"Tay!, Nay!"
Patakbong sumalubong ang kambal nang makita sila nitong bumababa sa sinakyang tricycle. Naka suot pa nang uniporme ang dalawa na animo'y kagagaling lamang sa skwela at hindi pa nakakapag palit nang pambahay na damit. Ngumiti naman si Lydia sa dalawang kambal habang inaalalayan nilang pareho ni Azariah ang asawa na iika-ika pang nag lalakad habang naka hawak sa tagiliran kong saan ito na taga. "Bakit naman hindi pa kayo nag bibihis?" nakangiting tanong pa ni Lydia sa mga anak habang sumusunod ang mga ito sa kanila na binabagtas ang daan patungo sa kanilang bahay. "Kadarating lang din ho namin inay" si Nica na ang sumagot. "Papunta po kami kanila Sofie para sa aming project sa English sakto namang nakita namin kayo" Saad naman ni Nico. "Naku, umowi muna kayo sa bahay at mag palit nang damit" suhestyon ni Azariah sa mga kapatid. "Maayos na po ba ang kalagayan ninyo itay?" Tanong ni Nica na binalingan ang ama. "Medyo makirot pa ang sugat ko anak pero ilang araw lang din siguro at mawawala na ito" Malapit na sila sa kanilang bahay nang makita sila nang asawa nang kanilang tiyahin. Naroon ito sa tapat nang tindahan ni aleng Marites nakikipag inuman kasama ang mga kaibigan nitong tambay. "Uy! bayaw, buhay ka pa pala?" Anito na para bang nag hahamon nang gulo habang may malapad na ngisi na naka paskil sa labi nito. Sandaling napahinto sa pag lalakad sila Lydia, masamang tingin naman ang ipinukol ni Joselito sa asawa nang kapatid. Nang dahil sa lalaking ito ay nalagay pa sa peligro ang kaniyang buhay. Mabuti na lamang talaga at ma swerte siyang naka ligtas. Kaagad naman itong inakay ni Azariah. "Tara na ho itay, wag niyo na lamang pansinin ang asawa ni tiya Melba" hindi maiwasang makaramdam ni Azariah nang pagka bahala na baka magka gulo ang mga ito lalo pa't kalalabas lamang nang hospital nang kaniyang ama at hindi pa ito gaanong magaling. "Pasalamat ka at hindi kita napurohan" napahalakhak pa ang asawa nang tiyahin ni Azariah matapos sabihin ang mga salitang iyon. Naki tawa narin ang iba pa nitong kasama na nag iinuman. Pinipilit naman ni Lydia ang asawa na hayaan na lamang ito at umalis na sila roon. Paniguradong nag hahanap lamang nang gulo iyong si Boyet. Ayaw na nilang may masama pang mangyare sa kanilang haligi nang tahanan. Maya-maya ay nalipat ang tingin nito kay Azariah na hawak hawak sa braso ang ama nito. "Nakauwi na pala itong anak mo bayaw, mas lalo yatang gumanda mula nang pumunta sa maynila ah" puna nito kay Azariah pero hindi na nila iyon pinag tuonan pa nang pansin at nag patuloy na lamang sa pag lalakad hanggang sa makauwi ang mga ito. "Talagang sinusubokan ako nang letcheng Boyet na iyon, pasalamat siya at kinokontrol ko lamang ang aking sarili na huwag siyang patulan" nang gagalaiting turan nang ama ni Azariah matapos maupo sa kawayan na upoan nang maka pasok na sila sa kanilang tahanan. Hindi pa ito nakakaganti sa kapatid at sa asawa nito. Subra na kong tapak tapakan ang kanilang pagka tao. Masyadong minamaliit nito ang kanilang pamilya. Nag tatagis ang bagang at kumukuyom ang kamao nang ama ni Azariah dahil sa galit na nararamdaman nito nang mga oras na 'yun. Pina kalma naman ito kaagad ni Azariah. "Tama na ho, itay. Diyos na lamang po ang bahala sa mga katulad nilang maiitim ang