Share

KABANATA 51

last update Last Updated: 2025-10-25 13:57:28

SANDRA'S POV

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang magpunta ako sa ancestral house nila ni Arthur. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang ngiti ni Lola Zaniella habang tinatanggap ang biko na inihanda ko para sa kaniya. Sabi niya ay sobrang nagustuhan daw iyon ng lahat, at sa susunod kong pagdalaw ay aasa siyang magdadala ulit ako. Nakakatuwa dahil kahit ilang oras lang akong nanatili roon ay parang matagal na kaming magkakilala.

Friends ko na rin ngayon sa Facebook sina Zillian at Ate Lora, habang si Lola Zaniella naman ay nagpalitan pa kami ng digits. Madalas pa nga akong i-text nito sa gabi ng mga simpleng kumustahan. Ngunit kung gaano sila kabait, ay ganoon din kabigat ang pakiramdam ko tuwing naiisip ko ang tita ni Arthur, si Tita Mira. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip, pero pakiramdam ko ay may kung anong hindi siya gusto sa akin. Noong araw na iyon, bigla na lang siyang umalis nang walang paalam, sakto pa noong sandaling gumamit ako ng banyo. Hangg
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 57

    SANDRA’S POVBago ako makapasok sa aking pintuan, napansin kong may isang maliit na puting sobre na nakadikit sa ilalim ng doorknob. Maingat kong kinuha ang maliit na puting sobre na nakadikit sa doorknob. Wala itong pangalan o anumang marka, kaya’t lalo akong kinabahan. Sa unang tingin, parang ordinaryong liham lang pero may kung anong malamig na pakiramdam ang gumapang sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko iyon.Pumasok ako sa loob ng apartment at isinara ang pinto. Umupo ako sa sofa, hawak pa rin ang sobre. Ilang sandali pa akong nagdalawang-isip bago ko ito dahan-dahang binuksan. Sa loob ay may isang maliit na itim na card na may simpleng sulat sa gitna, gamit ang pulang tinta.“Hindi pa tapos ang lahat. Huwag mong kalimutan kung sino ang tunay na may utang ng dugo.”Napatigil ako, halos mabitawan ko ang card. Parang biglang lumamig ang paligid. Kinilabutan ako lalo na nang mapansin kong walang pirma, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagsulat. Ngunit sa ibabang bahagi n

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 56

    SANDRA’S POVHabang unti-unting humihina ang tugtog, hindi pa rin kami bumibitaw sa isa’t isa. Ang noo ko’y nakasandal pa rin sa dibdib niya, at ang mga kamay naming magkahawak ay tila ayaw maghiwalay. Ramdam ko ang init ng palad niya, ang bigat ng bawat hinga, at ang pagbagal ng oras sa pagitan naming dalawa.Nang tuluyang tumigil ang musika, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Nagtagpo ang mga mata namin. May kung anong lungkot sa mga mata ni Arthur, ngunit naroon din ang lambing at pagsisisi.“Ang ganda ng gabi,” mahina kong sabi, pilit kong pinapakalma ang sarili kong kaba.“Hindi lang gabi,” sagot niya, marahang hinahaplos ang buhok ko. “Ikaw rin.”Napangiti ako, ngunit mabilis din iyong napalitan ng seryosong tingin. “Arthur… tungkol sa nangyari nung isang araw—”Umiling siya, tila ayaw na niyang pag-usapan pa iyon. “Shh… it’s okay. I overreacted. Hindi ko dapat inunahan ng selos ‘yung tao. Lalo na’t wala naman siyang ginawang masama.”“Pero naiintindihan ko rin kung bak

