Buong akala ni Kit ay magpapatuloy na ang katahimikan sa buhay niya, pero ilang araw lamang ang lumipas ay bumalik na naman ang dating ingay na nagmumula sa unit ni Aiden. Pinalampas niya ang unang gabing naulit ang mga ingay, pati na ang pangalawa. Subalit nang sumapit na ang pangatlong gabi ay hindi na talaga nakapagpigil pa si Kit. Napabangon siya sa higaan at galit na lumabas ng silid niya.
“Humanda ka talaga sa aking malandi ka,” banta ni Kit habang sinusuot ang tsinelas niya, “Napupuno na ako sayo!”
Agad siyang dumiretso sa katabing unit at pinanggigilan ang doorbell ni Aiden. “Hoy lalaki! Lumabas ka nga diyan! Napepeste na ako sa ingay ninyo! Ang kapal na nga nung pader tapos lumulusot pa rin yang mga ingay ninyo papunta sa kwarto ko?! Ayaw niyo talagang papigil, ano?!”
Maswerte siya at silang dalawa lamang ang occupants sa floor na iyon, kaya walang dahilan para maeskandalo sila. Mukhang umepekto naman ang pag-iingay ni Kit para mapalabas si Aiden.
Nang bumukas ang pintuan ng unit, isang babae ang lumabas. Punong-puno ng kolorete ang mukha nito, at halos kapirasong tela na lamang ang suot dahil sa sobrang provocative ng black dress nito. Nagulat ito nang makita siya sa harap ng unit, pagkatapos ay iniwas nito ang tingin sa kanya bago nagmamadaling umalis bitbit ang isang pares ng high heels.
Ilang segundo ang lumipas, at sunod namang lumabas ng unit si Aiden. Nakasuot ito ng manipis na white t-shirt, kaya bakat ang pectorals nito at ang namumutok nitong mga braso, habang shorts naman ang suot nitong pang-ibaba. Magulo ang buhok nito, subalit hindi iyon naging rason para mabawasan ang kagwapuhan ng binata. Sa halip ay mas nakadagdag pa ang mga iyon sa sex appeal nito.
Napalunok si Kit. Hindi siya makapaniwala na iniisip niya ang mga bagay na iyon ngayon-ngayon lang. He is not supposed to admire the guy at that very moment. Hindi niya hahayaang malusaw ng kagwapuhan nito ang pagka-iritang nararamdaman niya.
“Wala ka ba talagang pakialam sa mga kapitbahay mo?” nanggagalaiting palatak ni Kit kay Aiden habang nakapamewang.
“Ikaw lang naman ang kapitbahay ko ah,” ani Aiden, as if it was the most obvious thing in the world, “At tsaka may pakialam naman ako sayo eh, kaya nga pinaalis ko na siya, hindi ba?”
“I just wanted you to keep it down. Hindi ko sinabing paalisin mo siya,” mariing sabi ng dalaga.
“Mas mabuti nang paalisin ko siya. If I let her stay, I doubt that we can stop doing it. And I highly doubt that she can keep it down…” Aiden replied as his lips curved into a smirk.
Wow, ang yabang oh. As if naman may pakialam ako, “I don’t give a damn about it. Ang gusto ko lang naman, maging sensitive ka sa mga nangyayari sa paligid mo. This is not the first time na nagreklamo ako sayo. Noong una nagtitimpi lang ako kasi business mo naman yan, and it’s your right. Pero talagang nakaka-istorbo ka na eh.”
“So… galit ka na niyan?” biglang tanong sa kanya ni Aiden.
Pinagtitripan ba ako nito? “E-excuse me?”
“Tinatanong ko kung galit ka na sa lagay na yan.”
“Of course I am! Susugurin ba kita dito kung hindi ako galit?”
Instead of responding, Aiden poked her nose gently, “You’re adorable.”
Tinakpan ni Kit ang ilong niya, at ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya nang dumampi ang balat ni Aiden sa kanya. It was a small piece of skin, but the touch sent bolts of electricity all over her system.
“Huwag mo akong pagtripan – “
“Has anybody told you how beautiful you are when you are mad?” Aiden said as he took a step closer.
Intimidation at excitement ang naramdaman ni Kit, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit. She took a step back when Aiden moved forward, “What the heck are you doing?”
“Admiring you,” ani Aiden, bago muling humakbang.
Isang hakbang na paatras ang ginawa ni Kit, “Are you making fun of me?”
“No. I am just telling the truth. Bakit, wala pa bang nakakapagsabi sayo na maganda ka?”
Natigilan si Kit sa sinabi ng binata. There was something that struck her heart when he said that, at hindi niya na napigilan pang mapatingin nang direkta sa mga mata ng lalaking kaharap. Nanigas na siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung anong mahika ang mayroon si Aiden na nagawa nitong mapatigil siya nang ganoon na lang.
