Share

KABANATA 33

last update Last Updated: 2025-10-09 20:03:11

SANDRA’S POV

Nang sabihin ng doctor na maayos na ang kalagayan ni Madam Rowena at gising na ito, ay dali-dali kaming humingi ng pahintulot upang makapasok. Parehong bakas sa mga mukha namin ni Arabelle ang pag-aalala at kaba. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kung anong bigat na hindi ko maipaliwanag. Sa sandaling bumukas ang pinto ng silid, sinalubong kami ng malakas na sigaw ni Madam Rowena.

Hawak siya ni Kimberly, pilit na pinipigilan, ngunit nagpupumiglas ito habang nakaturo sa akin, nanlilisik ang mga mata na tila ba ako ang dahilan ng lahat ng sakit niya.

“Bakit naririto ang babaeng iyan?” galit na galit niyang tanong kay Kimberly, nanginginig ang boses sa poot. “Paalisin mo 'yan dito, Kim!”

“Madam, nag-aalala po sila sa inyo—” hindi na natapos ni Kimberly ang sana ay sasabihin niya nang pasigaw na muling bulyawan ni Madam Rowena.

“Sabi nang paalisin mo!” Sigaw niya, halos mapigtal ang tinig sa tindi ng emosyon. Nakita kong nanginginig ang kamay niyang ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 64

    SANDRA’S POVKinabukasan ay masaya akong pumasok sa school. Magaan ang pakiramdam ko, parang bawat hakbang ko sa hallway ay may himig ng tagumpay. Hindi kami nagkita ni Kaydie buong araw dahil abala rin siya sa paghahabol ng requirements, at tulad ko, abot-langit na rin ang stress sa final exams. Gayon pa man, buo ang focus ko. Gusto kong tapusin ang linggong ito nang walang bitin o panghihinayang.Pagsapit ng hapon, habang naglalakad ako papunta sa gate upang mag-abang ng taxi ay may narinig akong tumawag sa akin.Si Arthur. Gulat na gulat ako at tumakbo papalapit sa kaniya upang yakapin siya ng sobrang higpit.Suot niya ang dark blue polo na paborito kong tignan sa kaniya, may dala pang maliit na paper bag at ngiting agad nagpalambot ng puso ko.“Wear this, baby,” aniy sabay abot sa akin ng isang paper bag. “Hindi pwedeng walang celebration.”

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 63

    SANDRA’S POVMatapos ang awarding ceremony ay halos hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Sa bawat bigat na pinagdaanan ko, ngayon ay may medal na nakasabit sa leeg ko, at higit pa roon, isang pakiramdam ng pagtanggap na matagal ko nang hinahanap.Pagkatapos ng program, nilapitan ako nina Kaydie at ng mga magulang niya.“Anak,” wika ni Mommy Cely habang nakangiti, “since it’s a special day for both of you, sumama ka na sa amin. We’ll have a small celebration at home.”“Mom…” sabat ni Kaydie, sabay ngiti sa akin. “Please say yes, Sandra. Promise, masaya ‘yon. Wala kang kawala sa akin.”Hindi ko na nagawang tumanggi. “Sige na nga,” sagot ko, sabay ngiti. “Pero baka maabala po ako sa inyo, Mommy Cely.”“Naku, hindi mo kami maabala, anak,&rdq

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 62

    SANDRA’S POVKinabukasan ay maaga akong nagising, mga bandang alas-sais ng umaga. Kahit medyo antok pa ako, pinilit kong bumangon dahil gusto kong makabawi sa mga lessons na na-miss ko nitong mga nakaraang araw. Habang nakaupo sa gilid ng kama, naalala ko pa ang hapunan namin ni Arthur kagabi, ang mga simpleng kwento niya tungkol sa trabaho, at kung paanong palagi niyang sinisigurong maayos ako bago siya umalis. Bago siya umuwi kagabi ay sinabi pa niya, “Sleep early, Sandra. You’ve got a long day tomorrow.”Ngayon, habang binubuksan ko ang kurtina at pumapasok ang malamig na hangin ng umaga, napangiti ako. Parang may bago akong sigla.Pagkatapos maligo, agad kong sinuot ang school uniform ko, pinatungan ng ID, at inayos ang buhok sa simpleng ponytail. Isinilid ko sa bag ang mga notebook, lapis, at ang baunan kong may kanin. Napagdesisyunan kong sa school na lang bibili ng ulam. Bago lumabas ng apartment ay sinilip ko muna ang phone ko at nag-text kay Arthur.Ako: Good morning, Arthur

