LOGINSANDRA’S POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tumutulak palabas ng opisina ni Arthur. Mga matang puno ng pagtataka ang ipinukol sa akin ng mga empleyado niya nang madaanan ko sila.
Kilalang-kilala ko ang babaeng naroroon.
Siya ang sikat na sikat na si Maria Sirina Angelie Altuguana, ang childhood best friend ni Arthur. Ang madalas niyang kasama sa modeling, sa mga singing performances, at halos sa lahat ng bagay, maliban na lang sa relasyon.
Maganda siya, sopistikada, at halatang mula sa mayamang pamilya.
Masaklap kong napagtanto na walang-wala ako sa kalingkingan ng babae.
Bumalik lamang ako sa ulirat nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone habang ongoing pa ang klase namin bandang alas-diyes ng umaga. Hindi ko muna iyon tiningnan; hinintay ko munang matapos ang oras bago ko ito hinugot mula sa bulsa. Inaasahan kong si Arthur ang nag-tex
THIRD PERSON’S POVNapakagat-labi si Mira habang pinagmamasdan ang binatilyong nasa harap niya, hawak pa rin ang magkabilang pisngi nito na ngayo’y bahagyang namumula dahil sa pag-iyak niya kanina. Hindi niya alam kung paano sisimulan, ngunit kailangan na niya itong harapin. Hindi na niya puwedeng ipagpaliban pa ang katotohanang matagal na niyang ikinukubli.Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang inalalayan si Sidro papasok sa loob ng bahay. Naupo sila sa couch at doon niya mas malinaw na nasilayan ang katanungan sa mga mata ng binatilyo, ang paghahanap ng sagot na apat na taon na niyang pinanghahawakan nang mag-isa.“Mama… please,” halos pabulong na sabi ni Sidro, “tell me who I really am.”At doon na niya tuluyang binitawan ang bigat na matagal nang bumabagabag sa konsensya niya.Malamig ang hangin nang gabing iyon at hahimik ang buong kapitbahayan, pero sa dibdib ni Mira ay nangingibabaw ang kaba at kirot. Matapos makaalis ni Benjamin Alburo ay hindi alam ni Mira kung bakit pi
SANDRA’S POVMatapos ang huling klase ko sa 3 PM kay agad akong lumabas ng campus upang mag-abang ng taxi pauwi. Ngayong araw ang usapan namin ni Arthur upang makilala ko na nang tuluyan ang parents niya. Aminado akong kabado ako, ngunit umaasa akong magugustuhan nila ako.Isang minuto pa lamang mula nang makasakay ako ay nakatanggap na ako ng tawag mula kay Ninong Rey. Nanlamig ang aking mga kamay, at dumagundong ng pagkalakas-lakas ang aking dibdib nang marinig ang kaniyang sinabi mula sa kabilang linya.“Anak, libre ka ba bukas? May importanteng sasabihin ang mga pulis tungkol sa imbestigasyon sa kaso ng mga magulang mo, kapatid, at mga nasawing kasambahay.” Agad akong napatango kahit alam kong hindi niya makikita iyon.“Opo, aabsent po ako sa trabaho.” Sagot ko.Nang matapos ang pag-uusap namin ay tulala ako. Kating-kati akong malaman iyon at ayaw ko nang ipagpabukas pa pero kailangan kong ihanda ang aking sarili sa aking mga matutuklasan. Kakarating ko pa lamang sa condo ay kit
SANDRA’S POVBago ako makapunta sa bahay nila Arthur sa Friday, kailangan muna naming dumalo sa teaser shots para sa re-launching ng J&J perfume ngayong Valentine’s Day. Maaga pa lamang ay naghanda na kami ni Arthur.“You ready, baby?” tanong ni Arthur nang makapasok ako nang tuluyan sa loob ng kaniyang kotse. Alas singko pa lamang ng madaling araw.“Yes, I am… Medyo kinakabahan lang,” nakangiti kong sagot.Pagdating namin sa studio ay agad kaming hinatak ng staff papunta sa magka-separate na rooms. Sa akin, sinalubong agad ako ng glam team na tila sabik na sabik na simulang ayusan ako.“Ang ganda ng skin mo, miss Sandra. Hindi na namin kailangang mag-full coverage,” sabi ng makeup artist habang pinapahiran ako ng lightweight foundation na halos kuminang sa ilaw. Naglagay siya ng soft pink blush na nagbigay ng natural glow sa pisngi ko, habang ang eyeshadow ay champagne tones na nagpa-highlight pa lalo sa mata ko. Pinili rin nilang gawing soft waves ang buhok ko, bagsak, makintab, at
