Share

Chapter 7

              “ANONG oras ba balak dumating ng model natin ngayong araw? 8 AM ang call time, hindi ba? It’s freaking 9 AM! I don’t have the whole day to wait for him!” naiinis na sabi ni Kit. Ayaw na ayaw niya kasing pinaghihintay siya, lalo na kapag related sa trabaho ang gagawin.

              “Sorry talaga, Kit…” paghingi ng paumanhin sa kanya ng manager ng modelong hinihintay nila, “Tinatawagan ko na rin naman siya eh. Nagriring pero hindi niya lang talaga sinasagot.”

              Kit gave him a glare, “Wala akong pakialam kung nagriring ang phone niya o hindi. Ang importante sa akin, kung magpapakita pa ba siya dito! Ayokong magsayang ng oras ko!”

              “P-papunta na siya, Kit. Huwag kang mag-alala – “

              “Whatever,” galit na untag ni Kit bago lumabas ng studio at dumiretso ng banyo.

              Hindi ugali ni Kit ang tumanggi sa trabaho, pero kung binigyan lamang ng pagkakataon ay tinanggihan niya na sana ang photoshoot na ito. Napili kasi siyang maging photographer para sa proyektong photobook ng isang sikat na modelo na may napakalaking following o fanbase sa Pilipinas at sa buong Asia. Akala niya ay magiging maayos ang lahat, pero hindi pa nga nagsisimula ay parang sasabog na siya sa sobrang inis.

              Nakadagdag pa ang stress niya dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Aiden. Matapos niya itong masampal ay lagi niya na itong iniiwasan. Ni hindi niya na nga ito tinitingnan sa mukha. Ginagawa talaga ni Kit ang lahat para lang hindi mag-krus ang mga landas nila ng binata.

              Ang tanging problema lamang ni Kit ay kung hanggang kailan niya magagawang iwasan si Aiden, dahil sa sobrang liit ng mundong ginagalawan nila, hindi malayong makasalamuha nila uli ang isa’t isa.

              Naghilamos na lamang siya para kalmahin ang sarili. Kit, ilang linggo lang naman eh. Tsaka photoshoot lang yan. Relax, okay? Tsaka yung kay Aiden, hayaan mo na yun. Lilipas din ‘to lahat. Kapit lang.

              Matapos mahimasmasan ay bumalik na rin si Kit sa studio. Habang naglalakad ay naririnig niya ang isang pamilyar na tinig ng lalaki.

              “Sorry talaga kung na-late ako… Traffic kasi eh. Nahirapan akong makahanap ng alternative route…”

              Kilala ni Kit ang tinig na iyon, kaya bigla siyang kinabahan. “No freaking way…”

              Nagmadali siyang maglakad papasok sa studio, at doon niya na nga nasilayan nang personal ang lalaking nagsasalita. Tama nga siya, kay Aiden ang tinig na iyon. The playboy living next door.

              Dahan-dahang lumapit si Kit habang hindi makapaniwala sa presensiya doon ng kinaiinisang kapitbahay.

              “I-ikaw?” The words barely escaped her lips.

              Napangiti si Aiden sa kanya at kumaway pa, “Oh, hi neighbor! Ikaw pala ang photographer ko ngayon?”

              “Ikaw yung model na sinasabi nila?” Hindi makapaniwalang sabi ni Kit habang nakatitig sa nakangiting binata.

              Tumango ito. “Ako nga. Hindi ka ba na-eexcite? At least magkakilala na tayo. Hindi na mahirap mag-establish ng working relationship.”

              “Tingnan mo nga ang mukha ko,” sabay turo ng dalaga sa mukha iya, “Do I look excited to you?” palatak ni Kit habang binibigyan ng masamang titig si Aiden.

              “Hmm, mukhang hindi. Lagi mo na nga akong iniiwasan nitong mga nakaraang araw, tapos ganito pa ang reaction mo. How disappointing. Na-eexcite pa naman akong makatrabaho ka…” ani Aiden bago inilapit ang bibig sa may tenga ni Kit, “I am looking forward to working with you, Kit…”

              Right at that moment, alam na ni Kit na magiging impyerno ang mga linggong magkakatrabaho sila ni Aiden.

              And she is not yet prepared for it. Definitely not.

