Share

The Passionate Hunter
The Passionate Hunter
Penulis: Ellie Kim

Prologue

Penulis: Ellie Kim
last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-26 18:39:09

ANAK ng tokwa! Pesteng buhay talaga ito,oo… sa isip-isip ni Pamela habang naglalakad pauwi sa inuupahan niyang silid. Mukhang inabot na naman siya ng kamalasan. Gaga, ipinanganak kang kakambal ang malas, hindi ba?

     Masama ang loob niya. Kahit siguro sino ang lumagay sa katayuan niya ay sasama rin ang kalooban sa tadhana. Para bang wala na siyang ginawang tama sa buhay niya kaya pinarusahan siya ng ganoon. Mukhang sa susunod na linggo ay mapapaalis na siya ng landlady niya. Hindi na siya nakakabayad ng upa gayong kalilipat-lipat pa lamang niya roon.

     Isa siyang kahera sa isang kainan sa bayan na iyon. Ngunit isang linggo pa lang siya sa trabaho ay sinesante na siya. Pinagbayad pa siya ng malaking halaga dahil sa pagkawala ng pera sa kaha. Sa madaling sabi, nawalan na siya ng trabaho ay may utang pa siya.

Bago siya maging kahera ay isa siyang tindera. Nag-resign siya dahil bigla na lamang hinipo ang kaniyang p***t ng asawa ng amo niya. Ang perang sinuweldo niya sa unang trabaho niya ay nalaglag mula sa kaniyang bulsa. Nawala nang ganoon na lamang. Nagtataka siya kung bakit nawala iyon gayong napakalalim naman ng bulsa niya. Ibig sabihin lamang niyon ay talagang malas siya.

     Marahil ay talagang galit sa kaniya ang kaniyang ina noong ipinanganak siya nito. Iyon kasi ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Tatay Estong, ang matandang Dumagat na nagpalaki sa kaniya na itinatwa ng sarili nitong mga ka-tribu kaya napilitang sa ibang bahagi manirahan.

     Ang sabi nito sa kaniya ay natagpuan daw siya nito sa tabing-kalsada na tanging lampin ang suot. Kinupkop daw siya nito sapagkat naisip nitong wala na rin itong makakasama sa buhay. Nanirahan sila sa loob ng kagubatan. Pero hindi siya nagpapasalamat kay Tatay Estong sapagkat masama rin ang ugali nito.

     Hindi na siya nagtaka na itinatwa ito ng mga kasamahan at kamag-anak nito. Napakatamad nito. Namulatan na niya ang mabibigat na trabaho sa gubat. Tinuruan siya nitong mangaso, itinuro din ang lahat ng gamot sa gubat na puwedeng gamitin sa mga karamdaman, saka ibebenta sa palengke. Tinuruan siya nito ng maraming bagay, ngunit hindi bilang pagpapasa ng kaalaman kundi upang gawin siyang tagapaghanap-buhay nito.

     Pinag-aral siya nito, in fairness sa hukluban, pero hanggang grade six lamang. Hindi na siya pinahintulutang makatuntong man lang ng high school. Tama na raw na marunong siyang bumasa at sumulat nang hindi siya nalalamangan sa bentahan nila ng mga yamang-gubat.

     Mula noong makapagtapos siya ng elementarya ay siya na ang bumuhay sa matanda. Ang lahat ng inaangkat ay siya ang kumukuha at siya rin ang nagluluwas sa palengke. Kailangan niyang gawin iyon sa mabilis na oras dahil kailangan pa niyang asikasuhin ang matanda.

     Ang hindi kalakihang kita at kulang na kulang sa gusto nitong bilhin niya ay literal na isinasampal nito sa kaniyang mukha kapag masyadong maliit. Pinagbibintangan pa siya nitong ‘nangungupit’. Ang totoo ay talagang nangungupit siya pero hindi niya itinuturing iyon na pagnanakaw dahil siya ang humahanap ng pera, siya ang nagpapakahirap kumita ng pera. Paano niya kukupitan ang sarili niya?