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 55

    SANDRA'S POVPagkatapos ng pangalawang subject ko ay dali-dali akong lumabas ng campus. Ayokong matagalan dahil marami pa akong kailangang gawin bago mamayang gabi. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na agad ang isang pamilyar na boses.“Sandra! Sandr—Sandrraaa!” sigaw ni Kaydie mula sa kabilang dulo ng hallway. Napalingon ang ilang estudyante sa kaniya dahil sa lakas ng tawag niya. Nakatakbo pa siya papalapit habang pawis na pawis at may bitbit na bottled water.“Hoy, ang bilis mo namang maglakad! Kanina pa kita tinatawag!” hingal na sabi niya, sabay ayos ng salamin niya sa ilong.Ngumiti lang ako ng tipid. “Sorry, may hahabulin lang ako, Kaydie. Next time na lang tayo mag-usap, ha?”“Ha? Eh, wait! Gusto ko lang sanang—” Hindi ko na siya pinatapos. Tumalikod na ako at nagmadaling lumabas ng gate. Naririnig ko pa rin ang boses niya mula sa likuran, pero hindi na ako lumingon. Hindi ito ang tamang oras.Pagkarating ko sa labas, agad akong pumara ng taxi. Habang nakasakay, paul

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 54

    SANDRA'S POVRamdam ko ang tensyon sa loob, parang may mabigat na usok na bumabalot sa pagitan naming dalawa. Sinubukan kong ngumiti, pero hindi siya tumingin.“Arthur…” mahinahon kong tawag sa kaniya.Hindi siya sumagot, nakapako lang ang tingin sa daan. Kita ko ang pagkakakuyom ng kaniyang panga, at ang mga daliri niyang mariing nakahawak sa manibela.“Hindi ko alam na magagalit ka nang ganito,” mahinang sabi ko. “Kaibigan ko lang si Kaydie, Niyaya niya ako kanina—"“Kaibigan?” mabilis niyang putol, malamig pa rin ang tono. “Kaibigan na hinahawakan ka sa braso habang naglalakad sa kalsada?”Napatigil ako. Napalunok. “Arthur, hindi gano’n ‘yon. Hindi ko naman sinasadya—”“Pero hinayaan mo,” putol niya muli. “Hinayaan mong magmukha akong tanga habang nakatingin sa inyong dalawa.”Napayuko ako. Sa gilid ng aking mata, kita ko ang bahagyang pagkibot ng kaniyang labi. Bakas ang galit, selos, at may halong sakit.“Arthur, please,” pakiusap ko. “Hindi mo kailangang magselos. Alam mo naman

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 53

    SANDRA'S POVEksaktong alas kuwatro ng hapon nang matapos ang aming huling klase. Pagod man ako sa dami ng lecture at activity na ginawa namin, ay napawi iyon nang makita kong may text si Arthur sa phone ko.Arthur:Hi, baby! Hintayin mo ako diyan, ha? Susunduin kita after class. Dinner tayo sa labas. Miss na rin kasi kita. Don't you dare refused. I love you!Napangiti ako habang binabasa iyon. Hindi ko mapigilang kiligin kahit alam kong madalas naman niya akong binibigla ng ganitong mga mensahe. Kaya lang, biglang bumalik sa isip ko ang sinabi niya kagabi, na gusto na niyang ipakilala ako sa mga magulang niya pag-uwi nila galing abroad. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o dapat lang na matuwa, pero isa lang ang sigurado: mahal ko siya, kahit minsan ay natatakot pa rin akong hindi tanggapin ng pamilya niya ang isang katulad ko.Habang naglalakad ako palabas ng gate, planado ko na sana kung anong isusuot mamayang gabi. Ngunit napahinto ako nang may marinig akong pamilyar na boses.“S

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 52

    SANDRA'S POVPagkalabas ko sa opisina ni Ninong Rey ay tila nawalan ako ng lakas. Parang wala akong maramdaman kundi ang bigat sa dibdib na kanina ko pa pilit nilulunok. Nag-alok pa si Ninang na ihatid ako sa tinutuluyan ko, pero tumanggi na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit, marahil ay gusto ko lang mapag-isa. Tahimik ako buong biyahe habang nakasakay sa taxi, pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada na tila mga matang nakatingin sa akin. Nang makarating ako sa apartment ay narinig ko pa ang boses ng may-ari na tumatawag, ngunit nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Diretso ako sa hagdan, saka sa aking kwarto.Pagpasok ko, ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama. Hindi ko na nagawang magbihis o maligo. Pakiramdam ko ay ubos ang lakas ko, pati na rin ang katahimikan ko. Sa gilid ng kama, nakapatong ang brown envelope, ang confession statement ng lalaki. Ilang ulit kong tinitigan iyon, ngunit ni hindi ko magawang buksan. Ang mukha niya ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status