Isang pilit na ngiti naman nga ang pumaskil sa labi ni Sophia dahils asinab na iyon ni manang.“Sana nga po buntis na lang ako. Pero… malabo na po yata na mangyari iyon manang. Noong nakunan po kasi ako ay sabi ng doktor sa akin na hindi na raw po ako maaaring magbuntis pa,” malungkot na sabi ni Sophia.Bigla namang napawi ang masayang ngiti sa labi ni manang Ester at napalitan nga iyon ng pagkagulat dahil sa sinabi na iyon ni Sophia.“N-Nakunan ka? Pero bakit?” tila hindi pa rin makapaniwala na tanong ng matanda.Sinimulan naman ng ikwento ni Sophia sa matanda ang lahat ng mga nangyari at gulat na gulat nga si manang Ester dahil hindi niya akalain na magagawa ni Bianca iyon sa sarili niyang kapatid.“Magtiwala lang tayo sa maykapal hija. Anong malay mo nagkamali pala ang doktor na nagsabi niyan sa’yo at pwede ka pa talaga magbuntis. Tiwala lang hija,” pagpapalakas ng loob ni manang kay Sophia.Napangiti naman nga si Sophia dahil sa sinabi na iyon ni manang. Totoo naman na umaasa pa
CHAPTER 276Hindi na nga napansin ni Sophia na sa bahay na pinagdalhan ni Francis sa kanya siya napapunta. Napabuntong hininga na lamang nga siya habang nakatingin sa bahay na iyon.Kinuha nga niya ang kanyang cellphone at agad na idinial ang number ni Francis dahil para bang gusto nga niya itong makasama ngayon. Nakailang ring pa nga iyon bago nasagot ni Francis ang kanyang tawag.“Hello Phia, napatawag ka? May problema ba?” agad na tanong ni Francis mula sa kabilang linya at medyo mahina pa nga ang boses nito.“Nasaan ka ngayon?” tanong naman ni Sophia at hindi na nga niya pinansin pa ang tanong ni Francis.“Nasa opisina ako ngayon. May nangyari ba?” muli ay tanong nga ni Francis.“Narito ako ngayon sa bahay natin. Pwede ka bang pumunta rito?” sagot naman ni Sophia.Rinig naman ni Sophia ang pagbuntong hininga ni Francis mula sa kabilang linya bago nga ito nagsalita.“Sige pupuntahan kita riyan. Pero makakapaghintay ka ba? Nasa meeting kasi ako ngayon pero malapit na rin naman itong
Bahagya naman na tumawa si Raymond at para bang inaasar pa niya sila Sophia at Joseph.“Talaga ba? Talaga ba na dahil sa inyo kaya marami ang nakikisosyo sa akin ngayon? Kung gayon ay maraming salamat sa pangalan ninyo dahil ngayon ay umaangat na talaga ang kumpanya ko,” sabi pa ni Raymond habang may nakakaloko ngang ngiti sa kanyang labi.Lihim naman na naikuyom ni Sophia ang kanyang kamao dahil sa inis. Hindi niya akalain na ganito pala talaga si Raymond dahil sa totoo lang ay pinagkatiwalaan na talaga niya ito at pilit pa nga niyang ibinabaling ang kanyang atensyon dito para lang makalimutan niya si Francis noon.Pigil na pigil pa nga ni Sophia ang matinding galit na nararamdaman niya ngayon dahil gusto niya ay dahan dahan na bumagsak ang kumpanya ni Raymond para maramdaman nga nito ang sakit na nararamdaman niya ngayon.Napansin naman ni Joseph ang tinitimping galit ni Sophia at nakikinita nga niya rito ang ina nito na si Theresa dahil ganito rin nga ito kung magalit.“Tsk. Ang m
CHAPTER 275Pareho ngang gulat na gulat sila Raymond at Joseph ng makita nga nila kung sino ang bagong dating na iyon.“S-Sophia!?” mahinang sabi ni Raymond at gulat na gulat nga ang ekspresyon ng kanyang mukha.Habang si Joseph naman nga ay agad na nakabawi sa kanyang pagkagulat at agad nga itong napangiti ng makita nga niyang muli ang napakagandang si Sophia.“Mukhang nagtatalo yata kayong dalawa. May problema ba rito?” seryoso pa na sabi ni Sophia pagkapasok niya sa loob ng opisina ni Raymond na dapat nga ay opisina niya ngayon.Dahan dahan pa nga na naglakad si Sophia papalapit sa dalawa habang hindi nga niya inaalis ang kanyang tingin kay Raymond.“Hey! Hindi mo man lang ba ako namiss? Matagal tagal din akong nawala. Hindi mo man lang ba ako sasalubungin?” sabi pa ni Sophia kay Raymond habang nakataas nga ang isa niyang kilay.Napakurap kurap naman nga si Raymond ng nasa harapan na niya si Sophia dahil para bang umurong bigla ang kanyang dila ng makita niya ito. Napatikhim pa nga
Tahimik naman nga na nakikinig si Louie sa panenermon na iyon ni Harold kay Sophia dahil kagaya niya ay talagang nainis din nga ito sa ginawa ng dalaga. Matapos nga ng mahaba habang sermon na iyon ay muli nga silang bumalik sa seryosong usapan. “Si Jacob nga pala kuya. Nasaan sya? Kumusta na sya?” tanong pa ni Sophia ng maalala niya ang kanyang nakababatang kapatid. “Nasa maayos na lugar si Jacob ngayon kaya wag mo syang alalahanin. Ang pagtuunan mo muna ng pansin ngayon ay ang Raymond na iyon na wala ng pakialam pa sa iyo matapos kang pakinabangan,” sagot ni Louie at ramdam mo talaga ang inis nito sa huli nitong sinabi. “Wag kang mag alala kuya dahil ako na ang bahala sa kanila. Kaya nga ako nagpalakas muli para maharap ko ng maayos ang mga sumira sa buhay ko at ginamit lamang ako,” mariin naman na sagot ni Sophia. At ang tinutukoy nga nito ay walang iba kundi si Raymond at Bianca. “Kung anuman iyang binabalak mo ay sabihin mo sa amin at isa pa ay mag iingat ka. Lalo na ngayon n
CHAPTER 274Ramdam naman ni Sophia na para bang nagtatampo ang kuya Louie niya kaya naman agad na niya itong linapitan at yinakap. Naisip niya na lambingin na lamang ito dahil alam naman niya na talagang maiinis nga ito dahil sa sinabi niya.Gusto man kasi ni Sophia na sabihin sa kuya Louie niya ang totoo ay hindi naman niya maaaring gawin iyon dahil tiyak na magagalit nga ito kay Francis at ayaw naman niya na mangyari iyon. At isa rin sa dahilan nga niya ay gusto kasi niya na malaman ang mga nangyari habang wala siya para malaman niya kung sino ba talaga ang mga dapat niyang pagkatiwalaan.“Sorry na kuya. Sorry kung hindi kaagad ako nagsabi sa’yo. Alam ko kasi na hindi mo ako papayagan na umalis na mag isa kaya inilihim ko na lamang sa’yo ang lahat ng ito. Pero ngayon naman ay narito na ako ulit at babawi na lamang ako sa inyo ni Harold,” sabi ni Sophia at naglalambing pa nga siya sa kuya niya.“Pero tingnan mo naman ako ngayon kuya. Hindi ba at bumalik na ang dati kong katawan at ma