Share

CHAPTER 25

Penulis: Phoenix
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-18 22:30:50

CHAPTER 25

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maging sekretarya si Sophia ni Francis. Dahil sa kanyang kahanga-hangang hitsura, madalas siyang pinag-uusapan ng mga tao. Kahit pa nagtapos siya sa kolehiyo sa loob lamang ng dalawang taon, halos perpekto ang kanyang marka at hindi pa rin nga nawala wala ang tsismis tungkol sa kanya.

Noon, dapat nang wakasan ang pakikipagtulungan sa isang resort company dahil pumili na ito ng ibang partner—isa pang kumpanya na hayagang karibal ng pamilya Bustamante. Sa panahong iyon, nasa ibang bansa si Francis para makipagnegosasyon sa isa pang kontrata. Dahil sa masamang lagay ng panahon, hindi siya kaagad nakabalik ng bansa para ayusin ang problema.

Sa pagkakataong halos pipirma na ang resort company sa kabilang partido, sinamantala naman iyon ni Sophia bilang huling pagkakataon. Ipinakita niya ang mga benepisyo at kawalan ng parehong kumpanya, at ginamit ang opinyon ng mga tao upang talunin ang kalaban. Sa huli, matagumpay niyang napanatili ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 246.2

    Tahimik naman nga ang lahat ng nasa paligid habang lihim na tumingin si Sophia at tula iniisip nga niya kung sinasadya ba ni Joseph ang sinabi nito para protektahan siya.“Hindi ba at masyado naman yatang padalos-dalos si Mr. Joseph sa desisyon niyang ito? Baka wala lang talagang ibang paraan kaya sila nakikiusap na makapasok dito. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman pusong bato si Mr. Joseph….” sabat na nga ni Dexter pero hindi na nga niya natapos pa ang kanyang sasabihin naang sumabat na nga si Joseph.“Ah… Kaya pala nakapasok ang mga basurang ito ay dahil pinapasok ng pamilya Bustamante,” mariin na paapuputol ni Jospeh sa sinasabi ni Dexter.Hindi pa man nga nakakatapos ng issang pangungusap si Dexter ay may hatol na kaagad sa kanya si Joseph.Bigla naman ngang nawala ang ngiti sa labi ni Dexter at natigilan na lang talaga siya dahil sa sinabi na iyon ni Joseph. At hindi nga niya alam kung panong naging sobrang sigurado si Joseph sa sinabi nito.“Mr. Joseph, naaawa lang si papa sa ma

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 246.1

    CHAPTER 246Sunod-sunod nga na mga tanong ang tila umalingawngaw sa isipan ni Joseph.“Pero bakit? Aso ba siya? Tahimik at boring siya. Halos pandirihan pa niya ako kapag kinakausap ko siya. At ngayon nga mas gusto pa niya si Sophia kapag tahimik ito? May sakit ba siya?” mga katanungan nga sa isip ni Joseph.Binuksan naman na ni Sophia ang laro at agad niyang sinilip ang personal attribute interface. At halos ilampaso na nga niya ang screen ng cellphone kay Jospeh.Nasa nterface ang personal profile ng karakter ni Joseph. At malinaw nga na nakkasulat doon:“Hindi siya magbubukas ng damdamin hanggat hindi niya lubusang naipapasok ang mga tao sa paligid niya sa loob ng kanyang bilog na proteksyon at ginagawang kanya ang mga ito. Galit siya sa mga taong walang pakiramdam sa hangganan at ayaw nga niya sa mga nakikisawsaw at nangangalkal ng buhay niya at lalo naang pagbaanggit ng trabaho o pamilya sa oras ng pahinga. Pero kapag nga in-love siya ay ibang isapan na nga iyon dahil nagiging po

