Share

Chapter 4

     KAHIT late na natulog si Kit, maaga pa rin siyang nagising, kaya tuloy parang binibiyak na ang ulo niya sa sobrang sakit. Sumasakit kasi ang ulo niya kapag nakukulangan siya sa tulog. Agad siyang lumabas para bumili ng gamot sa pinakamalapit na drugstore, pagkatapos ay dumaan na rin sa isang kainan para bumili ng lugaw. Pagkatapos ay bumalik na siya sa condo unit para magpahinga buong araw. Sakto namang wala siyang lakad kaya pwede siyang matulog kahit gaano pa katagal.

     Pagpasok niya sa elevator ay bigla namang sumulpot ang kapitbahay niya na pumasok rin sa loob. Walang lakas para mairita si Kit, kaya tanging malamig na tingin lamang ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi niya naman ugali ang maging harsh sa mga kapitbahay niya, pero hindi niya talaga basta mapapalampas ang pag-iingay nito na naging dahilan ng pagsakit ng ulo niya ngayon.

     Pero kahit pa nakasimangot siya ay nakangiti pa rin sa kanya ang lalaki, “Good morning, neighbor.”

     “Hmm,” ang tanging itinugon ni Kit. Wala na siyang pakialam kung isipin nito na wala siyang modo.

     “Mukhang hindi maganda ang morning natin ah – “

     “Sorry, but I don’t talk to strangers,” matalim na untag ni Kit, habang nagbabaka-sakaling titigilan na siya ng lalaki.

     Sinapo ng kapitbahay niya ang sariling noo at natawa, “How rude of me. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sayo. Ako nga pala si Aiden Lazaro. You can call me Aiden. And you are?”

     Aiden Lazaro? Familiar name… “I’m Kit Ramirez.”

     “Kit is probably a nickname. Ano ba ang totoo mong pangalan?”

     Curious pa ba ‘to o nagpapaka-atribida na lang? “It’s none of your business,” malamig na tugon niya sa binata.

     Pero sa halip na makitaan ng inis ay nanatili itong nakangiti, “Hmm… Mukhang hindi ata maganda ang naging gising mo, Kit.”

     Paano ba ako magkakaroon ng matinong tulog eh dinig na dinig ko yung pagmimilagro mo kagabi… “Ganito lang talaga ako kapag bagong gising. Masungit.”

     Napatango na lamang si Aiden, “Ahh, kaya pala. Well, I have never seen a lady as pretty as you kapag nagsusungit. Amazing.”

     Ang aga naman maglandi nito. “Ako rin, amazed,” sarkastikong untag ni Kit, “I have never seen a man as noisy as you are.”

     Iyon sana ang hint ni Kit sa binata para tumigil na ito sa pagkausap sa kanya, pero mukhang hindi ata nito naintindihan ang ipinapahiwatig niya. Sa halip ay sinabi nitong, “Mahilig lang talaga kasi akong makipag-usap. Tsaka kapitbahay kita. I should establish good ties with you.”

     Magsasalita na sanang muli si Kit, pero sakto namang bumukas ang elevator. She found this as an opportunity to escape from Aiden, kaya mabilis siyang naglakad palabas. Agad namang sumunod sa kanya ang binata na waring hinahabol siya.

     “By the way, gusto sana kitang i-invite na mag-lunch mamaya – “

     “I’m busy,” biglang untag ni Kit para putulin ang pagsasalita ni Aiden habang binibigyan ang huli ng isang matalim na titig.

     Matapos noon ay mabilis na tinype ni Kit ang passcode sa pintuan ng condo unit niya, at agad na pumasok sa loob, slamming the door shut on Aiden’s face.

******

     ILANG ARAW din ang lumipas, subalit parang hindi pa rin naiintindihan ng kapitbahay ni Kit na si Aiden ang pagsusuplada sa kanya ng dalaga. Habang mas lalo niyang sinusungitan ang binata, mas lalo naman itong nangungulit at nang-iirita. Araw-araw siya nitong binabati ng ‘Good morning’ kapag nagkakasabay sila sa umaga. Lagi siya nitong kinakausap at kung minsan ay iniimbita pang kumain na lagi namang tinatanggihan ni Kit. She avoided him, and dared not to cross paths with him para hindi nasisira ang araw niya.

     Subalit ang pinaka-kinaiinisan ng dalaga ay ang halos gabi-gabi nitong pagdadala ng mga babae sa unit nito. Ang gawaing ito ni Aiden ay talaga namang naging pasakit para kay Kit, dahil nahihirapang matulog ang huli dahil sa ingay na nagagawa ng pagniniig sa unit ng binata. Gusto man magreklamo ni Kit, nakaramdam siya ng hiya dahil baka kung ano ang isipin ng lalaki. Isa pa ay hindi ugali ni Kit ang mang-istorbo o mangialam sa buhay ng ibang tao.

     Isang gabi ay isinantabi na ni Kit ang nararamdamang hiya, at buong-tapang na sinugod si Aiden sa unit nito. Gusto niya na rin makatulog nang matino, at walang mangyayari kung magngingitngit lang siya lagi sa loob ng unit niya.

     Huminga muna nang malalim si Kit para kalmahin ang sarili bago nag-doorbell.

     Ilang minuto rin ang lumipas bago lumabas si Aiden. Hindi nito tuluyang binuksan ang pintuan, at bagkus ay nakalitaw lamang ang ulo nito sa siwang. Sa hula ni Kit ay nasa kalagitnaan ito ng pagmimilagro kaya hindi nito magawang lumabas. Bahagyang na-eskandalo ang dalaga, pero pinairal niya na lamang ang pagiging matured at hinayaan na lamang si Aiden.

     “May kailangan ka ba, Kit?” tanong nito sa kanya nang may nang-aakit na ngiti sa mukha.

     Kit rolled her eyes before looking at him coldly, “Alam kong karapatan mong mag… you know. If you can’t stop, then just keep it down, will you? Ang ingay ninyo ng kasama mo. Hindi lang ikaw ang nakatira dito. Nahihirapan na akong matulog dahil sa inyo.”

     “Ah,” ani Aiden na para bang may napagtanto, “Okay, pauuwiin ko na lang siya.”

     “W-what? That’s not what I meant!” Napakamot si Kit dahil sa pagka-irita, “I just told you to keep it down, para naman hindi kayo nakakaistorbo. Hindi ko sinabing paalisin mo na ang girlfriend mo – “

“…Hindi ko siya girlfriend.”

“Well then, whoever she is.”

     “Kaya nga papauwiin ko na siya eh. Para hindi na makaistorbo sayo,” tugon ni Aiden habang nginingitian siya nito. Mukha naman itong sincere sa sinasabi niya, pero napepeste lang talaga si Kit dahil hindi nito naiintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

     “Damn it. I am just asking you to keep it down. Nothing more, nothing less,” matapos noon ay naiinis na bumalik si Kit sa kwarto niya.

     Luckily, tila umepekto ang pagrereklamo niya, dahil noong gabing iyon ay wala na siyang narinig pang mga halinghing at kalabog mula sa kabilang unit. Sa hula niya ay sineryoso nga ni Aiden ang pagpapauwi nito sa babaeng kasama niya doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status