Share

Chapter 52

Tulala. Tulala lang akong nakahiga sa kama rito sa villa ni Michael. Wala kaming ibang kasama rito maliban sa aming dalawa.

Patuloy pa rin sa pagtakbo sa isip ko ang mga tanong na gusto kong magkaroon ng kasagutan. Pero paano ko nga ba malalaman ang katotohanan kung ako mismo ay takot na alamin ang totoo?

Malalim akong napabuntong hininga bago ako humiga ng maayos. Kanina pa ako nandito lang sa loob ng kwarto, bukod sa ayaw akong palabasin ni Michael, nanghihina pa rin ang buong katawan ko.

Marahan kong iniangat ang braso ko at mga paa. Puno pa rin ito ng mga pasa at sugat, ngunit kung titignan, mas maayos na ang mga itong tignan.

Napalingon ako sa kanang bahagi ko kung saan nakapwesto ang orasan. Ang bilis ng mga pangyayari, ngayon madaling araw na.

Wala akong balita sa pamilya ko, maliban sa sinabi ni Michael na pupunta sila rito para samahan ako.

Hindi ko alam kung dapat ba akong patuloy na magtiwala kay Michael, hindi ko rin alam kung dapat na ba akong lumayo sa kanya o magpa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status