pasaway" bilin niya pa sa mga ito na ikinatango naman nang dalawang kambal. Kapag kuwan ay tumayo na siya sa kaniyang kinauupoan at dahan-dahan hinawakan ang kaniyang maleta. "Aalis na po ako, nay, tay" muli niyang paalam sa mga ito na tinanguan lamang siya. Mas lalo namang lumakas ang iyakan nang kaniyang pamilya lalo na ang dalawang kambal na napapa hagulgol na sa kakaiyak. Parang mas lalong bumigat ang puso ni Azariah hindi niya tuloy alam kong dapat pa ba niyang ituloy ang kaniyang pag alis. Ngayon pa lamang ay nangungulila na siya sa mga ito. Kaya kahit na mahirap ay kaagad na siyang tumalikod sa mga ito at hindi na lumingon pa. Baka kasi hindi na siya tuloyang maka alis pag nilingon niya pa ang mga ito. Habang nag lalakad patungo sa kalsada ay rinig niya parin ang iyakan nang dalawang kambal. Mabibigat ang mga paang nag patuloy siya sa pag lalakad habang lumalabo naman ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag labas nang mga luhang hindi niya kayang pigilan. Nang marating niya ang bukana nang kalsada ay kaagad niyang pinara ang papalapit na tricycle. Kaagad siyang sumakay dito at nag pahatid sa terminal nang bus patungong maynila. Habang sakay sakay sa tricycle ay hindi niya maiwasang umiyak habang iniisip ang kaniyang pamilya. Ngayon ay muli na naman silang mag kakalayo nang mga ito. Ilang buwan na naman ang binilangin niya bago sila muling mag kita kita. Napatigil siya sa kaiiyak nang makarating na sila sa terminal nang bus, kaagad siyang nag bayad sa driver at umibis na sa sasakyan. Pumasok naman siya agad sa bus na naka pila patungong maynila. Pinili niyang ma upo malapit sa bintana nito. Hindi nag tagal ay kaagad din namang napuno nang mga pasahaeros ang naturang bus kaya kaagad iyong lumarga. Hindi na siya nakapag paalam pa kay Laurence na ngayon ang balik niya sa maynila kasalukuyan na kasi itong busy dahil sa ito ang humahawak nang ipinapa tayong clinic ni Mayor. Dahil malayo pa ang byahe ay minabuti na munang umidlip ni Azariah. Halos alas otso na nang gabi nang makarating ang sinasakyan niyang bus sa maynila. Kaagad siyang pumara nang taxi para mag pahatid sa bahay nila. Kaagad naman siyang nakapasok dahil hindi naman naka lock ang gate. Kaagad niyang pinihit ang seradora sa front door pero naka lock iyon kaya kumatok pa siya nang ilang beses. Kaagad namang bumukas iyon at ang mukha nang kabit nang kaniyang asawa ang agad na bumungad sa kaniya. Napahalukipkip ito nang makita siya. "Oww, hindi ko alam na babalik ka pa pala" mataray na ani nito pero hindi na iyon pinansin pa ni Azariah sa halip ay nag tuloy tuloy na siya papasok sa kanilang bahay. Naramdaman naman niyang sumunod sa likuran niya si Ciara, ang haliparot na kabit nang kaniyang asawa na kong umasta ay akala mo ito ang legal na asawa. "Bakit kapa bumalik rito?" Napahinto sa pag lalakad si Ciara at dahan-dahang nilingon ang walang hiyang babae sa kaniyang likuran. "Bakit hindi? pagkaka alam ko, e bahay namin to nang asawa ko" sarkastikong tugon niya na ikina irap naman nang babaeng kaharap. "Masaya na si Damon na wala ka rito kaya bakit kapa bumalik? Sana nanatili ka na lang kong saan ka man nang galing" Sa halip na patulan pa ang babae ay naka ngising tumalikod na lamang si Azariah rito at nag tuloy tuloy siya paakyat sa kaniyang silid. Kaagad naman niyang inayos ang mga gamit na dala. Nang matapos ay bahagya siyang nahiga sa malambot na kama at mariing ipinikit ang mga mata. Ilang minuto pa ay muli siyang napa dilat nang marinig niya ang pagdating nang isang pamilyar na sasakyan. Kaya naman dali-dali siyang