Share

Chapter 34 – Pursuit

Auteur: M.E Rodavlas
last update Dernière mise à jour: 2025-05-13 01:23:28

"What's happened to you, dad?" Tanong ng isang blonde na babae na mukhang nasa edad 20 lang nang makita ang masamang disposisyon ng kanyang ama pag-uwi nito sa kanilang tinutuluyan.

Kasama ng matandang lalaki ang anak n'yang babae nang dumating s'ya sa bansa. Dahil banyaga at dahil kailan lang sila dumating kung kaya't umuupa lamang sila.

Iminuwestra n'ya ang kanyang kamay bilang pag papa-alis sa babae, makikitang ayaw nitong pinakikialaman s'ya.

Ipinagkibit-balikat na lang ng babae ang ama at nagpatuloy na lamang sa kanyang ginagawa. Tumungo ito sa sala at itinuloy na ang panonood sa isang yoga instructor sa t.v habang sinasabayan ito.

Naupo ang matandang lalaki sa sofa, nahimas n'ya ang kanyang sentido. "The hot climate in this country is insane, I felt like being roasted!" Nilingon n'ya ang anak para sana utusan itong ikuha s'ya ng malamig na maiinom, ngunit nabaling ang kanyang paningin sa magandang hubog ng katawan nito. Kumitid ang kanyang mga mata nang biglang may maisip, big
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 55 – The Accusations

    "Nakauwi na pala ang kuya Nigel mo at ang nobya n'ya." Ani Rina."Ano naman po kung naka-uwi na sila, e hindi naman na matutuloy ang plano natin dahil negative ang resulta." Sagot ng tila malungkot na si Lyka."Alam kong wala tayong napala, pero susuko na lang ba tayo nang ganun-ganun na lang? sayang naman ang pagluwas natin dito sa Maynila.""E ano pa ba ang magagawa natin?...... Tsang, bumalik na lang po kaya tayo sa probinsya? Ipagpapatuloy ko na lang po ang pag-aaral ko." "Ano? Hindi! Hindi ako babalik doon para magsaka at masunog na naman sa matinding sikat ng araw ang balat ko. Ano, ako magpapakahirap doon samantalang ang sarap-sarap ng buhay nung mag-ina dito?""Pero tsang...""Huwag ka nga munang sumuko diyan, titingnan ko kung may magagawa ako. Baka makagawa ako ng paraan, anong malay mo."Nanahimik na lang si Lyka at hindi na umimik pa.Nagtungo sa hospital si rina kung saan nagpa-pregnancy test si Lyka. Nang lumabas na negative ang resulta ay halos awayin na n'ya ang d

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 54 – A New Beginning

    "Nathalie, makinig kang mabuti...." Idinistansya ito ni Nigel sa kanya at may buong kaseryosohang sinabi: "You must hate her dahil sa kanya nagsimula ang lahat...." At sinabi niya ang tungkol sa pagpapanggap ni Elaine na may sakit sa puso. Naikuyom ni Nathalie ang mga kamao. "Kung ganun ay gusto n'ya pa lang mawala na ako? Bakit, anong ginawa ko sa kanya para hangarin n'ya ang buhay ko? Nagpaubaya na nga ako sa kanya noon e, saka, nagdesisyon na nga ako na i-donate na sa kanya ang puso ko para lang madugtungan pa ang buhay n'ya.""Well, she's not worth it. She's evil, at kung totoo mang kailangan niya ng heart donor, isang pagkakamali para sa isang tao ang mag donate sa isang katulad niya.""Hindi bale, tapos na yun. Ang importante ay hindi s'ya nagtagumpay nang lubusan. Napaghiwalay nga niya tayo ng tatlong taon pero nandito pa rin naman tayo sa piling ng isat-isa. Sa lahat ng ginawa niya, hayaan na natin ang Diyos ang magparusa sa kanya."Bahagyang ngumiti si Nigel. "Um. Mula ngay