*****

              “WHAT a small world, right? Akalain mo yun, magkapitbahay na nga tayo, tapos ikaw pa pala ang photographer para sa photobook ko. How cool,” may halong pang-aasar ang tinig ni Aiden.

              Hindi man nagsasalita, nagpupuyos na ang damdamin ni Kit sa sobrang inis. Kung hindi lang mahal ang lens ng camera niya ay binasag niya na ito. Gusto niya nang magwala dahil sa sobrang bad trip.

              “Hindi ka ba natutuwa na magkatrabaho tayo?” tanong ng binata sa kanya.

              Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Kit kay Aiden, “Honestly, hindi.”

              “Oo nga naman,” Aiden replied as he chuckled, habang nauupo sa ibabaw ng mesa kung saan nakalagay ang mga gamit ni Kit, “I mean, kung talagang nag-eenjoy ka sa company ko, hindi mo naman ako sasampalin hindi ba – “

              “Isa pang beses na ipaalala mo yan at sasampalin ko yang kabilang pisngi mo para fair dun sa pisngi mong nasampal ko na,” mariing untag ni Kit sa lalaki habang binibigyan ito ng isang matalim at nagbabantang titig.

              “Oh? Bakit, kaya mo ba akong sampalin sa harap nila?” tugon sa kanya ni Aiden na waring hinahamon siya.

              “At bakit hindi?” matapang na banat pabalik ni Kit.

              “Oo nga naman,” ani Aiden bago bahagyang tumawa, “Kaya lang kapag sinampal mo ako, paniguradong pag-uusapan ka, lalo na sa social media. Magagalit sayo ang mga fangirls ko, tapos ibubully ka na nila. Magiging viral ka dahil sinampal mo ako, tapos magiging masama na ang tingin sayo ng mga tao, tapos magiging negative na ang reputation mo. Pagkatapos nun, hindi ka na nila iha-hire bilang photographer.”

              “And you really think you’re that important?” naiinis na si Kit sa kayabangan ng lalaking kaharap.

              “No, not really. But at least I am more important than you,” confident nitong response sa kanya.

              Pagak na tawa ang namutawi mula sa labi ni Kit. Napatingin pa nga ang ibang tao sa studio na iyon dahil sa ginawa niyang ingay.

              Tiningnan siya nang mabuti ni Aiden habang nakangisi, “You really don’t like me, do you?”

              “Hindi ba obvious?”

              “Why don’t you like me then?”

              Kit crossed her arms and looked down on Aiden who was still sitting on the table. “Simple. Number one, mayabang ka. Number two, maingay ka. Number three, makulit ka. Number four, napaka-annoying mo. At number five, playboy ka.”

              “Bakit? May problema ka ba sa mga playboy? Oh no… Did a playboy break your heart?” nang-aasar na tanong ni Aiden sa kanya habang itinuturo ang dibdib niya.

              Agad na tinakpan ni Kit ang dibdib niya na parang naeeskandalo. “Of course not! No playboy can break my heart because I have no plans of falling for one. At isa pa, hindi lahat ng tao magugustuhan ka, Mr. Aiden Lazaro. Just because you’re rich and good-looking doesn’t mean that everybody will easily like you. Hindi ako katulad ng mga babaeng nakikilala mo, ‘no.”

              “And that’s the reason why you’re so interesting…” Aiden said as he smiled genuinely, “You aren’t like them, and that’s what makes you special.”

              Natigilan si Kit sa narinig. Hindi siya sanay sa mga compliments na ganoon, lalo na’t galing iyon sa bibig ng playboy na si Aiden Lazaro. But somehow, his words were almost spell-like, and it has the skill to make her shut up and just admire the beautiful man in front of him. Muli ay nanigas siya sa kinatatayuan, at napapatitig na lamang siya sa magagandang mata ng binata.

              “You’re quiet, Kit… Why, has anybody told you you’re different and special?” tanong nito sa kanya habang nakangisi.

              Napalunok na lamang si Kit at inilayo ang tingin kay Aiden, bago sumigaw. “Guys, mag-ready na kayo! Let’s start this shoot!”

              Matapos noon ay lumayo na siya kay Aiden at dumiretso kay Mikka. Hindi niya na kayang magtagal pa sa pagtitig sa mga mata at sa gwapong mukha ni Aiden. Iba na kasi ang nararamdaman niya.

              Feeling niya nagka-crush na siya sa kinaiinisang kapitbahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status