mga budhi" kahit siya man ay may malaking galit sa kaniyang tiyahin at sa asawa nito pero wala naman silang magagawa kundi ipag pasadiyos na lamang ang lahat. Ang nasa itaas na lamang ang bahalang gumanti para sa kanila. "Hayaan mo na lamang sila Joselito, kakarmahin din ang dalawang iyon sa mga ginawa nila sa atin. Wag na nating patulan para hindi na lalong lumaki ang gulo" dagdag pa ni Lydia na ngayon ay nag titimpla na nang kape sa dalawang baso. "Kung hahayaan natin silang tapak tapakan tayo, mas lalong mamimihasa ang mga 'yun" galit na untag ni Joselito. Kung pwede lang ang pumatay ay ginawa niya na iyon. Pero hindi niya ilalagay ang batas sa kaniyang mga kamay, kaya kahit mahirap para sa kaniya ay hahayaan niya na lamang ang mga ito. Nang matapos sa pag titimpla nang kape si Lydia ay ibinigay niya ang isang tasa sa kaniyang asawa na kaagad naman niyong tinanggap. "Gaya nga nang sinabi ko ay hayaan na lamang natin sila" ani pa ni Lydia habang sumisimsim nang kape kapag kuwan ay binalingan si Azariah na nasa tabi parin nang ama pero tila'y malayo ang iniisip nito. "Ayos ka lang ba anak? baka nagugutom ka riyan. Mabuti pa ay kumain kana muna" turan ni Lydia sa anak. Nilingon naman siya ni Azariah at tipid na ngumiti lamang ito. "Hindi ho ako nagugutom inay, aakyat lang ho muna ako sa kwarto. Baka siguro napagod lamang ako sa byahe" aniya sabay tayo sa kinauupoan. "Aba'y mabuti pa nga at nang makapag pahinga ka naman" Akmang aakyat na sana si Azariah nang marinig niya ang boses nang kaniyang ama. Kaya nag aalangan niya itong nilingon na seryoso ang mukhang naka tingin sa kaniya. "Kamusta naman kayo nang asawa mo anak? Hindi ka ba niya sinasaktan? bakit hindi mo siya kasamang pumunta rito?" hindi kaagad naka imik si Azariah sa sinabi nang kaniyang ama. Hindi niya inaasahan na mag tatanong ito patungkol sa kaniyang asawa. Tila umurong ang kaniyang dila at hindi alam kong anong sasabihin niya rito. Hindi niya alam kong ikukwento niya ba sa ama kong anong klaseng lalaki ang napangasawa niya. Ngunit ayaw niyang mag alala pa ito lalo pa't kalalabas lamang nito sa hospital at ayaw niyang mag isip pa ito nang kong ano-ano. "O-okay lang naman po itay, hindi niya naman ako s-sinasaktan. Busy po siya sa trabaho kaya h-hindi na po siya naka sama" pag sisinungaling niya sa ama. Nakita niya pa ang nang aarok nitong tingin na animo'y sinisigurado nito kong nag sasabi nga ba siya nang totoo. "Sabihin mo lamang sa akin kong sinasaktan ka nang lalaking iyon dahil hindi ako mag dadalawang isip na sugorin siya sa maynila. Kahit pa mayaman ang pamilya niya ay hindi ako natatakot" may pag babanta sa boses nito. Napa tango na lamang dito si Azariah kapag kuwan ay nag tuloy-tuloy na ito paakyat sa kaniyang silid. Bahagya siyang nahiga sa higaan na gawa sa tabla, nasasapinan naman iyon nang banig na gawa pa sa buri. Malungkot ang mga mata ni Azariah na nakatitig lamang sa bubong nang kaniyang silid. Habang iniisip ang asawa na nasa maynila. Ano na nga kaya ang ginagawa nito? siguro ay masaya ito nang umalis siya doon. Ngayon ay paniguradong solong solo na nila nang kabit nito ang bahay. Marahil siguro ay nag sasaya ngayon ang kabit nito. Dahil sa isiping iyon ay tumulo na naman ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam