Share

Chapter 28

Iminulat ko ng marahan ang aking mga mata. Mabagal ko ring hinawakan ang aking ulo nang muli ko na namang naramdaman ang matinding pagkahilo.

Tinignan ko ang paligid, habang sapo-sapo pa rin ang aking ulo.

"Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid ko.

Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama. Nasa loob ako ng isang kwarto. Kwarto na ang tanging makikita mo ay kulay asul, at kulay itim na mga gamit.

"Nasaan ba ako?" tanong ko muli habang marahan akong tumatayo.

Ang huling naaalala ko lang ay kasama kong naglalakad si Michael kanina. Tanging naaalala ko lang ay sabay kaming sumakay sa elevator papunta sa kung saan. Nahimatay ba ako? Nakatulog?

Mabagal akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng bahay ni Michael, o kung nasaan.

Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid.

Unang tingin pa lang, masasabi mo na kaagad na hindi m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status