Share

Kabanata 8

Napatingala si Celeste sa harap ng isang napakalaking mansyon. Napakaliwanag, kumikinang ang mga ilaw at disenyo ng lugar na balot ng ginto. Bagamat galing siya sa marangyang pamilya at bilyonaryo ang napangasawa, hindi kasinglaki ng mansyon na ito ang kanilang tahanan. Ito ay animo binuhos ang lahat ng yaman ng pamilya para lang sa mansyon.

Hindi siya makapaniwala na rito nakatira ang lalaking kanina'y nasa kritikal na kalagayan. Hindi niya tuloy maiwasang magkaroon ng kuryosidad kung bakit naroon naghihingalo ang lalaking iyon sa lugar kung saan siya iniwan ni Darson.

Kuryoso rin siya kung bakit tila'y isang batalyon ng mga gwardiya ang nakikita niyang nagkakagulo ngayon sa paligid.

"Pasensya na sa magulong pangyayari, Miss," saad ng isang lalaki sa kanya nang makalapit sa kinatatayuan niya ngayon sa sulok ng pintuan.

"Ikaw ba si Diego?" tanong niya na puno ng kuryosidad.

Tumango ang lalaki. Seryoso ang mukha nito na nakatingin kay Celeste nang may matatalas na mga mata, animo'y in
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status