Share

CHAPTER 314

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-08-19 21:15:53

CHAPTER 314

Dahil naman sa kanyang narinig ay tila ba nakahinga na ng maluwag si Sophia dahil talagang hindi niya maiwasan na hindi mag alala dahil baka maulit na naman ang nangyari sa una nilang anak ni Francis at kapag nangyari iyon ay baka tuluyan na talaga siyang mabaliw.

“Mabuti naman kung ganon. Ang akala ko ay makakalaya pa ang isa na iyon,” naiiling pa na sabi ni Sophia. “Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isa na iyon at pati ang anak natin na walang kamuwang muwang ang idinamay pa niya,” pagpapatuloy pa niya.

“Ang mabuti pa ay wag mo na lamang talaga siyang isipin pa. Ako na ang bahala sa kanya. At ang importante naman ngayon ay ligtas na ang anak natin. At ikaw naman ay kailangan mo ng magpagaling na muna. Umiwas ka na muna sa kakaisip sa mga nakaka stress sa’yo dahil baka kung ano pa ang mangayari sa’yo,” sagot naman ni Francis at saka niya nginitian ang kanyang asawa.

Napabuntong hininga naman si Sophia dahil pinipilit naman niya na wag na munang is
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 321.2

    Napalunok naman ng sarili niyang laway si Sophia bago siya tumayo dahil hindi niya alam kung anong pakulo ba ito ng kanyang asawa dahil wala naman itong nabanggit sa kanya kanina na kailangan nilang magsalita sa unahan. Naglakad na lamang din siya papalapit kay FRancis dahil naisip niya na baka gusto lamang talaga nitong magpasalamat sa lahat ng mga naroon.Pagkarating ni Sophia sa unahan ay nanatili pa rin siyang nakangiti pero ang kanyang mga mata ay nagtatanong habang nakatitig sa kanyang asawa.Agad naman na sinalubong ni Francis si Sophia at saka niya ito hinawakan sa kamay at hindi rin muna niya pinapansin ang paraan ng pagkakatitig sa kanya nito dahil alam niya na nagtataka ito sa mga nangyayari.Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Francis at saka siya muling tumingin sa mga naroon.“Siguro karamihan sa inyo ay kilala na ang aking asawa na si Sophia. Baka nga ang ilan pa sa inyo ay nakasama siya noon dahil sa ang alam ng karamihan sa inyo noon ay siya

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 321.1

    CHAPTER 321Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang birthday party ni Deyl. Nagkaroon pa ng mga palaro roon at talaga namang nag enjoy ang mga bata na naroon dahil bukod sa mga nakatutuwang mga mascot ay napakarami ring papremyo na mga laruan at candies sa kanila.Tuwang tuwa naman si Deyl sa inihandang party na iyon ng kanyang mga magulang at buong oras yata ng program ay kasama niya si Kristoff na anak ni Karylle.Matapos na makantahan ng happy birthday song si Deyl ay nagsimula na rin naman na kumain ang mga bisita at pagkatapos ay balik na naman sa paglalaro ang mga bata habang ang kanila namang mga magulang ay abala sa pakikipag usap sa ilang mga bisita na naroon din sa party.Habang naglalaro naman ang mga bata ay abala rin naman si Sophia sa pakikipagkwentuhan kay Karylle dahil hindi talaga ito mapakali hanggat hindi niya nalalaman kung sino ba ang ama ng anak ng kanyang kaibigan.Kinuha naman na pagkakataon iyon ni FRancis para makalayo sa kanyang asawa at agad na siyang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 320.2

    “Inimbitahan ko siya dahil alam ko naman na namimiss mo na ang matalik mong kaibigan,” sabi ni Francis ng mapansin niya na si Karylle ang tinititigan ng kanyang asawa. “Tara… Lapitan natin sila,” pag aaya pa ni Francis sa kanyang asawa na nakatulala na lang kay Karylle. Inalalayan pa nga niya itong maglakad dahil para bang bigla itong naistatwa sa kinatatayuan nito.“S-Sophia, long time no see,” kandautal pa na sabi ni Karylle ng lapitan siya ni Sophia dahil talagang nahihiya siya rito dahil ngayon na lamang siya muli nagpakita rito.“Talagang long time no see. Saan ka ba kasi nagsususuot na babae ka at bakit ngayon ka na lang ulit nagpakita sa akin?” sagot ni Sophia at nagtataray pa nga ang boses nito dahil sobrang tagal na talagang wala man lang paramdam si Karylle sa kanya.“Pasensya ka na kung bigla na lang akong nawala na parang bula noon. May mga bagay kasi na dapat kong pagtuunan ng pansin kaya ako biglang nawala,” paliwanag ni Karylle. “Mabuti na lang din talaga at hinanap kam