bumangon mula sa pagkaka higa at kaagad na bumaba para sana salubongin ang asawa. Napahinto na lamang siya sa hagdan nang makitang nauna na si Ciara na pag buksan ang asawa. Nakita niya pang nag halikan ang mga ito. Bahagyang kumirot ang kaniyang puso dahil sa kaniyang nakikita. Maya-maya pa ay napatingin sa gawi niya ang kaniyang asawa. Bahagya pa nga itong nagulat nang makita siya nito roon. "Nandito ka na pala" malamig na saad nito habang nag lalakad palapit sa sofa at naupo roon. Sumunod naman kaagad si Ciara dito at nakuha pang umupo sa tabi nang kaniyang asawa. "O-oo kani kanina lang" Halos pumiyok pa ang boses niya. Hindi na siya kinausap pa nang asawa kaya naman nang hihina ang mga paang bumalik siya sa kaniyang silid. Doon ay muli siyang nahiga sa malambot na kama at hinayaang pumatak ang masagana niyang luha. Talaga bang wala nang pakialam sa kaniya ang kaniyang asawa. Ni hindi man lamang niya ito nakitaan nang kaunting saya na muli siyang makita. Dahil sa isiping iyon ay mas lalo siyang naiiyak. Na alimpungatan siya nang makarinig nang mumunting ungol na nag mumula sa katabing kwarto. Hindi niya alam na naka tulog pala siya matapos niyang umiyak kanina. "Ahhh! Damon, ganyan nga sige pa, ang sarap ohhh!" rinig niyang humahalinghing na boses ni Ciara mula sa katabing kwarto na tila'y sarap na sarap ito sa kong ano man ang ginagawa nang mga ito. "Bilisan mo pa Damon, baby, ohhh ganyan nga. Isagad mo pa ahhhh!" Mariing na lamang na tinakpan ni Azariah ang kaniyang dalawang tainga para hindi niya na marinig pa ang kababalaghang ginagawa nang dalawa. Pero naririnig niya parin ang mga halinghing at ungol nang dalawang nag niniig. Upang hindi niya na marinig ang kahalayan nang dalawa ay inis siyang lumabas nang silid at tinungo ang kusina. Sakto at nakakaramdam na din siya nang gutom. Hindi niya alam kong anong oras na ba nang mga sandaling iyon. Binuksan niya ang kalderong na roon sakto may natitira pang kanin at ulam kaya naman dali-dali siyang kumuha nang pinggan at nag sandok nang kanin at ulam. Tahimik siyang kumakain sa mesa nang mag isa. Bigla niyang naisip ang ginagawa nang dalawa kaya ngayon ay nag sisimula na namang manubig ang kaniyang mga mata. Masakit lang isipin na sa ibang babae nag papaka sasa ang kaniyang asawa. Iwinaglit niya sa isip ang mga iyon at nag patuloy na lamang siya sa kinakain. Nang matapos ay kaagad niyang hinugasan ang pinag kainan. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang pag talikod niya ay nasa likuran niya na ang asawa. Naka short lamang ito at walang damit pang itaas. Ma tiim itong nakatitig sa kaniya. Hindi tuloy alam ni Azariah kong ano ang gagawin niya nang mga sandaling iyon. Siguro ay tapos na itong gumawa nang kalaswaan kasama ang babae nito. Ngunit ano namang ginagawa nito roon sa kusina?. "M-may kailangan ka ba?" utal niyang tanong dito habang malakas ang tahip nang kaniyang dibdib. "Did you like what you've heard?" Naka ngisi pang anito na ikina kunot naman nang noo ni Azariah. Tinitigan niya ang asawa nang may pag tataka. Hindi niya alam kong ano ang ipinupunto nito. "Anong sinasabi mo diyan?" Maang niyang tanong. He just give her a devilish smirked. "Come on, Azariah, I know that you know what I'm talking about" napayuko si Azariah sa sinabi nito. Ipinapa mukha ba nito sa kaniya na mas nag e enjoy ito sa ibang babae kaysa sa kaniya. "Btw, I'm glad na naka uwi kana para naman ma process ko na ang annulment papers natin" nang dahil sa sinabi nito ay gulat na nag angat nang tingin si Azariah. Hindi siya makapaniwala na napa titig sa