Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
“Hindi muna, ikakaingay lang ito ng pamilyang Madrigal pero hindi ikakabagsak nila. I need more proof.”Hindi din pwedeng ilabas iyon ngayon ni Amber dahil sa gulo ng mga Yoshiro at sa magiging partnership nito sa Loco. Is she released about the Madrigal, mawawala sa sentro ang matagal ng pinaplanuhan nina Jael at Zavian, she can’t mess it up.“Did you check if Rianne has contacted Zendaya? May sinabi or pinagawa?”“No. Mukhang hindi sila magkakilala,” tugon ni Naic.Biglang kinabahan si Amber. “Kung hindi magkakilala sina Zendaya at Rianne, then sinong nag-utos sa kanya para pilitin si Brian sa sampung milyon?” Tanong nito sa sarili.Mas lalong namutla si Amber nang maalala niya ang sinabi sa kanya ni West.“I can protect you from your bloodsucking relatives who are waiting to tear you apart. But I can also feed you to them and watch you rot alive in their hands.”Nanlilisik ang mga mata ni Amber habang madiin na binibigkas ang pangalan ng kanyang asawa. “West Markus Lee.”“Keep on
BUMABA si Amber na mas malalim ang eyebags. Hindi na ito nakatulog kagabi at kung ano-ano na lang pinaggagawa para lang makatulog, pero sa tuwing ipipikit ang mga mata ay mukha ni West na duguan ang bumubungad sa kanya.Pinaghain na siya ng pagkain ni Zavian gaya ng sabi nito sa kanya kagabi. Napupuno na naman ng masasarap at masustansyang pagkain ang hapag at kahit wala sa maayos na tulog si Amber ay masaya naman itong nakakain.Bahagyang napatawa si Zavian nang makitang takam na takam si Amber sa mga niluto nito.“Hinay,” aniya sa marahan na boses. “Baka mabulunan ka—”Hindi pa nga natatapos magsalita si Zavian ay nabulunan na ito. Panay ang pag-ubo ni Amber at suntok sa kanyang dibdib.Agad na napatayo si Zavian na may pag-aalala sa mukha at inabutan ng tubig ang babae.Nang ayos na si Amber ay napaluhod si Zavian sa sahig para makita ang mukha ni Amber. Umuubo pa rin ito at namumula ang mukha. May kaba pa ring nararamdaman si Zavian, pero nakuha nitong ngumiti ng marahan kay Amb
GUEST BEDROOM.Matapos malagay ang simcard at ma-set up ni Amber ang kanyang cellphone ay hindi na siya nag-abala pang tignan ang mga mensahe at agad na tinawag si Natasha. “Amy~” masiglang bati ni Natasha mula sa kabilang linya. Ikwinento ni Amber ang nangyari sa kanya sa bahay ni West, kung paano ito nadala sa ospital.“Dapat lang sa kanya iyon! Dapat nga siya mamatay e! Nakakainis talaga ang lalaking iyon!” “Asha,” mahinang suway ni Amber.“I’m sorry, Amy. I really wished him death, pero hindi mula sa kamay mo! Ayokong makulong ka aba!”Matapos pag-usapan tungkol kay West ay tinanong ni Amber kung kumusta ito.“Dn’t worry about me, Amy. Kahit na hindi pa tapos ang gulo tungkol sa Yoshiro ay may nagbabantay naman sa’kin. I will come to you after it’s done. I should go abroad with you!”Matapos nilang mag-usap ay nakatulog si Amber, pero nagising rin dahil sa bangungot, at dahil ayaw na niyang matulog ay tulala lang itong napayakap sa sarili habang nakaupo sa kama.Bubuksan na san
Bandang hapon na nang makauwi si Amber. Tanging birth certificate lang ang bitbit. Bumili na rin ito ng bagong cellphone.Pagkauwi rin niya ay nakita niyang nagluluto si Zavian ng hapunan.“Nandito ka na pala,” wika ng lalaki na may malaking ngiti sa labi.Napatitig si Amber sa lamesa at nanlaki ang mga mata niya sa dami ng pagkaing nakahain roon.“Ang dami naman…” wika niya.Lumapit ito sa hapag-kainan. Halos kuminang ang mga mata ni Amber na makita ang mga pagkain. Seafoods na siyang paborito niyang kainin. Inihaw na bangus, grilled clams with cheese, sinigang na hipon, may mga malalaking crabs din.Tinitignan pa lang ni Amber ay naglalaway na ito. Matagal na rin ng huling kain niya ng seafoods. Allergic kasi ang mother-in-law niya sa seafoods maging si Maverick kaya hindi ito nakakapagluto ng seafoods.“Ayaw mo ba?”Agad na napailing si Amber. “Hindi naman, masyado lang marami para sating dalawa.”“Saatin,” mahinang wika ni Zavian saka ito napatango at lihim na ngumiti.Lumapit si
Bumukas ang pintuan ng silid ni West bago pa man makapagsalita si Jacob. Pareho silang napalingon sa direksyon ng tunog, at doon nila nakita ang isang pamilyar na pigura—isang babae, matangkad, maganda, naka-puting dress na waring sumasagisag ng kapayapaan sa gitna ng tensyon sa loob ng silid.May dala itong paper bag. Nakangiting sinalubong si West.“Nagluto ako,” malambing na sabi ni Zendaya. “Para sa’yo. You need to regain your energy.”Tahimik namang inabot ni Jacob ang lamesita at inilapit sa kama. Maingat na inilapag ni Zendaya ang bag at isa-isang inilabas ang mga tupperware—sopas, steamed vegetables, grilled fish, at ilang prutas.“Thank you,” tipid ngunit taos-pusong tugon ni West. Napaupo ito, tulong ni Jacob, na agad ding lumayo upang bigyan sila ng kaunting privacy.“Sus, ano ka ba!” tawa ni Zendaya, pilit pinapagaan ang bigat ng sitwasyon. “It’s nothing, West. You’ve done so much for me before. This is the least I can do.”Umupo siya sa gilid ng kama at binuksan ang isang
Agad na napabalikwas si Amber matapos ang dalawang oras nitong tulog. Napatingin ito sa orasan at nakitang mag-aalas diyes na ng umaga.“Nakatulog ba talaga ako?” mahina niyang tanong sa sarili, hawak ang kumot na nakabuhol pa sa kanyang mga binti. Hindi siya makapaniwala na nakatulog siya, kahit panandalian. Pero wala siyang panahon para magpakasaya sa bihirang katahimikan ng isipan—kailangan niyang kumilos.She couldn’t stay here much longer. She wanted to leave the country. She needed to disappear. Pero paano? Wala sa kanya ang mga dokumento niya. Lahat ay naiwan kay West—passport, national ID. Lahat.“Then I have no choice but to start over,” bulong niya. “Magpagawa ako ng bagong ID. I need a replacement, now.”Agad siyang bumangon, naligo, at nagbihis ng simpleng oversized hoodie at faded jeans. Paglabas niya ng silid ay naabutan niya si Manong Leo na nag-aayos ng mga indoor plants sa sala. Sandaling natigilan si Amber at napakagat ng labi. Hindi niya alam kung papayagan siyang l