NATHALIE ANDEZA
Ang babae ay walang iba kundi ang bestfriend kong si Elaine, at kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan kung paano sila maglambingan ng asawa ko sa kama habang magkayakap pa sila. Parang nagkaroon ng slomotion ang paligid habang nararamdaman ko ang unti-unting pagkirot ng aking puso.
Ang babaeng ito, nalalaman niya kung gaano ako nag-alala at kung gaano ako ka-frustrated nang sabihin ko sa kanya ang duda ko na maaaring may ibang babae ang asawa ko. Nakisimpatya pa siya sa akin at kinomfort pa ako, yun pala......... isa siyang ahas! Pinaglalaruan lang pala n'ya ako!
"Nigel, kiss me!" Request ng ahas na si Elaine habang nakanguso pa na parang bata. Binigyan naman siya ng peck sa labi ni Nigel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko habang nakikita ko kung gaano ka-masunurin ang asawa ko sa ibang babae. Ang sakit sa dibdib at parang ang hirap huminga.
Nakita ko na muling ngumuso si Elaine. "You don't love me anymore!" Aniya.
Kinuha ng asawa ko ang isang soup na nasa maliit na table. "Don't make trouble, come on, eat your food." Aniya sa banayad na tono. Ito ang unang beses na makita ko ang ganitong side ng asawa ko.
"Ayoko!" Itinulak ni Elaine ang soup. Ano kaya ang problema ng babaeng ito? Hindi ba niya alam kung gaano siya ka-suwerte dahil ganito ang pagtrato sa kanya ng malamig kong asawa?
Nakita ko kung gaano ka-pasensyoso si Nigel, ni hindi ko siya makitaan ng iritasyon at inis. Kung ako ang gagawa niyon sa kanya, malamang ay panlisikan na n'ya ako at baka layasan na lang niya ako.
Bumuntong-hininga si Nigel. "Okay, ano ba ang gusto mo?" Tanong niya.
"I want to make out with you." Sagot ni Elaine. Naikuyom ko ang aking mga kamao, pagbibigyan kaya siya ng asawa ko? Gagawin kaya nila iyon nang nakikita ko?
Ibinalik ni Nigel ang soup sa table. "Elaine, nalalaman mo namang hindi maganda ang kondisyon mo, hindi ba? Promise, once na gumaling ka na, gagawin natin ang lahat ng gusto mo, ayos ba yun? Now, eat."
"Promise?"
"Promise." Pasensyosong sagot ng asawa ko.
Kumain na rin si Elaine, nakasandal s'ya sa dibdib ni Nigel habang nakayakap sa bewang nito. Tumatawa siya pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinagtatawanan niya.
Naisip kong umalis na, dahil baka hindi ko na kayanin pa ang sakit at baka mag-collapse na lang ako. Ngunit natigilan ako nang marinig ko ang tanong ni Elaine:
"Nigel, kailan mo ba gagawing official ang relasyon natin? Gusto ko na kasi ipakita sa lahat kung gaano tayo ka-compatible sa isat-isa e. Gusto kong makita ng mga tao kung gaano natin ka-mahal ang isat-isa."
Pinakinggan ko ang sagot ni Nigel na may seryosong tono: "Elaine, alam mo naman ang sitwasyon natin at alam mo namang nagtatago tayo. Siguradong itatakwil ako ng daddy ko kapag nalaman niya 'to, ang masama pa ay baka mawala sa akin ang lahat. Kahit sabihing isang business deal lang ang kasal namin ni Nathalie, hindi pa rin ako puwedeng mag-cheat sa marriage namin dahil may reputasyon kaming inaalagaan."
"Nag-aalala ka lang ba na baka malaman ng dad mo? E paano si Nathalie, may feelings ka na ba para sa kanya?"
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Inaamin ko na umaasa ako ng magandang sagot mula sa asawa ko, pero nag-aalangan din ako dahil kung may feelings siya para sa akin ay hindi n'ya gagawin ito sa akin, at katulad nga ng inaasahan ko:
"No. Wala akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ba't sinabi ko na'ng ikaw lang ang mahal ko? why are you asking these nonsense?"
