Share

Chapter 73

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-04-18 00:45:59

Isang tahimik na tanghali sa loob ng isang opisina sa penthouse floor ng isang kilalang gusali sa siyudad. Ang buong lugar ay tila idinisenyo para sa mga lihim, matitibay na pinto, tinted na salamin, at katahimikan na parang hindi dapat baguhin.

Sa likod ng isang mahaba at makintab na mesa, nakaupo ang isang lalaking bihis na bihis, itim na blazer, puting polo, at isang relo na siguro ay kaya nang bumili ng bahay. Ang aura niya’y malamig pero mabagsik, gaya ng isang taong sanay sa kontrol at palaging nakaupo sa unahan ng laro.

Nakatayo sa kabilang dulo ng silid si Noah—nakasuot ng itim, simple pero pormal, parang laging handa sa kung anong susunod na utos.

Tahimik. Ang tanging naririnig ay ang mahinang hum ng aircon.

Hanggang sa nagsalita ang lalaki.

“Magaling ang ginawa mo, Noah.”

Tumigil ang pag-scroll ng lalaki sa tablet sa harapan niya. Tumingin ito kay Noah gamit ang malamlam ngunit matalim na mga mata.

“Inanyayahan mo si Bella mag kape. At nag-away silang dalawa pagkatapo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alejad0
kakasuklamn ka toga ni bella noah
goodnovel comment avatar
Alejad0
jan ka nagkakamali noah isa ka plang utusan ngayon akala mo ba maatawad ka ni bella pag nalamn niya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Principal's Affair    Chapter 74

    Gabi na at sobrang tahimik na ng buong bahay. Tahimik ang paligid. Ang lamig ng hangin ay tila nakikipag-agawan sa init ng gabi. Bumaba si Bella mula sa hagdan, suot ang malambot niyang pambahay. Wala siyang balak lumayo, gusto lang niyang makahanap ng kaunting katahimikan. Kaya naisipan niyang dumaan sa pool area, baka sakaling ma-relax siya. Paglapit niya, biglang napahinto siya. Nakita niya si Rafael, nasa pool, naka-babad sa malamig na tubig, nakasandal sa gilid, tila nag-iisip. Hindi na siya nagulat. Sanay na siyang makita si Rafael na ganun kapag gusto nitong magpahinga. Pero ngayon na okay na sila, mas iba na ang pakiramdam. Wala na ang bigat sa dibdib. Wala na ang galit. May kaunting awkwardness pa rin, pero mas magaan. “Hoy,” mahinang bati ni Bella, sabay upo sa tabi ng pool. Napalingon si Rafael at napangiti ng bahagya. “Babaeng buntis na lakwatsera, bakit gising ka pa?” Umirap si Bella, pero hindi mapigilang tumawa. “Naisip ko lang… magpalamig. Ang init sa kwarto. Ika

    Last Updated : 2025-04-18
  • The Principal's Affair    Chapter 75

    Paglampas nila ng Pangasinan, nagpasya si Rafael na huminto muna sa isang view deck. Lumabas sila, huminga ng sariwang hangin, at sabay na minasdan ang tanawing puno ng kabundukan. “Ang ganda, no?” ani Bella habang nakahawak sa railing. “Oo,” sagot ni Rafael, pero hindi sa tanawin siya nakatingin kay Bella. Pero agad niyang iniwas ang tingin, kunwari’y tiningnan ang sasakyan. “Tara na, baka ma-late tayo sa check-in.” “Okay, bossing!” sagot ni Bella, habang pumapadyak sa malamig na simento. At habang muli silang sumakay sa sasakyan at tinuloy ang biyahe paakyat sa Baguio, sa ilalim ng kalangitan at ihip ng hangin, nagsisimula nang isulat ang bagong pahina ng kwento nila, hindi sa awit, kundi sa mismong tahimik na espasyo sa pagitan ng mga salita, ng mga tanong, at ng mga titig na ayaw umamin. Pagkababa nila ng sasakyan sa may gilid ng Session Road, unang bumungad sa kanila ang amoy ng bagong lutong strawberry taho, roasted corn, at mainit-init na ukoy. Si Bella, parang batang nak