kong sa muling pag luwas niya nang maynila ay may babalikan pa ba siyang asawa. Matutuwa ba ito na muli siyang makita? dahil sa kakaisip ay hindi niya na namalayan pa na nakatulog na pala siya. Nagising siya na ma dilim na ang buong paligid. Sinindihan niya ang kandila na nasa loob nang silid na nag bigay naman kaagad nang liwanag sa buong sulok niyon. Napag pasyahan niya na bumaba. Kaagad niyang narinig ang tawanan nang kaniyang mga magulang na nag mumula sa kusina. Kaagad siyang dinala nang kaniyang mga paa patungo roon. Doon ay nakita niya ang mga ito na nakaupo habang kausap si... Laurence Nakatalikod nang upo sa kaniya ang lalaki kaya hindi siya nito nakita. Tinawag naman siya kaagad nang kaniyang itay nang mapansin siya nito. "Azariah, halika rito at may bisita tayo" anito nang ama na ikinampay pa ang kamay. Hudyat na pinapalapit siya nito. Doon naman napalingon si Laurence sa gawi kong na saan si Azariah. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at naupo sa upoang katabi lamang nang binata. "Tignan mo oh, nag dala nang mga pagkain si Laurence" masayang ani nang kaniyang ina, pinasadahan naman ni Azariah ang mga pagkain na naroon sa hapag. Subrang dami niyon para sa kanila kaya naman nag tatakang binalingan niya nang tingin si Laurence na magiliw paring nakikipag usap sa kaniyang ama. Nag mistula tuloy pesta sa kanila dahil sa dami nang mga pagkaing nakahain na dala mismo nang binata. "Na saan nga pala ang kambal inay?" Tanong ni Azariah sa ina nang hindi niya makita ang dalawang kambal roon. "Naku, nasa bahay pa nila Sofie maya maya ay uuwi narin naman ang mga iyon" pagka sambit niyon nang ina ay kaagad namang umalingawngaw ang boses nang dalawang kambal. "Narito na po kami" ani Nica na naunang pumasok sa loob. Kasunod naman nito si Nico. "Nariyan na pala sila e" "Kuya Laurence narito ka po pala" bulalas bigla ni Nico nang mapansin ang binata. Nginitian lamang siya nito. Dumako ang tingin nang kambal sa mesa na halos ma puno na nang ibat-ibang klase nang mga pagkain. Nanlalaki ang mga matang napalapit ang dalawa roon. Kumikinang pa ang mga mata parehong hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Bahagya pa nga munang kinusot-kusot ni Nica ang mga mata kong totoo ba ang nakikita nito sa hapag bahay na ikinatawa naman nang mga magulang nito. "Bakit po ang daming pagkain inay, itay? ano hong meron?" nag tatakang tanong pa ni Nico habang natatakam na sa nakahaing pagkain sa kanilang hapag kainan. "Ay naku, dala iyang lahat nang kuya Laurence ninyo" ani nang kanilang ama. Gulat namang napalingon ang dalawa. Biglang napayakap si Nica kay Laurence na hindi naman inaasahan nang lalaki. Nakangiting gumanti din ito nang yakap sa babaeng kambal. "Salamat po sa mga pagkaing ito kuya Laurence! ang bait niyo po talaga" ani pa nito matapos kumalas sa pagkakayakap sa binata. "Walang anuman iyon" tanging tugon na lamang ni Laurence habang hinahaplos pa ang buhok nang kambal. "Salamat kuya Laurence, sana lagi po kayo bumisita sa'min at may pagkaing dala hehe" pabirong ani Nico na kaagad namang siniko ni Azariah at pinandilatan ito nang mata. Lihim namang napa ngiti si Laurence. "Walang problema Nico" Laurence said, while he still smiling. Napasulyap pa nga ito sa gawi ni Azariah na ngayon