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 53 – The Truth Revealed

    Sa nakalipas na dalawang linggo ay naging normal naman ang lahat. Masaya ang bagong magkasintahan bagaman tila kakatwa para sa kanila ang relasyong meron sila ngayon dahil nanggaling sila sa pagiging mag-asawa. Mas gusto nila ang ganitong set-up na tila nagsisimula pa lamang sila na kilalanin ang isat-isa bilang magnobyo't magnobya. At kasama sa kanilang plano ang pagta-travel nang magkasama sa kung saan man nila maisipan."Wow, parang magha-honeymoon kayo a, saan n'yo naman balak gumawa ng magiging apo namin?" Tanong ni Lucille nang magpaalam sila Nigel at Nathalie sa kanila."M-ma!" Singhal ni Nathalie, agad namula ang mukha nito sa panunukso ng ina.Nagtawa si Lucille maging si Rebecca, habang si Armando naman ay nakikinig lang habang humihigop ito ng kape. "Biro lang, ikaw naman namula ka kaagad." Panunudyo ni Lucille."E, k-kasi naman...." Hinimas-himas ni Nigel sa likod ang nobya para pakalmahin ito, bagaman nakaramdam s'ya ng kilig sa sinabi ng magiging biyenan. "Alright aunt

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 52 – The Trap Is Set

    Hindi inasahan ni Nathalie ang ginawa ni Nigel, napatingin s'ya sa mga tao sa paligid na kumakanytaw sa kanila at sa mga nag-uudyok sa kanya na sagutin na ito. Sunod siyang napatingin sa kanyang ama't ina. Ngumiti si Lucille at tumango sa kanya. Tila sinasabi nito sa kanya na s'ya na ang bahalang magdesisyon para sa kanyang sarili. Inaalala ni Nathalie ang mga pagtulong ni Nigel sa kanila at sa pagtitiyaga nito sa kanya. Ayaw n'ya itong sagutin nang dahil lang sa mga iyon, kaya sinaliksik n'ya ang kanyang puso. Bahagya siyang yumuko at humawak sa kanyang dibdib. Nang mga sandaling iyon ay kinumpirma n'ya sa sarili kung ano ba ang talagang nararamdaman n'ya, kaya....."Nigel....." Tawag n'ya sa lalaki sa kanyang harapan na kanina pa naghihintay ng kanyang sagot, hindi man halata ngunit kinakabahan ito. Balewala dito ang pagkapahiya ngunit ang inaalala n'ya ay baka hindi na pala s'ya kayang bigyan ng pagkakataon ng dating asawa. "Nagpapasalamat ako sa lahat ng naitulong mo para sa pam

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 51 – The Birthday Plot

    Nang sabihin ni Rebecca sa anak ang tungkol sa paghingi ng tawad ng kapatid ay ipinagkibit-balikat lang iyon ni Nigel, ngunit nang sabihin na niya ang tungkol sa pagpunta nito sa kanyang kaarawan ay sumimangot ito. "No!"Nahimas ni Rebecca ang noo. "Nigel, hindi mo ba puwedeng patawarin na lang ang tita Rina mo? Bigyan mo naman sana s'ya ng pagkakataon para maitama ang mga mali n'ya. Nagsisisi na s'ya.""Nagsisisi? Tingin n'yo ba'y magsisisi na lang nang ganun-ganun yun? Kung gusto n'yang maniwala ako na totoong nagsisisi na s'ya, dapat ay bumalik na s'ya sa probinsya.""Nigel!" Nang mga sandaling iyon ay nakakunot na ang noo ni Rebecca sa anak. "Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa kanya? Tiyahin mo s'ya at kadugo mo pa rin s'ya. Ba't ang tigas ng kalooban mo? Pagkakataon lang naman ang hinihingi n'ya sayo.""Anong pagkakataon? Pagkakataon na makapameste uli sa atin?""Okay...." Bumuga ng hangin si Rebecca, tila nai-stress na ito. "Hindi na ako makikipagtalo pa sayo...... Pasensy

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 50 – Deception And Desire

    Pag-uwi ni Rebecca galing sa trabaho ay inabutan niya ang nag-iiyak na si Nigel habang pilit itong pinatatahan ng asawa ni rina. Wala noon si Rina dahil nasa saklaan ito.Nagitla si Rebecca nang makitang may gasa sa noo ang mag da-dalawang taong gulang pa lang na anak. Nang itanong n'ya kung ano ang nangyari ay sinabi naman ito ng asawa ni Rina :Habang nasa kainitan ng paglalaro ng sakla sa kanilang bahay si Rina ay nagising si Nigel, agad itong umiyak nang makitang wala siyang kasama sa kwarto. May nagsabi naman na isa sa mga kalaro ni Rina sa sakla na gising na raw ang kanyang anak, na sinagot lang ng huli na hindi n'ya anak ang umiiyak na bata. Tinawag niya ang under na asawa ngunit wala ito doon dahil may binili ito.Nagtagal ang pag-iyak ni Nigel dahil walang umaalo dito hanggang sa narinig na lang ni Rina at ng kanyang mga kalaro ang kalabog sa kuwarto kasunod ang malakas na paglahaw ni Nigel, doon pa lang ito tumayo na naiinis pa. Subalit pagpasok ng kwarto ay nataranta s'ya

