Share

The Race Against Death's Door Filipino Version
The Race Against Death's Door Filipino Version
Author: gkey_x

Kabanata 1

"Ang pagkakaroon ng normal na buhay ay tila maihahalintulad sa isang luho para sa mga sikat na personalidad, tulad ko."  

Napapaligiran ng mga estranghero at ordinaryong tao, ito ay ang isa sa pinakanormal na experience para sa kanya. Naririnig ang mga kinakabahang tawa at usiserong bulungan habang hinihintay nilang tuluyang ihayag ng pinto ang kanilang kapalaran. 

Ang pinto ng arena ay dahan-dahang umangat at ipinakita ang isang pulutong ng mga tao na nagkukumpulan sa gitna. Ang mga reaksyon ng mga tao’y mabilis na nag-iba, mula sa kawalang-interes hanggang sa biglaang gulat at pagkamangha. 

Napaawang ang mga labi ng mga babae habang nalaglag ang kanilang panga nang makita ang isang napakagwapong lalaki. Tinitigan siya ng mga lalaki mula ulo hanggang paa, naghahanap ng anumang makapagpapatunay na hindi siya mas mahusay at hindi nakakalamang kaysa sa kanila. 

Napangisi ang lalaking dahilan ng kaguluhan na dulot ng kanyang presensya. "Hindi pa ba kayo nakakita ng Adonis?" Aroganteng napaisip si Zayden habang hinahaplos niya ang kanyang kamay sa kanyang maayos na buhok na nagdulot ng pagsinghap ng marami at hagikhikan. 

"Hindi ba si Zayden Jaxen Flynn iyon?" tanong ng isang babae mula sa karamihan. 

"Ang sikat na artista mula sa seryeng Venganza?" sagot naman ng isa pang babae. 

“Oo! Siya yun! Hindi ako makapaniwala na mas matangkad siya, mas sexy at mas gwapo siya sa personal!" bulalas ng babae. 

Nasundan pa iyon ng marami pang paghahayag ng paghanga, may kalandiang pagtawa mula sa mapang-akit na mga babae, at mga nakatagong insecurities mula sa mga lalaki ang umalingawngaw sa karamihan.

 Ngunit ilang sandali pa’y ang diversion na dulot ni Zayden ay nawala nang marinig ng lahat ang alarm na umalingawngaw sa buong arena. Ang mga tao ay tumingin sa paligid, nalilito kung ano ang ibig sabihin ng alarm hanggang sa makarinig sila ng pag-uusap mula sa itaas ng kanilang kinaroroonan. 

Nakikita ito dahil lahat ng bagay sa arena ay gawa sa transparent na salamin. Dalawang lalaki ang makikita sa nakakabagabag na sitwasyon. Ang isa sa dalawa ay may hawak na baril, habang ang isa naman ay umuurong sa takot, gustong tumakbo ngunit hindi magawa. 

"Tumakas na kayo dito!" ang kanyang huling salita bago siya barilin hanggang sa kanyang kamatayan. 

Bumagsak ang lalaki mula sa itaas papunta mismo sa gitna ng mga nagkukumpulang tao sa isang malakas na kalabog dahilan upang sila ay maghiwalay, paikot sa nahulog na katawan. Katahimikan ang namayani ng ilang segundo at pagkatapos ay umalingawngaw sa buong arena ang takot na sigawan. 

Bangkay na ang lalaki. Napanganga, labis natakot at natulala ang mga tao habang pinagmamasdan ang pag-agos ng kanyang dugo mula sa butas sa kanyang noo, nanatiling bukas ang kanyang mga mata. 

Sunod-sunod na palakpak at malakas at excited na paghiyaw ang biglang narinig. “Atensyon sa lahat! Ang kaganapan sa taong ito sa wakas ay magsisimula na! Ang inyong nasaksihan ay ang aming taos-pusong pagtanggap sa inyong lahat kaya huwag kayong matakot. Makakaasa kayo na hindi kayo magkakaroon ng parehong kapalaran sa kanya." Nagsalita ang lalaking mukhang host ng event. 

Iba ang naging reaksyon ng mga tao. Ang ilan ay napanatag at madaling naniwala sa sinabi ng host, ang iba ay umiyak, nanginginig pa rin sa kanilang nasaksihan, ang ilan ay nakaramdam ng pananabik sa pag-aakalang ito ay magiging isang mapaghamong, napakahusay na karanasan.

 Alam ni Zayden na ito ay lubos na kalokohan. Ang kanyang compusure ay nanatiling hindi nabigla na para bang inaasahan ang mas masahol pa sa nasaksihan. 

“Ngayon makinig kayong mabuti, dahil sa susunod na mga minuto ay papangkatin kayo sa anim sa bawat grupo. Ang iyong mga ka-grupo ay magiging kakampi mo sa bawat laro sa buong kaganapan." Siya ay huminto ng saglit.

