Agad nagbalik sa wisyo si Nathalie, binalewala nito ang tanong ni Andy. "Bakit mo naitanong?"Maingat na sinulyapan ni Andy si Nathalie, sa pag aalalang baka hindi nito nagustuhan ang kanyang pag-uusyoso. "Wala lang po, curious lang po ako..... Pero kung ayaw niyong sabihin, ayos lang po.""Sa amo mo, naitanong mo na ba yan? Anong sabi n'ya?""Um, hindi ko pa yan naitatanong sa kanya. Nakakatakot po kasi yun e, baka maparusahan na naman ako nang wala sa oras.""Hindi ko ikakaila na hindi maganda ang naging dahilan ng paghihiwalay naming dalawa. Hindi ko na lang sasabihin kung sino sa amin ang may mali, pero masasabi kong hindi ko pinagsisisihan ang pagpapakasal sa kanya, kahit na......" Bahagyang ngumiti nang mapait si Nathalie. "Kahit alam kong imposible kami sa simula pa lang."Nagpatiuna si Nathalie habang bumagal naman sa paglalakad si Andy. Nang mapag-isip niya ang huling pangungusap ni Nathalie ay tila napagtanto na rin niya kung sino sa dalawa ang dahilan ng kanilang paghihiwal
Nakatayo si Andy sa isang tabi habang pasimpleng sumusulyap-sulyap sa kanyang amo na kanina pa sa harapan ng salamin. Napasulyap s'ya sa kama na puno ng mga high end suit. Ang iba sa mga ito ay s'ya ang pumili, ang iba naman ay si Nigel. Nagpatulong kasi ito sa kanya, ngunit lagi naman nitong inaayawan ang kanyang suhestiyon.Dahil sa tagal ng kanyang amo ay hindi na nakatiis pa si Andy, tumikhim ito. "Um sir...... Kanina pa po kayo nagsusukat, wala pa rin ba kayong mapili?" Hindi sumagot si Nigel na abala lang sa kanyang ginagawa. "Sir, hindi ba't meeting with the Andeza's enterprises lang naman ang pupuntahan n'yo at hindi isang engrandeng gatherings, kailangan n'yo po ba talagang pumorma nang bongga?" Sa pagkakataong ito ay tinapunan na s'ya ng tingin ni Nigel ngunit nakaramdam naman siya ng takot. "Um, don't get me wrong sir, ang inaalala ko lang naman ay baka ma-intimidate n'yo ang mga ka-meeting n'yo mamaya dahil sa get up n'yo.""What do I care?" Walang pakialam na sagot ni Nig
Mabilis na nagtungo si Nico sa kinaroroonan ng basurahan, nang itatapon na n'ya ang mga bulaklak ay inawat ito ng kapatid. "Oy, oy, anong ginagawa mo, bakit mo yan itatapon?" Dagling inagaw ni Nathalie ang mga bulaklak. Tinangkang agawin Nico ang mga bulaklak ngunit agad lumayo si Nathalie. "Puwede ba kuya, sa akin kaya ito, kaya bakit mo itatapon? Meron ka bang pahintulot ko?""Hoy nathalie, huwag mong sabihing nagugustuhan mo ang pagbibigay sayo nang kung anu-ano ng Nigel na 'yon? Magtapat ka nga, gusto mo pa rin s'ya, ano? Balak mo bang makipagbalikan sa kanya?" Iritadong tanong ni Nico. Hindi nito alintana kahit nasa kanila na ang atensyon ng mga emplayado."Hindi sa ganu'n kuya. Ang akin lang, hindi yata tama na pinaghihimasukan mo ang pagdedesisyon ko. Ako ang magdedesisyon kung tatanggapin ko ba o hindi ang mga ibinibigay niya, naintidihan mo ba?""Ewan ko sa'yo, may pagdedesisyon ka pa'ng nalalaman. Diyan ka na nga." Tinalikuran ni Nico si Nathalie at iniwanan na ito.Habang n