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 245.2

    “Ano ba kasing klaseng laro yan?” tanong na ni Sopha at pilit nga niyang pinipigilan ang kanyang sarili na matawa.“Love raising game,” agad naman na sagot ni Joseph na para bang seryoso sya sa problema niyang iyon. “Wala raw nagmamahal sa akin. Ang sakit naman no’n. Hindi ba talaga ako kaakit-akit?” dagdag pa nga niya.PAulit ulit pa nga niyang binanggit ang salitang nakakainis na parang bata na hindi ibinili ng paborito nitong kendi.“Ano ba ang akala mo, eksperto ako sa mga ganyang klase ng laro?” inis naman na sagot ni Sophia rito.Tiningnan naman nga ni Joseph si Sophia mula ulo hanggang paa.“Eh kasi naman, ikaw ang itinuturing na pinaka-coveted romantic partner sa buong upper class ng lungsod. Kaya dapat ay alam mo ang mga ganitong bagay,” sagot naman nga ni Joseph.Hindi naman nga natuwa si Sophia sa sinabi na iyon ni Jospeh pero dahil kakampi nga niya s Joseph ngayon ay pinili na lang niya na makisama rito. Kaya naman sa harap nga ng lahat at sa gitna ng isang eleganteng dinn

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 245.1

    CHAPTER 245“Salamat,” mahinang sabi ni Sophia habang pilit nga niyang pinapatatag ang kanyang sarili. Ngunit nang tumingala nga siya ay ang malamig na tingin sa kanyang mga mata ay parang isang matalim na punyal.Humarap nga siya kay Captain Bryan at wala ngang pag-aalinlangan sa tono ng kanyang boses ng magsalita siya.“Ang hapunan na ito ay pinangunahan ni Mr. Joseph. Ang mga tao mo ang may hawak ng seguridad ng mga narito. Siguro naman, Captain Bryan alam mo na kung paano mo ito ipaliliwanag sa akin,” sabi nga ni Sophia.Pakasabi nga ni Sophia no’n ay lumapit siya sa tabi ni Jacob. At wala nga siyang pakialam sa sinumang nakatingin sa kanila at hindi na nga niya inisip pa ang magiging kapalit no’n at sinipa nga niya si Johnny.Agad namna nga na tumlapon si Johnny sa gilid at gumulong pa nga ito sa sahig. Nakasuot nga ito ng amerikana pero dahil sa kanyang malapad na katawan at pandak na itsura ay naging nakakatawa nga ang dating nito.At parang ngayon lang nga napagtanto ni Johnny

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 244.3

    “Jacob, kung tama ang naaalala ko ay parang kapatid mo iyon, Ms. Sophia?” sabi pa nga ni Dexter.Naikuyom naman nga ng mahigpit ni Sophia ang kanyang kamao.“Shut up,” mariin pa nga na sabi ni Sophia.“Okay,” sagot naman nga ni Dexter na kunwari nga ay masunurin. “Dahil hindi ka natuwa ay hindi na ako masasalita. Pero ngayong gabi…. sana ay palarin ka, Ms. Sophia,” pagpapatuloy pa nga niya.Si DExter ay para lamang ngang nanonood ng palabas na hindi naman kasali pero tuwang-tuwa sa kanyang nakikita.Nagmamadali naman nga na lumapit si Sophia. At sa kanyang harapan ay nakita niya ang mga taong hindi dapat naroon— sina Johnny at Joshua na dapat ay mga nasa ustodiya pa rin ng mga pulis.Suot nga nila ang magagarang mga damit ngunit kapansin-pansin nga ang mga pasa at pamumula ng kanilang mga mukha.Nakayuko nga ang mga ito sa lupa at halos gumapang na nga habang humihingi ng awa sa binatang nasa harapan nila. Ang kanila ngang mga tainig ay matinis, puno ng takot at paghihirap.“Jacob, al

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 244.2

    Alam ng lahat ng bisita na si Dexter ay ampon nga ni David. Ngunit wala nga ni isa sa kanila ang nakakaalam ng malalim na hidwaan at galit sa pagitan ni Sophia at David. Ang natatandaan lang nila ay umalis si Sophia sa pailya Bustamante pero patuloy pa rin ang suporta nito sa kanila sa social media.Kaya naman sa paningin nga ng karamihan ay tila isang matibay pa rin na alyansa ang umiirl sa pagitan ni Sophia at ng pamilya Bustamante.Tumingala naman nga si Sophia at saka nga niya tiningnan si Dexter. May ngiti nga sa kanyang labi ngunit hindi nga ito umabot sa kanyang mga mata. At sa halip nga ay malamig at mapagkunwaring damdamin ang nakatago sa ilalim nito.“Ang talino mo,” sabi ni Sophia, mahinahon pero may bigat nga ang kanyang tinig.“Alam mo na magkagalit kami ni David kaya sinabi mong ikaw ay kapatid ni Desiree,” sabi pa ni Sphia at nang tumigil nga siya ssaglit ay diretso nga niyang tiningnan sa mata si Dexter. “Pero anong dahilan at naisip mong banggitin sa akin ngayon si De