    Last Updated : 2025-04-19
  • The Principal's Affair    Chapter 76

    Unti-unti nang lumalamig ang paligid. Habang nag-aayos ng mga gamit nila sa loob, nararamdaman ni Bella ang kakaibang katahimikan ng lugar. Wala ang ingay ng kalsada, wala ring tawanan ng kapitbahay. Ang maririnig mo lang ay huni ng kuliglig, banayad na hampas ng hangin sa salamin, at paminsan-minsan, ang tunog ng crackling wood sa fireplace na sinindihan ni Rafael.Lumapit si Bella roon, hawak ang isang malambot na kumot habang nakasuot na ng mas komportableng pajama at oversized hoodie. Inupo niya ang sarili sa carpet sa harap ng apoy, dahan-dahang iniunat ang mga binti habang marahang hinaplos ang tiyan niya.“Hindi ka ba nilalamig?” tanong ni Rafael habang naglalagay ng mainit na tubig sa mug para sa tea.“Hindi naman masyado. Nakakatulong din pala talaga ‘tong fireplace. Ang sarap sa pakiramdam,” sagot niya habang nakapikit, ninanamnam ang init na dumarampi sa balat.Iniabot sa kanya ni Rafael ang mug, may banayad na usok na lumulutang mula roon. “Ginger tea ‘yan. Safe sa buntis.

    Last Updated : 2025-04-19
  • The Principal's Affair    Chapter 77

    Pagkatapos ng maagang almusal, konting lambingan sa veranda, at quick prep sa rest house, sabay nang umalis sina Bella at Rafael. Tahimik pa rin ang paligid, parang ayaw manggising ng mga bulaklak at tanim sa paligid. Pero sa loob ng puso ni Bella ay maingay. Maingay sa saya, maingay sa hindi maipaliwanag na sigla. Naka-cap si Rafael habang nagda-drive. Si Bella naman ay nakasandal sa bintana, pinapanood ang mga naglalakad sa tabi ng daan, ang mga tanim sa gilid ng bundok, at ang mga simpleng bahay na tila laging may kwento. Gusto niyang i-capture lahat ng iyon. Pero mas gusto niyang i-capture kung paano siya titigan ni Rafael habang hindi siya nakatingin. Pagdating nila sa strawberry farm, agad silang sinalubong ng preskong hangin at kulay pulang kaligayahan. Halos ma-excite si Bella nang makita ang mga tanim. “Ang dami! Grabe, ang lalaki ng strawberries!” sigaw niya habang halos takbuhin ang taniman. Rafael chuckled habang sumusunod lang sa kanya. “Parang bata ka lang.” “E

    Last Updated : 2025-04-20
  • The Principal's Affair    Chapter 78

    Pagkatapos ng photoshoot, umupo sila sa bangko sa tapat ng bahay. Tahimik. Hangin lang at simpleng halakhakan ang naririnig. “Thank you,” sabi ni Bella habang nakatingin sa bahay. “Isa ‘to sa mga pangarap ko dati. Ang simple lang, pero ang saya.” “Kung ako ang magbibigay ng pangarap mo, gusto ko… mas totoo pa sa teleserye.” Natigilan si Bella. Tumingin kay Rafael. “Wow. May pa-line ka na rin?” “Practice lang… just in case,” sagot ni Rafael habang tinatakpan ng ngiti ang tunay niyang nararamdaman. Tahimik na ulit. Pero yung klase ng katahimikan na masarap. Yung may lambing, may ngiti, at may “baka ito na nga talaga.” Mabagal na bumababa ang araw sa likod ng bundok. Ang liwanag nito, tila ginintuan, at unti-unting hinihimas ang mga tanim na strawberry, ang bubong ng bahay nina Agnes at Xander na malayo na sa paningin, at ang porch ng rest house na tila dinisenyo para sa ganitong klaseng sandali. Tahimik si Bella habang naka-upo sa wooden rocking chair, may malambot na kumot sa ka