ay para bang medyo naiilang sa presensya niya. "Nagugutom na ba kayo? halina't kumain na tayo. Laurence dito kana rin kumain subrang dami nito at hindi namin ito ma uubos" Turan naman nang ina ni Azariah na ngayon ay kumukuha na nang mga pinggan. Kaagad namang tumayo si Azariah para tulongan ang kaniyang ina. Samantala ang dalawang kambal naman ay nagsi upo na sa bakanteng upoan na naroon. Halata sa mukha nang mga ito ang pagka takam sa mga pagkain. Sa tanang buhay nila ay noon palang yata sila makakatikim nang masasarap na mga pagkain. "Salamat naman at hindi na laging tuyo ang ulam natin" bulalas pa ni Nica na ikinatawa naman ni Laurence maging nang mga magulang nito. Nang mailapag na ang mga pinggan at kubyertos ay nagsimula na silang kumain. Tahimik nilang pinag saluhan ang pagkaing dala nang binatang si Laurence. Nang matapos na ang mga ito ay ang kambal na ang nag ligpit nang kanilang mga pinag kainan. Si Nica naman ang nakatukang mag hugas nang mga pinggan sa gabing iyon. Nasa labas naman nang bahay sandaling tumambay sina Azariah at Laurence pagkatapos kumain. Hindi naman gaanong ma dilim sa labas dahil sa maliwanag na sinag nang buwan. Medyo malamig din ang simoy nang hangin kaya naman magandang tumambay roon. "Laurence hindi ko alam kong papaano akong makaka bawi sa'yo sa lahat nang kabaitan na ipinakita mo sa pamilya ko" panimula ni Azariah habang pareho silang naka upo sa upoang naroon sa labas. Pinasadya iyon doon dahil sa mahilig na mag pahangin ang mag asawa at tumambay sa labas nang kanilang bahay habang sumisimsim nang kape. "Walang kaso iyan sa'kin Azariah, syempre bilang kaibigan mo nandito lamang ako handang tumulong sa'yo. Basta ba wag ka lang mahihiyang mag sabi sa'kin" anito habang tinatanaw ang ilang mga bata na kahit gabi na ay nag lalaro parin nang habolan ang mga ito. "Nakaka hiya naman kong parati mo na lamang akong tutulongan" natatawa pang ani Azariah. "Hindi ka dapat mahiya sa'kin, mas gusto ko ngang nakakatulong ako sa'yo kahit na sa simpleng bagay lamang" napangiti na lamang si Azariah sa sinabi nito. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Hanggang sa binasag iyon ni Laurence. Nang muli itong mag salita patungkol sa buhay may asawa ni Azariah. "Kamusta naman pala kayo nang asawa mo? hindi man lang ba siya dadalaw dito sa inyo?" Pag tatanong nito. Hindi naman kaagad na nakasagot si Azariah sa tanong nito. May lungkot na makikita sa mga mata niya. "Busy siya lagi sa trabaho kaya walang time iyon na pumunta dito" tanging sagot na lamang niya sa binata. "Kahit pa alam niya ang nangyayare ngayon sa pamilya mo?" Napangiti nang tipid si Azariah. Wala namang pakialam ang lalaki sa kaniya lalong lalo na sa pamilya niya. Ni hindi nga nito magawang mag bigay nang pera para sa pam bayad nang hospital. Pero kong maka suporta ito sa kabit nito ay palong palo. "Maiba tayo, bakit pala hanggang ngayon ay wala ka paring asawa? stable narin naman na ang buhay mo." Pag lilihis niya sa paksang kanilang pinag uusapan kanina. She doesn't want to talk more about her marriage life. Sumilay naman ang tipid na ngiti sa mga labi ni Laurence bago ito sumagot. "I am waiting for someone, that's why I remain single till now. Besides, masyado pa naman akong bata para mag settle down" anito