THIRD PERSON’S POV“Zaniel, how was the company when were were away?” tanong ni Zygue sa panganay na anak habang naghahapunan sila.Nag-angat ng tingin si Arthur at saka nagpunas ng bibig bago magsalita.“Everything is good, dad… Hindi ko pinapabayaan ang business natin despite of my hectic schedule.” Sagot ni Arthur.“That’s great,” tanging sagot ni Zygue.Tumikhim si Emily upang kunin ang atensyon ng anak na matagumpay naman niyang naggawa nang ilipat ni Arthur ang paningin niya sa ina.“I heard from Sirina that you have a girlfriend already, When will you bring her to our house?” ani Emily.Ngumiti nang malaki si Arthur. “Honestly, she’s excited to meet you two… Si Zillian at Lola pa lang ang na-memeet niya maging si Tita Mira,” ani Arthur.Tumango si Emily saka nagsalita.“This Friday, please bring her here,” ani Emily.Tumango si Arthur at hindi na makapaghintay na sabihin kay Sandra ang magandang balita. Alam niya na matagal na ring gustong makilala ni Sandra ang mga magulang n
THIRD PERSON’S POVNapasinghap si Emily Mercer nang makalap ang impormasyon tungkol sa babaeng karelasyon ng kaniyang único hijo na si Arthur. Nanlalamig ang kaniyang mga palad nang mapag-alaman niyang isa itong Asuncion, ang nag-iisang Asuncion na natira matapos ipapatay ng kaniyang asawang si Zygue Mercer ang mag-asawang Ignacio at Selene, ang kanilang kaisa-isang anak na lalaki, at maging ang mga kasambahay.Hindi makapaniwala si Emily na hindi naubos nang tuluyan ni Benjie ang pamilya ni Ignacio, kaya naman pilit niyang pinapakalma ang sarili. Lalong nadagdagan ang kaba at tensyon na nararamdaman niya nang malamang iniimbestigahan pa rin ni Sandra ang pagkamatay ng buong pamilya nito.Sa loob ng apat na taon ay hindi sumuko si Sandra. Nais nitong makuha ang hustisya para sa kaniyang mga yumaong pamilya na pinatay nang walang awa at kalaban-laban.“Maliit ang mundo, Emily… Hinding-hindi susuko ang batang iyan hangga’t hindi niya nakakamit ang hustisya para sa kaniyang mga mahal sa
SIRINA’S POVNapangisi ako habang nakatitig sa mga litrato nina Sandra at Kaydie Seth, ang único hijo ng aking mga ninong at ninang. I had no idea they were this close, and I don’t think Zaniel would be happy to see this.His girlfriend is hanging out with another man without anyone accompanying them?Thanks to this girl, Rina who has long harbored a deep resentment toward Sandra for always taking the top spot in academics. Rina told me Sandra is their top student and she is only second. Galit na galit siya sa babae dahil kahit anong gawin niya, hindi man lang siya nito pinapansin.Since my dad is one of the stockholders of Benison, I promised Rina that Sandra would face consequences, in exchange for her daily reports about Zaniel’s lover. I badly want to ruin them completely. And the fact that Sandra looks so happy with the attention fans are giving her? Attention that should have been mine.It was supposed to be me, not her.My focus on the photos was interrupted when my phone vibra