Aiden took another step towards her, then he cupped her face with his hands, “Now that I can see your face properly… Hindi ka lang pala maganda. You’re more than just a beautiful face. Your eyes… You nose… Your lips…”
Nang unti-unting binaba ni Aiden ang mukha nito palapit sa mukha niya, nagsimula nang maalarma si Kit. Lumakas ang tibok ng puso niya sa ginagawa ng binata, at naglalaban sa isipan niya ang desisyon kung lalayo ba siya, o hahayaan niya na lamang ang lalaki.
Is he going to kiss me? Pero… Wala pa akong first kiss! I can’t let this playboy do this to me!
Parang reflex na biglang umangat ang kanang kamay ni Kit at sumampal sa pisngi ni Aiden. Sa sobrang lakas noon ay parang nag-echo pa ang tunog nito sa buong floor. Natigilan si Aiden dahil sa sampal na iyon, at napatitig nang diretso ang mga mata ng binata sa kanya.
Nakaramdam ng takot si Kit. Nasampal niya si Aiden! Paniguradong galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi na hinintay pa ng dalaga ang reaksyon ng lalaki. Sa halip ay nagtatakbo na lamang siya pabalik sa sariling condo unit, at doon nagkulong.
Binatukan ni Kit ang sarili dahil sa inis. “Kristina! Napaka-engot mo talaga! Bakit mo ba siya sinampal?! Baka mamaya gantihan pa ako nun…” Napaupo na lamang siya sa sahig at isinandal ang likod sa pintuan.
Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagsisisihan ang ginawa niyang pagsampal sa kapitbahay, “Ang malas ko talaga! Bwisit!”
“ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin. “Sorry talaga, Kit…” paghingi ng paumanhin sa kanya ng manager ng modelong hinihintay nila, “Tinatawagan ko na rin naman siya eh. Nagriring pero hindi niya lang talaga sinasagot.” Kit gave him a glare, “Wala akong pakialam kung nagriring ang phone niya o hindi. Ang importante sa akin, kung magpapakita pa ba siya dito! Ayokong magsayang ng oras ko!” “P-papunta na siya, Kit. Huwag kang mag-alala – “ “Whatever,” galit na untag ni Kit bago lumabas ng studio at dumiretso ng banyo. Hindi ugali ni Kit ang tumanggi sa trabaho, pero kung binigyan lamang ng pagkakataon ay tinanggihan niya na sana ang photoshoot na ito. Napili kasi siyang maging photographer
PAG-UWI ni Kit, sakto namang nakasabay niya muli si Aiden sa elevator. Kaya lang, may kausap ito sa phone kaya hindi siya nito kinausap at inistorbo. Bahagyang nakahinga nang maluwag ang dalaga, lalo na’t masyado siyang stressed at pagod para makipagtalo at mainis kay Aiden. But somehow, parang nadisappoint si Kit na hindi siya pinapansin at kinukulit ng lalaki. Pakiramdam niya ay namimiss niya na ang ingay at ang ngiti nito. Madaldal kasi ito at makwento, at kahit pa hindi siya sumasagot madalas ay nakikinig naman siya sa mga sinasabi ng lalaki. Hindi naman siya bingi. Teka nga… Bakit ba ganito ang iniisip ko? Ano ba yan, Kristina! Nababaliw ka na ata. Bakit mo naman namimiss ang kakulitan ng playboy na yan? Napapikit at umiling-iling na lamang si Kit na para bang sinesermunan niya ang sarili sa loob ng isipan niya. Huminga siya nang malalim at itinuon na lamang ang tingin sa sliding doors ng elevator. Hindi niya na lamang papansinin ang binatang kasama. Pagkalabas ng elevator ay
DUMAAN si Kit sa isang convenience store para bumili ng alak. Balak niya sana itong inumin sa condo unit niya, pero nang makita niya ang text ng ina na hinihintay siya nito roon para makapag-usap sila ay nagdesisyon na lamang siyang inumin ito sa isang park na nasa tapat lang ng condominium building. Kung sakaling malasing siya, madali lang siyang makakauwi. Sigurado naman siyang aalis rin ang nanay niya maya-maya, kaya hihintayin niya na lang na iwan nito ang condo unit niya. Dahil ayaw niyang uminom nang mag-isa, tinawagan niya ang bestfriend na si Mikka. “Mikka…” ani Kit habang sinisimulan na ang pag-inom. “Napatawag ka ata. May kailangan ka ba?” tanong ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. “Samahan mo nga akong uminom.” “Uy, iinom ka? Bakit? Anong nangyari? Hoy bruha ka, tigilan mo nga yan! Nasaan ka ba?” bakas sa tinig ni Mikka ang pag-aalala. “Nasa park. Sa tapat ng condominium,” tugon ni Kit bago muling uminom mula
