Share

Chapter 4 Sweet Revenge

Emerald's POV

Pagbaba ko ng jeep ay halos takbuhin ko na ang pasilyong dinadaanan ko dahil sa pagmamadali, malapit na kasi akong ma late sa klase, masyado yata akong napuyat kagabi sa pagre - review, kaya madaling araw na ako nakatulog. Mabuti nalang at biyernes ngayon at naka P.E uniform ako kaya malaya akong nakakatakbo.

Hindi na rin ako nakapag breakfast dahil sa takot kong mahuli sa klase, nagmamadali ako kaya hindi ko namalayan na may humarang sa tapat ng dinadaanan ko, agad akong nag - angat ng tingin at bumungad sa'kin ang gwapong mukha ni Albie Cuevas, isang varsity player ng basketball sa paaralan namin. Matangkad ito, moreno, matangos ang ilong at may manipis at mapupulang labi at higit sa lahat ay crush ng campus at nag - iisang anak ng mayor dito sa lugar namin.

"Hi Ems, nagmamadali ka yata?" tanong sa'kin ni Albie.

"Uh.. Late na kasi ako," tugon ko. Akmang tatakbo na ako nang biglang kinabig ni Albie ang kamay ko, kumunot ang noon ko sa ginawa niya, but before I could react he was already on my foot tying my shoe laces.

"Ayan.. okay na Ems," wika niya sa'kin pagkatapos itali ang sintas ng sapatos ko, he's smiling while looking up at me kaya napangiti rin ako at natigilan ng may nakita akong malaking motor na pumaharurot ng takbo, the road is still under repair kaya maalikabok iyon pag may dumaan na sasakyan kaya napaubo ako sa alikabok at usok na nalanghap ko.

"Gago 'yon ah!" inis na wika ni Albie habang pinapagpag ang alikabok na nakakapit sa kanyang puting polo.

"Ems, okay ka lang?" tanong ni Albie sa'kin. Tumango lang ako at umiiling, parang gusto kong umuwi sa bahay para magpalit ng damit, ang dugyot ko!

Bago pa nakareact si Albie ay naglakad na ako papasok ng gate at nagmamadaling pumunta sa C.R. para makapag salamin narin, Hays! humanda talaga sa'kin ang lalaking 'yon! grabe talaga ang ginawang pamimerwisyo sa'kin. Pagdating ko roon ay bumungad sa'kin si Eden at ang dalawa niyang kaibigan na nagkukwentuhan habang naglalagay ng eyeliner sa gilid ng kanilang mata. Agad ring naman akong pinansin ng mga ito.

"Oh girls! Look who's here?!" sambit ni Erika na kaibigan ni Eden.

"Emerald! gosh! Bakit ganyan ang hitsura mo? new trend ba 'yan?" panglalait rin ng kasama nitong si Garrey.

"You look haggard!" pang -iinsulto pa ni Erika sa'kin.

"Girls, shut up! Baka nakalimutan niyong SSG president 'yan ng campus natin!" wika nito sa mga kaibigan habang nakataas ang isang kilay, para itong isang kontra bida sa teleserye, wala namang komento ang mga kaibigan nito at sumang- ayon lang sa kaniya.

"We'll go ahead, Pres!" Eden said while walking away towards the door with her minions. I can still hear them talking until something caught me off guard.

"Oh I forget to tell you Eden, I saw Jester riding a big bike earlier. I think that was the latest version of Harley Davidson!" Erika exclaimed in excitement.

Umigting ang teynga ko sa narinig, Damn that jerk! Siya pala ang may gawa ng lahat ng 'to! I clenched my fist in anger, humanda ka talaga sa'kin Jester, I will make you feel the wrath of my revenge!

I slowly walk through our room and placed my belongings in my arm chair, dahil P.E class ngayon ay expected na sa quadrangle kami para sa volleyball game activity. Our class was divided into half at buti nalang Jester was on my opposed team.

Our game was about to begin when our teacher announced the rules of the game. Everyone was listening attentively when I grab the ball on the ground and intentionally hit Jester with the ball in his head!

Jester fell on the ground while holding his head, I know he will get a concussion on his head. Hmp! dapat lang sa kaniya 'yon!

All of my girl classmates scream as they saw Jester landed on the ground. Nag-uunahan pa sila kung sino ang dapat na umalalay kay Jester sa pagtayo, alam kung malakas ang paghampas ko sa bola kaya ganon ang nangyari sa kaniya. I was once a player in volleyball before noong middle school, and I'm the "spiker" of our team.

Everybody glared at me lalong - lalo na si Eden. "Look what you've done to him Emerald!" sigaw niya sa'kin at agad ring pinuntahan si Jester sa kinaroonan nito.

"Are you okay Jester? Saan ang masakit sa'yo?" rinig kong tanong ni Eden kay Jester habang while checking on his head.

"Sa ulo ko," sagot nito.

"Saang ulo? mamasahiin ko," malanding tanong ni Eden kay Jester sa harap ng mga classmates namin. I just rolled my eyes in disbelief, I can't stand seeing them like this!

We were all looking at them when our teacher interrupted, "Miss Guttierez, you better accompany Mr. Hamilton in our infirmary,"

But to my surprised, Jester refused. "Si Emerald nalang ang mag- alalay sa'kin Ma'am," sabi niya at tumango lang si ma'am.

"W-what? me?" I confusely asked.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status