asawa. Kumurap kurap pa siya nang ilang beses. Ngunit makikita niya sa mukha nito ang pagka seryoso, na hindi ito nag bibiro sa sinabi nito patungkol sa annulment nilang dalawa. "T-teka lang, nag bibiro ka lang diba? H-hindi naman totoong makikipag hiwalay ka sa'kin. Sabihin mong hindi totoo to Damon" umiiling na sambit niya sa asawa habang tuloy-tuloy naman sa pag agos ang masagana niyang mga luha. Na tila may mga buhay ang mga iyon na basta na lamang tutulo. "I'm not joking Azariah, gusto ko nang kumalas sa kasal na'tin. Na realized ko na hindi naman ako naging masaya sa kasal na'tin, hindi ako naging masaya mag mula nang ikasal tayo. I am much more happy with Ciara at siya ang nakikita kong makakasama ko sa habang buhay" Mahabang litanya pa nito na mas lalong nagpa sakit sa kalooban ni Azariah. Pakiramdam niya ay ilang ulit na sinasaksan nang kutsilyo ang kaniyang puso dahil sa mga salitang binitawan nito sa harapan niya. Hindi makapaniwalang tinitigan ni Azariah ang kaniyang asawa. Habang tumatangis siya sa harapan nito. Ayaw niyang mawalay ito sa kaniya. Ayaw niyang mawalan nang ama ang anak niya. "H-hindi ako papayag na makipag hiwalay ka sa'kin alam ko nagugulohan kalang sa ngayon. Let's fix this, okay lang sa'kin kahit ilang babae pa ang dalhin mo dito sa bahay. Basta sa'kin ka parin uuwi" Halos mag lumuhod at mag maka awa na siya sa harapan nito na huwag lang ituloy ang annulment na sinasabi nito. Tanga na kong tanga pero wala siyang pakialam. Mahal niya ang asawa at hindi siya papayag na lalaking walang kikilalaning ama ang kaniyang anak. "My decision is final Azariah, gusto kong ma annulled ang kasal na'tin." Ma tigas na sambit nito. "P-pano ang anak natin? hahayaan mo na lang bang lumaki siyang walang ama?" Hindi niya napigilan pa ang sarili na taasan nang boses ang asawa. Bakit ganoon na lamang kadali dito na talikuran siya bilang asawa, gayong alam nito na may anak sila. Natahimik naman sandali si Damon dahil sa sinabi niya. "Hindi ko naman pababayaan ang obligasyon ko sa anak ko, mag susustento na lamang ako sa kaniya kong iyan ang inaalala mo" Hindi makapaniwalang tinitigan ito ni Azariah. Talagang desidido na itong makipag hiwalay sa kaniya. At mag susustento? hindi naman nila kailangan nang pera nito. Ang kailangan nang anak niya ay isang buong pamilya. "I can't believe you, Damon. Talagang mas pipiliin mo ang babaeng iyon kaysa sa amin nang anak mo?" Bulyaw niya rito, she can't believe him to be this cruel. Talagang handa sila nitong balewalain para lang sa babae nito. "Tama na ang drama, Azariah!" Singhal nito sa kaniya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito. "Sagotin mo nga ako nang totoo, minahal mo ba talaga ako?" Hindi nag salita si Damon, bagkos ay nag iwas na lamang ito nang tingin. Na para bang hindi nito kayang sagotin ang simpleng tanong niyang iyon. "Sumagot ka!" "Hindi, hindi kita minahal. Ayan okay na ba?!" Asik nito nang muli siyang balingan nito nang tingin. Sunod-sunod na namalisbis ang mga luha ni Azariah na animo'y hindi iyon maubos-ubos. Subrang sakit nang nararamdaman niya matapos marinig ang sinabi nang kaniyang asawa. "Hindi kita kailan man minahal, sino ba naman kasi ang mag mamahal sa katulad mo? tignan mo nga yang sarili mo, ni hindi ka nga marunong mag ayos." patuyang sambit nito na para bang nandidiri ito sa kaniya. "Na challenge lang naman ako sa'yo, yan kasi ang hirap sa inyong mga probinsyana, kaunting lambing lang at matatamis na salita na dadala na kaagad kayo. Kaya nga kita nakuha agad, hindi ba?" Naka ngising wika pa nito na para