The Passionate Hunter

The Passionate Hunter

last updateLast Updated : 2022-07-26
By:  Ellie Kim  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
19Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Kinailangan ni Yuan ang tulong ni Pamela dahil tanging ito lamang ang nakakaalam ng pasikut-sikot bundok na ibig niyang akyatin. Noong una ay duda pa siya sa motibo ng lalaki pero kalaunan ay napapayag siya nitong maging guide. May hinahanap ito ngunit hindi nito sinasabi sa kaniya kung ano iyon. Inis siya kay Yuan ngunit sa kalaunan ay nahulog ang loob niya rito, lalo na nang sabihin nito sa kaniyang maganda siya. Wala pang nagsasabi ng ganoon sa kaniya dahil baguhan siya sa larangan ng purihan at bolahan. Ang munting paglalakbay nila ay nauwi sa sandamakmak na peligro. Lalo tuloy silang naging malapit sa isa’t isa… Hanggang sa dalhin siya nito sa Maynila. Pero pagdating nila roon, tila hindi na ito nagagandahan sa kaniya. Pangkabundukan lang yata ang kaniyang alindog.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

ANAK ng tokwa! Pesteng buhay talaga ito,oo… sa isip-isip ni Pamela habang naglalakad pauwi sa inuupahan niyang silid. Mukhang inabot na naman siya ng kamalasan. Gaga, ipinanganak kang kakambal ang malas, hindi ba? Masama ang loob niya. Kahit siguro sino ang lumagay sa katayuan niya ay sasama rin ang kalooban sa tadhana. Para bang wala na siyang ginawang tama sa buhay niya kaya pinarusahan siya ng ganoon. Mukhang sa susunod na linggo ay mapapaalis na siya ng landlady niya. Hindi na siya nakakabayad ng upa gayong kalilipat-lipat pa lamang niya roon. Isa siyang kahera sa isang kainan sa bayan na iyon. Ngunit isang linggo pa lang siya sa trabaho ay sinesante na siya. Pinagbayad pa siya ng malaking halaga dahil sa pagkawala ng pera sa kaha. Sa madaling sabi, nawalan na siya ng trabaho ay may utang pa siya. Bago siya maging kahera ay isa siyang tindera. Nag-resign siya

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ellie Kim
Must-read!
2022-05-14 03:43:12
0
19 Chapters

Prologue

ANAK ng tokwa! Pesteng buhay talaga ito,oo… sa isip-isip ni Pamela habang naglalakad pauwi sa inuupahan niyang silid. Mukhang inabot na naman siya ng kamalasan. Gaga, ipinanganak kang kakambal ang malas, hindi ba?     Masama ang loob niya. Kahit siguro sino ang lumagay sa katayuan niya ay sasama rin ang kalooban sa tadhana. Para bang wala na siyang ginawang tama sa buhay niya kaya pinarusahan siya ng ganoon. Mukhang sa susunod na linggo ay mapapaalis na siya ng landlady niya. Hindi na siya nakakabayad ng upa gayong kalilipat-lipat pa lamang niya roon.     Isa siyang kahera sa isang kainan sa bayan na iyon. Ngunit isang linggo pa lang siya sa trabaho ay sinesante na siya. Pinagbayad pa siya ng malaking halaga dahil sa pagkawala ng pera sa kaha. Sa madaling sabi, nawalan na siya ng trabaho ay may utang pa siya.     Bago siya maging kahera ay isa siyang tindera. Nag-resign siya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 1

I can’t believe this…     Mabilis na inisa-isa ni Yuan ang laman ng malaking baul sa kaniyang harapan. Iniwan sa kaniya iyon ni Sebastian, isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan mula pa pagkabata. Namulatan nilang lima na si Lola Paz ang tagapag-alaga nila. Ang akala nila noon ay totoong lola nila ito, pero nagtaka sila kung bakit hindi raw sila magkakapatid o magpipinsan na lima.     Nalaman nila noong iniwan sila ni Lola Paz kay Doña Leonora. Later on, they all found out that all of their mothers used to work for a strip joint Lola Paz owned. Ipinagkatiwala silang magkakaibigan ni Lola Paz sa pilantropong si Doña Leonora nang malaman nitong may taning na ang buhay nito.     Wala siyang sama ng loob kay Lola Paz. Ni minsan ay hindi siya nagalit dito sa kaalamang dito nagtrabaho ang kaniyang ina. Wala rin siyang sama ng loob sa kaniyang ina, bagaman may
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

