Share

CHAPTER 4

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2024-08-01 12:28:01

NAPALUNOK si Gabrielle lalo pa at nag-init ng husto ang katawan niya. Hey, Gabrielle, kung lahat na lang ng magandang babae papatulan mo, ano pang ipinagkaiba mo sa hayup? Anang utak niya.  Umayos siya ng upo at huminga ng malalim, “Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa iyon, pero gusto kong humingi ng sorry sa naging kapangahasan ko.”

Hindi siya umimik.  Nakatungo lang siya habang nakatitig sa kanyang tinapay at kape.  Nagising na lang siya isang araw na hindi na siya virgin at ni wala siyang maalala sa mga nangyari.

At ngayon ay kara-karakang nalagay siya sa ganitong sitwasyon.  Parang gusto niyang mapaiyak.

Gustong ma-guilty ni Gabrielle dahil kasabwat siya sa pagsasamantala sa kainosentehan ni Millet.  Para tuloy nawalan na siya ng ganang tapusin ang kanyang pagkain.  Tiningnan niya ito ng matiim, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”

Hiyang-hiyang tumango si Millet.

“Ikukuha kita ng tutor, sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa. . .sa gulong idinulot ko saiyo at sa pamilya mo. By the way, gusto ko ring makausap ang mga magulang mo.  Pero hinihiling ko sana saiyong huwag nang makarating pa sa kanila ang naging kasunduan natin.  Kapag nagtanong sila, sabihin mo na lang na nainlab tayo sa isa’t-isa,” sabi ni Gabrielle sa kanya.

May pait sa mga labing napangiti siya, “H-hindi naman po kapani-paniwalang magugustuhan ninyo ang isang kagaya kong ni hindi marunong bumasa at sumulat.”

“Will you please drop the ‘po’ kapag kinakausap mo ako?” sabi ni Gabrielle sa kanya. “At saka bahala na sila kung anong iisipin nila.  Ang mahalaga ay makita nilang nagsasama tayo bilang mag-asawa, okay?”

GULAT NA GULAT SI MANG SOLOMON nang mapanuod sa tv ang anak kasama ni Gabrielle Dizon.  Ni hindi niya nabalitaang nagpakasal ang mga ito.  Pagkatapos ng balita ay mabilis niyang tinawagan ang anak.

“Naka-jackpot ka pala, ni hindi mo man lang ipinapaalam sa amin?” Sita nito sa panganay, “Sabi ko na nga ba at ikaw ang magdadala ng swerte sa amin.”

“T-Tay. . .uuwi kami dyan sa makalawa, k-kasama ng asawa ko.” Sagot ni Millet sa ama, “G-gusto niya kayong makilala.”

“Aba’y dapat lang. . .napakayaman ng asawa mo kaya dapat lang na mamahagi ka ng biyaya dito, hindi iyong sa tv ko pa malalaman ang nangyayari saiyo.” Sabi nito sa kanya, “Nga pala, siguro naman mabibilhan mo na ako ng sasakyan ngayong nakapag-asawa ka ng mayaman?”

Nagulat si Millet sa sinabi ng ama.

“Tay, hindi naman bangko ang pinakasalan ko.”

“Uy, alam kong isa sa pinakamayaman ang mga Dizon kaya barya lang sa kanila ang isang milyon!”

“Tay, saka na tayo mag-usap. M-marami pa ho akong ginagawa,” mabilis nang pinatayan ni Millet ng telepono ang ama.  Para tuloy natatakot na siyang ipakilala si Gabrielle sa pamilya niya.  Alam kasi niyang hindi ito titigilan ng tatay niya hangga’t hindi ito nahuhuthutan ng pera.

Minsan nga ay pinagdududahan na niya ang ama kung ginagastos ba talaga nito sa pagpapagamot ang perang ipinapadala niya buwan-buwan.  Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman ito humihinto sa mga bisyo nito.  Na parang hindi nito pinapahalagahan ang pagtratrabaho niya, matustusan lamang ang mga pangangailangan ng mga ito.

Nilapitan si Millet ng isa sa mga staffs ni Gabrielle, “Ikaw na ang next na sasalang sa stage.” Bulong nito sa kanya.