na ikinatango na lamang ni Azariah. Sa bahagi nang utak niya ay nag uumukilkil ang katanongan kong sino nga ba ang ma swerteng babae na inaantay nito. "Sa bagay, ang swerte naman siguro nang mapangasawa mo pag nag kataon. Kasi lahat nang mga katangian na hinahanap nang mga babae parang na sa'yo na lahat. Mabait, maunawain, matulongin, mapag bigay, lahat na. kumbaga para sa'kin total package kana" she honestly said. Makahulogan namang napa titig kay Azariah si Laurence. Tila may gusto itong sabihin pero hindi nito ma gawang ibigkas kong ano man iyon. He was just staring at her intently. Dahil medyo mahamog na rin ay nag paalam na si Azariah na papasok na sa loob. Si Laurence naman ay nag paalam na din sa mga magulang ni Azariah na aalis na ito. Nag pasalamat pa ulit sa kaniya ang mga magulang nito dahil sa mga pagkaing dinala niya. Isang ngiti naman ang itinugon niya sa mga ito habang kumaway pa sandali bago tumalikod at umalis. Habang nag lalakad si Laurence patungo sa tinutuloyan niyang bahay na katapat nila mayor ay nakita niya pa na medyo may kasiyahan sa loob nang bahay nito. Marami kasi ang mga taong naroon at ilang sasakyan din na naka parada sa labas nang malaki nitong bahay. Hindi niya na sana iyon papansinin nang bigla namang lumabas si Mayor at kaagad siyang tinawag. "Laurence nandiyan kana pala, halika muna sa loob at may kaunti kaming salo salo. Birthday kasi ngayon nang aking may bahay" Sambit pa ni Mayor habang naka ngiti. Nag aalangan man ay lumapit doon si Laurence, kaagad naman siyang iginiya ni Mayor papasok sa malaki nitong bahay. Ipinakilala muna siya nito sa iilang mga bisita na naroon tanging ngiti lamang ang iginagawad niya sa mga ito. Kapag kuwan ay tinawag ni Mayor ang anak nitong si Ellen para pag silbihan si Laurence. Aalma pa sana ang binata pero agad na nag paalam ang mayor na asikasuhin pa muna nito ang ibang mga bisita na nag si datingan. Na roon ang dalawang mag asawa sa bukana nang pinto habang sinasalubong ang iilang nag dadatingang mga bisita nang mga ito. Kaagad namang ibinigay ni Ellen ang pinggan na nag lalaman nang samot-saring pagkain kay Laurence na nag aalangang tinanggap naman nang binata. Iginiya siya nito paupo sa isang bakanteng upoan pagkatapos ay umalis din naman ito agad. Tahimik na naupo doon si Laurence habang nag simula nang kumain. Kahit pa busog na busog na siya dahil katatapos lamang niyang kumain sa bahay nila Azariah. Pinipilit niya na lamang na ma ubos ang pagkaing ibinigay sa kaniya. Nakaka hiya naman kong tatanggihan niya iyon. Kapag kuwan ay lumapit si Ellen sa kinauupoan niya at tumabi roon may dala din itong pagkain. Medyo na ilang naman si Laurence sa presensya nang babae lalo nang maalala ang ginawa nito ka hapon. Pareho silang walang imik habang kumakain hanggang sa hindi na makatiis si Ellen at nag salita na ito. "Pasensya ka na nga pala sa ginawa ko kahapon ah? ugh, it was so embarassing really. I don't know what's gotten into my mind that time" Senserong turan nito habang naka tingin kay Laurence. "It's okay, I understand, but I hope it won't happen again" Kaagad namang sumilay ang ngiti sa mga labi nang dalaga at wala sa sariling niyakap si Laurence na bahagya pang nanigas sa kinauupoan. Hindi niya inaasahan ang gagawin nitong iyon. Kaagad