I can’t believe this…
Mabilis na inisa-isa ni Yuan ang laman ng malaking baul sa kaniyang harapan. Iniwan sa kaniya iyon ni Sebastian, isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan mula pa pagkabata. Namulatan nilang lima na si Lola Paz ang tagapag-alaga nila. Ang akala nila noon ay totoong lola nila ito, pero nagtaka sila kung bakit hindi raw sila magkakapatid o magpipinsan na lima.
Nalaman nila noong iniwan sila ni Lola Paz kay Doña Leonora. Later on, they all found out that all of their mothers used to work for a strip joint Lola Paz owned. Ipinagkatiwala silang magkakaibigan ni Lola Paz sa pilantropong si Doña Leonora nang malaman nitong may taning na ang buhay nito.
Wala siyang sama ng loob kay Lola Paz. Ni minsan ay hindi siya nagalit dito sa kaalamang dito nagtrabaho ang kaniyang ina. Wala rin siyang sama ng loob sa kaniyang ina, bagaman may punto sa buhay niya na parang nahiya siya sa katotohanang isa itong kalapating mababa ang lipad. Marahil, lahat ng tulad niya ay makakadama rin ng ganoon.
But he was way past that stage already. Ang mga hinaing niya sa buhay ay nawala na nang tumanda na siya at nagkaedad. Siyempre, hindi niya maaaring dibdibin ang mga bagay na hindi niya hawak. That would be foolish.
And so he grew up in Doña Leonora’s care. Nakapag-aral siya, nabigyan ng magandang buhay. Sino ang mag-aakalang ang isang batang nabuo sa Subic mula sa isang Amerikano daw na ama at isang inang mababa ang lipad ay isa na ngayong multimilyornaryo? Yes, he was a multimillionaire. Marami siyang negosyo na pinangangasiwaan. And he was proud of what he had become.
Holy shit… Sebastian really worked on this thing…
Parang nabuhay ang kaniyang dugo sa nakikita niya. Sa loob ng baul ay naroon ang lahat ng kakailanganin ng isang treasure hunter upang matagpuan ang kayamanang nanakaw mahigit labinlimang taon na ang nakararaan. Kung tama ang pagkakatanda niya ay limampung milyones ang halaga ng diyamanteng nanakaw noon. Ngayon ay tiyak na times fives na ang halaga niyon o higit pa.
Noong nasa piling pa silang magkakaibigan ni Lola Paz ay nabalita pa sa TV ang pagkawala ng mga diyamante ng isang alaherang Intsik. Ninakaw iyon ng isang hindi nakilalang lalaking sakay lamang ng isang motorsiklo. Ngunit naaksidente ito. Ang motor ay natagpuan malapit sa paanan ng bundok ng isang lalaking nangunguha ng kabuteng pangkain. At iyon na ang huling natandaan niya tungkol sa bagay na iyon.
But Sebastian did his research. An impressive one! Bakit hindi? Lahat ay detalyado. At heto na nga iyon. Ang lahat ng news clippings na may kinalaman o posibleng may kinalaman sa pangyayari ay nasaliksik nito. Lumalabas sa mga nasaliksik nito, bagaman isang bagay na hindi sigurado, ay nananatili pa rin sa isang bahagi ng bundok ang diyamante.
Kompleto ang research ni Sebastian. Marahil, kung hindi lamang ito pumanaw ay ito mismo ang hahanap sa mga diyamante. But Sebastian died a month ago unfortunately. Ibinigay nito ang pangangalaga sa tatlong nobya nito sa tatlong kaibigan nila, habang ang impormasyong alam niyang hindi birong hanapin ay sa kaniya nito inihabilin, to his surprise.
When they were much younger, they made a pact to find the diamonds. Siyempre, sa pagdaan ng panahon ay nalimot na nila iyon, maliban na lamang kay Sebastian. Sa dami ng ginagawa nito ay nakuha pa pala nitong magresearch ng tungkol doon. At hanga siya sa kaniyang kaibigan, sa dami ng nalaman nito tungkol sa bagay na iyon. Mag-isa lang nitong sinaliksik ang mga kaalaman tungkol sa nawawalang diyamante. Sayang nga lang at pumanaw agad ito, natitiyak niyang malapit na nitong matagpuan sana ang nasabing kayamanan. At dahil doon ay lalong sumidhi ang pananabik niyang matagpuan ang mga iyon bilang tribute sa kaniyang kaibigan na nagpakahirap na matunton iyon sa tagal ng panahon na iyon ay nawala.
