Share

Chapter 306

Nanatili akong nakatayo kahit pa natatakot ako sa mga bagay na maaari kong makita habang nandito ako sa loob ng venue na ito. Gusto ko lang naman makita si Michael pero bakit ba parang ayaw talaga kaming pagkitain ng tadhana?

Sana nandito na lang si Michael sa tabi ko. Kagaya nang unang beses na dinala niya ako sa ganito. Alam ko na-train na ako ni Michael sa ganito pero hindi pa sapat ang kakayahang alam ko.

"AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata.

"Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo.

Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan.

"Wala akong alam! At wala akong sasabihin!" matapang na sigaw ng lalaki bago ito tumawa.

"Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin! Mga baguhan kayo sa mu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status