Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga.
"That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso.
Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot.
"Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti.
"Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata.
"May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin.
Tumango naman ako bago ako umusog ng pagkakaupo para siya ay makaupo.
<Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta sa bawat kwarto rito. "We are here," pag-anunsyo ng lalaking katabi ko. Tinignan ko naman siya bago ang pinto ng hinintuan naming kwarto. Nagtataka nga ako kanina pa dahil ang layo naman n
Nanatili akong nakayakap kay Michael. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganito, wala naman akong naramdaman na pagtutol mula sa kanya. "A-anong nangyari?" tanong ko bago ako humiwalay sa kanya ng pagkakayakap. Nakita ko naman na hinuli niya ang mga mata ko bago siya nagsalita. "Aren't you afraid?" biglang tanong niya. Natahimik naman ako. Pakiramdam ko isa 'yong sapak sa akin. "B-bakit naman ako matatakot?" kinakabahang tanong ko. Nakita ko namang napalingon si Michael sa gawi ng mga lalaking malamig ng nakahandusay sa kama. "Aren't you afraid?" ulit na tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili kami sa mga posisyon naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Hindi ko rin alam kung bakit nananaig sa akin ang tuwa na makitang ayos lang si Michael. "Sino sila?" tanong ko. Nakita kong napatingin muli sa akin si Michael. "Hindi ka ba natatakot? I just killed two people," sabi lang niya bago muling tinignan ang dalawang lalaki. Mabagal k
Kanina pa ako tulala habang nakaupo sa kama. Wala na rito sa apartelle sila mommy. Hindi ko alam kung paano, gusto ko sana magwala sa pag-aalala pero sinabi naman sa akin ni Michael na ligtas sila at hindi napaano. Hindi rin nila alam ang kung ano ang nangyari. Wala silang kaalam-alam na muntik na rin sila maligo sa sarili nilang dugo.Napatingin ako sa sahig ng kwarto nila mommy rito sa apartelle. Kagaya sa kwarto namin ni Michael, may mga lalaki ring duguan at wala ng buhay ang nakahiga rito.Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin, hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na gawin.Napatingin ako kay Michael na ngayon ay kausap si Tyron.Patuloy ba na mangyayari 'to? Malalagay ba ng paulit-ulit sa peligro ang buhay ko at ng pamilya ko?Nanatili akong nakatingin sa gawi nila Michael, hindi rin nagtagal ay nagawi ang paningin sa akin ni Michael.Pero bakit gano'n, matapos ng nasaksihan ko, matapos ng nakita ko, bakit hindi man lang ako natakot? Bakit hindi man lang sumagi sa isip ko na
Nakaupo ako ngayon dito sa office ni Michael. Wala si Michael dito, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Matapos nang nangyari kanina ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya nga ako pumunta rito ay para makita siya. Gusto kong makausap si Michael. Gusto ko siyang makita. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano gamitin ang isang 'to. Pero kailangan kong makausap ang lalaking 'yon. Muli akong napabuntong hininga, ngunit agad akong napaupo nang maayos ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Michael. "Right. Mabuti na lang at nandito ka. As a fake chairwoman of the board, kailangan mong pirmahan ang lahat ng 'to," sabi ng secretary ni Michael bago inilapag ang mataas na paper works. "May alam ka ba sa mga proposals? Eh, sa investments? Lagot ka kapag void ang mga pinili mo. Good luck na lang sa 'yo," sabi pa nya bago mabilis na naglakad papalabas ng opisina. Napatingin naman