"Totoo ba yang sinasabi mo Nigel? Nasaan si Nathalie?""Tito, huwag po kayong mag-alala, okay na po siya. Nagpapahinga lang po s'ya sa suite ko." Maya-maya ay lumapit si Nathalie sa ama. "Dad, I'm here. I'm fine, don't worry.""Nat..." Pinagmasdan ni Armando ang anak mula ulo hanggang paa. "Totoo ba ang sinabi ni Nigel na ginawa sa'yo ng mga babaeng ito?"Hindi iyon pinagtakpan ni Nathalie at mabilis nitong kinumpirman iyon.Galit na galit na bumaling si Armando sa apat na babae. "Ang lalakas ng loob niyong gumawa nang ganun sa loob mismo ng kumpanya ko at sa araw pa mismo ng anibersaryo! Umamin kayo, mga espiya kayo ng kalabang kumpanya namin, ano?"Agad iyon itinanggi ng mga babae: "N-naku Mr. Andeza, hindi po! Matagal na po kaming nagtatrabaho dito at kailanma'y wala po kaming naging ganyang gawain.""Oo nga po! Maniwala po kayo.""Kung ganun, bakit n'yo ginawa yun? Anong nagbigay ng motibo sa inyo para gawin yun?"Nagkatinginan ang apat. "K-kasi....."Umabante si Ria. Nananahimik
Matapos ang pakikipag-batian sa mga bisita ay handa na sanang ipakilala ni Armando si Nathalie ngunit wala ito. Nilapitan n'ya ang asawa na masayang nakikipag-kuwentuhan sa mga amiga nito para itanong kung nasaan ito Nagpalinga-linga si Lucille at naghanap sa mga tao. "Wala pa rin ba s'ya? Nagpaalam s'ya sa akin kanina pa para magbanyo e.""Nagbanyo lang pala, e ba't hanggang ngayon ay wala pa s'ya?""Hindi ko rin alam. Baka naman alam ni Nico kung nasaan ang kapatid n'ya, bakit kaya hindi mo itanong sa kanya?" Suhestiyon ni Lucille.Nilapitan ni Armando ang kanyang panganay na tahimik lang na umiinom sa isang tabi. "Nico, nakita mo ba ang kapatid mo?" Hindi sumagot si nico, tila hindi s'ya narinig nito. "Nico." Tawag n'ya uli. "Yes dad?""Si Nathalie, nakita mo ba?" Sumimangot si Nico at bahagyang umasik ito. "Bakit n'yo siya hinahanap sa kin? Baby sitter n'ya ba ako? Saka, ang laki-laki na nun, no.""Ba't ba ang sungit mo, e tinatanong ko lang naman kung nakita mo ang kapatid mo
Dumating ang araw ng anibersaryo ng kumpanya nila Nathalie. Halos bawat isa ay hindi nagpatalo ng kanilang bihis o ayos. Tila isang fashion event ang kanilang dadaluhan, ngunit sa kabila niyon ay tila natalbugan pa rin sila nang dumating si Nathalie.Umirap ang ilang kababaihan na hindi gusto si Nathalie. "Heto na naman s'ya..... Akala mo ay kung sino kung maka-asta, porke kasama n'ya si madam chairman." "Teka, bakit nga pala magkasama sila ni Mrs. Chairman? Tingnan n'yo o, parang close na close sila?""Oo nga, tingnan n'yo kung paano humawak si madam chairman sa kanya, parang akala mo ay mag-ina sila.""Naku! Lalaki na naman ang ulo niyan! Ano kaya ang ginawa niyan para mapalapit s'ya nang ganyan kay Mrs. Andeza?""Siguro ay magaling talaga 'yang sumisipsip, sana ay nakapagpaturo tayo." Sarkastikong komento ng isang babae.Ito ang samu't saring komento ng mga babaeng may selos at inggit kay Nathalie na hindi naman nito narinig, dahil abala ito sa pakikipagbatian sa business partner