Para na namang babaligtad ang sikmura niya.  Kanina pa sila umiikot sa mga campaign rally and so far wala pa naman siyang nakakalimutan sa mga speech niya.  Huwag lang siyang kausapin ng English at sumasablay na siya.  Ngunit kailangan niyang gawin ito kung hindi’y mapapagalitan na naman siya ni Atty. Lianela Mendez.  Minsan nga, kahit pakiramdam niya ay wala naman siyang ginagawang mali ay tila mali pa rin iyon sa paningin ng abogado.  Ewan ba niya kung bakit mainit ang ulo nito sa kanya.  Ginagawa naman niya ang bawat sabihin nito.

Ngunit pagdating sa entablado ay nakangiti siya.  Ni hindi mahahalatang kinakabahan siya.  Siguro ay dahil kahapon pa sila umiikot sa kung saan-sang lugar kaya parang nasasanay na rin siya.

“Magandang hapon po sa inyong lahat.  Bago ang lahat, gusto ko pong ipakilala ang aking sarili sa inyo.  Ako po si Millet Dizon, ang may bahay ng ating susunod na pangulo ng bansang ito.  Kung hindi nyo po naitatanong, nanggaling po ako sa maralitang buhay.  At gaya ng marami sa ating kababayan, dama ko ang paghihirap ng mga nasa laylayan.  Naranasan ko iyong gumigising sa umaga na hindi alam kung saan kukuha ng makakain or paano itatawid ang maghapon. . .kung hindi nyo po naitatanong, isa po akong mangmang.  Opo, mangmang. . .at nakakahiya mang aminin, hindi po ako marunong bumasa at sumulat. . .”

Narinig ni Atty. Lianela Dizon ang nilikhang curiosity ni Millet sa mga tao habang nagsasalita ito.  Napangisi siya.  Ngayon pa lang ay naamoy na niya ang panalo ni Gabrielle.  Mukhang nakatulong ng malaki ang ginawang pananabotahe sa kanila ng kalaban.

Nilingon niya si Gabrielle na guwapong-guwapo sa suot nitong kulay asul na polo shirt.  Malapit na siyang maging first lady, sa loob-loob niya habang tinitingnan ito.

“PALPAK ang plano mo!” Galit na galit na sigaw ni Don Sebastian kay Nenita. “Sa halip na bumagsak ang ratings ni Gabrielle, mas lalo pa siyang naging popular ngayon sa masa dahil sa illiterate niyang asawa!”

“Which is alam naman nating nagpapanggap lang sila.  Ang kailangan lang natin ay ma-expose ang real score between them!  Kung kinakailangang tapatan ang ibinayad ng pamilya Dizon sa babaeng iyon para lang maexpose natin ang katotohanan. . .”

“Stop it.  Ayan ka na naman sa ideya mong yan!  Bakit hindi ka gumaya sa katalinuhan ni Atty. Lianela Mendez?” May sarcasm na sigaw ni Don Sebastian sa babae.

Nasaktan si Nenita sa sinabing iyon ng matandang don ngunit nanahimik lamang siya.  Mas lalo tuloy tumindi ang galit niya kay Atty. Lianela Mendez.

Nilingon ni Don Sebastian ang alalay nito, “Ikuha mo ako ng tubig!” Utos niya rito, kaagad namang tumalima ang inutusan.

“Billion na ang nagagatos ko sa kampanyang ito.  Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaniwala sa mga palpak mong ideya!” Muling sigaw ni Don Sebastian kay Nenita.

NAGULAT SI MILLET nang pagdating nila ni Gabrielle sa kanila ay maraming bisitang kaibigan ang tatay niya at proud na proud itong ipaglandakan ang mayamang manugang sa mga ito.

Inakbayan pa nito si Gabrielle na parang matagal nang kakilala.  Siya tuloy ang napapahiya.  “Iho, inutang ko nga pala itong pinalitson kong dalawang baboy para sa inyo. Nagpakatay rin ako ng mga kambing. . .mahigit kumulang nasa isang daang libo ang babayaran mo.” Pabulong na sabi nito.

Pasimpleng lumayo si Gabrielle sa matanda, nagulat siya sa sinabi nito, “One hundred thousand ang ginastos ninyo at gusto nyong ako ang magbayad?”

“Kuu, mano ba namang maghanda tayo total hindi nyo naman kami inimbita sa araw ng kasal nyo. . .saka barya lang naman ito sa pamilya mo, hindi ba?”

