Home / Romance / The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance / Chapter 66 – The Root Of The Past Sufferings

Share

Chapter 66 – The Root Of The Past Sufferings

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2025-05-28 22:56:38

Masayang namimili ng susuotin si Elaine. Isinuot n'ya ang pinakamahal na branded n'yang dress na tinernuhan n'ya ng may kakapalang make-up na animo'y makikipagdate. Tila nakaligtaan n'ya kung ano ang talagang pakay ng kanyang katatagpuin sa kanya.

Umiindayog ang kanyang balakang habang tinutungo n'ya ang isang VIP suite na kanyang ibinook, dito n'ya pinapunta at pinaghintay ang ka-meeting n'ya. Bago pumasok ay kinuha muna n'ya ang kanyang mamahaling pabango sa kanyang pouch at nag-spray.

Pagbukas ng pinto ay dinatnan n'ya ang lalaking na nakatayo sa may bintana. Nangunot ang kanyang noo nang hindi man lang s'ya lingunin nito, tila itong pagkasabik sa kanyang presensya, kabaligtaran n'ya. "Nigel...." May kalakasang tawag n'ya para kunin ang pansin nito.

Nang humarap si Nigel ay umiindayog ang kanyang balakang habang nilalapatan n'ya ito. Nang ilalagay na n'ya ang kanyang mga bisig saleeg nito ay itutulak sana s'ya nito palayo nang kaagad n'ya itong balaan. "Kapag pinigilan mo ako, hi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 68 – The Moment Of Betrayal

    Inihagis ni Elaine sa isang tabi ang bote ng lalagyan n'ya ng gamot nang makitang wala na palang laman iyon. Nahimas n'ya ang pumipintig at sumasakit na ulo habang nagmamadali s'yang tumawag sa isang parmasiya para magpa-deliver ng gamot na kanyang kailangan.Balak sana niyang sundan si Nigel nang puntahan nito sa hospital si Nathalie, ngunit hindi para damayan ito kung hindi, ay para libakin at pagtawanan ito. Ngunit tila agad siyang kinarma nang bigla namang sumumpong ang migraine n'ya kaya dali-dali s'yang bumalik sa hotel na kaniyang inuuwian.Nang dumating ang nag-deliver ng kanyang gamot ay agad niyang ininom iyon. Nang maibsan na ang kanyang migraine ay kumuha s'ya ng red wine at naupo sa chaise lounge pagkatapos ay tinawagan n'ya si Nigel ngunit hindi naman ito sumasagot. Dahil dito ay pinuntahan na lang n'ya ito sa kumpanya."Ma'am, nandito na po tayo." Wika ng isang taxi driver kay Nathalie. Nang ma-discharge sa hospital ay nag-taxi na lang ito pauwi, gusto sana ito ihatid

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 67 – Cool Off

    "Napakatahimik mo naman, wala ka bang sasabihin? Ni hindi ka man lang nag goodmorning sa 'kin? Ni hindi mo man lang tinanong kung nag-almusal na ba ako." Ani Elaine sa nagmamanehong si Nigel. Hindi umimik si Nigel na wari'y wala itong narinig. Kung alam lang ni Elaine kung gaano nito ka-gusto ang sipain s'ya pababa ng sasakyan, ngunit nalalaman nitong kailangan n'ya itong pakisamahan. "Saan kita ibababa?" "Gusto mo na ba agad akong dispatsahin, ganun ba?" Lumapit si Elaine at hindi inaasahang niyakap nito si Nigel. Muntik na itong sumubsob nang bigla na lang ipreno ni Nigel ang sasakyan.Itinigil muna ni Nigel ang sasakyan. "Ano ba?! Nakikita mo na'ng nagmamaneho ako, diba? Gusto mo bang madisgrasya tayo?" Singhal niya.Natahimik si Elaine at ngumuso na animo'y batang napagalitan. "Sorry na..... Nigel, bakit ba ganyan ka na kasungit sa kin? Naalala ko, ni hindi mo ako pinagtataasan ng boses noon. Laging kang malumanay kapag kinakausap ako, ngayon, konting pagkakamali lang, nakabul

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 66 – The Root Of The Past Sufferings