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 320.1

    CHAPTER 320Mabilis naman na lumipas ang mga araw, buwan at taon sa mga nakalipas na mga taon na iyon ay tahimik at masaya nang namumuhay sila Francis at Sophia kasama ang kanilang anak na si Deyl. Wala na ring nangugulo pa sa kanila dahil si Bianca ay tuluyan ng nakulong at tiniyak pa ni Francis na hindi na ito makakapag piyansa o makakalaya sa kulungan. Habang ang ama amahan naman ni Sophia na si Nelson ay naipakulong na rin ni Francis dahil sa dami ng nagawa nitong anumalya dati at naglabasan na rin ang mga tao na pinagkakautangan nito dahil tuluyan na ring lumubog ang kumpanya ng mga ito.Ngayong araw ay kaarawan ng anak nila Sophia at Francis na si Deyl. Tatlong taon na ito ngayon at talagang pinaghandaan nila Sophia ang kaarawan ng kanilang anak.Sa isang beach resort naman napili ni Sophia na idaos ang kaarawan ng kanilang anak na si DEyl. At syempre dahil children’s party iyon ay nag arkila na rin siya ng mga mascot para mas maging masaya ang kaarawan ng kanilang anak dahil ti

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 319

    CHAPTER 319Bahagya naman na nagulat si Sophia sa sinabi na iyon ni Raymond pero hindi niya iyon pinahalata at nanatili lamang siya na walang imik.“Sa totoo lang sobra ko talagang pinagsisihan ang mga nagawa ko noon sa’yo Sophia. Napakaswerte ko na noon dahil kapiling na kita pero pinakawalan pa kita dahil masyado akong nasilaw sa tinamasang tagumpay ng aking kumpanya. At hindi naman iyon mangyayari kung hindi dahil sa’yo kaya maraming maraming salamat. Pero wag kang mag alala dahil hindi ko sinayang ang lahat ng pinaghirapan mo sa aking kumpanya dahil ngayon ay nanatili pa rin itong matagumpay,” sabi pa ni Raymond.“Mabuti naman kung ganon dahil kung pinabayaan mo ang kumpanya mo ay mas lalo talaga akong magagalit sa’yo,” sagot naman ni Sophia.Bahagya naman na napangiti si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia dahil akala talaga niya ay galit na galit pa rin ito sa kanya ngayon.“Wag kang mag alala dahil napatawad naman na rin kita, Raymond. Alam ko naman na nasilaw ka lang din

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 318

    CHAPTER 318Mabilis naman na lumipas ang mga araw at unti unti na nga na bumabalik sa dati ang sigla ng katawan ni Sophia at nakakaya na nitong buhatin ng matagal ang kanilang anak na si DEyl. Pero syempre palagi pa ring nakaalalay si Francis sa kanya dahil ayaw din naman nito na mabigla ang katawan ng kanyang asawa.At ngayon nga ay nasa kanilang garden si Sophia at Francis para paarawan si Deyl. Ganito na kasi ang kanilang morning routine ngayon ang magpaaraw kay baby Deyl tuwing umaga bago sila kumain ng agahan.Matapos nilang magpaaraw ay hinayaan na lang din muna nila na makatulog si Deyl at inilapag na muna nila ito sa crib nito na dinala na nila roon sa garden. Kinuha naman nilang pagkakataon iyon para makakain ng agahan ng magkasabay.Sakto naman na tapos ng kumain sila Sophia at Francis ng lumapit sa kanila si manang.“Ma’m,Sir, excuse me po. May naghahanap po kasi sa inyo sa labas,” sabi ni manang sa mag asawa.Nagkatinginan naman sila Francis at Sophia dahil pareho silang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status