Felize's POV
"Elize, may problema ba?"
Mabilis kong nilingon si Valerio at ngumiti sa kanya sabay umiling. "W-wala naman," ani ko pero binalingan ni Valerio kung saan ako nakatingin kanina.
Kinabahan ako at hindi mapakali kaya muli kong nilingon kung saan ko nakita si Kobe pero wala na siya doon. Nakaramdam ako ng kalituhan dahil alam kong nandoon siya kanina - nakatayo at pinapanood kaming dalawa ni Valerio. Alam kong hindi ako namalik-mata lang pero nasaan si Kobe?
Nagtago ba siya dahil ayaw niya ring makita ni Valerio?
Felize's POV HINDI ko na siya binati at mas pinili kong tumahimik na lang kaysa patulan ang babaeng ito. Wala kaming magandang kahahantungan kapag nakipagtalo ako sa kanya. Kaya lang tila ang bagal ng pag-akyat namin! "Kumusta ang pagpunta kasama ang asawa ko? Siguro naman planta lang ang inasikaso mo?" I keep my face straight and did not even glimpse at her. "Hindi lang planta ang inasikaso ko... kasama na rin doon ang asawa mo." I heard her c
Felize's POV "Bakit mo siya ginalit Felize? Mas lalo ka lang pag-iinitan ni Noelle." banayad ang pagkadismaya ni Kobe. "Matagal nang mainit ang ulo ni Noelle sa akin. Hindi ako papayag na paulit-ulit niyang tratuhin ako na parang b****a lang Kobe. Hindi ako papayag!" giit ko. Buti na lang wala si Thalia dahil nasa school pa. Balak ko na ako ang magsusundo sa kanya pagkatapos nitong pag-uusap namin ni Kobe. Si Mamang Albert naman wala dito dahil busy sa trabaho. "Pero hindi mo siya kailangang galitin ng ganoon. Paano kung mapaalis ka dahil sa ginawa mo? Felize, 'wag mong unahin ang galit mo kay Noelle. Unahin mo si Zandra." patuloy ang pagkadismaya niya.&nb
Felize's POV WALA dapat akong pasok ngayon dahil linggo pero kailangan kong makipagkita kay Valerio dahil pinuntahan niya pala ang address na nilagay ko sa resumé. Fake address lang ang nilagay ko at hinahanap niya ako. Nagmamadali akong umalis pero hindi ko naman nakalimutan na mag-ayos para maging si Elize. Wala si Kobe kaya hindi na ako nakapagpaalam. Si Thalia naman tulog pa kaya sinamantala ko ang pagkakataong ito na makaalis kaagad para makauwi rin. Wala akong balak na magtagal dahil day off ko ngayon. Kailangan ko ding mag-isip ng paraan kung paano ko muling makikita si Zandra dahil matagal na nung huli kaming magkita. "A-anong ginagawa mo dito?" kinabahan
Felize's POV MARIIN akong napalunok nang makita ang may dugo ang labi ni Kobe. Dumura siya ng may halong dugo at hinawakan ang pisngi. Gusto kong daluhan si Kobe kaya lang mahigpit ang hawak ni Valerio sa pulsuhan ko. Nilingon ako ni Valerio. "Who is he?!" galit na tanong niya. Ngayon ko lang makita si Valerio na magalit ng ganito. Iba ang galit niya na hindi basta-basta huhupa. Sinulyapan ko si Kobe na nakatayo lang. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod si Kobe at umalis. Inalis ko ang kamay ni Valerio sa pulsuhan
Felize's POV NAPAG-ALAMAN ko may Mamang Albert na dadalo pala si Kobe sa closing party nila sa military service camp. Kaya pala ganoon ang ayos niya pero dahil sa nangyari kanina may sugat siya sa labi. Hindi ko na binanggit pa kay Mamang ang tungkol doon. He's busy doing my job as a CEO, hindi kasi kinaya ni Kobe dahil abala rin siya sa camp nila kaya naman ayoko ng dagdagan pa ang iniisip ni Mamang Albert. "Kobe..." napatayo ako mula sa pagkakaupo. Sinadya kong hintayin si Kobe habang ginagawa ang trabaho ko para bukas. Tinignan ko ang phone ko at alas otso pa lang ng gabi. Mas maaga siyang umuwi kaysa sa inaasahan ko. Subalit sa pagtingin
Felize's POV KAUSAP ni Valerio si Zandra sa cellphone. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil kanina pa sila magkausap at madalas na tumawa si Valerio. Kapag nagsasalubong ang tingin namin ni Valerio, mabilis akong umiiwas baka kung anong isipin niya. Pero nakakatawa siyang panoorin habang kausap ang anak ko. Bagama't nakakaramdam ako ng inggit at gusto ko ring makausap si Zandra. Malakas akong napabuntong-hininga bago tumayo at lumapit kay Valerio. Nakuha ko kaagad ang atensyon ni Valerio. Tumikhim ako at humawak sa balikat niya.
Noelle's POV "Sinong kausap mo Zandra?" nakangiti kong tanong kay Zandra. "Si Dad po," she said, smiling too. Tumango ako bago pasimpleng umirap sa hangin. I'm treating Zandra nicely since I discovered that Felize was here. Syempre dapat makuha ko ang loob niya para kung sakaling may gawin si Felize, sa akin sasama si Zandra. Kaya lang ngayong wala na naman na tinatamad na akong mabait sa kanya. Pero minsan, kahit mahirap aminin nagiging malapit na rin talaga ako kay Zandra. She's nice and good girl. Siguro dahil takot lang talaga siya sa akin. Wala din naman akong balak na alisin ang takot na binuo ko sa sistema niya.
Felize's POV MAAGANG bumungad sa araw ko ang isang mensahe mula kay Valerio. Aalis daw kami ngayong araw kasama si Zandra tulad ng plano ko kahapon. Nilingon si Thalia na mahimbing na natutulog. Kung pwede lang na isama si Thalia ay gagawin ko. Hinaplos ko ang mukha ng anak ko at hinalik*n ang ulo nito bago nagdesisyong tumayo. "So, wala kang pasok? Aalis lang kayo nila Valerio?" takang tanong ni Kobe. Mabilis akong tumango. "Oo, request ko 'yon kay Valerio at mukhang umobra naman. Hindi naman siguro kami magtatagal dahil alam mo na, baka biglang sumulpot si Noelle."