Share

Lacuna

 

 

Maayos na dumaan ang ilang buwan na magkakasama sila at sa bawat araw na iyun ay sinigurado nila na magiging maayos at tatatak sa mga ala-ala nila ang bawat sandali nang sa gayun ay wala silang pagsisihan sa huli.

Ganun pa rin ang takbo ng buhay ni Euphie. Nagtatrabaho pa rin siya sa Femme Fatale tuwing sabado kung saan mas dumoble pa ang kaniyang mga taga-hanga. Naging kilala siya na pati sa kalsada at kilala at tinatawag siya ng ibang tao. Samantalang dumami rin ang nais hingin ang kamay niya ngunit mabilis naman niyang ipinapahayag na pagmamay-ari na ni Leonard ang puso niya. Maging si Analiza na mukhang may pagtingin kay Leonard ay wala ring nagawa sakanila kundi ang tanggapin na lang ang lahat at maging masaya para sakanila.

Desyembre na ngayon't puno na ng mga palamuti ang bawat bahay at mga kalsada ng mga nagliliwanag na ilaw at mga parol. Ang lahat ng tao ay sabik na sabik na talaga sa pagrating ng kapaskuhan ngunit lingid sa kaalaman nila na bago mangyari yun
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status