Share

Chapter 3

     LATE na nakauwi si Kit, at bakas ang labis na pagod sa mukha niya. Buong araw kasi inabot ang photoshoot, pagkatapos ay may pinuntahan pa siyang event kung kaya hatinggabi na siya nakauwi. Masakit na ang katawan niya, and the only thing she wants is to rest her tired body on her soft bed.

     Dumiretso siya sa elevator, at isinandal niya ang likod sa pader nito. Magsasara na sana ang sliding doors nang biglang may isang kamay na lumusot sa siwang upang pigilan ito. To her frustration, ang bago niya pang kapitbahay ang pumasok sa elevator. Awkwardness at hiya ang nararamdaman ni Kit ngayong nakita niya muli ito. Kung pwede lang ay malusaw na lamang siya sa kinatatayuan niya.

May kasama itong babae na nakayapos sa kanya. Mukhang galing ang mga ito sa isang bar o sa isang party, at pareho silang nakainom. Alam na ni Kit kung ano ang kahihinatnan nun, pero wala naman siyang pakialam. Kapitbahay lang naman niya ang lalaki, so it is his business, not hers.

     Habang nasa elevator ay panay ang harutan ng dalawa. Maya’t maya ang nakawan ng halik at paghagikhik. Noong una ay walang pakialam si Kit, pero habang nagtatagal ay naiirita na siya. Nasa 43rd floor ang condominium unit nila, kung kaya’t medyo matagal pa ang pag-akyat.

     Ang sarap balibagin ng dalawang ‘to. Parang akala mo walang tao sa paligid nila. Kelan pa ba ako naging hangin? Huminga nang malalim si Kit para pahupain ang inis kahit pa gusto niya nang sitahin ang kapitbahay at ang kasama nitong haliparot.

     Buti na lamang at hindi na nagtagal ang kalbaryo ni Kit, dahil may ibang taong pumasok sa elevator. Dahil doon ay tumigil na ang lalaki, subalit hindi pa rin nagpapapigil ang babae sa panghaharot sa kasama niya.

     Nakakaloka naman ang mga ‘to. Nag-eenjoy pa atang may nakakakita sa kanila. Ibang klase na talaga ang mga tao ngayon. Weird na sila. Nakakalungkot. Napailing si Kit sa nakikita, at mas lalo ring umigting ang pagkabwisit niya. Pero tiniis niya na lang ang lahat ng iyon, dahil ang mahalaga lang naman ay ang makahiga na siya sa pinakamamahal niyang higaan.

     Hindi nagtagal ay narating na rin nila ang 43rd floor. Mabilis na naglakad palabas si Kit, at dahil sa pagmamadali ay hindi sinasadyang nabangga niya ang bago niyang kapitbahay. Pero dahil wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito ay hindi na siya humingi ng paumanhin at nagtuloy-tuloy na lamang siya sa unit niya.

     Agad na naghilamos at nagbihis si Kit para ihanda ang sarili sa pagtulog. Hobby niya talaga ang matulog, pero excited siyang gawin iyon ngayon dahil pagod na pagod siya bunga ng buong araw na pagtatrabaho.

     “Hello bed…” pagbati ni Kit sa malambot niyang kama, “Namiss mo ba ako? Kasi ako, oo.”

Matapos noon ay malayang ibinagsak ni Kit ang sarili sa higaan niya. Kasabay noon ang isang malakas na kalabog mula sa kabilang unit, kaya napaupo siya bigla.

     Hala siya oh. Anong nangyari? Naku baka may magnanakaw sa kabila… tanong ni Kit sa sarili. Dahil nakasandal sa pader ang kama ng dalaga, ay madali niyang nailapit ang tenga sa pader para pakinggan kung ano ang nangyayari sa unit ng kapitbahay niya.

     Nagpatuloy pa ang mga naririnig niyang kalabog, subalit habang nagtatagal ay nadadagdagan na ito ng mga halinghing at ungol. Doon na napagtanto ni Kit na nagmimilagro ang bago niyang kapitbahay at ang babaeng kasama nito.

     Napakibit-balikat na lamang si Kit, “As expected…”

     Hinayaan niya na lamang ito, at pumailalim na sa malambot niyang kumot. Buhay naman nila iyan eh. Ano bang pakialam ko?

     Ipinikit na ni Kit ang mga mata para makatulog na. Hindi siya nakakatulog kapag may ingay, pero alam niyang madali siyang mana-knockout ngayon dahil na rin sa pagod. Pero dahil sa ingay ng mga nasa kabilang unit, nahihirapan siyang matulog. Tinakpan niya ng unan ang tenga niya, pero naririnig niya pa rin ang mga kalabog at ungol.

     Naupo si Kit at tinitigan nang masama ang pader na naghihiwalay sa mga unit nila ng bago niyang kapitbahay, “Nananadya pa ata ang mga bwisit na ‘to eh. Kung ayaw nilang magpatulog, wala akong pakialam. Pero sana naman magpatulog sila.”

     Gusto niya na sanang magreklamo, pero parang ang awkward naman kung gagawin niya iyon habang nasa kalagitnaan ng ‘something’ ang kapitbahay niya. Dahil mahaba ang pasensya, napagdesisyunan na lamang ni Kit na huwag nang sugurin ito. Pero sa oras na maulit ang nangyari ay talagang sisitahin niya na ang lalaki.

     Ibinagsak muli ni Kit ang katawan sa kama at muling ipinikit ang mga mata. Sinubukan niyang matulog, but to no avail. Naglagay na siya ng bulak, ng ear plugs, at gumawa na nung kung anu-anong paraan para hindi niya marinig ang ingay ng mga nagmimilagro sa kabilang unit, pero walang nangyari. Nasasayang lang ang mga effort niya dahil mas lalo lang lumalakas ang mga ingay.

     Nawalan na ng choice ang dalaga. Nagpatugtog na lamang siya nang music sa loob ng buong kwarto, para kahit papaano ay hindi niya na marinig ang mga ingay sa kabila. Hindi man siya makakatulog dahil sa musika, at least hindi niya maririnig ang mga halinghing ng kapitbahay niya at ng kasama nitong babae.

     Maghihintay na lamang siya na matapos ang ganap sa kabilang unit. Pagkatapos ay matutulog na siya. Wala naman siyang pupuntahan o appointment kaya okay lang kung late na siya makatulog.

     Napailing na lamang sa inis si Kit habang nakatitig nang masama sa pader. Huwag ka na sanang umulit ng ganitong gawain, new neighbor. Baka kung ano ang magawa ko sayong lintik ka! Nakakastress ka!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status