Ayon sa file na nasa baul ay inisa-isa ni Sebastian ang mga kilalang jewelry collectors sa Pilipinas para sa mga diyamante. Wala ang mga iyon sa mga collectors. The rare diamond was also missing, had been missing since. Mula rin sa research ni Sebastian ay tatlong lalaki ang pinaghihinalaan nitong magnanakaw. Ang unang dalawang larawan ay may sulat-kamay si Sebastian na: cleared. Ibig sabihin ay iisa na lamang ang posibleng nagnakaw ng mga diyamante, isang ex-military man na Jonel Nuezca ang pangalan.
According to the files, that man never came back to his family when he left. It meant that he really could be the thief. And he could still be in the woods, dead, with the diamonds.
“This is amazing,” nasambit niya. He was hyper now. Matagal na niyang hindi nadarama ang ganoong uri ng excitement. It was like being a kid again. Iyon ang klase ng high na hinahanap-hanap niya sa matagal na panahon.
Sa ilang panahon na ngayon, pakiramdam niya ay may malaking puwang ang kaniyang buhay. It seemed like there was no challenge anymore. Ni wala siyang nagiging problema. He was healthy, he was wealthy, he was bored. Ang tanging challenge niya ang mai-date muli si Congresswoman Tiffany Amores, isang babaeng mailap sa kaniya. But this challenge was something else. This was going to be one heck of an adventure.
Ilang buwan niyang pinag-aralan ang mga pagsasaliksik ni Sebastian at kinumpirma niya ang mga detalyeng naiwan pa nitong nakabukas. Mientras tumatakbo ang panahon at lumalalim ang imbestigasyon niya ay naiisip niyang marahil ay makikita pa niya ang diyamante. Malakas ang kutob niya na wala pang kahit sino ang nakakahanap roon. At isipin pa lamang na siya ang makakatagpo sa mga diyamante ay kakaibang excitement ang kaniyang nadarama.
Hindi mahalaga sa kaniya ang halaga ng mga diyamante. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay ang makita niya iyon at maibalik sa tunay na nagmamay-ari niyon. Kung mangyayari iyon ay labis siyang matutuwa. It would be awesome to find out about the mystery of the stolen diamonds.
Tatlong na buwan mula nang maipasa sa kaniya ang baul ay naghanda siya para sa isang treasure hunt. He was so damned excited he found it hard to breathe.
NAKAPALIGO at nakapagpalit na ng kaniyang damit si Pamela. Naroon sila ni Yuan sa mismong bahay ng gobernador ng probinsiya nila. May isang silid itong inilaan para sa kaniya. Mayroong mga damit doon na kasya sa kaniya. Halos mag-uumaga na at nakahiga pa rin siya. Katabi ng inookupahan niyang silid ang kinaroroonang silid ni Yuan. Nang makarating sila sa bahay ng gobernador ay asikasung-asikaso sila ng mga kawaksi niyo. Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing makakatapak siya sa ganoong kagandang bahay nito. Mistula iyong isang mansiyon sa sobrang laki at napakagara. Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang naturang gobernador. Minsan lamang niyang nakita ito, noong panahon ng pangangampanya nito noong nakanoong nakaraang eleksiyon. Dala ng sobrang pagod ay nakatulog siya. Isang marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang nakapagpagising sa kaniya. Aandap-andap siyang bumangon para pagbuksan ng pintuan kung sino man iyong kumakatok doon. Isang unipormadong kawa
Pagtingin uli ni Pamela sa sasakyan ay kitang-kita niya kung paanong naitutok ng pulis na kinagat niya kanna ang baril nito kay Yuan. Tumalon ito sa gawi niya. Pinaputukan sila ng pulis. Ang isa pang pulis ay nakahandusay sa likod ng sasakyan. Nakaupo sa lupa na napaatras siya gamit ang mga paa at kamay niya. Tumayong muli si Yuan. Marahil ay napansin nitong tinatangka nang kunin ng pulis na binugbog nito ang baril nito. “Yuan!” Ngunit tila hindi siya nito narinig. Tila ang pakay nito ay ang makuha ang baril ng pulis na binugbog nito. “Yuan, ‘yong isa!” Mabilis siyang tumayo upang hilahin sana ito ngunit hindi na niya naigalaw ang kaniyang kamay nang may maramdamang napakainit na sakit doon. Parang may patpat na plantsang bumaon sa katawan niya. Bumigay ang mga tuhod niya. Nakarinig siya ng putok ng baril. Sinubukan niyang gumalaw uli, umatras uli, ngunit hirap siyang kumilos sa sakit. Nanatili lamang siyang nakahiga sa lupa, wala nang malinaw na paksang tumak
