“ANG HIRAP siguro para saiyo n-nang sumama sa ibang lalaki ang. . .Mommy mo,” halos paanas lamang na sabi niya sa kanyang amo. Nakita niyang bahagya itong napaismid.
“Halos gabi-gabi akong binabangungot nuon. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa kung sinong lalaki. Since then, ipinangako kong kakalimutan ko na sya at hindi ko na sya hahanapin kahit na kailan.”
“At simula rin nuon, hindi ka na naniwala sa salitang pag-ibig?” Halos paanas lamang na tanong niya rito.
Hindi sinagot ni Gabrielle ang tanong niya, sa halip ay kumunot ang nuo nito, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”
Namula ang kanyang mga pisngi. Nakakahiyang sa edad niyang disnuebe ay maski ang pangalan niya ay hirapan pa rin siyang isulat.
“Hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa school. Napilitan akong magtrabaho sa palengke nang magkasakit si tatay. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang pwede nilang asahan. . .”
“May sakit ang tatay mo and yet nagawa pa nyang dagdagan kayong magkakapatid?” May sarcasm na sabi nito sa kanya.
Hindi siya nakaimik. Hindi nga niya alam kung paanong dumami sila ng dumaming magkakapatid gayong me sakit ang tatay niya.
“Hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang na inaabuso ang kabaitan ng kanilang mga anak. Or mas tamang sabihing katangahan ng. . .” hindi nito itinuloy ang sasabihin, “Matagal nang me sakit ang tatay mo pero ang lakas pa rin niyang mag-inom, hindi ka ba nagtataka?”
“Palagay mo, nagsisinungaling lang si itay sakin?”
“Hindi ko alam. Gusto mo bukas, dalhin natin sya sa doctor para na rin malaman mo kung ano ba talaga ang sakit nya?” tanong nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makapag-aral, ano bang maging gusto mong profession?”
“Gusto ko sanang maging teacher. . .o kaya nurse,” aniyang huminga ng malalim at umayos ng higa paharap sa kisame, “Pero imposible nang mabigyang katuparan ko pa iyon sa edad kong ito,” bahagya siyang bumaling kay Gabrielle, “I-ikaw, g-gusto mo ba talagang maging Presidente? Ang hirap sigurong trabaho nyan d-dahil buong Pilipinas ang pangangasiwaan mo?”
“Kung may choice ako, mas gusto kong pangasiwaan na lang ang kompanya namin,” sagot nito sa kanya, “Hindi ko naman pinangarap kahit na kailan na pasukin ang politika.”
Muli siyang bumaling dito, “Pero bakit heto ka ngayon sa mundo ng politika?”
May pait sa mga labing napatawa siya, “Siguro, dito talaga ako dinadala ng kapalaran ko,” sagot nito sa kanya.
Natahimik siya. Hanggang unti-unti ay dalawin na siya ng antok. Habang si Gabrielle naman ay nakatingin sa kanya. O nakatitig sa mas tamang kahulugan ng salita. Hindi maipaliwanag ni Gabrielle ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Naawa siya kay Millet na naiinis dahil pumapayag itong pagsamantalahan ng pamilya nito. Naisip niyang kung nakapag-aral sana si Millet, hindi ganito ang magiging kapalaran nito.
UNTI-UNTING NAGLAHO ang mga ngiti sa labi ni Mang Solomon nang sabihin sa kanya ni Gabrielle na dadalhin siya nito sa ospital para ipa-check up at malinawan kung ano ba talaga ang sakit niya.
“H-hindi na yan kailangan iho. Magagastusan ka pa. . .may maintenance naman ako. Ang mabuti pa, dagdagan mo na lang ang allowance na ipinapadala sa akin ni Millet. Gawin mong singkwenta mil buwan-buwan. Alam mo kasi, hirap na hirap na akong gumalaw, syempre, kailangan ko ng mga vitamins at masasarap na pagkain para gumaling.” Sabi ni Mang Solomon saka bahagyang ngumiti, “At saka kailangan ko sana ng sasakyan para gumaan naman ang gawain ko. Alam mo na.”
Hindi ipinahalata ni Gabrielle ang inis na nararamdaman sa matanda. Bumaling siya kay Millet, “Nasabi mo ba sa tatay mo kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo makapagpadala ka lang sa kanila?”
Napatungo si Millet.
“Alam kong hindi madali ang mangatulong. Pero ngayong mag-asawa na kayo, syempre iba na, hindi ba?” Nakangising sagot ni Mang Solomon.