NAGISING si Kit sa ingay ng musika na umaalingawngaw sa kwarto. Kahit gusto niya pang matulog ay hindi niya na magawa dahil sa malakas na tugtugin na kanyang naririnig. Nang idilat niya ang mga mata ay napatitig siya sa kisame. Alam niyang merong mali. Sa pagkakaalala ko, meron akong malaking ceiling fan sa kisame. Bakit wala na? Oh shoot! Hindi kaya nanakawan ako? Napaupo bigla si Kit, at nang iginala niya ang mga mata sa buong silid ay mas lalo niyang napagtanto na hindi naman siya nanakawan. Wala masyadong gamit sa loob ng kwartong iyon, subalit may ilang malalaking kahon sa may bintana. May flat screen tv at isang couch, at nagkalat na mga damit ng lalaki. Babalik na sana sa pagtulog si Kit, pero nang mapagtanto niyang panlalaki ang mga damit na nakakalat ay nagtaka na siya. Kailan pa siya nagkaroon ng boxers? Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa paligid. Sa pagkakataon pa lamang na iyon talagang nagising ang diwa ni Kit. Wala siya sa kanyang condo unit! “Hala… Ano bang
PAGBALIK ni Kit sa condo unit niya ay napasandal na lamang siya sa pintuan habang binabatukan ang sarili. Pinilit niyang alalahanin kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ni Aiden kagabi, pero parang wala siyang mapipiga sa utak niya. Sinubukan niya nang untugin ang sarili para lang may matandaan, but to no avail. “Bakit pa ba kasi ako uminom eh!” Sumalampak na lamang siya sa sahig sa sobrang frustration. Hindi naman siya naniniwala na may nangyari sa kanila ni Aiden. Pero ang pagiging malandi niya kapag lasing at ang pagiging natural na malandi ni Aiden ay talaga namang isang masamang kombinasyon, lalo na kapag nilagay mo ito sa isang kwarto sa isang malamig na gabi. Parang maiiyak na napatitig si Kit sa kisame habang iniisip na maari talagang may nangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi eh. Imposible naman yun. Kasi wala naman akong nararamdaman na iba sa katawan ko… Tama, imposible talagang may naganap sa pagitan n
PAGKATAPOS niyang maligo ay agad niyang chineck ang phone para makita kung may tumawag at nagtext sa kanya. Doon niya na napansin na kailangan niya nang mag-charge, kaya agad niyang hinanap ang bag kung saan nakalagay ang charger ng phone. Hinanap niya na ang bag sa buong unit niya, pero wala talaga. Nafufrustrate at naiinis na rin siya dahil ayaw na ayaw niya talagang namimisplace ang mga gamit niya. Sumilip siya sa ilalim ng sofa, “Asan na ba yung bag ko…” Natigilan siya nang mapagtantong dala niya ang bag na iyon kagabi, at may malaking chance na naiwan niya iyon sa condo unit ni Aiden. Nasapo niya na lamang ang noo nang marealize ang kapalpakan niyang iyon. “Bwisit naman… Paano ko naman kukunin yun?” Napaupo na lamang siya sa sofa at napaisip. Nakakahiya kung babalik siya doon para kunin ang bag niya. Baka kasi asarin lamang siya ni Aiden, o kaya ay ipaalala na naman sa kanya ang fact na posibleng may nangya
SINADYA talaga ni Kit na umalis nang maaga para hindi niya makasabay sa elevator si Aiden. Buong weekend niya itong iniwasan, at ang huling pagkikita nila ay noong mahuli siya ng binata sa loob ng condo unit nito. Subalit ngayong araw ay hindi nila maiiwasan ang magkita, dahil may schedule sila ng photoshoot sa Tagaytay. ‘Di bale. Ilang oras lang naman ‘to. Tiis-tiis lang, Kristina. Nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Kit nang bigla na lamang tumirik ang sasakyan niya. Bumaba siya ng sasakyan at napamura dahil sa inis. “Sa lahat naman talaga ng araw, ngayon mo pa piniling magloko!” sigaw ng dalaga bago sinipa ang gulong ng sasakyan. Napabuntong-hininga na lamang siya at napatingin sa kanyang wristwatch. Kung ipapaayos niya pa iyon ay matatagalan siya, at paniguradong late na siyang dadating sa location ng photoshoot sa araw na iyon. Napakamot na lamang siya sa sobrang frustration. “Bwisit naman eh. Bakit ba kasi – “ “Anong nangyari?” Nilingon ni Kit ang pinanggalingan ng tinig, at
THE PHOTOSHOOT for that day went well. Naging maayos naman ang kinalabasan ng mga larawan, and as usual, Aiden is always professional. Hindi siya nito binuwisit o biniro throughout the shoot, kaya naman madaling nakaraos sa araw na iyon si Kit. Nagsimula lamang ang kalbaryo ng dalaga pagkatapos ng photoshoot. Pinagtulungan kasi siya ng mga kasamahan dahil sa pagpapasimuno ng bestfriend niyang si Mikka. Ayaw naman sanang sumabay ni Kit kay Aiden, pero walang sinuman sa iba niyang mga katrabaho ang pumayag na isabay siya pauwi, all because of Mikka’s schemes. Alam niyang pinagkaisahan siya ng lahat, kaya wala na siyang nagawa at sumabay na lamang sa kapitbahay. In the end, sabay ngang bumalik sa condominium sina Kit at Aiden, gaya ng sinabi ng huli na ihahatid siya nito. Ginawan na rin ni Aiden ng paraan ang tungkol sa sasakyan ni Kit, kaya naka-park na ito sa parking area ng condominium building. Dahil doon kaya medyo nakahinga na nang ma