CHAPTER 319Bahagya naman na nagulat si Sophia sa sinabi na iyon ni Raymond pero hindi niya iyon pinahalata at nanatili lamang siya na walang imik.“Sa totoo lang sobra ko talagang pinagsisihan ang mga nagawa ko noon sa’yo Sophia. Napakaswerte ko na noon dahil kapiling na kita pero pinakawalan pa kita dahil masyado akong nasilaw sa tinamasang tagumpay ng aking kumpanya. At hindi naman iyon mangyayari kung hindi dahil sa’yo kaya maraming maraming salamat. Pero wag kang mag alala dahil hindi ko sinayang ang lahat ng pinaghirapan mo sa aking kumpanya dahil ngayon ay nanatili pa rin itong matagumpay,” sabi pa ni Raymond.“Mabuti naman kung ganon dahil kung pinabayaan mo ang kumpanya mo ay mas lalo talaga akong magagalit sa’yo,” sagot naman ni Sophia.Bahagya naman na napangiti si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia dahil akala talaga niya ay galit na galit pa rin ito sa kanya ngayon.“Wag kang mag alala dahil napatawad naman na rin kita, Raymond. Alam ko naman na nasilaw ka lang din
CHAPTER 318Mabilis naman na lumipas ang mga araw at unti unti na nga na bumabalik sa dati ang sigla ng katawan ni Sophia at nakakaya na nitong buhatin ng matagal ang kanilang anak na si DEyl. Pero syempre palagi pa ring nakaalalay si Francis sa kanya dahil ayaw din naman nito na mabigla ang katawan ng kanyang asawa.At ngayon nga ay nasa kanilang garden si Sophia at Francis para paarawan si Deyl. Ganito na kasi ang kanilang morning routine ngayon ang magpaaraw kay baby Deyl tuwing umaga bago sila kumain ng agahan.Matapos nilang magpaaraw ay hinayaan na lang din muna nila na makatulog si Deyl at inilapag na muna nila ito sa crib nito na dinala na nila roon sa garden. Kinuha naman nilang pagkakataon iyon para makakain ng agahan ng magkasabay.Sakto naman na tapos ng kumain sila Sophia at Francis ng lumapit sa kanila si manang.“Ma’m,Sir, excuse me po. May naghahanap po kasi sa inyo sa labas,” sabi ni manang sa mag asawa.Nagkatinginan naman sila Francis at Sophia dahil pareho silang n
CHAPTER 317“Welcome Home Phia,” sabi ni Louie at saka niya yinakap si Sophia. “Thank you kuya,” sagot naman ni Sophia at saka siya gumanti ng yakap dito.“Welcome home, Phia. Ako ba walang yakap?” natatawa naman na sabi ni Harold.Agad naman na napangiti si Sophia at saka siya bumitaw sa pagkakayakap niya sa kuya Louie niya at saka niya yinakap si Harold.“Napaka inggetero mo talaga,” natatawa naman na sabi ni Sophia.“Welcome home ate,” sabat na rin naman ni Jacob na nasa likiuran lang din ni Harold.Agad naman na yinakap ni Sophia ang kanyang nakababatang kapatid na si Jacob dahil kanina pa talaga siya nagtataka kung bakit wala ito at pati na rin si Gerome. Nagawi naman ang tingin ni Sophia sa nasa likod ni Jacob at naroon naman si Gerome na nakangiti habang nakatingin sa kanila.“Kaya pala wala kayo kanina ay narito na pala kayo,” sabi ni Sophia at saka niya inirapan si Gerome kaya naman natawa na lamang ito rito.“Syempre naman. Pwede ba naman na wala kami rito ni Jacob. Binilis
CHAPTER 316Nang makarating na sila Sophia at Francis sa kanilang bahay ay saglit na munang pinahawaka ni Sophia si Deyl kay manang Ester para maalalayan siya ng maayos ni Francis sa pagbaba. Medyo nanghihina pa kasi ang tuhod ni Sophia kaya talagang inaalalayan ito ni Francis. At nang tuluyan ng makababa si Sophia ng sasakyan ay agad na rin nitong kinuha si Deyl kay manang. Napansin din ni Francis ang abot tainga na ngiti ni Sophia habang inililibot nito ang kanyang paningin sa labas pa lang ng kanilang bahay.“Grabe yung ngiti na yan. Miss na miss mo ba ang bahay?” natatawa pa na tanong ni Francis.“Syempre naman. Miss na miss ko talaga ang bahay na ito dahil sa isang linggo ko na pamamalagi sa ospital na iyon ay wala na akong ibang makita kundi ang mga kanto ng silid na iyon,” sagot naman ni Sophia.Bahagya naman na natawa si FRancis sa sagot na iyon ni Sophia dahil alam niya na sobrang bagot na bagot na talaga ito sa ospital. Ilang beses na rin nga itong nag aya na umuwi na sila p
CHAPTER 315Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay isang linggo ng namamalagi sila Sophia at DEyl sa ospital. Maayos naman na ang kanilang lagay na mag ina at pinayagan na rin naman silang makalabas ng kanilang doktor.Sa mga nakalipas din na mga araw ay inaasikaso na rin ni Francis ang tungkol sa kaso na isinampa niya laban kay Bianca at talagang hindi siya pumayag na makapagpyansa at makalaya pa ito dahil ayaw niyang makagawa pa ito ng hindi maganda sa kanyang mag ina.Gusto na lamang kasi ni FRancis ng tahimik na buhay at ayaw na rin niyang ma-stress pa si Sophia sa kakaisip na baka nasa paligid lang nila si Bianca kaya mas mabuti na yung nasa kulungan ito at hindi na sila magugulo pa nitong muli.Sa nakalipas din na mga araw ay napag usapan na rin nila Francis at Sophia ang magiging balak nila pagnakalabas na sila ng ospital. At napagkasunduan na nga nila na hindi na muna talaga magtatrabaho si Sophia dahil gusto nito na matutukan ang kanilang anak na si Deyl.At n
CHAPTER 314Dahil naman sa kanyang narinig ay tila ba nakahinga na ng maluwag si Sophia dahil talagang hindi niya maiwasan na hindi mag alala dahil baka maulit na naman ang nangyari sa una nilang anak ni Francis at kapag nangyari iyon ay baka tuluyan na talaga siyang mabaliw.“Mabuti naman kung ganon. Ang akala ko ay makakalaya pa ang isa na iyon,” naiiling pa na sabi ni Sophia. “Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isa na iyon at pati ang anak natin na walang kamuwang muwang ang idinamay pa niya,” pagpapatuloy pa niya.“Ang mabuti pa ay wag mo na lamang talaga siyang isipin pa. Ako na ang bahala sa kanya. At ang importante naman ngayon ay ligtas na ang anak natin. At ikaw naman ay kailangan mo ng magpagaling na muna. Umiwas ka na muna sa kakaisip sa mga nakaka stress sa’yo dahil baka kung ano pa ang mangayari sa’yo,” sagot naman ni Francis at saka niya nginitian ang kanyang asawa. Napabuntong hininga naman si Sophia dahil pinipilit naman niya na wag na munang is