Share

Kabanata 6

Back to the yacht, ang mga manlalaro ay nakaupo lahat sa kani-kanilang mga mesa habang naghihintay sila sa mga waiter upang ihain ang kanilang hapunan pagkatapos nilang magpalit ng mga tuyong damit.

 Ang lugar ay nababalot nang malambot at melodic na musika, ang mga ilaw ay dimmed habang pinag-uusapan ng lahat ang tungkol sa larong katatapos lang nangyari habang humihigop ng kanilang inumin.

Ang ilan ay tumatawa at humahagikgik kapag naaalala nila kung paano sila nagtagumpay sa kamakailang laro samantalang ang ilan ay tila na-trauma, nakatitig lang sa manipis na hangin. Gayunpaman, ang mesa ni Yekaterina ay puno pa rin ng tensyon sa pagitan ng kanyang mga miyembro. Nanonood siya habang ipinagpatuloy nina Ahrio at Blaize ang kanilang inuman mula kanina, sina Zayden at Jade ay sumali din sa kanila habang si Andrik ay tila napahiwalay sa grupo. Ang apat ay binibigyan siya ng malamig na trato na pinagbabatayan ng galit nila sa kanyang ginawa sa laro.

“What’s with the gloomy ambience, guys? Our success today deserves a toast!” Sinubukang basagin ni Yekaterina ang malamig na paligid para buhayin ang mood.

"Oo naman, mag-toast tayo para sa pinakamagandang performance ni Andrik." sarkastikong sabi ni Zayden sabay taas sa kanyang kamay.

"He almost made our bodies float." Dagdag ni Jade.

"With cut off limbs." ang panunuya ni Blaize. Halatang naasar si Andrik sa mga pangungutya nila kaya kinuha niya ang baso niya at nakipagtoast rin.

“Yes. Let's toast for your almost failed efforts without me.” Ngumisi siya sa nang-iinis na paraan.

 Nag-init ang ulo ni Ahrio, tumayo siya bigla at hinawakan si Andrik sa kwelyo. “Halos pinatay mo kaming lahat!" he snapped.

Hindi man lang kumibo si Andrik nang makasalubong niya ang marahas na titig ni Ahrio."No. I saved your ungrateful ass.”

Hinigpitan ni Ahrio ang pagkakahawak sa kwelyo niya, sinasakal ito. “You, son of a b*tch!” Mura ni Ahrio.

Biglang sinuntok ni Blaize ang panga ni Andrik, kaya napaatras siya ng ilang hakbang sa pagkakahawak ni Ahrio na naging dahilan sa pagluwag ng hawak sa kanya. Hinawakan ni Andrik ang kanyang natamaang panga at handa ng gumanti ngunit tumayo si Yekaterina sa pagitan nila at pilit na tinulak ang dibdib ni Blaize dahilan para bahagyang mawalan siya ng balanse dala na rin sa lahat ng alak na nainom niya.

"Stop acting like egoistic jerks. It’s not cool!” Sigaw niya sa kanilang dalawa. "Nang-gugulo na tayo dito!."

Tumingin sila sa paligid nila na para bang tinitingnan kung tama si Yekaterina bago umupo na halatang naaasar pa rin sa isa't isa. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa kanila nang sa wakas ay ang mga waiter ay dumating at inihain ang kanilang pagkain.

Naghain ng mga bagong lutong seafoods kabilang ang alimango’t hipon. Pagkatapos inilagay sa mesa ang lahat ng pagkain, umalis na ang mga waiter.

Kinuha ni Andrik ang kutsilyo habang nakatitig kay Blaize. Pero agad itong inagaw ni Yekaterina sa kanya “Seafood ‘yan, Andrik. Aanhin mo ‘to?" Sinabi niya habang kinuha na rin ang mga natitirang kutsilyo sa mesa.

 Hindi siya pinansin ni Andrik at nagpatuloy sa pagbibigay ng maasamang tingin kay Blaize na ganoon din ang ginagawa kay Andrik. “Seriously, guys. Kailangan niyong tumigil sa pag-aaktong parang mga bata .Hindi tayo narito para makipagkumpitensya sa ating mga sarili.” S Aniya pero hindi na naman siya pinansin.

Napuno na si Yekaterina at inihampas niya ang kanyang mga kamay sa mesa, dahilan ng mga plato, baso at iba pang kagamitan para kumalansing. Natigilan ang ibang mga grupo na malapit sa kanila sa biglang malakas na ingay.

“Pwede bang tigilan niyo na yan? Buhay tayong lahat. Yun ang mas importante." Napabuntong-hininga siya bago umupo ulit. “Kumain na lang tayo ng mapayapa. Gutom na ako." Mahinahon niyang pagkasabi.

 Sa wakas ay binawi nina Andrik at Blaize ang kanilang mga mata na masamang nakatitig sa isa’t isa at nagsimulang kumain ng tahimik. Ilang saglit ay binasag ni Jade ang katahimikan.

“Oh, my god! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa trahedya kaysa mamatay dahil sa allergy sa seafood." Itinulak ni Jade ang plato palayo sa kanya na may naiinis na mukha.

“Let’s request another dish for you. Maybe steak?” ani Yekaterina.

Pumayag naman si Jade at sinenyasan ang waiter sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay saka agad na dumalo ang waiter sa mesa nila. Hindi nagtagal ay naihain na ang kanyang medium rare steak.

Ang malamig na hangin ng gabi ay humahampas sa buhok ni Andrik habang siya ay nakatayo malapit sa gilid ng yate, parehong nakahawak sa rehas ang mga kamay habang nakasandal,  nakatingin sa malawak na karagatan.

Hindi mabasa ang ekspresyon niya at ang lamig ay parang hindi pa rin nakaabala sa kanya. Si Yekaterina at ang iba ay nanatili sa kanilang mesa, umiinom at nakikipagdaldalan tungkol sa isang bagay na hindi niya marinig mula sa kanyang kalayuan.

Tumayo si Yekaterina at nagdahilan na pupunta sa restroom pero habang naglalakad siya patungo doon ay nasulyapan niya si Andrik, nag-iisa at tila malalim ang iniisip. Kaya, nagbago ang kanyang isip at sa halip ay lumapit sa kay Andrik.

"Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ni Yekaterina, sinusubukang maghanap ng mapag-uusapan.

"Hindi." Napasulyap siya sa kanya, nakita niya kung paano nilipad ng hangin ang buhok ni Yekaterina na mahahalintulad sa magagandang alon. Ang kanyang mga mata ay tila kumikinang sa dilim, na sumasalamin sa liwanag ng buwan.

Sa unang pagkakataon simula nang makita niya, napagtanto niyang iba ang uri ng kagandahan nito. Mukha siyang maamo at mahinhin pero sa totoo pala ay malakas at matapang. Siya ang uri ng babae na hindi kailangan ng lalaking lalaki para iligtas siya.

Sinalubong ni Yekaterina ang kanyang madamdaming mga mata at sa sandaling iyon ay nagtaka siya kung ano ang iniisip nito. Ang kadiliman ng kanyang mga mata ay puno ng emosyon na hindi niya matukoy, nanatiling hindi mabasa ang ekspresyon nito tulad ng isang tao na may napakaraming sikreto na itinatago.

Biglang yumanig at tumagilid ang yate dahil sa malalakas na alon, nawalan ng balanse si Yekaterina. Malalaglag na sana siya sa gilid nang saluhin siya ng malakas na braso ni Andrik sa baywang at hinila siya palapit sa katawan nito.

Napasinghap si Yekaterina at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba muntik na siyang nahulog sa karagatan o kung dahil nahulog siya sa mga bisig ni Andrik.

Napabalik siya sa kanyang sarili nang maalala niyang kailangan niyang umihi. Halos hindi na kakayanin ng kanyang pantog. Tinulak niya si Andrik at tumakbo palayo nang walang sinasabi. Sinundan na lang siya ng tingin ni Andrik, nalilito habang tinatanaw ang dalagang mabilis na tumakbo at nawala sa isang sulok.

Samantalang pabalik sa kanilang mesa, tila may binabalak na malupit ang apat.

"Hindi ba masyadong walang puso iyon?" tanong ni Jade.

"Karapat-dapat lang sa kanya ‘yun." sagot ni Ahrio.

"With his attitude, he’s inevitably going to bring us down." Dagdag ni Blaize. "

Wala siyang sense of teamwork." Sabi ni Zayden.

“We just need to make this plan work." pagtatapos ni Ahrio. Maaaring ito ba ay isang plano upang iligtas ang kanilang grupo o magkakaroon ito ng kabaligtaran na resulta?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status