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 244.1

    CHAPTER 244Namula naman nga ang mukha ni Desiree dahil sa hiya habang si David naman ay wala ngang kahit na anong ekspresyon. Pero si Dexter naman nga ay biglang napangiti.“Si Desiree ay bata pa. Madalas namin ikabahala ni Papa ang tungkol sa bagay na yan. At pakiramdam nga namin ay masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa niya,” sabi na ni Dexter.Hindi kailanman pumasok sa isipan ni David na ipakasal si Desiree. Ang plano niya ay makahanap ng isang lalaki na handang pumasok sa pamilya nila— isang mapapangasawa ni Desiree na magiging bahagi nga ng kanilang angkan. Balak niyang ipaubaya ang lahat ng ari-arian ng pamilya Bustamante kay Desiree at gawin siyang tagapagmana ng lahat. At ito nga ang tunay na nais na mangyari ni David.*************Samantala naman sa loob nga ng piging ay napatingin nga si Sophia sa isang tao na hindi niya inaasahan na makikita niya roon at yun ay walang iba nga kundi si David na nakaupo nga sa wheelchair.Malubha nga ang tinamong pin

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 243.3

    “Wag mo nang pagtuunan iyan ng pansin. Basta’t manatili ka lang na tapat sa akin at isang araw ay makikita rin ni Desiree ang tunay mong halaga,” maalamig nga na sabi ni David.Wala nga siyang tuwiran na pangako kundi isa nga iyong malabong pangungusap. Ngunit tumango pa rin nga si Dexter habang tahimik na sinusundan si David dala ang madilim na damdamin sa kanyang puso.Ang lugar nga kung saan idaraos ang dinner ay punong-puno nga ng karangyaan at pormalidad. Sa loob nga ng bulwagan ay kitang-kita nga ang kagandahan ng disenyo roon at may mga kristal pa nga na chandelier na kumikislap mula sa kisame. Ang liwanag ay bayad ngunit sapat na upang magbigay ng aliwalas sa paligid.Ang mga bilugang mesa naman ay natatakpan ng makinis at maputing tablecloth. May mga plato at kubyertos pa nga na tila ba pang royalty at mayroon din nga na mga bulaklak na maselang nakaayos sa gitna ng bawat mesa.Sa buong paligid nga ay kumakalat ang bango ng mga sariwang bulaklak at masasarap na pagkain. At sa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 243.2

    Natawa naman nga si Dexter dahil sa inasta na iyon ni Desiree. Inabot nga niya ang buhok nito at saka niya bahagyang hinaplos iyon.“Naipadala na yun papunta rito. Kaya bukas na bukas ay darating na ang mga iyon kaya maghintay ka lang sa bahay,” nakangiti pa nga na sabi ni Dexter.“Ang bait-bait talaga ng kuya ko. Thank you, kuya,” ngiting ngiti pa nga na sabi ni Desiree at bigla nga itong tumalon palabas ng sasakyan at saka nga niya yinakap ng mahigpit ang kanyang kapatid.Gumanti rin naman ng yakap si Dexter sa kanyang kapatid at inikot ikot pa nga niya ito habang yakap niya ang dalaga dahilan para matawa nga ng malakas si Desiree.Sa loob naman nga ng sasakyan ay nanatili nga na tahimik si Drew. Mula sa kanyang kinauupuan ay malamig ang tingin niya sa magkuya. Nakatitig siya sa kanila mula sa bintana at unti-unti nga na lumalim ang lamig sa kanyang mga mata.Ngayon nga niya naunawaan kung bakit ganoon ang tingin sa kanyan ni Dexter dahil palihim pala siya nitong tinitingnan bilang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status