ALAM ni Pamela na palapit na ang motorsiklo base sa tunog niyon. Sa kaniyang pagkataranta ay nadapa siya. Agad naman siyang binuhat ni Yuan. Hindi alintana nito na mabigat siya. Nagpatuloy ito sa pagtakbo habang pasan-pasan siya nito sa balikat nito na animo sako ng uling. Napausal siya ng pasasalamat nang makarating sila sa bandang masukal na. Doon ay ibinaba na siya ni Yuan. “We need to get out of here as quickly as possible.” “Tara na!” Pinagpatuloy nila ang kanilang pagtakbo. Makalipas ang ilang sandali ay hinawakan ni Yuan ang braso niya. “Tama na. Wala na sila.” “Sigurado ka ba?” Akmang pinakinggan nito ang paligid. “Wala nang tunog ng motorsiklo. Pero alam kong susundan nila tayo.” “Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?” Mabibilis pa rin ang ginawa nilang paghakbang. Mabuti na lamang at alam niya ang shortcut doon. Medyo matarik din ang kanilang dinaanan hoping na hindi sila matunton ng motorsiklong humahabol sa kanila kanina. Subalit alam n
NAKARINIG ng sipol sina Pamela at Yuan. Halos sabay silang nagkubli paupo sa mga pananim nang di sinasadyang mapatingin sa gawi nila ang isang armadong lalaki. Marahil ay kasamahan ito ng taong narinig nilang sumipol kanina. Makailang saglit ay nakarinig sila nang nagsalita. “Tapos ka na umebak?” Bahagya iyong sinilip ni Pamela sa sobrang kuryosidad na kaniyang nadarama. Ang sumunod na narinig nila ay puro tawanan. Mayamaya ay hinila siyang paupo ni Yuan at sumenyas ito na tumahimik siya na siya naman niyang ginawa. Subalit sumenyas rin siya rito upang sabihin na dalawang lalaking armado ang nakita niya. Napakunot-noo si Yuan. Saka pabulong na nagwika. “Kailangan ay makapasok tayo sa bahay na iyon.” Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng isang bahay na siyang tinutukoy nito. “Nababaliw ka na ba?” “Ssh.” Ito naman ang nagtangkang sumilip sa direksyon ng dalawang lalaki. Makailang sandali ay muli itong bumalik sa kanilang pinagkukublihan. “Doon sila nagt
“I HAVE been confused many times but this is it. This is it, Pam!” “Anong ‘this is it’?” nagugulumihanang tanong ni Pamela kay Yuan nang balingan niya ito. Nakatingin ito sa isang puno na may mga nakaukit. Napukaw ang kaniyang atensiyon nang mapansin niya ang mga nakaukit sa mga puno—sa bandang ilalim ng mga iyon—na sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ng ordinaryong mata dahil nga nasa bandang ilalim ng puno. Base sa pagkakaukit ay sobrang tagal na iyon. Sa malalaking puno ay puro ganoon ang makikita sa bandang ilalim ng mga iyon. Sa unang tingin ay hindi talaga mapapansin ang mga nakaukit na iyon dahil bukod sa parang nakatago sa bandang ilalim ng mga puno ay mukhang wala namang ibig sabihin ang mga iyon, puro lamang tuldok at maiikling guhit ang nakaukit sa bawat puno. Pero mukhang ang mga iyon nga ang hinahanap ni Yuan. “This is the next clue that I have been looking for how many days.” “Ano ba ang ibig sabihin ng mga ‘yan?” usisa niya, dahil wala talaga si
DAMN it! I am trying to seduce her! Hindi na maikaila ni Yuan ang bagay na iyon sa kaniyang sarili. There he was, making his move on the lady. Hindi ito ang tipo ng babaeng pinopormahan niya. Sa katunayan ay napakalayo nito sa ganoon, pero hayun siya. He did not even care that she was not his type per se. As far as he was concerned, he had been longing to kiss this woman for the past days and he could no longer resist the temptation. Mientras tumatagal ay parang lalong nagiging challenge iyon sa kaniya. Bahagyang idinaiti niya ang kaniyng ilong sa buhok ni Pamela at sinamyo iyon. She smelled of the forest. He was already having an erection. Mula nang makita niya ang katawan nito noong minsang naabutan niya itong naliligo sa may batis ay hindi na iyon nawala sa isipan niya. Napanaginipan pa nga niya ito sa dalawang magkasunod na gabi. Ganoon ang eksena, katulad noong makita niya itong naliligo sa may batis. Ang tanging kaibahan lamang, sa halip na takpan nito ang katawan