Share

CHAPTER 35

Skyler's Pov

Pagkagising ko kinabukasan ay napansin kong wala si prince Alex sa aking tabi, dito ulit ako natulog dahil nga sa gusto niya akong makatabi araw-araw kaya wala na akong nagawa pa at gusto ko rin naman siyang makatabi.

Dumiretso muna ako sa banyo upang maghilamos dahil nga kakagising ko lang, pagkatapos kong mag hilamos ay lumabas na ako banyo.

Bubuksan ko na sana ang pinto nitong silid para hanapin si prince Alex pero nagulat ako ng bumukas ito at nakita ko siyang may bitbit na isang tray na may lamang mga pagkain.

“Gising ka na pala aking prinsesa” di ko pa rin maiwasang kiligin sa tuwing tatawagin niya akong prinsesa.

“Kakagising ko lang, saan ka nagpunta at wala ka sa tabi ko?” tanong ko sa kaniya

“Namiss mo ba agad ako?” nakangising tanong niya sa akin at inilapag ang tray ng pagkain sa lamesa.

 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status