Parang gusto nang suntukin ni Gabrielle ang matanda nang matauhan sa pagiging manhid nito. Napaghahalatang hindi talaga ito concern sa anak basta may sustento itong matatanggap mula dito. But since pumapayag si Millet na abusuhin nito, wala na siguro siyang magagawa pa.
“Okay,” aniyang napahinga nang malalim, “Kung ayaw nyong magpa-check up, wala na akong magagawa. Ang sakin lang, gusto ko kayong makitang lumalakas para makabalik kayo sa pagtratrabaho. Ilang taon na ho ba kayo? 60? My Dad is already in he’s 70’s pero ang sipag-sipag pa ring magtrabaho dahil ayaw nyang umasa sa kahit na kanino.” Sinadya niyang igiit ang salitang ‘ayaw umasa.’
“Hahaha, iba talaga kapag mayaman. . .kahit ako ang Daddy mo, lalakas talaga ako dahil marami akong pera,” sagot ni Mang Solomon sa kanya.
Napahinga nang malalim si Gabrielle nang tila hindi naman nito naintindihan ang point niya. “Bueno, luluwas na po kami ng Maynila. Iyong secretarya ko na ang bahala sa mga nautang ninyo.”
“Hindi mo ba ako maiiwanan ng pangdown payment ko sa sasakyan?” Tanong ni Mang Solomon sa kanya na tila sinasagad ang pasensya niya.
“Itay. . .” hiyang-hiyang saway dito ni Millet, “Malaki po ang gastos ni Gabrielle sa kampanya at. . .”
“Ano pang silbi ng nakapag-asawa ka ng mayaman kung hindi namin mapapakinabangan ang yaman ng asawa mo?” Halos paanas lamang na sabi ni Mang Solomon kay Millet ngunit hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ni Gabrielle. Mas lalo lamang nawala ang respeto niya sa matanda.
Ngunit nagkunwa siyang walang narinig. Dumiretso na siya palabas ng bahay ng mga ito at duon na lamang niya hinintay sa sasakyan si Millet habang napakaraming usiserang paparating sa bahay ng mga ito.
“Itay, saka na lang po natin pag-usapan ang tungkol dito,” sabi ni Millet sa ama, nagmano siya rito pati na rin sa kanyang ina saka nagmamadali nang lumabas ng bahay at pumasok sa sasakyan kung saan naghihintay si Gabrielle.
“Let’s go, Mang Kanor,” utos ni Gabrielle sa kanyang driver. Umayos siya ng upo saka ipinikit ang kanyang mga mata sa sobrang pagod dahil hindi komportable ang naging tulog niya kagabi. Pero alam niyang parte ng politika ang ganito. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Lianela ang tumatawag sa kanya. “Hello?”
“Kumusta?” tanong ng magandang abogada sa kabilang linya.
“I’m tired. Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap,” sagot ni Gabrielle dito, hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Lianela, pinatayan na niya ito ng telepono saka iniabot kay Millet ang kanyang phone, “Kapag may tumawag sa akin, pakisagot. Gamitin mo na lang ang thumbmark ko para mabuksan mo ang phone ko. I’m really tired, gusto kong matulog.”
Tumango si Millet sa kanya.
Napalakas yata ang tama ng alak sa kanyang katawan dahil bawat gawin ni Rod ay nakapagpapahatid ng kakaibang kaligayahan sa kanyang bawat himaymay ng katawan."Ahhhh Rod," daing niya habang waring pinapanawan ng ulirat. Never niyang naisip na ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal pero bakit nawala na ang lahat ng disposisyon niya sa buhay? Bakit hinahayaan niyang namnamin ni Rod ang kanyang katawan?Sumisigaw ang utak niya na itulak si Rod palayo sa kanya at awatin ito sa ginagawa ngunit ng mga sandaling iyon ay tinatalo siya ng tawag ng kanyang mga kalamnan. Mas malakas ang pwersa ng kaligayahang nararamdaman kaysa sa tamang wisyo.Talaga nga yatang nagiging mahina ang isang tao kapag may spirit ng alak sa katawan.Samantala ay para namang mababaliw si Rod habang ninanamnam ang sarap ni Becka. Marami rami na rin naman siyang natikman na mga babae. Mas bihasa at sanay na sanay pang gumiling pero ewan ba niya kung bakit parang iba ang babaeng ito.Na
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda