Share

Sunset

 

Bigla na lang sumagi sa utak ni Euphie yung mga bagay na pinangarap niya nung una. Dahil umabot siya sa ganitong edad na wala pa siya ni isang nagiging karelasyon ay nangarap siya na sana kapag dumating na yung taong para sakaniya ay sana maging masaya talaga siya ng lubusan.

Kahit sa mga simpleng bagay na gagawin nilang dalawa. Yung tipong sabay sila ng hakbang tuwing maglalakad. Magtatawanan at mag-aasaran. Makikita niya ang taong iyun sa isang lugar kung saan hihintayin niya si Euphie at ihahatid pauwi sa sakanila. Mga bagay na pinangarap niyang mangyari sa unang taong mamahalin niya ng totoo.

At ngayon, nakakatawa mang isipin na Oo, malaki nga ang pagkakataon na magawa niya ang mga ito ngayon ngunit hindi naman sumagi sa isip niya na sa ganitong panahon ito mangyayari. Hindi man perpekto at hindi man sumakto sa iniisip niya ay masaya na rin siya dahil kasama niya ngayon si Leonard.

“Nasiyahan ka ba sa pinanuod natin?” tanong bigla sakaniya ni Leonard pagkatapos nilang ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status