    Masayang namimili ng susuotin si Elaine. Isinuot n'ya ang pinakamahal na branded n'yang dress na tinernuhan n'ya ng may kakapalang make-up na animo'y makikipagdate. Tila nakaligtaan n'ya kung ano ang talagang pakay ng kanyang katatagpuin sa kanya.Umiindayog ang kanyang balakang habang tinutungo n'ya ang isang VIP suite na kanyang ibinook, dito n'ya pinapunta at pinaghintay ang ka-meeting n'ya. Bago pumasok ay kinuha muna n'ya ang kanyang mamahaling pabango sa kanyang pouch at nag-spray.Pagbukas ng pinto ay dinatnan n'ya ang lalaking na nakatayo sa may bintana. Nangunot ang kanyang noo nang hindi man lang s'ya lingunin nito, tila itong pagkasabik sa kanyang presensya, kabaligtaran n'ya. "Nigel...." May kalakasang tawag n'ya para kunin ang pansin nito.Nang humarap si Nigel ay umiindayog ang kanyang balakang habang nilalapatan n'ya ito. Nang ilalagay na n'ya ang kanyang mga bisig saleeg nito ay itutulak sana s'ya nito palayo nang kaagad n'ya itong balaan. "Kapag pinigilan mo ako, hi

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 65 – Resolution

    Nang magkamalay ay napabilikwas ng bangon si Nathalie. Agad sumariwa sa alaala n'ya ang nangyari kanina nang mawalan s'ya ng malay. Pupunta dapat s'ya sa restroom ng isang gas station nang may bigla na lamang umatake sa kanya sa kanyang likuran. Sinunggaban s'ya nito at kinaladkad sa kung saan habang ang kasama naman nito ay may ipinaamoy sa kanya na kung ano sa isang panyo. Nang mapagmasdan n'ya ang paligid ay napag-alaman n'yang nasa abandonadong lugar s'ya. Takot ang bumalot sa kanya habang nayakap n'ya ang kanyang sarili. Nagkaroon s'ya ng tanong sa kanyang isipan, kidnap for ransom kaya ang dahilan ng pagkakadukot sa kanya? Nang maisip n'ya na maaaring yun nga ang dahilan ay nabawasan kahit paano ang takot na nararamdaman n'ya. Kung iyon nga ang dahilan ay tiyak na makakapag ransom sila, huwag lang sanang makaisip nang hindi nararapat sa kanya ang mga kumidnap sa kanya.Napabalikwas s'ya nang biglang magbukas ang kalawangin at maingay na pinto. May pumasok na dalawang lalaki na

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 64 – Lost

    Biglang sinakal ni Nigel si Elaine. "Talaga bang gusto mo akong maging kriminal, ha Elaine? Talaga bang gusto mo akong piliting pumatay ng tao, ha?" Pumiglas si Elaine at galit na kumawala mula kay Nigel. "Talaga bang hindi mo na ako kayang tanggapin, ha nigel? Bakit parang ang hirap-hirap para sa'yo na gawin ang hinihiling ko? Hindi ba't minahal mo naman ako noon–" "Oo, pero dahil nabulag ako!" Singhal ni Nigel na nagpatahimik sa babae. "Dahil nagkamali ako! Nagkamali ako ng taong minahal. Kung hindi mo ako niloko at nagpakilalang nagligtas sa akin sa sunog, tingin mo ba ay mamahalin kita?" Nanigas si Elaine. Halos malimutan na n'ya ang panloloko at ang pagsisinungaling na ginawa n'ya, pakiramdam tuloy n'ya ay nasampal s'ya. "Kunsabagay, kasalanan ko rin naman e, dahil nagpaloko ako. Ni hindi ko man lang naisip na huwad ka. Alam mo, isa ka sa pagkakamali ng nangyari sa buhay ko. Sana talaga ay hindi na lang kita nakilala, dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko sana masasaktan a

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 63 – Demand

    Nang mailabas na ni elaine ang kanyang nararamdamang pagkabigo ay saka lang s'ya natauhan na pinagtitinginan na pala s'ya. Dumukot s'ya ng pera sa kanyang clutch bag at inilapag sa mesa, saka s'ya walang lingon-lingon lumabas. Sumandal muna s'ya sa isang pader dahil tinalaban na s'ya ng alak at ngayon ay nahihilo na s'ya.Dinukot n'ya ang kanyang cellphone at tinawagan si Nigel. May sampung beses siyang sumubok ngunit puro voicemail lang ang sumasagot sa kanya. 'Bakit? Bakit hindi ko s'ya ma-contact? Bin'lock kaya n'ya ako, o baka, nagpalit na s'ya ng number?' sunod s'yang tumawag sa abroad. "Hello dear, I just want to confirm if I won't be thrown in jail by anyone here once I exposed myself?""Yes, they don't have the right. Besides, doesn't your boyfriend happen to be a top-notch international lawyer?" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya."Really? Thank you dear. I finally felt relief.""No problem, babe. Anything for you.""Okay, see you.""Bye, I love you.""I love you, too."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status