"Ano?! Hindi ba pwedeng piliin na lang namin kung sino ang gusto naming maging miyembro?" Isang lalaki mula sa karamihan ang nagpahayag ng kanyang pag-aalala na nakakuha ng mga tango ng pagsang-ayon mula sa iba na kasama rin sa kanilang sariling grupo. 

“This is stupid!” Ilang iba pa ang nagsabi ng parehong bagay ngunit ang kanilang opinyon ay hindi narinig nang ang host ay nagsimulang tumawag sa mga pangalan ng bawat miyembro ng grupo. 

"Kapag narinig mo ang iyong pangalan, humakbang sa harap. Para sa unang pangkat; Karla Venturillo, Vince Perez, Derrick Camerron, Harold Gordon, Lenard Lopez, at AJ Rovalle.” 

Humakbang sila sa harapan at hindi nagtagal ay nagsimulang magpakilala ang sa kanilang mga sarili sa isa't isa.

 "Gagalingan natin ‘to!” confident na sabi ni Lenard. Isa siyang lalaking may malaking katawan guy. Yung tipong alam mong magkakasakit yata kahit isang absent lang sa gym.

“Syempre!” sumang-ayon si AJ, na sinulyapan ang iba pang miyembro ng kanilang grupo na nag-aalok ng isang palakaibigang ngiti. 

“Para sa susunod na grupo, mangyaring humakbang sa harap; Yekaterina Nadia Vierra, Andrik Aleksandro Fyodor, Blaize Pyry Flynn, Teivel Ahrio Vizcarius, Toffer Jade Woods, at Zayden Jaxen Flynn.”

 Pagkatapos nilang humakbang sa harap, inabot ni Blaize ang kanyang kamay para makipagkamay kay Zayden na sa tingin nito ay hindi naman kailangan iyon ngunit tinanggap niya pa rin ang pakikipagkamay. 

"I’m looking forward to getting to know more about the superstar." Pabirong sabi ni Blaize na nakaangat ang gilid ng labi sa isang ngisi, pero tila malamig ang ekspresyon nito. Siya ay isang matangkad na lalaki, may tamang laki ng katawan. Ang kanyang mga mata ay tila kasing dilim ng kalangitan sa gabi ngunit kumikinang na parang mga bituin sa liwanag ng buwan kapag naaaninagan ng liwanag. 

Si Zayden, sa pag-aakalang isa siyang fan boy, ay hindi pinansin ang kanyang sinabi. Isang awkward na katahimikan ang sumunod habang inaasahan ng iba sa grupo ang parehong pormal na pagtrato mula kay Blaize ngunit tuluyan niya itong hindi pinansin. 

Nang maramdamang hanggang doon na lamang iyon, si Yekaterina, ang babaeng may maalong light brown na kulay ng buhok at maliit na inosenteng bilog na mukha, ay tumikhim at sinabing, “I hope we get along. We’re on this together.” 

Tango lamang ang itinugon nila. Bilang isang grupo, tila namumukod-tangi sila sa iba ngunit ang atmosphere sa pagitan nila ay kasing lamig ng bugso ng hangin sa taglaga, na tila hindi na talaga sila magkakasundo. 

Nang matapos ang host na pagsama-samahin ang lahat, binati niya ang mga manlalaro para sa kanilang mga bagong kasama at nagsimulang magbigay ng mga tagubilin. Ang isang podium ay dahan-dahang umangat sa entablado na may iba't ibang hanay ng mga susi na may mga numero sa ibabaw nito. 

“Narito ang mga susi ng kani-kaniya ninyong silid. Isa lang ang babae sa bawat team at siya ang magiging leader ng grupo." 

“Babae para sa isang leader? Katangahan naman yata ‘yan!"

 "Ipapatalo lang nila tayo sa laro!" 

Ang mga salitang higit pang misogynistic na mga pahayag ay sumunod habang ang mga kababaihan ay nakaramdam ng kaba na mabigyan ng napakalaking responsibilidad. 

Pagkatapos ay pinutol ng host ang kaguluhan. “Ang iyong mga leader ay magsisilbing impormante tungkol sa mga laro at sila ang tutulong sa grupo. Bibigyan din sila ng magkakahiwalay na silid. Leaders, kunin ang mga susi ng iyong team at ibigay ito para makapunta na sila sa kanilang mga silid. At kayo ay inutusang manatili rito. Magtitipon kayo ulit dito bukas. "

Tinapos niya ang kanyang mga tagubilin at nagpaalam sa mga manlalaro. Ang mga kababaihan, bilang mga leader, ay kumuha ng mga susi at iniabot ito sa kanilang mga pangkat ayon sa payo. 

Ang mga manlalaro pagkatapos ay lumipat sa kanilang mga silid nang may halong mga reklamo tungkol sa mga tagubilin. Nagrereklamo na akala nila ay may halaga iyon sa ngayon sapagkat hindi pa nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status