bang nang iinsulto. Sa pag kakataong iyon ay hindi na namalayan pa ni Azariah ang pag lipad nang palad niya sa mukha nito. She slapped him hard. Pagkatapos ay humahagulgol siyang tumakbo papunta sa kaniyang silid at doon nag iiyak. Doon niya nilabas lahat nang sakit na nararamdaman niya. All along, she thought he loved her, pero hindi pala talaga siyang minahal nito. Pinag laruan lamang siya nang lalaki. Humahagulgol siya nang iyak na parang wala nang bukas. Nilabas nya lahat nang sama nang loob niya. "B-bakit?" nang hihinang napa upo siya sa sahig. Bakit nito nagawa sa kaniya iyon? she did everything for him, naging tanga siya dahil sa subra subrang pagmamahal niya dito. She accepted him despite him being a womanizer. She never gets tired of giving him so many chances, hoping that he would change. Pero hindi na siguro ito mag babago pa She sacrificed her happiness, her family, even her work just to be with him and be a good wife to him. Pero puro pasakit lamang ang isinukli nito sa kaniya. And now he wants an annulment. Pagkatapos nang lahat nang sakripisyong ginawa niya at lahat nang pag titiis niya kahit subrang durog na durog na siya. Hindi pa pala sasapat ang mga 'yun. Hindi talagang sasapat iyon para sa isang lalaking hindi marunong ma kuntento. A/N: Hayst, kawawa naman si Azariah 🥺 bakit kasi hindi na lang niya iwan ang asawa niya gayong hindi naman pala siya nito minahal nang totoo. Sabihin niyo nga, bakit may mga asawang ang hilig mag tiis at mag paka martir? chosssss. Anyways, I hope you enjoy reading TOWIOH, my dearest readers. Just don't forget to vote, comment and follow for more updates. Mwahhh! 😘--- After 3 years ---"Uyy! Dela Vega, may dalaw ka." Anang pulis habang tinatanggal ang pagkaka kandado ng selda nila Damon. Si Damon na naka higa sa kaniyang higaan ay nag mamadaling tumayo. Bakas sa mukha ang tuwa ng marinig ang sinabi ng pulis na mayroon siyang dalaw. Kailan nga ba ang huling beses na may dumalaw sa kaniya? matagal-tagal narin iyon. Sino nga kaya ang dalaw niya. 'Sana isa kanila Edmond o Ciara.' bulong niya sa kaniyang sarili. Alam niyang hindi naging maganda ang relasyon nila ng pinsan niya mag mula ng maipakulong siya ni Patricia. Huling dalaw naman ni Ciara sa kaniya ay iyong mga panahong pinag tutulakan niya ito. Sa itinagal-tagal niya sa kulongan marami siyang na realize. Mga pagkaka mali niya, mga kasalanang na gawa niya sa mga taong malalapit sa kaniya lalo na sa mag ina niya. Sa matagal na panahong lumipas na hindi niya nakikita ang mga ito ay mas lalo siyang nananabik na muling masilayan ang kaniyang mag ina. "Sino po ang dalawa ko?" Tanong niya sa
Nang maka balik na sa cottage sina Azariah at Laurence ay na roon na rin ang mga magulang nito. Napag pasyahan muna nilang kumain. Medyo marami-rami rin ang mga pagkaing in-order ni Laurence. Pagkatapos nilang kumain ay nag simula ng maligo ang dalawang kambal. "Doon ka sa pam bata kasi hindi ka naman marunong lumangoy." Ani Nico sa kakambal niyang si Nica na may halo ng pang-aasar. Iningosan lamang ito ni Nica bago nag dadabog na nag lakad papunta sa swimming pool kong saan may iilang toddlers ang naliligo kasama ang kanilang mga magulang. Tatawa-tawa naman si Nico na nag lakad papunta sa adult part ng naturang swimming pool. Nilingon pa ito ni Nica pagkatapos ay siniringan niya ang kambal kahit na hindi naman ito naka tingin sa kaniya. Na roon siya gilid ng swimming pool na para sa mga bata lamang. Gusto niya na talagang maligo kaso nakakahiya naman siguro kong makikisali siya sa mga bata. She's already fifteen. Sa huli ay napapa buntong hininga siya na nag tungo parin doon. Baha