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 49 – The Untold Story

    Sumama ang mukha ni Nigel. "Aunt, hindi ko hinihingi ang opinyon mo, at sino ka sa tingin mo para panghimasukan ang desisyon ko?" "Aba't...." Hindi akalain ni Rina na sasagutin s'ya nang ganito ng pamangkin. "Tiyahin mo ako!""Maaaring tiyahin ko kayo pero hanggang dugo lang ang pagiging magka-anak natin. Wala kayong nai-ambag sa buhay namin ng mommy ko kaya alamin n'yo sana ang lugar n'yo, kung hindi ay baka mapa-uwi kayo nang maaga.""Nigel..." Inawat ito ni Nathalie sa pag-aalalang baka lumala pa ang sigalot nilang magtiyahin. Kinausap n'ya ito nang mahina. "Tiyahin mo s'ya, hindi mo dapat s'ya pinagsasalitaan nang ganyan."Ngumisi si Nigel. "Heh, tiyahin? I have enough with this woman. Kung alam mo lang ang tunay na pagkatao n'yan.""Pinagbabantaan mo ba ako, ha, Nigel?" Malakas na tanong ni Rina. Sa mga sandaling iyon ay nasa malayo-layo na ito habang pigil-pigil ni Lyka. Hinila n'ya ito kanina dahil tila gusto na nitong sugurin si Nigel. "At anong sinasabi mong wala akong nai

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 48 – Unwelcome Opinion

    Pagpasok ng dalawa sa suite na ibinook sa kanila ni Nigel ay namangha ang mga ito. Dahil ang kanilang suite pang VIP ay mas malaki ito at mas maganda. Meron itong dalawang kuwarto at katamtamang laki ng living room. "Grabe ang laki ng silid na ito hindi ba, lyka? At tingnan mo, ang lambot-lambot ng kama." "Oo nga 'tsang. Tama kayo, napakayaman nga ng napangasawa ng kapatid n'yo. Nakakainggit naman." Ani lyka habang sinisiyasat ang mga gamit sa silid."Diba? Sabi ko sayo e." Biglang nanahimik si Rina. Kanina lang ay may pagmamalaki sa mukha nito, ngunit tila biglang umasim ang mukha nito nang maisip ang magandang kapalaran na dumating kay Rebecca. Bigla siyang nagkaroon ng inggit, hindi n'ya napigilang maikumpara ang naging buhay n'ya sa probinsya sa naging buhay ng kapatid dito sa siyudad. 'Bakit ba hindi pa sa akin dumating ang ganitong ka-gandang kapalaran? Dahil ba mas maganda sa akin si Rebecca?' naikuyom na lamang n'ya ang kanyang mga kamay sa bedsheet ng kama.Natigil ang pagm

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 47 – The Unexpected Trouble (2)

    "Ano ka ba papatayin mo ba kami?!" Galit na sigaw at tanong ng tiyahin ni Nigel. "Anong sabi n'yo kanina? saan n'yo balak tumuloy?" Tanong ni Nigel.Nang makita ng kasama ng kanyang tiyahin ang disposisyon ni Nigel ay nalalaman niyang hindi ito natuwa sa narinig, kaya ito na ang sumagot. "S-sa kumare n'ya..... Meron na kasi'ng nakausap si tsang bago kami lumuwas dito sa Maynila, k-kaya meron na kaming matutuluyan." Sa totoo lang ay takot s'ya kay Nigel dahil talaga namang nakakatakot ang awra nito."Hindi! Hindi na tayo kay mareng Merly tutuloy, bakit pa ako makikipanuluyan sa ibang tao, e kung meron naman akong kamag-anak dito sa Maynila?" Bumaling ang tiyahin kay Nigel at may may-kapangyarihan na nag-utos dito. "Idiretso mo sa inyo ang sasakyan, doon kami tutuloy sa inyo.""No!" Matigas at malakas na sagot ni Nigel.Kinabahan ang babae. "T-tsang...." Umiling-iling ito, ngunit:"Anong no? At bakit ayaw mo kaming patuluyin sa inyo, porke ba sa probinsya kami nanggaling? Aba Nigel

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status