Share

Kabanata 52

Binuksan ni Svetlana ang bintana sa kanyang silid at hinayaan ang liwanag ng buwan na tumakip sa kanyang buong silid. Binuksan niya ang kanyang laptop at binasa niya ulit ang nakita niyang artikulo tungkol sa ama ni Ahrio .

Muli niya itong isinara at tinakpan ng palad ang mukha, iniisip kung ano ang gagawin niya para may matuklasan pa siya. May naalala siya, isang note na maaaring magdugtong sa mga gusot na piraso ng tila palaisipan, isang malabong imahe na kailangan niyang ibunyag.

Binasa niya ang nakasulat na pangalan doon at nakalagay, Jade Toffer Woods. Oo, nagkita sila, pagkalabas niya sa arena. Nanlaki na lang ang mga mata ni Svetlana nang may yumakap sa kanya at tinakpan ang bibig niya para hindi siya makasigaw.

Namilog ang mata niya nang makita ang mukha ng taong iyon, siya si Jade. Ang dating miyembro ni Yekaterina at sigurado siyang alam nilang lahat na patay na siya. Siniguro muna ni Jade na walang tao sa paligid nila bago tinanggal ang pagtakip sa bibig ni Svetlana at ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status