    Last Updated : 2025-04-20
  • The Principal's Affair    Chapter 79

    Kinabukasan, pagmulat ng mata ni Bella, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na bintana ng kwarto. Amoy kahoy. Amoy kape. Amoy bundok. Isang uri ng umagang bihira niyang maranasan. Hindi pa man siya bumabangon ay napangiti na siya. Ganitong klaseng umaga—kalma, payapa, at puno ng sariwang hangin—ang tipo ng umagang gusto niyang balikan lagi.Bumaba siya ng hagdan, naka-sweater at sweatpants lang. Doon niya naabutan si Rafael sa dining area, nakaupo, tahimik na umiinom ng kape habang tumitingin sa labas ng bintana. Para bang iniinom din nito ang tanawin.“Good morning,” bati ni Bella sabay upo sa tapat nito."Good morning," sagot ni Rafael. "Tulog kang parang sanggol, ha."“Eh kasi naman, ang lamig! Sobrang lambing ng kama, parang ayaw akong paalisin,” sabay tawa ni Bella habang humihigop ng tsokolate na inabot sa kanya ni Rafael.Matapos ang almusal at mabilis na ayos, lumarga na silang dalawa palabas ng rest house. Naka-jacket si Rafael hab

    Last Updated : 2025-04-21
  • The Principal's Affair    Chapter 80

    Tahimik na muli ang paligid. Tapos na ang bonfire. Ang mga bituin sa langit ay tila nakangiting saksi sa mga simpleng momentong hindi mabibili ng kahit anong yaman. Sa loob ng kwarto, malamlam ang ilaw. Kumot. Unan. At ang mahinhin na katahimikan ng dalawang taong natutong tumahimik sa presensya ng isa’t isa.Nakaupo si Bella sa gilid ng kama, naka-hoodie at pajama, hawak ang mainit na tasa ng gatas. Si Rafael naman, kakapasok lang mula sa banyo, bagong palit ng damit at may tuwalya pa sa batok."Uy," sabi ni Bella, pilit na pinapawi ang awkwardness. "Tapos ka na? Grabe lamig."Tumango si Rafael, sabay hila ng isang extra na kumot sa may cabinet. "Lamig talaga. Dito kasi, hindi biro ang hangin. Akala mo tahimik, pero ang lamig... may halong pangungulit."Tahimik silang nagkatinginan. Walang usapan kung anong susunod, pero parang may silent agreement, wala namang masama kung magtabi. Hindi dahil sa kung anuman. Wala lang. Bet lang.Kaya ayun, ilang minuto pa’y pareho na silang nakahiga

    Last Updated : 2025-04-21
  • The Principal's Affair    Chapter 81

    Nasa gitna ng malamig na hangin ng Baguio sina Bella at Rafael. Hawak ni Bella ang mainit na kakakain lang na strawberry taho habang si Rafael ay tahimik lang sa gilid niya, isang kamay sa bulsa, habang nakatingin sa entablado. Maraming tao. Ilaw. Kantahan. Pero sa sandaling ito, parang silang dalawa lang ang nandoon. “At susunod na awit ko ay isang kanta tungkol sa pagpili… palagi,” wika ni TJ Monterde sa mikropono, at nagsimulang tumugtog ang gitara. "Hindi man araw-araw na nakangiti Ilang beses na rin tayong humihindi..." Tahimik si Bella. Pinanood niya si TJ, pero sa gilid ng mata, ramdam niya si Rafael. Hindi man sila nag-uusap, pero tila sabay ang tibok ng puso nila habang umaagos ang liriko. “Eto tayo…” simula ng kanta. “Parang hindi naman tayo 'to,” mahina ngunit may ngiti ang boses ni Bella, pilit na binabawi ang kakaibang tension sa pagitan nila. “Hindi naman talaga,” sagot ni Rafael, diretso sa entablado ang tingin. “Pero bakit parang...tayo pa rin ang nasa kanta?”