Hiyang-hiya si Millet kay Gabrielle ngunit natatakot siyang pagsabihan ang ama dahil baka masampal na naman siya nito sa harapan ng maraming tao.  Ayaw niyang mapasama pa si Gabrielle sa paningin ng kanilang mga kabaranggay.

Hindi na nakipagtalo pa sa ama ni Millet si Gabrielle ngunit ngayon pa lang ay namarkahan na niya ang ugali ng matanda.

“GANYAN ba ang maysakit, parang takot maubusan ng alak?” Sita ni Gabrielle kay Millet habang nakalingon sa ama nitong haping-hapi at langong-lango na sa paglalasing.  Para tuloy gusto niyang pagsisihan na binisita pa niya ang pamilya ni Millet dahil ni hindi naman niya nakausap ng maayos ang mga ito dahil pagdating na pagdating pa lang nila sa bahay ay dinagsa na sila ng mga kababayan ng mga ito at kung anu-anong inuurirat.  May mga humihingi ng abuloy, donasyon etc.

Hindi alam ni Millet kung ano ang sasabihin kay Gabrielle.  Hindi naman kasi niya alam nag anito ang gagawin ng tatay niya.  Ang usapan nila, bibisita lang sila para makilala ang pamilya niya.  Hindi niya alam na magmumukhang piyesta ang mangyayari sa pagdalaw nila.

“Babayaran ko na lang po unti-unti iyong perang ibinigay nyo kay tatay.” Sabi ni Millet sa lalaki.

“Wala namang problema sa akin ang pera.  Sana lang, ginagamit sa tama hindi ganyang sinasayang lang sa bisyo,” sabi ni Gabrielle dito, “Alam mo bang kahit ganito na ang estado ng buhay namin, hindi ako basta-basta nagpapakawala ng pera kung walang pakinabang na babalik sa akin?  Yan siguro ang problema sa karamihan sa tiga-rito.  Inuuna ang pagyayabang kesa isipin ang pag-unlad.  I’m not only referring to your father. Ito ang isa sa mga sakit ng ating mga kababayan. . .”

Tumango siya dahil alam niyang totoo naman ang sinasabi nito.

“Anak, inihanda ko na iyong kuwarto ninyo.  Baka gusto nang magpahinga ni Sir Gabrielle,” timid na sabi ng ina ni Millet na si Aling Virginia.  Hindi gaya ni Mang Solomon, mabilis niyang nakapalagayang loob ang matanda dahil mabait ito at mukhang hindi concern talaga ito kay Millet.

Napatingin si Millet kay Gabrielle.  Sinabihan na sila ni Atty. Lianela Mendez na hindi sila pwedeng mag-check in sa hotel.  Kinailangang sa bahay nila sila tumuloy at dapat ring sa iisang kuwarto sila matulog.  Isang paraan raw iyon para ipakita ni Gabrielle na makamasa ito.

Kanina ngang kumakain sila ay sinubukan pa ni Gabrielle magkamay kahit halatang hindi naman ito marunong.  At alam niyang parte pa rin iyon ng palabas.

“Pasensya nga pala iho, wala kaming kama kaya sana maging komportable kang matulog sa lapag,” sabi pa ni Aling Virginia kay Gabrielle.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 11

    Napalakas yata ang tama ng alak sa kanyang katawan dahil bawat gawin ni Rod ay nakapagpapahatid ng kakaibang kaligayahan sa kanyang bawat himaymay ng katawan."Ahhhh Rod," daing niya habang waring pinapanawan ng ulirat. Never niyang naisip na ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal pero bakit nawala na ang lahat ng disposisyon niya sa buhay? Bakit hinahayaan niyang namnamin ni Rod ang kanyang katawan?Sumisigaw ang utak niya na itulak si Rod palayo sa kanya at awatin ito sa ginagawa ngunit ng mga sandaling iyon ay tinatalo siya ng tawag ng kanyang mga kalamnan. Mas malakas ang pwersa ng kaligayahang nararamdaman kaysa sa tamang wisyo.Talaga nga yatang nagiging mahina ang isang tao kapag may spirit ng alak sa katawan.Samantala ay para namang mababaliw si Rod habang ninanamnam ang sarap ni Becka. Marami rami na rin naman siyang natikman na mga babae. Mas bihasa at sanay na sanay pang gumiling pero ewan ba niya kung bakit parang iba ang babaeng ito.Na

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 00010

    NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0009

    KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPER 8

    TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 7

    HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 6

    ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status