Share

Kabanata 5.1

Felize's POV

Huli na para bawiin pa ang mga salitang sinabi ko. Hindi ko rin naman pinagsisihan na sinabi ko ang totoo. Dapat na lang din na malaman niya tutal babawiin ko ang anak ko sa kanya.

Hinarap niya ako. "Binatawan niyo siya!"

Kaagad na inalis ng mga tauhan niya ang hawak sa akin.

Masama pa rin ang tingin ni Noelle sa akin pero hindi ako nag paapekto. Hindi ko maintindihan kung ano nga bang emosyon ang namumutawi sa kanya pero ramdam ko ang kaba niya.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo..." mariin niyang sabi, may kahinaan ang boses.

Umigting ang panga ko. "Sa tingin mo babalik ako dito para lang magloko?" hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Sa tingin mo pagkatapos ng pang-gagago niyo sa akin ni Tita Barbara babalik ako para lang sa kalokohan na 'to?"

"Hindi. Mo. Makukuha. Ang. Anak. Ko."

Inismiran ko siya. "Anak ko." I corrected her. Pinandilatan niya ako ng mata. "Hindi ba iyan ang sinabi mo sa akin? Ngayon, ako naman Noelle. Hindi ako papayag na masunod lahat ng gusto mo. Nandito ako para bawiin ang anak ko sa'yo."

"Zandra is mine. Anak ko si Zandra." paninindigan ni Noelle.

"Anak?" I humorlessly laughed. "Anak pero sinasaktan mo? Takot sa iyo ang bata, si Zandra! Ang tigas naman ng mukha mo para angkinin mo ang anak KO!"

"Dapat lang 'yong sa mga hindi marunong sumunod sa akin."

"Hayop ka talaga Noelle!"

Umiling siya. "Sa tingin mo maniniwala sila sa iyo? Si Valerio pati si Zandra?"

Napalunok ako st hindi pinakita ang pagiging apektado sa sinabi niya.

Kailangan ko bang kumbinsihin si Valerio na maniwala sa akin? Anak ko lang naman ang kukunin ko kaya hindi na siya kailangan pa.

"Sa iyo na si Valerio. Ibalik mo lang sa akin ang anak ko." sagot ko kay Noelle.

She raised an eyebrow at me with a grin on her lips. "Sa akin naman talaga si Valerio umpisa pa lang Noelle. Walang sayo Felize. Isang gabi lang kitang pinatikim pero hanggang doon lang 'yon. Wala akong inagaw sa iyo kaya pwede bang tumigil ka! Anak namin si Zandra kaya wala kang pakialam kung anong gawin ko sa anak ko."

"Natatakot kang makuha ko si Zandra kasi alam mong mawawala sayo ang lahat."

Naniningkit niya akong tinignan, halata na naapektuhan siya sa sinabi ko. "Umalis ka na bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo Felize. Hindi mo gugustuhin na kabangain ang isang tulad ko."

Inirapan ko siya. "Noelle, hindi ako babalik ng hindi handa kaya humanda ka rin. Dapat sinasabi mo rin 'yan sa sarili mo. Sisiguraduhin kong pupulutin kayo sa putikan ni Tita Barbara." galit kong sabi.

Noelle scoffs. "Hindi ka ba natatakot kung anong pwede kong gawin sa anak mo?" pagtataray niya.

"Inamin mo din na anak ko nga si Zandra."

"So dapat akong matakot?" sarkastiko niyang sabi. "Iniluwa mo nga siya pero anak ko pa rin si Zandra. Walang magbabago doon Felize. Kaya kong ipagpatuloy ang masaya kong buhay habang nagdudusa si Zandra."

I clenched my fist as I gritted my teeth. "Kaya mo bang saktan ang anak ni Valerio? Kapag nalaman ni Valerio ang ginagawa mo sa anak namin, ano sa tingin mo ang gagawin niya?" naghahamon kong tanong.

Nalusaw ang ngiti sa labi niya at sinampal ako. Hindi ako nagpatalo at magkabilaan ko siyang sinampal.

"Hindi na ako ang dating Felize na kaya niyo lang takutin at silawin sa pera. Matitikman niyo kung anong lupit ng paghihiganti ang gagawin ko. Sisiguraduhin kong magdudurusa kayo." pagbabanta ko kay Noelle.

Inayos niya ang sarili niya. "Ano pang ginagawa niyo palayisin niyo ang babaeng 'to?!!" galit na galit na sabi niya sa mga guwardiya.

"Subukan mo lang saktan ang anak ko Noelle. Kahit sa impiyerno susundan kita para lang makaganti sa kahayupan niyo." iyon lang ang sinabi ko bago umalis.

"Ano ba?!" iritableng sigaw ni Noelle sa mga guwardya para paalisin ako.

"M-maam, nandyan na po si Sir." natataranta na sabi nung guard.

Binalingan ako ni Noelle gamit ang nagbabantang tingin.

Hindi ko pinigilan ang pagngiti sa harap niya.

Lumapit siya sa akin, sakto lang para bumulong.

"Kung ako sayo Felize, hindi ako magsasalita ng kahit ano para sa kapakanan ni Zandra. Kung gusto mong makita pa ang anak mo matuto kang itikom ang bibig mo sa harap ni Valerio. Kapag nalaman ko na nagsabi ka ng kahit ano tungkol sa nangyari noon... hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng masama sa anak mo."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Liwayway Babiera Santos
good stories,next chapter please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status