Share

PROLOGUE

[FLASHBACK]

*****

"AHH... PUSANG GALA! ANG SARAP!"

"You want more?" tanong ng lalaki sa harap ko habang hindi mawala-wala sa labi niya ang sinusupil na ngiti.

Guwapo siya, pero mukhang suplado. Matangos ang ilong, kasing itim ng gabi ang kulay ng mga mata na bumagay sa makakapal niyang kilay. Manipis at natural ang mapulang labi na taliwas naman sa istrikto niyang mukha.

Overall, bibigyan ko siya ng sampung puntos!

Naiilang na sunud-sunod akong tumango. "K-Kung okay lang sa'yo. Ayos lang din sa akin, tutal masarap naman talaga."    

Tagaktak na ang pawis ko at nagsisimula na ring uminit ang aking pakiramdam. Ganoon pa man, hindi ko maikakailang gusto ko ang ginagawa niya. Gusto kong matikman ang lahat ng kaya niyang gawin kahit na nga ba nanginginig na ang mga tuhod ko, at gumuguhit na sa lalamunan ko ang pinaghalong pait at tamis.

"I will give you a hard shot this time." Napairap na lang ako. Kanina pa kasi niya sinasabi ang hard, pero kahit harder o hardest pa yan... keri lang.

Sumilay ang pinong ngiti sa kanyang labi bago tumitig sa akin. "It's called blow job," pabulong niyang sabi na kinataas ng isang kilay ko.

Tinitigan ko muna 'yon saka dahan-dahan kong sinimsim na kung tawagin niya nga ay blow job at ninamnam ang lasa. Parang wala namang nagbago, masarap pa rin. Mas masarap nga lang yata ang blow job kaysa sa nauna, kaya lang... mas lalong nag-init ang aking lalamunan.

Napakapit ako ng mariin sa countertop ng maramdaman ko ang hagod no'n sa lalamunan ko saka mariing pumikit. Lintek! Lakas maka-blow ng mind ang tama ng blow job!

"Are you okay? Kaya mo pa ba?" sunud-sunod naman na tanong ng lalaki sa akin.

Halata sa boses niya ang pag-aalala, pero mukha rin namang walang balak tumigil sa pag e-experiment ang lalaki sa akin. Nang tingalain ko nga siya ay parang nangingislap pa ang mga mata niya dahil sa tuwa habang nakatunghay sa akin.

"Ang sarap nga, pero last na 'to, baka kasi bumigay na ako." Naiiling kong sagot saka pinadulas ang basong wala ng laman papunta sa kanya.

Pinatitikim niya kasi ako ng mga ginagawa niyang alak ng libre. Basta sabihin ko lang daw ang totoo, kung pasado ba ito sa panlasa ko o hindi. At sa totoo lang, nakatatlong drinks na ako at lahat ng 'yon ay pasado sa akin.

Aarte pa ba ako kung libre?

And to be honest, nasarapan talaga ako sa una niyang pinatikim sa akin na Pina Colada, at ganoon din sa pangalawang binigay niya na Peachy Keen. Bukod sa ngayon ko lang natikman ang mga 'yon, hindi ko rin alam ang tawag sa mga inuming 'yon kung hindi pa sinabi sa akin ni...

Bumaling ako sa kanya saka napapangiting tinitigan siya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang naghihintay na naman sa ginagawa niyang Espresso Martini.

"Just call me, Red," sagot niya, 'yon lang at wala ng karugtong pa.

Tumango-tango na lang ako at matiyagang pinanood si Red na ekspertong pinagsasalin-salin ang mga alak at kung anu-anong inumin na nasa harap niya sa tatlong cute na baso.

Nakakaramdam na ako ng bahagyang hilo. Nagiging dalawa na nga rin yata ang tingin ko sa baso. Kanina ay hindi naman ganoon ang pakiramdam ko, malakas lang siguro talaga ang tama ng blow job na pinatikim ni Red sa akin. Pero dahil libre... push!

