Share

Chapter 33

Nanatili akong nakatingin kay Michael, gano'n din naman siya sa akin. Kanina pa kami parehong nakatayo sa hagdan at hinihintay ang paggalaw ng isa't-isa.

"Ang cute mo talaga mag-tagalog," pag-iiba ko sa usapan bahagya pa akong pekeng tumawa para ipakita sa kanya na inaasar ko siya.

Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo bago niya ibinaba ang kanyang kamay na kanina pa nakalahad sa aking harapan.

"Tss," tanging reaksyon lang niya bago tumalikod sa akin at muling umakyat pataas.

Natawa naman ako bago ako napahawak sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin, may kakaibang kabog ang dibdib ko habang nakatitig sa mga mata ni Michael.

---

"Sure ka? Ayos lang talaga na 'di na natuloy ang meeting?" tanong ko. Pang-ilang tanong ko na ito ngunit hindi pa rin sumasagot si Michael. Sinabi lang niya kanina na hindi na nga tuloy ang meeting, pero gusto ko malaman kung bakit.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status