Humagikhik si Elaine, tila masaya at kuntento ito sa sagot ng Nigel. "Then, ibig bang sabihin, kapag kinailangan ko ang puso niya para mabuhay ay ibibigay mo yun sa kin? After all, ayon sa test, isa siya sa perfect na heart donor para sa kin."
Nayakap ko ang sarili ko dahil bigla akong nanlamig, hindi ko alam kung dahil ba sa takot na baka parang puppet lang na susunod ang asawa ko sa kahilingan niya. Tumalikod na ko para sana umalis na nang mabangga ko ang papalapit na doktor. Narinig ko ang pagso-sorry niya pero para ako tinakasan ng lakas kaya hindi ako nakapag-sorry pabalik.
Paglabas ko ng hospital ay bumubuhos na ang ulan, naglakad ako at hinayaang mabasa para maitago ang pagluha ko. Ang laking dagok nito sa kin, ang bestfriend na pinagkakatiwalaan ko na halos ituring ko na'ng parang kapatid at ang mahal kong asawa na lubos kong hinahangaan ay may sikreto pala'ng relasyon.
.
.
Makalipas ang ilang buwan, pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagkaroon ako ng depression. Sa mga linggong nakalipas ay pinanonood ko lang ang pagpaparoo't pagparito ng asawa ko, at sa nakalipas na buwan ay mabibilang ko sa aking mga daliri kung Ilang beses lang siya umuwi sa apartment namin. Hindi na rin ako nagtatanong tungkol sa mga affairs niya, kinakausap ko lang siya kapag aayain ko na siyang kumain at kapag may problema sa bahay. Memorize ko na rin kung tuwing kailan siya bumibisita kay Elaine sa hospital.
Sa ganoon tumakbo ang mga mundo namin. Sa gabi, kapag wala siya ay ini-iiyak ko ang lahat ng pait at pagkabigo ko sa buhay sa sarili kong kuwarto. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa ganitong sitwasyon at kung hanggang kailan ako tatagal.
THIRD POV:
Sa paglipas ng panahon ay naging tila nalantang bulaklak si Nathalie. Bukod sa pamumutla ay parang nawalan din siya ng buhay. Ang dating pagiging positibo niya ay nawala at parang tumanda ito ng sampung taon. Tumigil na rin si Elaine sa pagbisita sa kanya dahil lagi siyang nagdadahilan para hindi ito harapin.
Sa nakalipas na mga buwan ay hindi rin n'ya binisita ang kanyang ama na nasa hospital, hanggang sa isang magandang balita ang nakarating sa kanya; ang treatment ng kanyang ama ay naging successful at nagpapagaling na ito ngayon. Nang ma-discharge ito ay tinawagan siya ng kanyang ina para mag-selebra.
"Hump! Akala ko ay hindi ka darating. Akala ko ay magta-tantrums ka kasi hindi na matutuloy ang pagdo-donate ni dad ng puso niya sa bestfriend mo." Ani nico nang makita ang kapatid.
"Brat, stop targeting your sister." Ani Lucille. "Nat~ halika dito, namiss ka–" natigilan siya nang mapansin ang hitsura ng anak. "Nat, kumusta ka nitong nagdaang linggo, ayos ka lang ba?"
"Ayos lang naman ako 'ma, kayo po, kumusta?"
Pagkatapos ng selebrasyon ay lihim na nag-usap ang mag-asawa tungkol kay Nathalie. Bilang mga magulang ay malinaw nilang nakikita na may problema sa kanilang bunso. Dahil hindi mapanatag ay tinawagan nila ang kanilang in-laws, ang mga magulang ni Nigel.
Nang sumunod na araw, habang naglilinis ng bahay si Nathalie ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Nang sagutin ay nasorpresa s'ya nang makausap ang kanyang biyenan:
"Hello Nathalie, kumusta ka na? busy ka ba?"