    Last Updated : 2025-04-22

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Chapter 103

    Maliwanag ang classroom, sinalubong ng liwanag ng araw mula sa mga bintana na binuksan niya kanina. Sumayaw sa hangin ang mga makukulay na banderitas na siya mismo ang naggupit at nagdikit isang linggo bago magsimula ang pasukan. Isa-isang pumasok ang mga bata, may ilan ay may bitbit na bagong bag, ang iba’y parang ayaw bitawan ang kamay ng kanilang mga magulang. Mayroong tahimik na umuupo, may ilang umiiyak, at meron ding masiglang nagkukuwento na para bang hindi ngayon lang muling nakakita ng kalaro. Mula sa gilid ng silid, nakatayo si Bella, pinagmamasdan ang bawat bata na tila ba kilala na agad niya kahit wala pang pormal na pagpapakilala.“Mabuhay, mga bata! Ako si Teacher Bella,” ngumiti siya habang pinupunasan ang pisara. “Excited na ba kayong mag-aral?”May ilang sumagot ng “Opo!” habang ang iba ay tumango lang. Ngunit kahit pa hindi sabay-sabay ang kanilang sigla, ramdam ni Bella na ito ang tahanan niya—ito ang silid kung saan siya may misyon.“Alam niyo ba,” panimula ni Be

  • The Principal's Affair    Chapter 102

    years Later. "Nat-nat! Anak! Bilisan mo na diyan, ha? Naghihintay na si Ninang Erica mo sa baba, baka maiwanan pa tayo—sige ka, magta-tricycle tayo papuntang school!" malambing ngunit may halong pagmamadali ang sigaw ni Bella mula sa sala habang inaayos ang huling gamit sa kanyang malaking tote bag.Ika-5 ng Hunyo. Unang araw ng klase. Ngunit higit pa sa unang araw ng pasukan ang pakiramdam ni Bella ngayon—ito rin ang unang araw na sabay na silang papasok ng anak niyang si Nathalie Addison sa iisang paaralan.Hindi pa rin siya makapaniwala kung paano lumipas ang anim na taon. Parang kahapon lang na nasa sinapupunan pa niya ang kanyang anak.Ngayon, heto na si Nathalie, anim na taong gulang na, matalino, makulit, at higit sa lahat, sobrang bait. Isang batang punong-puno ng enerhiya, ngiti, at kabighanian—parang sinag ng araw sa gitna ng lahat ng pinagdaanan niya."Yes po, Mama! Coming na po! Naglalagay pa ako ng notebook ko sa bag ko!" sigaw pabalik ng bata mula sa itaas, habang patak

  • The Principal's Affair    Chapter 101

    Sa isang maluwag at pribadong opisina sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tahimik na naglalaro ang liwanag ng lampshade sa ibabaw ng mamahaling desk ni Albert Grafton. Nasa harap niya ang brown envelope na naglalaman ng mga larawan—larawan ng isang sanggol, maputla, tila natulog at hindi na magigising, isang mukha ng pagkawala, isang simbolo ng kasinungalingan na kanyang pinlano ng maingat. Naglagay siya ng brandy sa kristal na baso at naupo sa upuan na tila trono, habang tinitigan ang larawan sa ibabaw ng mesa na para bang isang tropeyo ng matagumpay na panlilinlang. Pumasok si Kian, suot ang karaniwang polo ngunit bakas sa anyo nito ang hindi maipinta ang kabiguan—hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa tila lalong lumulubog ang kapatid nilang si Rafael sa sarili nitong bangungot. “Magaling ang mga nakuha mong larawan,” sambit ni Albert, malamig ang boses habang pinipihit ang baso ng brandy sa kanyang kamay. “Parang totoo talaga. Kahit ako, napaniwala.” Ngumiti si Kian,