TATLONG tao ang nakalista sa research ni Sebastian na maaaaring maisama ni Yuan sa pag-akyat niya sa bundok ng San Rafael, isang bayan iyon na matatagpuan sa Quezon Province. Sa malawak na kabundukan ng San Rafael hinihinala ni Sebastian na naroon ang mga diyamante. Hindi na rin masasabing lantad na lantad ang lugar kung saan aksidenteng natagpuan ang motorsiklo. Ang bakas ng dugo ng lalaking sakay niyon ay nakita pa noon sa isang puno sa may bukana ng paakyat sa bundok.     He was sure the thief was not able to make it to any hospital or clinic. Wala kasing malapit na ganoong establisimyento sa lugar. Wala ring masyadong kabahayan sa bahaging iyon noong mga panahong naaksidente roon ang lalaki. Daanan lamang iyon patungo sa mas maunlad na bayan, patungo sa probinsiya ng lalaki.     Ang una sa listahan ay isang sikat na mountain ranger at mahilig sa hiking na si Abelardo Carpio, ngunit sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa raw ito
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

“PAMELA?”     “No, Joe, no sex.”     “What?” Kumunot ang noo nito.     “No sex, Joe. No sex. Only joke to friends.”     “What the hell are you talking about?” Nagkaroon ng bahid ng inis ang tinig nito.     ‘Eto na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, Pamela! Tatanga-tanga ka na naman. Pati si Jessica, tatanga-tanga! Hindi niya na-gets na joke lang ‘yon!     Kung bakit naman kasi nagbiro siya sa dati niyang kasamahan sa tindahan na pumasok sa pagiging GRO sa isang beerhouse doon sa bayan na nais niyang tularan ito. Parang nakaengganyo ang sinabi niya rito upang magkuwento ito sa kaniya tungkol sa ginhawang hatid dito ng bagong trabaho nito.     “Sa una lang naman mahirap, Pam. Kapag nasanay ka na, magi
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

MATAMANG pinagmasdan mula ulo hanggang paa ni Pamela ang lalaking kaharap. Mukha namang may pambayad nga talaga ito sa kaniyang sampung libo kada araw. Sa branded clothes pa lamang na suot-suot nito ay makikita na talagang nakaririwasa ito sa buhay. At siyempre pa, imported ito, natural na may pera ito. At sa bagay na iyon siya umaasa. Sana nga ay higit pa sa alok nito ang makuha niya.     Naisip niyang malamang na kung desperado itong makaakyat sa bundok ay may mahalagang sadya ito roon. Mukhang siya na lamang din talaga ang makakatulong dito. Saulado pa rin niya ang daan paakyat sa bundok kahit na may ilang taon na rin siyang hindi nakakaakyat papunta doon dahil malapit sa may paanan na lamang sila ng bundok nagtanim at nanirahan ni Mang Estong. At nitong huli nga ay namasukan na siya. Pero kahit piringan siya at iligaw siya sa bundok ay makakababa pa rin siya.     “What is your mission there?” usisa niya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

Pinag-aralan ni Yuan ang mga ginawang notes ni Sebastian sa notebook nito. Nalagyan na nito ng markang ekis ang puno kung saan nakita ang bakas ng dugo ng kriminal, ayon na rin sa media noong mga panahong iyon. Iyon ang huling nabalitaan tungkol sa magnanakaw. Ayon din sa notebook ni Sebastian, ang hinihinalang magnanakaw ay naging miyembro ng AFP cadet. Malamang na may alam ito tungkol sa training sa kabundukan. Kung ang bangkay nito ay hindi na natagpuan, malamang na nakain ito ng sawa o iba pang mababangis na hayop. Noong panahong umakyat ito sa bundok ay masyado pang masukal iyon. Ibig sabihin ay marami pa talagang mga hayop sa gubat.    "Are there snakes here?"    "Yes. But don't worry, I know things about snake."    Tumango siya. Sa palagay niya, natural sa isang taong may military training ang hanapin ang water resource ng lugar. Siyempre ay alam ng isang marunong kung ano ang mga palatandaan patungo sa sapa man o kahit na
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