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 61

    SANDRA’S POVMatapos ang court hearing ay saglit muna akong napaupo sa isang bench sa labas ng korte. Ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko, parang ayaw akong tantanan ng mga alaala ng nangyari. Huminga ako nang malalim, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan. Maya-maya ay lumapit si Arthur, bitbit ang dalawang bottled water, at iniabot iyon sa akin.“Hey,” mahinahon niyang sabi habang umupo sa tabi ko. “You did well inside. I’m proud of you.”Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginawa ko, Arthur. Parang gusto ko na lang kalimutan lahat.”Ngumiti siya, bahagyang iniling ang ulo. “Forget it for now, not forever. Come on, I’ll treat you to pizza and ice cream. You deserve to smile again, even just for a while.”“Pizza and ice cream? Sabay?” napataas kong tanong, bahagyang natawa.“Yup,” aniya habang nagkibit-balikat. “The perfect combo for healing a broken soul.”Hindi ko napigilang mapangiti. Kaya sumama na ako sa k

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 60

    SANDRA’S POVTumawag na ako kay Ninong Rey ngayong umaga. Matagal ko nang pinag-isipan ang araw na ito, at sa wakas ay handa na akong harapin si Benjamin Alburo. Alam kong habang-buhay akong hindi matatahimik kapag hindi ko siya hinarap.Nagpaalam ako kay Arthur sa pamamagitan ng text message. At gusto kong malaman niya ang lahat ng mga pupuntahan ko.Ako: Pupunta ako sa kulungan ngayon. Haharapin ko si Benjie.Arthur: I’ll go along with you, baby.Ako: Hindi na, kaya ko ito.Arthur: Baby, alam kong kaya mo. Pero ayokong mag-isa kang humarap sa taong sumira sa’yo. Please, wait for me.Ilang minuto pa lang ang lumipas nang marinig ko ang busina ng pamilyar na pulang Lambo sa labas. Nilingon ko siya mula sa bintana, at nandoon siya, nakasandal sa pinto ng kotse, suot ang itim na polo at itim na relo, at ang mga mata niya ay tila nagsasabing, hindi kita pababayaan.Paglapit ko sa kaniya ay mahigpit niya akong hinawakan sa braso. “Sigurado ka na ba rito, Baby?” tanong niya sa mababang t

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 59

    BENJAMIN ALBURO’S POVFour years ago…Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mawala sa akin ang takot. Ang alam ko lang, noong araw na iyon, parang wala nang halaga ang buhay ng mga taong iyon. Matagal ko na silang pinagmasdan, at sa totoo lang, kilala nila ako.Buwan bago mangyari ang lahat, gabi-gabi akong nakatayo sa tapat ng mataas nilang gate, pinagmamasdan ang liwanag sa bawat silid. Alam ko kung anong oras kumakain ang pamilya, kung anong araw sila may bisita, at kung kailan umaalis ang mag-asawa para mag-date sa lungsod o pumasok sa trabaho.Alam ko ang lahat, dahil iyon ang trabaho ko, ang alamin ang bawat detalye bago umatake.Pero sa totoo lang, hindi ito basta trabaho. Isa itong utos na may kasamang matinding galit ng mag-asawang Zygue at Emily. Hindi ko inakala na aabot sa ganitong antas ang inggit nila, dahil lamang sa pag-angat ng pamilyang gusto nilang ipapatay.Ito ang utos na matagal ko nang pinanghahawakan bilang kapalit ng sarili kong kaligtasan, ng buhay ng anak ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status