     Ang bilin sa kaniya sa tuwina ng matanda ay isang dosenang bote ng gin at de-lata. Araw-gabi, iyon ang kapiling nito. Kahit madaling-araw, maririnig niya itong lasing na kumakantang mag-isa sa silid nito. At sa paggising nito, kapag walang nakahandang pagkain sa hapag ay pinagsasalitaan siya nito ng masasakit. Ang lahat ng ‘ginawa’ nito sa kaniya ay isinusumbat nito sa kaniya.

     Sa totoo lang, marami na siyang galos dahil sa matandang iyon. Hindi naman madalas ang pananakit nito sa kaniya pero parati itong mabunganga. Minsan kada buwan ay nagtutungo ito sa bayan upang mambabae. Kailangan niyang bigyan ito ng pang-tip sa mga belyas nito, kung hindi ay tatadyakan siya nito. Kaya siguro hindi na siya lumaki ay dahil laki siya sa gulpi.

Hindi lamang niya maiwan ang matanda dahil naaawa rin siya rito kahit paano. Sa katunayan, kung hindi lang dahil sa sinasabi nitong ‘pangungupit’ niya, marahil hanggang ngayon ay sa gubat pa rin ito nakatira. Dahil sa kaniya ay nakapagpatayo sila ng maliit na barungbarong. Tagpi-tagpi man ang bubong niyon at segunda mano ang mga kahoy ay disente na ring tingnan iyon, malapit pa sa center na sa tingin niya ay makakabuti kay Tatay Estong dahil parati itong d*******g ng pananakit ng katawan.

     Pero pinalayas na siya nito noong huling pagbuhatan siya nito ng kamay. Ang lahat ng sumbat nito ay ibinalik niya rito. Galit na galit ito sa kaniya at sinabing lumayas na siya dahil isa siyang walang utang-na-loob na ampon. Matigas daw ang ulo niya at isa siyang walanghiya.

     Umalis na nga siya, bagaman paminsan-minsan ay pinapakamusta niya ito sa kaibigan niya. Baka bigla na lamang itong makaisip ng kung ano, kargo pa ng konsiyensiya niya. Plano nga sana niyang abutan ito kahit paano, pero paano niya gagawin iyon sa sitwasyon niya ngayon?

     Parang natutukso na nga siyang pumasok sa beerhouse dahil wala siyang makitang matinong trabaho. Ayaw na niyang bumalik sa dati niyang ginagawang pagtitinda ng mga pananim niya. Walang mangyayari sa kaniya sa ganoong buhay. Una, hindi naman kanila ang gubat. Pangalawa, anong klaseng buhay iyon?

     Ayaw niyang tumandang wala man lang narating. Gustung-gusto niyang makapag-aral. Sabik na sabik siya sa kaalaman. Kaya naman tuwing may extra na kita siya ay bumibili siya ng mga libro at magazines para basahin at pag-aralan. Balak niya kapag nakaluwag-luwag na siya ay mag-e-enrol siya sa ALS o Alternative Learning System nang sa gayon ay madagdagan ang kaniyang kaalaman. Mayroon din siyang librong pang-high school. Nagse-self study siya kahit hirap na hirap siya.

     Ngayon, kung hindi siya isinilang na may kakambal na kamalasan ay ano ang tawag sa kaniya?

     “Uy,” nasambit niya nang makakita siya ng piso sa daan. Ibinulsa niya iyon. Ilang libong ganoon pa at pansamantala nang masosolusyunan ang kaniyang problema. Ang kaso, kahit hanggang Maynila ang lakarin niya, malamang na wala siyang mapulot na ganoon karaming barya.

     Tumambay muna siya sa isang sari-sari store sa may kanto. Nang sa tingin niya ay tulog na ang kaniyang kasera ay saka siya umuwi. Parang gusto niyang umatras nang may makita siyang pigura sa tapat ng inuupahan niyang silid. Napansin niyang malaking piguro iyon. Diyos ko, baka pulis. Baka ipinapulis na ako ng kasera ko. Bad trip!

     Mukhang nakita na siya ng taong iyon. Tumayo ito. Akmang tatalikod na siya nang tawagin nito ang pangalan niya. “Pam?”

