LOGIN(Note: This is a flashback chapter of Sandra's life one years earlier before losing her parents. You can skip it and proceed to the next chapter if you wish. Thank you!)
THIRD PERSON'S POV
Five years ago...
Gamit ang isang milyon ay sumugal sina Ignacio at Selene sa panibagong negosyo. Sa tulong ni Mr. Alonzo Lee na isang entrepreneur at financial advisor ay nagkaroon ng gabay at bagong kaibigan ang mag-asawa. Ang naisip nila negosyo ay isang paupahan na may Convenient store sa ibaba nito. Pinahiram sila ni Mr. Lee ng karagdagang kapital upang makapatayo ng kahit dalawang branch lang ng kanilang negosyo. Pinili nilang itayo ito malapit sa mga unibersidad at mga lugar na malayo sa palengke at mga tindahan.
Sa loob ng limang buwan ay lumago ito at nabayaran ng mag-asawa ang pinahiram na karagdagang kapital mula kay Mr. Lee. Bumalik sa pag-aaral si Sandra at patuloy nilang natustusan ang pagpapagaling n
SANDRA’S POVKinabukasan ay maaga akong nagising, mga bandang alas-sais ng umaga. Kahit medyo antok pa ako, pinilit kong bumangon dahil gusto kong makabawi sa mga lessons na na-miss ko nitong mga nakaraang araw. Habang nakaupo sa gilid ng kama, naalala ko pa ang hapunan namin ni Arthur kagabi, ang mga simpleng kwento niya tungkol sa trabaho, at kung paanong palagi niyang sinisigurong maayos ako bago siya umalis. Bago siya umuwi kagabi ay sinabi pa niya, “Sleep early, Sandra. You’ve got a long day tomorrow.”Ngayon, habang binubuksan ko ang kurtina at pumapasok ang malamig na hangin ng umaga, napangiti ako. Parang may bago akong sigla.Pagkatapos maligo, agad kong sinuot ang school uniform ko, pinatungan ng ID, at inayos ang buhok sa simpleng ponytail. Isinilid ko sa bag ang mga notebook, lapis, at ang baunan kong may kanin. Napagdesisyunan kong sa school na lang bibili ng ulam. Bago lumabas ng apartment ay sinilip ko muna ang phone ko at nag-text kay Arthur.Ako: Good morning, Arthur
SANDRA’S POVMatapos ang court hearing ay saglit muna akong napaupo sa isang bench sa labas ng korte. Ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko, parang ayaw akong tantanan ng mga alaala ng nangyari. Huminga ako nang malalim, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan. Maya-maya ay lumapit si Arthur, bitbit ang dalawang bottled water, at iniabot iyon sa akin.“Hey,” mahinahon niyang sabi habang umupo sa tabi ko. “You did well inside. I’m proud of you.”Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginawa ko, Arthur. Parang gusto ko na lang kalimutan lahat.”Ngumiti siya, bahagyang iniling ang ulo. “Forget it for now, not forever. Come on, I’ll treat you to pizza and ice cream. You deserve to smile again, even just for a while.”“Pizza and ice cream? Sabay?” napataas kong tanong, bahagyang natawa.“Yup,” aniya habang nagkibit-balikat. “The perfect combo for healing a broken soul.”Hindi ko napigilang mapangiti. Kaya sumama na ako sa k
SANDRA’S POVTumawag na ako kay Ninong Rey ngayong umaga. Matagal ko nang pinag-isipan ang araw na ito, at sa wakas ay handa na akong harapin si Benjamin Alburo. Alam kong habang-buhay akong hindi matatahimik kapag hindi ko siya hinarap.Nagpaalam ako kay Arthur sa pamamagitan ng text message. At gusto kong malaman niya ang lahat ng mga pupuntahan ko.Ako: Pupunta ako sa kulungan ngayon. Haharapin ko si Benjie.Arthur: I’ll go along with you, baby.Ako: Hindi na, kaya ko ito.Arthur: Baby, alam kong kaya mo. Pero ayokong mag-isa kang humarap sa taong sumira sa’yo. Please, wait for me.Ilang minuto pa lang ang lumipas nang marinig ko ang busina ng pamilyar na pulang Lambo sa labas. Nilingon ko siya mula sa bintana, at nandoon siya, nakasandal sa pinto ng kotse, suot ang itim na polo at itim na relo, at ang mga mata niya ay tila nagsasabing, hindi kita pababayaan.Paglapit ko sa kaniya ay mahigpit niya akong hinawakan sa braso. “Sigurado ka na ba rito, Baby?” tanong niya sa mababang t