Nang sumapit ang umaga, maagang na gising si Laurence. Naupo siya sa malambot na kama. Nang tumingin siya sa kaniyang tabi ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi ng makitang mahimbing parin na natutulog ang kaniyang mahal na asawa. Sa tabi naman ng kama nila ay nakalagay ang isang crib kong saan mahimbing din na natutulog ang kanilang anak. Kay ganda lamang nilang pag masdan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkaka upo. Inayos niya muna ang pagkaka kumot kay Azariah kapagkuwan ay nilapitan niya ang anak at ma suyog ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Ang cute naman ng baby, tulog na tulog parin ah" sambit niya pa habang may matamis na ngiting naka paskil sa kaniyang mga labi. Kapagkuwan lang ay lumabas siya sa kanilang silid at mabilis na nag tungo sa baba. Masyado pa namang maaga kaya naman lumabas muna siya ng bahay nila. Napag pasyahan niya na pumunta sa tabing dagat para mag abang ng mga mangingisda na dadaong sa mga oras na yun. Balak niyang bumili ng isda n
"Na ayos mo na ba lahat ng dadalhin?" Ani Azariah kay Laurence habang inilalagay nito ang kanilang mga gamit sa likod ng kotse. Siya naman ay kalong-kalong ang anak nila na mahimbing na natutulog. "Oo, sinigurado kong wala tayong naka limutan" sambit naman ni Laurence. "Rafael...yung isa ko pang maleta bitbitin mo" wika ni Cynthia sa asawa na nasa likuran naman nito bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang maleta. "Bakit naman kasi ang dami-dami mong dinalang gamit. Pwede namang iwanan na lamang tong iba rito" reklamo naman ni Rafael habang hila-hila ang malalaking maleta. Para tuloy silang mag a abroad sa lagay na 'yun. Kaagad namang tinulongan ni Laurence ang ama na ilagay ang mga gamit ng mga ito sa likod ng kotse. Kapagkuwan ay muling bumalik sa loob ng bahay si Rafael para kuhanin ang isa pang maleta. Napapa iling na lamang si Laurence habang naka ngiti.Kasi kahit na anong iutos ng ina nito sa kaniyang ama, mag reklamo man ito ay susunod parin ito. Matapos masigurong wala n
Abala si Azariah sa pamimili ng ilang mga groceries na dadalhin niya sa probinsya nila dalawang araw mula ngayon. Mag isa lamang siya na pumunta para mamili ng mga pasalubong. Marami pa kasing inaayos sa kompanya si Laurence para wala na itong aalalahanin pa kapag nag bakasyon sila sa Santa Monica. Nasa mga chips section na siya ng biglang may bumangga sa push cart niya. "Ayy...sorry, hindi kasi ako tumitingin sa---" Napahinto sa pag sasalita ang babae ng mag tama ang kanilang mga mata. Hindi naman sukat akalain ni Azariah na mag ko cross ang landas nila doon. "Ciara?" Sambit niya sa pangalan nito. Ngumiti naman ang babae ngunit halata sa mukha nito ang pagka ilang. "Kamusta?" Sambit niya pa sa babae. "O-okay lang naman, ikaw kamusta? mukhang nasa maayos kanang kalagayan ngayon" aniya na para bang ang awkward niyon sabihin matapos ng mga ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit wala na rin naman iyon kay Azariah. Matagal na yun and she already moved on. Napa tawad niya narin naman ang