Naglalakad ako sa kawalan papunta sa kung saan. Hindi ko talaga alam kung nasaan ako. Basta, nasa gitna ako ng purong kadiliman."Daddy?" salitang lumabas mula sa labi ko. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang hinahanap ko."Daddy? Nasaan ka po?" tanong ko bago ako nagsimulang maglakad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdamanNakakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Lungkot na parang nakabaon na sa puso ko. Pakiramdam ko kulang ako, pakiramdam ko may mali sa akin."D-daddy? Pakiusap, sumagot ka po," sabi ko bago ako patuloy na naglakad papunta sa kung saan.Wala akong ibang matanaw kung hindi ang purong kadiliman.Gusto kong tumakbo pero hindi ko alam kung ano nga ba ang madadatnan ko sa dulo nito. Natatakot ako na baka wala siya rito."Daddy!" sigaw ko bago ako huminto sa paglakad.Nanatili akong nakatayo lang ng hindi ko malaman kung ilang minuto. Muli na sana akong maglalakad ngunit nagulat ako nang may marinig akong tumatakbo mula sa malayo.Napakunot a
Nanatili akong nakatayo kung nasaan ako sa mga oras na ito.Nanghihina ang mga paa ko, gusto kong maupo sa kalsada at hayaan ang mga tao na pagtinginan ako.Ang lugar na ito, ang kulay ng kalangitan... ito ang araw na 'yon, ang araw na namatay ang pinakamamahal kong ama.Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa paligid. Bakit, bakit ako narito?Nanatili ang tingin ko sa matandang lalaki na may tulak tulak na sorbetes. Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya, hanggang sa unti unti nang mawala ang mga bata sa paligid niya.Gusto kong umiyak. Sana hindi ko na lamang nakita ang matandang ito, sana hindi ko na lamang nakita ang ice cream na ibinibenta niya.Patuloy lang akong nanatiling nakatayo habang nakatingin sa kanya hanggang sa mapansin ko ang isang kulay puting sasakyang tumigil sa tabi.Mabilis na napakunot ang aking noo. Sobrang pamilyar nito sa akin. Sobra na para bang nagdudulot 'yon ng kakaibang pakiramdam sa loob ko.Kinagat ko ang pa
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Michael habang nag-iisip nang maaari kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong humingi sa kanya ng pasensya.Pero para saan nga ba?"Michael?" pagtawag ko sa kanyang pangalan bago ko hinawakan ang doorknob ng kanyang pinto.Kanina pa ako nakauwi rito sa bahay niya. Matapos namin mag-usap ni Mommy ay kaagad akong umalis ng bahay. Nagulat na nga lang ako nang makita ko sina Redenn at Tyron hindi kalayuan sa bahay. Inutusan daw kasi sila ni Michael na hintayin akong umuwi ng bahay.Malalim akong napabuntong hininga bago ako muling tumingin sa pinto na ngayon ay nasa aking harapan. No'ng huling beses na pumunta ako rito ay iba ang natunghayan ko, at ayaw ko na muling maulit ang bagay na 'yon."Michael?" pagtawag kong muli bago ako kumatok sa pinto. Ginagawa ko ang lahat upang hindi ko mahawakan ang doorknob at kusang mabuksan ang pintuan.Wala na ulit ang matandang babae na sinabing katiwala ni Michael dito sa bahay. Magmula kasi nang umuwi
Kasalukuyan na akong nandito sa kwarto na tinutulugan ko rito sa bahay ni Michael. Kanina pa ako nakahiga rito matapos naming mag-usap ni Michael sa hallway.Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ang tangi ko lang ginawa magmula kanina ay ang magpaikot-ikot dito sa kama at isipin ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa akin.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Umaasa na baka 'di magtagal ay makalimutan ko na ang kung ano mang mga nangyari nitong nakaraan.Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi.Ilang araw ko pa lang nakikilala si Michael, pero ang dami na kaagad nangyari. Mga pangyayari na ni-minsan ay hindi pumasok sa isip ko na mararanasan ko.Muli kong idinilat ang aking mga mata bago ako mabagal na umupo sa kama. Isa pa sa bumabagabag sa akin sa mga oras na ito ay ang mga sinabi ni Mommy.Sa totoo lang, gusto ko talaga makausap si Michael. Marami akong gustong itanong, marami akong gustong malaman.Napabuntong hininga ako nang muli na namang pumasok sa isip ko ang n