     Natigilan siya. Hindi ‘Pam’ ang tawag sa kaniya ng marami kundi ‘Pamela’. Si Tatay Estong lang ang tumatawag sa kaniya ng ‘Pamela.’ Ang totoo, kahit ano ang pangalan niya ay okay lang, dahil wala siyang birth certificate. Kaya lang siya nakapasok sa eskuwelahan ay dahil sa pakiusap noon ni Tatay Estong. Hindi pa rin niya nakukuha ang kaniyang record sa paaralang kaniyang pinasukan dahil wala siyang birth certificate na maipakita.

     Nang ganap nang makalapit sa kaniya ang di nakikilalang lalaki ay halos matulala siya. Ang laking lalaki nito at ang guwapo. Kulay-asul ang mga mata nito. Mukhang hindi ito isang Pilipino dahil sa mga matang iyon at sa tangkad nito bagaman ang ibang katangian nito ay parang sa Pilipino. Ano ang kailangan nito sa kaniya? Naisip niyang baka sineryoso ng kaibigan niya sa tindahan ang sinabi niyang gusto na niyang pasukin ang bagong mundo nito—ang pagiging GRO. Baka ipinadala sa kaniya ang mukhang imported na ito.                           

               

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Passionate Hunter   Chapter 18

    NAKAPALIGO at nakapagpalit na ng kaniyang damit si Pamela. Naroon sila ni Yuan sa mismong bahay ng gobernador ng probinsiya nila. May isang silid itong inilaan para sa kaniya. Mayroong mga damit doon na kasya sa kaniya. Halos mag-uumaga na at nakahiga pa rin siya. Katabi ng inookupahan niyang silid ang kinaroroonang silid ni Yuan. Nang makarating sila sa bahay ng gobernador ay asikasung-asikaso sila ng mga kawaksi niyo. Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing makakatapak siya sa ganoong kagandang bahay nito. Mistula iyong isang mansiyon sa sobrang laki at napakagara. Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang naturang gobernador. Minsan lamang niyang nakita ito, noong panahon ng pangangampanya nito noong nakanoong nakaraang eleksiyon. Dala ng sobrang pagod ay nakatulog siya. Isang marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang nakapagpagising sa kaniya. Aandap-andap siyang bumangon para pagbuksan ng pintuan kung sino man iyong kumakatok doon. Isang unipormadong kawa

  • The Passionate Hunter   Chapter 17

    Pagtingin uli ni Pamela sa sasakyan ay kitang-kita niya kung paanong naitutok ng pulis na kinagat niya kanna ang baril nito kay Yuan. Tumalon ito sa gawi niya. Pinaputukan sila ng pulis. Ang isa pang pulis ay nakahandusay sa likod ng sasakyan. Nakaupo sa lupa na napaatras siya gamit ang mga paa at kamay niya. Tumayong muli si Yuan. Marahil ay napansin nitong tinatangka nang kunin ng pulis na binugbog nito ang baril nito. “Yuan!” Ngunit tila hindi siya nito narinig. Tila ang pakay nito ay ang makuha ang baril ng pulis na binugbog nito. “Yuan, ‘yong isa!” Mabilis siyang tumayo upang hilahin sana ito ngunit hindi na niya naigalaw ang kaniyang kamay nang may maramdamang napakainit na sakit doon. Parang may patpat na plantsang bumaon sa katawan niya. Bumigay ang mga tuhod niya. Nakarinig siya ng putok ng baril. Sinubukan niyang gumalaw uli, umatras uli, ngunit hirap siyang kumilos sa sakit. Nanatili lamang siyang nakahiga sa lupa, wala nang malinaw na paksang tumak

  • The Passionate Hunter   Chapter 16

    ALAM ni Pamela na palapit na ang motorsiklo base sa tunog niyon. Sa kaniyang pagkataranta ay nadapa siya. Agad naman siyang binuhat ni Yuan. Hindi alintana nito na mabigat siya. Nagpatuloy ito sa pagtakbo habang pasan-pasan siya nito sa balikat nito na animo sako ng uling. Napausal siya ng pasasalamat nang makarating sila sa bandang masukal na. Doon ay ibinaba na siya ni Yuan. “We need to get out of here as quickly as possible.” “Tara na!” Pinagpatuloy nila ang kanilang pagtakbo. Makalipas ang ilang sandali ay hinawakan ni Yuan ang braso niya. “Tama na. Wala na sila.” “Sigurado ka ba?” Akmang pinakinggan nito ang paligid. “Wala nang tunog ng motorsiklo. Pero alam kong susundan nila tayo.” “Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?” Mabibilis pa rin ang ginawa nilang paghakbang. Mabuti na lamang at alam niya ang shortcut doon. Medyo matarik din ang kanilang dinaanan hoping na hindi sila matunton ng motorsiklong humahabol sa kanila kanina. Subalit alam n