Halos magka sabay lang na dumating sa presento ang patrol car ng nga pulis at ang sasakyan nila Edmond. Hila-hila ng mga pulis ang lalaki at si Damon papasok sa loob ng presento. Sa interrogation room kong saan ay na roon ang lalaki. Naka upo ito sa plastic na upoan, naka tungo ang ulo habang naka posas naman ang mga kamay nito. "Sino ang nasa likod ng pang ho hostage mo sa nag iisang anak ng mga Dela Vega?" Ma riing tanong ng pulis sa lalaki. "Hindi niyo ako mapapa amin" ma tigas na Saad ng lalaki habang naka tungo parin. Nagkatinginan naman ang mga pulis na naroon habang sina Patricia naman at Edmond ay nasa tabi lamang at tahimik na pinag mamasdan kong papaanong paaminin ng mga pulis ang lalaki sa kong sino ang master mind sa pag dukot kay Damon at kong ano ang motibo ng mga ito para gawin iyon. "Mag sasalita ka ba o hindi, kahit hindi ka mag salita makukulong ka parin" Sambit ng pulis. "Edi ikulong ninyo, wala kayong makukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko sasabihin kong sino a
Kumikislap ang mga mata ni Laurence at matamis ang ngiti habang naka tingin sa maliit na sanggol na lalaki na kalong-kalong niya sa kaniyang braso. Masuyo nitong hinimas ang maliit na ulo ng sanggol. Matangos ang ilong nito at may natural na mapupulang labi."Ang gwapo naman ng baby na 'yan" masaya namang saad ng ina nito habang marahang kinukurot ang pisngi ng sanggol na mamula-mula pa ang balat. "Syempre naman mom, nag mana yata sa'kin to, gwapo din" ani Laurence na natatawa. Kaya natawa nalang din ang asawa at ang ina nito. "Hello, baby...ka mukha mo ang Daddy" naka ngiting ani Laurence habang nilalaro ang maliliit na daliri ng sanggol. Ngumiti naman ito kaya mas lalo siyang ng gigil lalo pa ng makitang may biloy ito sa magka bilang pisngi. "Hmm...'yan talaga ang napaka unfair ano? yung tipong tayo ang nag dala ng siyam na buwan tapos pag labas kamukha lang ng mga asawa natin" Kunwari ay inis na sambit ng ina ni Laurence na ikina tawa naman ni Azariah. "Oo nga po mom, subrang unf
Pagkarating nila sa hospital ay kaagad na binuhat papasok si Ciara ng driver na sinakyan nila. Kaagad naman din silang inasikaso ng mga nurses na naroon. Namimilipit na sa subrang sakit si Ciara ng ipasok siya ng mga ito sa Emergency Room. "Na kilala mo ba kong sino ang lalaki?" Tanong ni Patricia kay Edmond ng ikwento nito ang nangyare sa bahay nila kahapon. Hindi niya alam kong nakuha ba ng lalaking yun ang pinsan niya. "Hindi eh, ano sa palagay mo...may kaugnayan ba ang lalaking iyun tungkol sa nangyare kay Damon dati" "Siguro, baka napag alaman na nilang buhay ang pinsan mo at bigla siyang binalikan... para tuloyang burahin sa mundo" giit naman ni Patricia. "Mukhang may taong malaki ang galit sa pinsan mo" dagdag pa nito. "Ewan ko...na saan na kaya yun ngayon" Sa isang lumang bahay na malayo sa lungsod ay doon dinala si Damon ng lalaki. Hinila siya nito pababa ng sasakyan at itinulak sa isang maalikabok na sulok. Kaagad namang naka singhot ng alikabok si Damon bagay na ikina
"Nay, Tay. Mag iingat po kayo " naluluhang ani Azariah sa kaniyang mga magulang habang nasa labas sila ng airport. Ngayong araw kasi ay uuwi na ang mga ito sa Santa Monica dahil kailangan na ring mag enroll ng kambal. Ilang araw na lamang ay mag papasukan na at kailangan nilang humabol. Hindi naman napigilan ng ina ni Azariah ang maiyak dahil uuwi na sila at magkaka hiwalay na naman. Ilang buwan pa ang bibilangin bago sila muling magkita. "Kayo rin anak, mag iingat kayo" madamdaming Sambit nito habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pag bagsak. "Nay, naman bakit kayo umiiyak? na iiyak na rin tuloy ako" ani Azariah habang nag sisimula na ring manubig ang gilid ng kaniyang mga mata. Muli silang nag yakapan hanggang sa bumitaw na ang mga ito para pumasok sa loob. "Sige na po nay, tay baka ma Iwan kayo ng flight ninyo" Ani Azariah habang nag pupunas ng luha. Yumakap naman ang kambal sa kaniya, pati ang mga ito ay naiiyak na rin. "Ma mi miss ka namin ate" Sambit ni Nico. "M