Baka heto lang muna ang ud. May emergency kasi akong pupuntahan. 🥹 Wala muna POV si Anton. Pagbalik na niya galing sa mission niya. Hayaan na muna ngayon. End of the month narin. Next month ulit!
Matapos naming kumain ay nagpaalam ulit ako kay Leo. Gusto niyang tawagan ko siya kapag dumating na ako. Pumayag ako kaysa matagalan pa akong makaalis.Nagdala lang ako ng isang bag. Nagtanong ako kay Ate Maria kung anong sasakyan para makalabas ng subdivision pero ang sabi niya, wala daw. At dahil ayaw kong magpahatid, nilakad ko na lang. Inabot ako ng sampung minuto bago ako makalabas ng subdivision.Doon pa ako nakapara ng taxi. Thirty minutes bago ako dumating sa NAIA. Mabilis din akong nag-book papunta sa Iloilo, contrary to Cindy’s province na nasa San Isidro.Pagka-check-in ko at naghihintay na lang ng flight, tumawag ako kay Daddy.“Daddy?” medyo gulat kong tawag nang sagutin niya.Base kasi sa sinabi ni Mommy, na nagkukulong siya sa opisina niya at pati sa tawag ay hindi siya makakausap.“Francesca,” tawag niya. Natunugan ko ang pagkatuwa sa boses niya.“Daddy, pauwi ako ngayon. Pwede po bang magpasundo? Nasa airport po ako.”Narinig ko ang bahagya niyang pagsinghap. “Uuwi ka
Kinabukasan, maaga akong nagising. Palabas pa lang si Ate Maria para maligo ay nagpapalit na ako ng damit. Pero bago siya tuluyang nakalabas, napuna niyang hindi uniform ang suot ko.Kita ko ang pagkunot ng noo niya. “Bakit hindi ka naka-uniform?”“Iyon nga, Ate. Sa tingin mo, papayagan kaya ako kung hihilingin kong magliliban muna ako ngayon? Tumawag kasi si Nanay. Pinapauwi muna ako.”“May nangyari ba?” tanong niya, may halong pag-aalala.Umiling ako. “May emergency lang sa bahay, Ate. Babalik din ako bukas kung papayagan ako.”Though I doubt kung hindi ako papayagan ni Leo. I know he will allow me. I just want to know what Ate Maria has to say para maisip niya na may say siya sa ganitong bagay.“Kung emergency naman, papayagan ka,” aniya.Nang lumabas siya ay nagpatuloy ako sa pag-aayos. I wore a black knitted long sleeves at isang black midi skirt. I put a belt on para magmukhang hindi plain.Nang matapos ako ay saka pa ako lumabas. Huminto ako sa kusina para gumawa ng almusal ko.
Nakapikit ako nang pumasok siya sa kotse. The folder was already on his seat. Doon ko nilagay para makita niya agad.“What is this?” tanong niya.Kunwari akong dumilat. I looked at him innocently.“May nagbigay sa akin na lalaki. Ipinapabigay sa’yo. Baka importante?” mahinahon kong sabi.I saw how his forehead crease. Kinuha niya ‘yong folder at saka sumakay ng kotse. He opened the folder…at agaran ang pagsara niya roon nang makita niya kung ano ang laman. He put it above him, sa sun visor. Hindi niya itinuloy ang pagbukas noon.“Uuwi na tayo?” tanong ko para maalis sa folder ang isip niya.He nodded. “Oo. It’s late. Baka inaantok ka na rin.”I let out a low chuckle. “Medyo inaantok nga ako kanina pa.”Tahimik kaming pareho sa byahe. I don’t know with him pero tahimik ako dahil medyo nakakaramdam ako ng kaba.Kung ipinaimbestigahan niya ako, nagdududa siya sa pagkatao ko? He doesn’t believe I am just a housekeeper. Siguro dahil hindi akma ang mga galawan ko? O mga pormahan ko?Nonethe
I was biting my lips as I watched Ate Maria make coffee for Leon. Ako dapat ang gagawa kaso hindi ko matantsa ang tamang timpla. Inabutan ako ni Ate na paulit-ulit na dumadagdag ng cream kaya siya na ang gumawa.“Bakit hindi ka naka-uniform?” tanong niya habang nilalagyan ng mainit na tubig ang baso.“Aalis daw kami, Ate. May pupuntahan siya at gusto niyang sumama ako. May utos siguro mamaya.”Minsan, nakakaguilty din na ang gaan lang ng ginagawa ko ngayon. I don't even know if what I'm doing is housekeeping. Leo would want to eat with me, nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya. Uutusan lang niya ako kung may ipapakuha siya sa akin.Nang matapos si Ate Maria ay kinuha ko ang baso bago dinala sa taas. Leon was in their library upstairs. Hindi ko inaasahan na hahayaan niya ako sa taas nila. I thought he would go down but no.Nang makarating ako sa taas ay lumiko ako pakaliwa para pumunta sa library nila. Nasa couch siya, laptop on his lap. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. May coffee
Leon VergaraHindi ako tinantanan ni Miguel simula nang makita niyang kasama ko si Cindy sa bar. He was damn intrigued where I found her. Alam niya ang nangyari noong inaway ako ni Cindy sa isang bar. Hindi ko alam na nakita pala niya kami. The first time I saw Cindy, she was so drunk and mad. May lalaking nakaalalay sa kanya pero halatang pinipilit lang ng lalaki na isama siya. She was struggling but couldn't get away from that bastard because she was drunk.Nagpanggap akong boyfriend niya. Mabilis na umalis ‘yong lalaking pumipilit sa kanya. Kaya lang ay sa akin niya ibinuntong ang galit niya. She slapped me. And I let her because I got stunned when she looked at me. “I'll get you home,” alok ko. Pero patuloy siyang nagwawala. She kept on punching my chest as if I'm really her problem.“I don't need you! Get lost! You can't talk to me!” sunod-sunod niyang sigaw.Tumigil lang siya nang lapitan siya ng kaibigan niya. I didn't see her again after that. It's like she never existed. B
The effect of Leo's kiss wasn’t immediate. Hindi pa ako naiilang noong nasa bar pa kami. Tinamaan lang ako ng hiya nang nasa kwarto na ako. Ate Maria was already asleep by the time I arrived. At dahil tahimik, biglang naisip ko ang paghalik ni Leo at bigla akong nailang!Nakataklob ako ng kumot dahil feel ko, kahit tulog si Ate Maria, alam niyang naghalikan kami! It’s so weird!Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Siguro, in the middle of me thinking how I was going to face Leon the next day, napagod ako at nakatulugan ko ang pag-iisip.Kinabukasan, maaga akong gumising. Mas maaga kay Ate Maria. Maliligo pa lang siya, nagbibihis na ako.“Ang aga mo naman, Cindy,” medyo inaantok pa niyang sinabi.“Kaya nga Ate. Maligo ka na rin.”Mabilis akong nagbihis habang naliligo na si Ate. Alam na ng iba na hindi ako tutulong sa gawaing bahay. Kung ano lang ang utos sa akin ni Leon ay iyon lang ang gagawin ko. Kaya wala na silang problema kung nakatunganga lang ako.Though some are annoyed at