  • The Passionate Hunter   Chapter 15

    NAKARINIG ng sipol sina Pamela at Yuan. Halos sabay silang nagkubli paupo sa mga pananim nang di sinasadyang mapatingin sa gawi nila ang isang armadong lalaki. Marahil ay kasamahan ito ng taong narinig nilang sumipol kanina. Makailang saglit ay nakarinig sila nang nagsalita. “Tapos ka na umebak?” Bahagya iyong sinilip ni Pamela sa sobrang kuryosidad na kaniyang nadarama. Ang sumunod na narinig nila ay puro tawanan. Mayamaya ay hinila siyang paupo ni Yuan at sumenyas ito na tumahimik siya na siya naman niyang ginawa. Subalit sumenyas rin siya rito upang sabihin na dalawang lalaking armado ang nakita niya. Napakunot-noo si Yuan. Saka pabulong na nagwika. “Kailangan ay makapasok tayo sa bahay na iyon.” Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng isang bahay na siyang tinutukoy nito. “Nababaliw ka na ba?” “Ssh.” Ito naman ang nagtangkang sumilip sa direksyon ng dalawang lalaki. Makailang sandali ay muli itong bumalik sa kanilang pinagkukublihan. “Doon sila nagt

  • The Passionate Hunter   Chapter 14

    “I HAVE been confused many times but this is it. This is it, Pam!” “Anong ‘this is it’?” nagugulumihanang tanong ni Pamela kay Yuan nang balingan niya ito. Nakatingin ito sa isang puno na may mga nakaukit. Napukaw ang kaniyang atensiyon nang mapansin niya ang mga nakaukit sa mga puno—sa bandang ilalim ng mga iyon—na sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ng ordinaryong mata dahil nga nasa bandang ilalim ng puno. Base sa pagkakaukit ay sobrang tagal na iyon. Sa malalaking puno ay puro ganoon ang makikita sa bandang ilalim ng mga iyon. Sa unang tingin ay hindi talaga mapapansin ang mga nakaukit na iyon dahil bukod sa parang nakatago sa bandang ilalim ng mga puno ay mukhang wala namang ibig sabihin ang mga iyon, puro lamang tuldok at maiikling guhit ang nakaukit sa bawat puno. Pero mukhang ang mga iyon nga ang hinahanap ni Yuan. “This is the next clue that I have been looking for how many days.” “Ano ba ang ibig sabihin ng mga ‘yan?” usisa niya, dahil wala talaga si

  • The Passionate Hunter   Chapter 13

    DAMN it! I am trying to seduce her! Hindi na maikaila ni Yuan ang bagay na iyon sa kaniyang sarili. There he was, making his move on the lady. Hindi ito ang tipo ng babaeng pinopormahan niya. Sa katunayan ay napakalayo nito sa ganoon, pero hayun siya. He did not even care that she was not his type per se. As far as he was concerned, he had been longing to kiss this woman for the past days and he could no longer resist the temptation. Mientras tumatagal ay parang lalong nagiging challenge iyon sa kaniya. Bahagyang idinaiti niya ang kaniyng ilong sa buhok ni Pamela at sinamyo iyon. She smelled of the forest. He was already having an erection. Mula nang makita niya ang katawan nito noong minsang naabutan niya itong naliligo sa may batis ay hindi na iyon nawala sa isipan niya. Napanaginipan pa nga niya ito sa dalawang magkasunod na gabi. Ganoon ang eksena, katulad noong makita niya itong naliligo sa may batis. Ang tanging kaibahan lamang, sa halip na takpan nito ang katawan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status