"Here..." Ekspertong pinadulas niya ang shot glass na may lamang Espresso Martini, ang huling inumin na gustong niyang ipatikim sa akin. "Dahan-dahanin mo lang ang pag-inom. 'Wag mong bibiglain, nasa huli ang tama niyan."

Tulad ng sinabi ni Red, dinahan-dahan ko nga ang pag-inom sa Espresso Martini. Langya, kung sa probinsya namin lambanog at beer lang ang sakalam, dito naman sa siyudad ay kung anu-anong kemerot ang pangalan ng inuming ngayon ko lang natikman.

Pero masarap talaga! Napawi ang uhaw at pagod ko dahil sa paghahanap ng trabaho. Mabuti na lang pala at sa Club-V ako napadpad. May libreng inumin na, guwapo pa ang lalaking nagsisilbi sa akin.

Nang maubos ko ang Espresso Martini ay muli kong binalik ang shot glass kay Red. Hindi ko na rin kaya pang uminom, medyo hilo na kasi talaga ako at kung pipilitin ko pa, baka pati apdo ko ay masuka ko na.

Itinaas ko ang mga kamay ko saka nginitian si Red na halatang nagtataka sa kinikilos ko. "Sandali lang, wiwi muna ako. 'Di na keri ng pantog ko, baka maabutan ako rito."

Pagkatayo ko ay lalo ko lang naramdaman ang hilo. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at sandaling humawak sa bar counter.

"Okay ka lang ba talaga?" 

"Oo, 'di naman siguro ako mamamatay dahil sa mga pinainom mo 'no?" sagot ko habang marahang hinihilot ang aking sentido.

Nagsimula akong humakbang ng dahan-dahan at paunti-unti, hanggang sa tuluyan na nga akong nakaalis sa bar area ng Club.

Kung hindi lang ako tinamaan ng kamalasan, malamang na hindi ako iinom ng kahit na anong alak ngayon. Sa buong araw kasi ng paghahanap ko ng trabaho rito sa Olongapo City, wala man lang tumawag o nag text sa akin upang ibalita na pasado na ako at puwede ng magsimula.

Galing pa ako sa probinsya ng Masinloc at ilang oras din ang binyahe ko para lang makarating sa Olongapo. Kailangan kong makahanap ng trabaho na may malaking suweldo para sa operasyon ng Mama ko. Mayroon kasi siyang cysts sa matris na kung hindi maaagapan ay baka mas lalo pang lumala at mauwi sa cancer.

Idagdag pa ang pang araw-araw naming gastusin tulad ng; koryente; tubig; pagkain at maintenance ng Mama ko. Jusme, kung bakit naman kasi kay agang nadedo ng Papa ko at wala man lang akong kapatid na puwede sanang tumulong sa akin?!

"Miss, kanina ka pa pinapatawag ni Sir X sa Dark Room."

Natigilan ako at kunot noong tinitigan ang babae sa harap ko na may sa-kabote yata. Hindi naman ako masyadong lutang at malinaw-linaw pa rin ang paningin ko ng dahil sa kaiisip sa patung-patong kong problema, kaya naman kitang-kita ko ang magandang babae sa aking harapan.

Nakasuot siya ng kulay itim na damit na humahapit sa kurbada niyang katawan, at itim din na sandals na nagpatingkad sa maputi niyang mga paa. May ngiti rin sa labi niya na mistulang pinutakte ng sangkatutak na bubuyog dahil sa pagkakapula. Pero dahil hindi ko alam ang pinagsasasabi niya... deadma. Next year na kami mag-usap, o kaya naman meet na lang kami next life.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, seyempre 'di ako pakakabog at ginaya ko rin ang ginawa niya sa akin.

"Miss, okay ka lang? Kung aatras ka, sana nagsabi ka ng maaga para nakahanap kaagad kami ng puwedeng ipalit sa'yo," aniya na ikinagulo ng isip ko na dati naman ng magulo.