  • The Principal's Affair    Chapter 100

    Isang malalim na gabi, lasing na naman si Rafael. Mag-isa sa madilim na parte ng bahay niya, nakaupo sa bar counter, hawak ang basong may natitirang yelo at alak na halos wala nang tama sa kanya. Tila ba kahit ilang shot pa ang inumin niya, hindi pa rin iyon sapat para patahimikin ang nagugulo niyang isipan.“Isa pa,” mahina niyang bulong sa sarili, habang isinasalin muli ang alak sa baso.Araw-araw mula nang mawala si Bella, tila nawalan na ng saysay ang lahat. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang bigat sa dibdib niya. Oo, totoo — kasunduan lang ang lahat dahil na buntis niya ito. Oo, may kontrata. Pero bakit parang may hinahanap siya sa bawat sulok ng bahay nila, sa bawat pag-uwi niya mula sa trabaho, sa bawat gabing dumarating nang tahimik?Bakit parang may kulang?At bakit siya, na sanay sa kontrol at katiyakan, ay ngayon parang nauupos na kandila?Nang una siyang pumunta sa bahay ni Bella, dala-dala niya ang kumpiyansa. Akala niya'y madali lang kakausapin niya, k

  • The Principal's Affair    Chapter 99

    “Noah?” Napakunot ang noo ni Bella, hawak pa ang walis. “Bella,” mahinang tawag ni Noah, parang nag-aalangan. “A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Bella, hindi maitago ang pagdududa sa tono. Nagkamot ng batok si Noah, halatang nahihiya. “Nagtanong-tanong ako sa pamilya mo. Sabi ng mama mo, baka raw nandito ka kay Erica.” Medyo ngumiti siya, pero awkward, parang hindi sigurado kung dapat ba siyang ngumiti talaga. Napabuntong-hininga si Bella. Hindi ko sila masisisi, bulong niya sa sarili. Sa pagkakaalam ng kanyang pamilya, wala namang masama kay Noah — matagal na rin nilang kilala ito bilang mabuting kaibigan, halos parang kapatid na. “Ah, ganun ba...” mahinang sagot niya, iniayos ang hawak sa walis. “Sige, pasok ka na. Wala si Erica, nasa trabaho.” Pumasok si Noah, tahimik, at umupo sa maliit na upuan malapit sa pinto. Hindi niya pinilit umabante pa, tila iginagalang ang espasyo ni Bella. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa

  • The Principal's Affair    Chapter 98

    Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa

  • The Principal's Affair    Chapter 97

    Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,

  • The Principal's Affair    Chapter 96

    Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n

  • The Principal's Affair    Chapter 95

    Habang nasa taxi si Bella, hawak niya ang kanyang tiyan na para bang doon niya kinukuha ang lakas na unti-unti nang nauupos sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa lumang bag na halos hindi na niya pinaghandaan, ilang piraso ng damit, ilang dokumento, ilang alaala.Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mabagal ang oras sa puso niya.Mula sa salamin ng bintana, pinagmamasdan niya ang mga dumadaan poste ng ilaw, ang mga gusali, ang mga taong abala sa kani-kanilang mundo,parang sinasampal siya ng katotohanan na habang siya ay magunaw ang mundo ay tuloy-tuloy lang ang ikot nito, walang pakialam.Nang biglang tumunog ang cellphone niya.Isang tawag.Rafael.Muling nag-vibrate. Muling kumislap ang to niya sa screen. Hindi niya sinagot. Hindi niya kayang marinig ang boses nito. Hindi niya kayang marinig kung anuman ang palusot o paliwanag. Hindi pa ngayon. Hindi pa siya handa.Tumunog ulit. Paulit-ulit. Hindi sumusuko. Pinatay niya ang cellphone. Basta na lang niya pinatay para hindi siya madala n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status