din namang kumalas mula sa pagkakayakap si Ellen dito habang may ngiti parin sa mga labi. "Thank you so much! Laurence, I hope we could be good friends, if you don't mind" "Yeah, no problem" Sambit niya sa dalaga habang ipinag papatuloy na ang pagkain. "Umiinom ka ba? we have a lot of wine there. Gusto mo bang kumuha ako?" ani pa nang dalaga pero sunod sunod na umiling si Laurence. Hindi naman si hindi siya umiinom, ayaw niya lamang mag inom nang mga oras na 'yun at labis labis ding puno ang kaniyang tiyan dahil sa mga kinain. Wala namang nagawa si Ellen nang tumanggi si Laurence. Nag kwentuhan na lamang sila nito pagkatapos nilang kumain at hindi nag tagal ay nag paalam na rin si Laurence dito at kay Mayor na papanhik na siya.--- After 3 years ---"Uyy! Dela Vega, may dalaw ka." Anang pulis habang tinatanggal ang pagkaka kandado ng selda nila Damon. Si Damon na naka higa sa kaniyang higaan ay nag mamadaling tumayo. Bakas sa mukha ang tuwa ng marinig ang sinabi ng pulis na mayroon siyang dalaw. Kailan nga ba ang huling beses na may dumalaw sa kaniya? matagal-tagal narin iyon. Sino nga kaya ang dalaw niya. 'Sana isa kanila Edmond o Ciara.' bulong niya sa kaniyang sarili. Alam niyang hindi naging maganda ang relasyon nila ng pinsan niya mag mula ng maipakulong siya ni Patricia. Huling dalaw naman ni Ciara sa kaniya ay iyong mga panahong pinag tutulakan niya ito. Sa itinagal-tagal niya sa kulongan marami siyang na realize. Mga pagkaka mali niya, mga kasalanang na gawa niya sa mga taong malalapit sa kaniya lalo na sa mag ina niya. Sa matagal na panahong lumipas na hindi niya nakikita ang mga ito ay mas lalo siyang nananabik na muling masilayan ang kaniyang mag ina. "Sino po ang dalawa ko?" Tanong niya sa
Nang maka balik na sa cottage sina Azariah at Laurence ay na roon na rin ang mga magulang nito. Napag pasyahan muna nilang kumain. Medyo marami-rami rin ang mga pagkaing in-order ni Laurence. Pagkatapos nilang kumain ay nag simula ng maligo ang dalawang kambal. "Doon ka sa pam bata kasi hindi ka naman marunong lumangoy." Ani Nico sa kakambal niyang si Nica na may halo ng pang-aasar. Iningosan lamang ito ni Nica bago nag dadabog na nag lakad papunta sa swimming pool kong saan may iilang toddlers ang naliligo kasama ang kanilang mga magulang. Tatawa-tawa naman si Nico na nag lakad papunta sa adult part ng naturang swimming pool. Nilingon pa ito ni Nica pagkatapos ay siniringan niya ang kambal kahit na hindi naman ito naka tingin sa kaniya. Na roon siya gilid ng swimming pool na para sa mga bata lamang. Gusto niya na talagang maligo kaso nakakahiya naman siguro kong makikisali siya sa mga bata. She's already fifteen. Sa huli ay napapa buntong hininga siya na nag tungo parin doon. Baha
Nang sumapit ang umaga, maagang na gising si Laurence. Naupo siya sa malambot na kama. Nang tumingin siya sa kaniyang tabi ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi ng makitang mahimbing parin na natutulog ang kaniyang mahal na asawa. Sa tabi naman ng kama nila ay nakalagay ang isang crib kong saan mahimbing din na natutulog ang kanilang anak. Kay ganda lamang nilang pag masdan. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkaka upo. Inayos niya muna ang pagkaka kumot kay Azariah kapagkuwan ay nilapitan niya ang anak at ma suyog ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Ang cute naman ng baby, tulog na tulog parin ah" sambit niya pa habang may matamis na ngiting naka paskil sa kaniyang mga labi. Kapagkuwan lang ay lumabas siya sa kanilang silid at mabilis na nag tungo sa baba. Masyado pa namang maaga kaya naman lumabas muna siya ng bahay nila. Napag pasyahan niya na pumunta sa tabing dagat para mag abang ng mga mangingisda na dadaong sa mga oras na yun. Balak niyang bumili ng isda n
"Na ayos mo na ba lahat ng dadalhin?" Ani Azariah kay Laurence habang inilalagay nito ang kanilang mga gamit sa likod ng kotse. Siya naman ay kalong-kalong ang anak nila na mahimbing na natutulog. "Oo, sinigurado kong wala tayong naka limutan" sambit naman ni Laurence. "Rafael...yung isa ko pang maleta bitbitin mo" wika ni Cynthia sa asawa na nasa likuran naman nito bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang maleta. "Bakit naman kasi ang dami-dami mong dinalang gamit. Pwede namang iwanan na lamang tong iba rito" reklamo naman ni Rafael habang hila-hila ang malalaking maleta. Para tuloy silang mag a abroad sa lagay na 'yun. Kaagad namang tinulongan ni Laurence ang ama na ilagay ang mga gamit ng mga ito sa likod ng kotse. Kapagkuwan ay muling bumalik sa loob ng bahay si Rafael para kuhanin ang isa pang maleta. Napapa iling na lamang si Laurence habang naka ngiti.Kasi kahit na anong iutos ng ina nito sa kaniyang ama, mag reklamo man ito ay susunod parin ito. Matapos masigurong wala n
Abala si Azariah sa pamimili ng ilang mga groceries na dadalhin niya sa probinsya nila dalawang araw mula ngayon. Mag isa lamang siya na pumunta para mamili ng mga pasalubong. Marami pa kasing inaayos sa kompanya si Laurence para wala na itong aalalahanin pa kapag nag bakasyon sila sa Santa Monica. Nasa mga chips section na siya ng biglang may bumangga sa push cart niya. "Ayy...sorry, hindi kasi ako tumitingin sa---" Napahinto sa pag sasalita ang babae ng mag tama ang kanilang mga mata. Hindi naman sukat akalain ni Azariah na mag ko cross ang landas nila doon. "Ciara?" Sambit niya sa pangalan nito. Ngumiti naman ang babae ngunit halata sa mukha nito ang pagka ilang. "Kamusta?" Sambit niya pa sa babae. "O-okay lang naman, ikaw kamusta? mukhang nasa maayos kanang kalagayan ngayon" aniya na para bang ang awkward niyon sabihin matapos ng mga ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit wala na rin naman iyon kay Azariah. Matagal na yun and she already moved on. Napa tawad niya narin naman ang
Halos magka sabay lang na dumating sa presento ang patrol car ng nga pulis at ang sasakyan nila Edmond. Hila-hila ng mga pulis ang lalaki at si Damon papasok sa loob ng presento. Sa interrogation room kong saan ay na roon ang lalaki. Naka upo ito sa plastic na upoan, naka tungo ang ulo habang naka posas naman ang mga kamay nito. "Sino ang nasa likod ng pang ho hostage mo sa nag iisang anak ng mga Dela Vega?" Ma riing tanong ng pulis sa lalaki. "Hindi niyo ako mapapa amin" ma tigas na Saad ng lalaki habang naka tungo parin. Nagkatinginan naman ang mga pulis na naroon habang sina Patricia naman at Edmond ay nasa tabi lamang at tahimik na pinag mamasdan kong papaanong paaminin ng mga pulis ang lalaki sa kong sino ang master mind sa pag dukot kay Damon at kong ano ang motibo ng mga ito para gawin iyon. "Mag sasalita ka ba o hindi, kahit hindi ka mag salita makukulong ka parin" Sambit ng pulis. "Edi ikulong ninyo, wala kayong makukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko sasabihin kong sino a