BENJAMIN ALBURO’S POVFour years ago…Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mawala sa akin ang takot. Ang alam ko lang, noong araw na iyon, parang wala nang halaga ang buhay ng mga taong iyon. Matagal ko na silang pinagmasdan, at sa totoo lang, kilala nila ako.Buwan bago mangyari ang lahat, gabi-gabi akong nakatayo sa tapat ng mataas nilang gate, pinagmamasdan ang liwanag sa bawat silid. Alam ko kung anong oras kumakain ang pamilya, kung anong araw sila may bisita, at kung kailan umaalis ang mag-asawa para mag-date sa lungsod o pumasok sa trabaho.Alam ko ang lahat, dahil iyon ang trabaho ko, ang alamin ang bawat detalye bago umatake.Pero sa totoo lang, hindi ito basta trabaho. Isa itong utos na may kasamang matinding galit ng mag-asawang Zygue at Emily. Hindi ko inakala na aabot sa ganitong antas ang inggit nila, dahil lamang sa pag-angat ng pamilyang gusto nilang ipapatay.Ito ang utos na matagal ko nang pinanghahawakan bilang kapalit ng sarili kong kaligtasan, ng buhay ng anak ko
BENJAMIN ALBURO’S POVSix years ago…Madalas kong isipin, kung hindi lang nagkasakit ang anak ko, marahil hindi ako muling babalik sa impiyerno. Hindi ko muling mararamdaman ang init at lapot ng dugo na muling babahid sa mga kamay ko.Pitong taon na ang lumipas mula nang lumaya ako. Dating ex-convict, dating walang direksyon, pero sa nang makilala ko ang asawa kong si Daisy, natutunan kong manahimik at magsimulang muli. Siya ang nagpabago sa akin. Ginawa niyang tuwid ang mga baluktot at para siyang ilaw na naging tanglaw sa madilim kong mundo.Nang maikasal kami sa huwis ay ipinangako ko sa kaniya na kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para itaguyod ang aming pamilya. Nagtitinda ako ng kahoy, nagkukumpuni ng mga sirang upuan, at sa tuwing naiisip kong hindi ako kailanman makakabawi sa mundo, titignan ko lang ang mukha ng anim kong mga anak. Dalawang pares ng kambal na sina Dina at Dirina, sina Kent at Kaerwin, ang junior kong si Benj, at ang bunso kong si Ellaine na sakiti
SANDRA’S POVBago ako makapasok sa aking pintuan, napansin kong may isang maliit na puting sobre na nakadikit sa ilalim ng doorknob. Maingat kong kinuha ang maliit na puting sobre na nakadikit sa doorknob. Wala itong pangalan o anumang marka, kaya’t lalo akong kinabahan. Sa unang tingin, parang ordinaryong liham lang pero may kung anong malamig na pakiramdam ang gumapang sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko iyon.Pumasok ako sa loob ng apartment at isinara ang pinto. Umupo ako sa sofa, hawak pa rin ang sobre. Ilang sandali pa akong nagdalawang-isip bago ko ito dahan-dahang binuksan. Sa loob ay may isang maliit na itim na card na may simpleng sulat sa gitna, gamit ang pulang tinta.“Hindi pa tapos ang lahat. Huwag mong kalimutan kung sino ang tunay na may utang ng dugo.”Napatigil ako, halos mabitawan ko ang card. Parang biglang lumamig ang paligid. Kinilabutan ako lalo na nang mapansin kong walang pirma, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagsulat. Ngunit sa ibabang bahagi n