“I don’t like people who are taking advantage of other people. You know… I’m not stupid, Pamela.”      Hindi nakaimik si Pamela sa sinabi ni Yuan. Ang sa kaniya naman ay kung makakalusot lang. Noong naglalakad kasi sila ay naisip niyang mukhang balak nitong pahirapan ang mga buhay nila. May mga shortcut na maaari sana nilang daanan subalit mas ginusto nito iyong malayong ruta. Kung hindi pa siya nag-request ay hindi ito titigil upang kumain. Aba, kung nagkataong nakalusot sana siya sa increase ay tiba-tiba na siya n’on! Okay na okay iyon para sa kaniya.      “You’re the reason why this country is in poverty. People like you make this country annoying sometimes. You always take advantage of others.”      Lukot na lukot sa pagkakasimangot ang mukha nito. Siya naman ay nakadama ng inis dito pero hindi na lamang siya kumibo pa. Labinlimang piso kada araw na ay baka maging bato pa. Ang kaso, mukhang wala
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

    "Hey, Joe! Don't go there!"    "Why?"    Eh kargo kita, 'no. Kahit nakakabadtrip ka, sagutin kita. "It's delicate. You alone it's delicate. You understand that?"     "Woman, I know what I'm doing. I won't go very far, don't worry."    Sinundan muna niya ito ng tingin. Hindi nga ito lumayo, bagaman ang mga mata niya ay nakatutok pa rin dito habang inaassemble niya ang iniabot nitong tent kanina na hindi niya maitayo-tayo. Bakit ba parang napakahirap namang itayo ng dinala nitong tent? Napakakomplikadong ayusin. Samantalang ang mga nakikita niya sa TV na napapanood niya ay simple lang naman, para lamang iyong bubong ng bahay, pero itong kay Yuan ay naki kakaiba? Hindi niya mawarian kung paanong assemble ang gagawin.    Nababadtrip na ako sa tent na 'to! Ang tagal na niyang kinukutinting iyon pero hindi pa rin niya maitayo ang pesteng tent. Hanggang sa makabali
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

     “’Tol, malapit ko nang makuha ang treasure na matagal mo ng hinahanap. Para sa atin ito, ‘Tol. Lahat kami dito, nami-miss ka na. Bakit kasi nagmamadali kang magpunta diyan?” ani Yuan habang nakapikit. Mukhang nananaginip ito.     Gilalas si Pamela sa kaniyang narinig mula sa malaking lalaking kaniyang katabi. Wala itong slang sa pagta-Tagalog nito. Napaka-matatas ang pagsasalita nito!     Nais niya sanang kaltukin ito ngayon para magising ito at kaniyang komprontahin. Lintik ang lalaking ito! Pinahirapan pa siya nang husto sa pag-i-Ingles ng mokong na ito! Halos mapilipit ang dila niya sa pag-i-Ingles sa pag-aakalang hindi ito nakakaintindi ng Tagalog! Gusto na niyang gisingin ito ng mga oras na iyon nang bigla siyang mahimasmasan nang maisip niyang wala siyang karapatang magalit dito. Subalit nagpupuyos pa rin ang kaniyang dibdib sa inis na nararamdaman sa lalaking ito. Hanggang
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

Gaya ng inaasahan ni Pamela ay papadilim na ng araw na iyon nang makarating sila sa batis na kanilang pakay. Tahimik lang siya dala na rin ng pagod sa kanilang paglalakad maghapon. Paano kasi, gaya kahapon ay muling iniba ni Yuan ang ruta na kanilang dinaanan. Disinsana’y mabilis nilang narating ang batis na iyon. Naiinis pa rin siya rito hanggang ngayon kaya maghapon sila nitong walang imikan sa kanilang paglalakad. Paano kasi ay masyado itong mapunahin sa kaniyang ginagawa. Halimbawa na lamang ay ang pagdudura niya. Hindi na niya ginawa iyon para wala ng masabi pang masama sa kaniya ang nakakainis na lalaking ito. Kasalukuyan siyang nagpapa-apoy gamit ang mga tuyong dahon at sanga na pinulot niya sa di-kalayuan ng kanilang kinapupuwestuhan. Dahil nauumay na siya sa de-latang baong dala ni Yuan ay nanghuli siya ng isda doon sa batis. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon dahil sagana sa isda ngayon ang batis. Malaki at malawak ang sapa na iyon. May isang bahagi roon na mab
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status