"O hindi ba, napaka-walanghiya diba? Ang kapal n'yang sisihin ang ibang tao samantalang s'ya naman ang pinagmulan ng lahat! Kung hindi ba s'ya nakipag relasyon nang palihim sa ahas mong kaibigan, magkakagulo ba kayo? Nagtataka ako kung ano bang klase ng pag-iisip meron 'yang dating asawa mo, hay naku! Mabuti na lang talaga at hiwalay ka na sa kanya." Ani ng nagpupuyos na si Lorraine matapos ikuwento kay Nathalie ang kanyang mga pinagdaanan dahil kay Nigel. Natigilan ito nang makita ang paghimas ni nathalie sa sariling noo. "Nat, ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Chineck n'ya ang heart monitor watch nito. "Ayos lang ako 'mi. Ako na ang humihingi ng pasensya sa'yo para sa ginawa ni Nigel.""Hump! Bakit ikaw ang humihingi ng pasensya sa kin? dapat s'ya, ano. Saka huwag mo siya'ng dedepensahan ha, hindi karapat-dapat ang lalaking yun sa concern mo.""S'ya, puwede bang i-relax mo na ang sarili mo? Kanina ka pa nagpupuyos diyan e. Ang mahalaga ay walang kinampihan ang mga pulis
Natitigan ng may-edad na babae si Nigel, nang makumpirma kung sino ito ay sarkastiko itong nagtawa. "Tignan mo nga naman ano, ikaw pala yan? So, Mr. Sarmiento, kumusta ka na? Buhay ka pa pala?"Humigpit ang pagkakapit ni Nigel sa braso nito. "Siyempre, buhay pa ako at hindi ako puwedeng mamatay hangga't hindi ka napaparusahan sa ginawa mo!""Ha?" Nagtaka si Lorraine. "Anong pinagsasabi mo diyan? May atraso ba ako sayo nang hindi ko nalalaman, ha?" Ipinagwagwagan ni Nigel ang babae sa gigil. Tila wala itong pakialam kahit babae pa ito at kahit halos parang ina na n'ya ito. "Huwag ka nang magmaang-maangan! Sa ginagawa mo ay lalo mo lang dinadagdagan ang kasalanan mo! Aminin mo na lang ang kasalanan mo!"Pumiglas si Lorraine. "Bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako! " Nang makahulagpos ay agad siyang lumayo. "Baliw ka ba, ha? Anong kasalanan ko ang pinagsasabi mo diyan? E ikaw nga ang–""Kahit anong pagtanggi pa ang gawin mo, hindi ako makakapayag na tatakasan mo lang ang ginawa mo! hind
Nang magmulat ng mga mata si Nathalie ay ang puting kapaligiran ang agad na bumungad sa kanya, kaya nalalaman niyang nasa hospital s'ya. "Nat! Gising ka na pala! Kumusta ang pakiramdam mo?" Agad at may pag-aalalang tanong ni Lucille nang makitang gising na anak. "Ano ba ang nangyari, nat? Bakit ka biglang inatake? Ang akala ko pa naman ay hindi seryoso ang lagay mo nang sabihin sa akin ni Lorraine ang tungkol sa kondisyon mo, yun pala...." Maluha-luha niyang wika dahil sa pag-aalala."Ma...." Inabot ni Nathalie ang ina at hinimas-himas ito sa braso. "Hindi naman talaga ganun kalala ang lagay ko e, na-agitate lang ako. Saka, kayo ba naman kaladkarin nang ganun nung dalawang guwardiya na yun–" bigla siyang natigilan nang biglang may maalala. "Ay naku, oo nga pala!" Dali-dali niyang inalis ang kumot at agad umalis sa kama."Hoy, anong nangyayari sa'yo? saan ka pupunta?""Si Nigel 'ma..... kailangan ko siyang makausap!""A-ano? Teka sandali, nat!" Habol at tawag ni Lucille.Ngunit bago p