SANDRA'S POVLumipas ang ilang araw na hindi na nagpunta ang lalaki sa club. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya sa dalawang beses na pagkakataong dinala niya ako sa motel upang i-kama. Matapos ang huling pagtatalik namin ay ganoon pa rin ang ginawa niya, iniwan niya ako, hindi nga lang sa parke, ngunit sa mall naman sa pagkakataong iyon. Mabuti na lamang ay nawala ang aking inis nang abutan niya ako ng pera na pang shopping. Sa mga oras na iyon ay wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao sa lugar na iyon habang suot ang isang floral na tsinelas at nighties. Basta ba ay makabili ako ng mamahaling damit sa ibinigay na pera ng lalaki.Kataka-taka ring walang nag-aalok sa'kin na customer, at hindi rin ako pinagsasalitaan ng magaspang ni Madam Rowena, bagay na palagi niyang ginagawa sa tuwing bakante kami kahit isang araw.Sa pagsapit ng araw ng Sabado ay nagpunta ang lalaki. Lumabas siya mula sa kaniyang pulang Lamborghini habang nakasuot ng shades. Itinaas ni
Terakhir Diperbarui : 2025-09-05 Baca selengkapnya