Lalong nangunot ang noo ko saka nagtatakang tinanong ang babae. "Ano bang trip mo? Sinong X, at anong aatras ang sinasabi mo?"

Bahagya akong sumandal sa pader upang hamigin ang aking sarili. Apat na klase ng pangsosyal na inumin lang naman ang ininom ko, pero daig ko pa ang lumaklak ng dalawang litro ng emperador!

"Akala ko ba kailangan mo ng pera?" balik tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa magic word na 'yon. Natural, lahat naman ay kailangan ng pera, sino ba ang hindi? Pakiramdam ko tuloy ay tuluyan ng nawala ang hilong nararamdaman ko.

Tumayo ako ng tuwid saka nginitian ang babaeng kanina lang ay tinatarayan ko. "Oo naman-"

"Kung ganoon pumasok ka na sa Dark Room dahil kanina pa naghihintay sa'yo si Sir X. Hindi pa naman magandang pinaghihintay si Sir, baka mainip 'yon at maghanap ng iba," aniya na bagamat nagpapagulo sa isip ko'y natutuwa pa rin ko.

Akala ko kasi talaga ay napakamalas na ng araw ko ngayon. Pero heto na, mukhang matatanggap pa yata ako rito sa Club-V kahit hindi pa man ako nag-a-apply.

"Hired na ba ako? Kailan ako magsisimula?" sunud-sunod kong tanong.

"Si Sir X ang magsasabi sa'yo kung okay ang serbisyo mo o hindi. Pagkatapos ng limang oras puwede ka ng lumabas at bumalik sa akin. Nasa front desk lang ako at ako ang mag-aasikaso ng bayad para sa'yo."

Kinuha ko sa bag ko ang natitira kong biodata saka inabot sa kanya. "Ayan na lang ang natirang biodata ko, puwede na siguro yan for formality ano?" nakangiting sabi ko. "Pero ano ba ang gagawin ko?"

"Paligayahin mo si Sir X," baliwalang sagot niya. "Ano bang talent mo?" kuryosong tanong niya pa saka kinuha ang biodata na inaabot ko sa kanya.

"Marunong akong sumayaw-"

"Kung ganoon, sayawan mo si Sir at galingan mo." Tinuro niya ang pinto sa dulong bahagi ng Club saka niya ako tinapik sa balikat. "'Yon ang room niya, sige na, good luck huh!"

Sa sobrang excited ko ay halos liparin ko na ang hallway makarating lang sa Dark Room na sinasabi ng babae. Habang naglalakad papunta roon ay inayos ko na rin ang aking sarili. Nagpahid ako ng lip tint, nagpulbos at nagspray din ng pabango para naman hindi madisappoint sa akin ang magiging amo ko.

Pagkatapat sa pinto ay humugot na muna ako ng malalim na buntong hininga bago dahan-dahang tinulak 'yon. Literal na Dark Room pala talaga, dahil bukod sa dalawang lampshade na nasa magkabilang gilid ng kama, wala ng ibang liwanag na makikita sa loob ng silid.

"H-hello? May multo ba rito?"

Wala akong ibang maaninag dahil may kadiliman. Pero nahagip ng tantalizing eyes ko ang bulto ng nakatayong lalaki sa harap ng nakasaradong bintana.

Malapad ang likod at matangkad. Hindi ko lang alam kung may ipagmamalaking mukha ba siya o no comment na lang?

I cleared my throat as I call him. "S-Sir?"

Parang sa pelikula lang na dahan-dahang humarap sa akin ang lalaki na kahit hindi ko masyadong maaninag ay mukhang guwapo rin... yata.

"What are you waiting for?" salat sa emosyong tanong niya.

Buong-buo ang boses niya na halos mag-echo pa sa apat na sulok ng silid. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi na ikinawindang ng buong sistema ko.

"Take off your clothes, and let me enjoy your body."

What the F?!

Sa mga oras na 'to, isa lang ang nasa isip ko... at 'yon ay ang kaalamang may pagka-bampira pa yata ang magiging amo ko!

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status