Kumikislap ang mga mata ni Laurence at matamis ang ngiti habang naka tingin sa maliit na sanggol na lalaki na kalong-kalong niya sa kaniyang braso. Masuyo nitong hinimas ang maliit na ulo ng sanggol. Matangos ang ilong nito at may natural na mapupulang labi."Ang gwapo naman ng baby na 'yan" masaya namang saad ng ina nito habang marahang kinukurot ang pisngi ng sanggol na mamula-mula pa ang balat. "Syempre naman mom, nag mana yata sa'kin to, gwapo din" ani Laurence na natatawa. Kaya natawa nalang din ang asawa at ang ina nito. "Hello, baby...ka mukha mo ang Daddy" naka ngiting ani Laurence habang nilalaro ang maliliit na daliri ng sanggol. Ngumiti naman ito kaya mas lalo siyang ng gigil lalo pa ng makitang may biloy ito sa magka bilang pisngi. "Hmm...'yan talaga ang napaka unfair ano? yung tipong tayo ang nag dala ng siyam na buwan tapos pag labas kamukha lang ng mga asawa natin" Kunwari ay inis na sambit ng ina ni Laurence na ikina tawa naman ni Azariah. "Oo nga po mom, subrang unf
Pagkarating nila sa hospital ay kaagad na binuhat papasok si Ciara ng driver na sinakyan nila. Kaagad naman din silang inasikaso ng mga nurses na naroon. Namimilipit na sa subrang sakit si Ciara ng ipasok siya ng mga ito sa Emergency Room. "Na kilala mo ba kong sino ang lalaki?" Tanong ni Patricia kay Edmond ng ikwento nito ang nangyare sa bahay nila kahapon. Hindi niya alam kong nakuha ba ng lalaking yun ang pinsan niya. "Hindi eh, ano sa palagay mo...may kaugnayan ba ang lalaking iyun tungkol sa nangyare kay Damon dati" "Siguro, baka napag alaman na nilang buhay ang pinsan mo at bigla siyang binalikan... para tuloyang burahin sa mundo" giit naman ni Patricia. "Mukhang may taong malaki ang galit sa pinsan mo" dagdag pa nito. "Ewan ko...na saan na kaya yun ngayon" Sa isang lumang bahay na malayo sa lungsod ay doon dinala si Damon ng lalaki. Hinila siya nito pababa ng sasakyan at itinulak sa isang maalikabok na sulok. Kaagad namang naka singhot ng alikabok si Damon bagay na ikina
"Nay, Tay. Mag iingat po kayo " naluluhang ani Azariah sa kaniyang mga magulang habang nasa labas sila ng airport. Ngayong araw kasi ay uuwi na ang mga ito sa Santa Monica dahil kailangan na ring mag enroll ng kambal. Ilang araw na lamang ay mag papasukan na at kailangan nilang humabol. Hindi naman napigilan ng ina ni Azariah ang maiyak dahil uuwi na sila at magkaka hiwalay na naman. Ilang buwan pa ang bibilangin bago sila muling magkita. "Kayo rin anak, mag iingat kayo" madamdaming Sambit nito habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pag bagsak. "Nay, naman bakit kayo umiiyak? na iiyak na rin tuloy ako" ani Azariah habang nag sisimula na ring manubig ang gilid ng kaniyang mga mata. Muli silang nag yakapan hanggang sa bumitaw na ang mga ito para pumasok sa loob. "Sige na po nay, tay baka ma Iwan kayo ng flight ninyo" Ani Azariah habang nag pupunas ng luha. Yumakap naman ang kambal sa kaniya, pati ang mga ito ay naiiyak na rin. "Ma mi miss ka namin ate" Sambit ni Nico. "M