Lahat ng katanungan ng kanyang biyenang babae ay sinagot n'ya nang maayos, nagtataka nga lang s'ya kung bakit bigla itong napatawag. Bale ito pa lang ata ang ikatlong beses na nakausap niya ito, ngunit hindi n'ya inaasahan ang isang sorpresa:
"Nathalie, hahayaan ko munang mag-leave si Nigel sa kumpanya. Pasensya na kung nawawalan s'ya ng oras para sa'yo. Naihanda ko na ang lahat, you two go on vacation abroad. Consider this as your honeymoon vacation. Ino-notify ko na lang si Nigel tungkol dito." Wika ng kanyang biyenang lalaki.
Ang walang buhay na si Nathalie ay tila biglang nabuhayan ng loob. 'Vacation trip kasama si Nigel?' Matapos ang ilang buwan ay tila ngayon lang uli ito naging ganito kasaya.
Sinamahan ni Nigel si Elaine sa pagsha-shopping nang tawagan siya ng kanyang ama. Nang makita kung sino ang naka-rehistro sa kanyang telepono ay nangunot ang kanyang noo. Nag-excuse muna s'ya kay Elaine at lumayo para sagutin ang tawag. "Dad..."
Halos ayaw siya'ng payagang umalis ni Elaine nang magpaalam s'ya dito. Kailangan na niyang magmadali dahil kailangan pa n'yang mag-impake, kaya sinabi niyang ito ay utos ng kanyang ama na kailangan niyang sundin, kung hindi ay baka manganib ang posisyon niya sa kumpanya. Ngunit nang malaman ni Elaine na magta-travel ito kasama si Nathalie ay nag-tantrums ito.
Nahiya si Nigel dahil pinagtitinginan na sila ng mga taong napapadaan. Nag-aalala din siya para sa babae dahil hindi ito puwedeng ma-agitate dahil sa kondisyon nito. Inalo-alo niya ito pagkatapos ay ipinagkatiwala niya ito sa kasamang katulong at driver bago iniwanan.
Sa apartment, paalis na sana si Nigel matapos mag-impake nang biglang tumawag ang katulong ni Elaine. Aniya ay bigla daw nag-heart attack ang kanyang amo......nabitiwan na lang ni Nigel ang kanyang bag.
.
.
Gusto nang tawagan ni Nathalie ang asawa ngunit nag-aatubili siya. Kuwarenta minutos na lamang ang natitira bago ang kanilang flight ngunit wala pa ito. Nag-aalala siya dahil ito pa naman ang unang biyahe nila pa-abroad nang magkasama.
Katulad ng kanyang ipinag-aalala ay hindi nga sumipot si Nigel. Nakaupo si Nathalie sa lounge area habang nahuhulog ang kanyang mga luha, yakap niya ang kanyang bagahe. Nalalaman niya na hindi talaga maaasahan ang lalaki at wala itong ginawa kundi ang saktan ang kanyang damdamin.
Bagaman ang ama na nito na kaniyang kinatatakutan ang nag-utos na mag-travel sila ay nagawa pa rin nitong sumuway. Nalalaman ni Nathalie na kasama na naman nito si Elaine at malamang ay labag sa kalooban nito ang iwan ang babae, nagpapatunay lang na lahat ay kaya nitong gawin para sa babae. 'Nigel, kailan mo ba ako matatanggap? Bakit lagi mo akong sinasaktan?'
Nanatili pa sa airport si Nathalie, ngunit nang dumilim na ay umalis na rin ito. Tinawagan n'ya ang kaibigang si Michelle para magpasama sa isang bar, gusto niyang makalimot kahit ngayon lang.
Sa hospital, nakayakap si Elaine sa bewang ni Nigel habang inaamoy-amoy n'ya ang leeg nito na tila inaakit n'ya ito. Subalit tila walang pakialam si Nigel na mukhang balisa dahil sumuway siya sa utos ng emperor.
"Elaine, maayos na ba ang pakiramdam mo? Puwede na ba akong–"
"No!" Sigaw ni Elaine na tila magta-tantrums uli. Sinapo n'ya ang kanyang dibdib. "Hindi pa rin kumportable ang pakiramdam ko, kaya mo ba akong iwan nang ganito kahit nahihirapan ako?"
Halos madaling araw na nang makabalik sa apartment si Nigel na tila hapung-hapo. Nang maupo ay saka niya napansin na wala pa ang kanyang asawa. Namasahe n'ya ang kanyang sentido nang maalalang hindi nga pala n'ya ito sinipot sa airport at malamang ay naghihintay pa ito sa kanya. 'Nandoon pa kaya s'ya sa airport at naghihintay pa sa kin nang ganitong oras? Hindi naman siguro, ang laki namang katangahan nun.'
Kinuha n'ya ang kanyang cellphone para sana tawagan si Nathalie, nang bigla itong mag-ring. Nang makita n'ya kung sino ang tumatawag ay bahagya siyang namutla. Maraming misscalls ang kanyang ama ngunit dahil busy s'ya sa pag-aalaga kay Elaine kanina kung kaya't hindi n'ya nasagot ang tawag nito. Sa pagkakataong ito ay nalalaman niyang tapos na siya.
"B*stard!" Bulyaw ng ama ni Nigel sa kabilang linya. "How could you!...... How could you!....." Tila aatakehin ito anumang oras dahil sa galit. Narinig ni Nigel na inaa-alo ito ng kanyang ina. "Paanong hindi ako magagalit? This bastard really wanted to drive me to death!..... Umamin ka, may babae ka ba, ha? Kasi kung paano mo i-neglect ang asawa mo ay nagpapahiwatig na meron nga!"
Nanigas si Nigel at hindi makasagot.
Dahil kilala n'ya ang kanyang anak, ay alam n'ya kung may itinatago ito o kung kailan nagiging totoo ang kanyang itinatanong dito. Sa pananahimik nito ay tila nagkaroon na rin s'ya ng kasagutan. "Sinasabi ko na nga ba!..... Well, makinig ka; from now on, you are no longer the CEO of the company, and I will disown you! Tingnan ko lang kung hindi ka iwan ng babae mo kapag nawala na sayo ang lahat." At naputol na ang linya.
Nagpanic si Nigel, sinubukan n'yang tawagan uli ang ama ngunit naka-block na siya. Sa inis ay ibinalibag niya ang kanyang cellphone sa sahig, nabasag iyon at agad nasira.
Tapos na ang lahat para sa kanya. Ang kanyang posisyon sa kumpanya, ang marangyang buhay na nakasanayan n'ya, tuluyan na nga bang maglalaho ang mga iyon? Paano na ang future n'ya? Paano pa n'ya mabibigyan ng magandang status si Elaine? paano na ang mga ipinangako n'ya dito? Magiging pangkaraniwang empleyado na lang kaya siya?
Dumilim ang mukha niya, isang tao lang ang kanyang naisip sisihin sa nangyari; si Nathalie! Tama, malamang ay nalaman na nito ang affair n'ya kay Elaine at ito mismo ang nagsumbong sa kanyang ama.
Halos magtatakip-silim na nang umuwi si Nathalie. Bagaman nakainom siya, hindi naman n'ya hinayaan na malasing s'ya nang tuluyan kaya agad niyang napansin ang lalaking umiinom na nakaupo sa madilim na bahagi ng sofa.
Tumayo si Nigel. "Mabuti't nandito ka na, hinihintay talaga kita."
Tumingin si Nathalie sa asawa na tila hindi s'ya apektado dito. Wala ding bakas ng paninisi o galit sa kanya sa ginawa nitong hindi pagsipot sa flight nila. "May kailangan ka ba?" Kalmado niyang tanong.
"Meron........ Mag-divorce na tayo."