LOGINHabang binabaybay ni Elias ang kalsada, hindi na niya gaanong ramdam ang init ng araw. Nasa motor pa rin siya, suot ang uniporme ng PandaPro, pero iba na ang takbo ng isip niya.
Sa bluetooth headset niya, may mahinang tugtog na OPM song. Dati, kapag naririnig niya iyon, gumagaan ang pakiramdam niya. Pero ngayon, parang wala na siyang naririnig dahil nasa isip niya pa rin ang nangyari kanina.
Tatlong taon niyang tiniis ang lahat para sa isang pagsubok ng lolo niya. Tatlong taon siyang nagpakumbaba sa pamilyang Sandoval. Tatlong taon siyang nagpanggap na mahirap, mahina, at walang laban.
Pero hindi iyon ang totoong siya.
Si Elias Monteverde ay hindi ipinanganak para maging utusan.
Ang pamilya Monteverde ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Tahimik lang sila, pero hawak nila ang maraming negosyo—real estate, hotels, construction, banks, at investment companies. Hindi sila madalas lumabas sa balita. Hindi rin sila mahilig magpakita sa publiko. Pero sa mundo ng mga negosyante, sapat na ang apelyidong Monteverde para yumuko ang marami.
Bata pa lang si Elias, mahigpit na ang pagpapalaki sa kanya ng lolo niya. Hindi siya pinalaking spoiled kahit bilyonaryo ang pamilya nila. Tinuruan siyang lumaban, magnegosyo, magdesisyon, at magtiis.
Noong limang taon pa lang siya, nagsimula na siyang matuto ng martial arts. Habang ang ibang bata ay naglalaro, siya ay nag-eensayo. Habang ang ibang kabataan ay nagpapakasaya, siya ay nag-aaral ng business, finance, at management.
Noong dalawampu’t isang taong gulang siya, kaya na niyang magpatakbo ng kumpanya. Pero hindi pa rin siya pinayagan ng lolo niya na maupo agad sa mataas na posisyon.
“Kung hindi ka marunong magtiis, hindi ka dapat bigyan ng kapangyarihan,” sabi noon ng lolo niya.
Kaya ipinadala siya sa pamilya Sandoval.
Ipinakasal siya kay Bianca, apo ng isang matandang kaibigan ng lolo niya. Ang Sandoval family ay kilala rin sa Maynila, pero malayo sila sa kapangyarihan ng Monteverde. Sa paningin ng iba, mayaman ang mga Sandoval. Pero sa paningin ng Monteverde family, maliit lang sila.
Tinanggap ni Elias ang pagsubok.
Akala niya, tatlong taon lang siyang magtitiis. Akala niya, kahit malamig si Bianca sa kanya, baka matutunan din siya nitong tanggapin bilang asawa.
Pero nagkamali siya.
Dahil sa loob ng tatlong taon, hindi siya nakita ni Bianca bilang asawa.
Para kay Bianca isa lang siyang kahihiyan. Masakit iyon, pero mas masakit ang makita niya ito sa hotel room kasama si Marco Villareal kanina.
Napahigpit ang hawak ni Elias sa manibela.
“Heh,” mahina niyang sabi sa sarili. “Bianca, hindi mo pa alam ngayon, pero malaking pagkakamali ang ginawa mo.”
Pagdating ng gabi, bumalik si Elias sa condo na pagmamay-ari ng Sandoval family sa Makati.
Alas otso na ng gabi. Pagod ang katawan niya, pero hindi niya iyon pinansin. Hindi na siya bumalik para magpahinga. Bumalik siya para kunin ang mga gamit niya.
Pagpasok niya sa unit, naabutan niya si Bianca sa dining area.
Nakaupo ito sa harap ng mesa. May nakahandang pagkain na inorder mula sa isang mamahaling restaurant. May pasta, steak, salad, at dessert.
Dati, si Elias ang palaging nagluluto sa bahay. Siya ang naghahanda ng almusal, tanghalian, at hapunan. Siya rin ang naglilinis pagkatapos kumain.
Kaya nagulat siya nang makita ang pagkain sa mesa.
“You’re back,” malamig na sabi ni Bianca. “Kumain ka muna. Umorder ako.”
Hindi tumingin si Elias sa pagkain.
“Hindi na kailangan,” sagot niya. “Kukunin ko lang ang mga gamit ko.”
Dumaan siya sa tabi ni Bianca at dumiretso sa maliit na kuwarto niya.
Kahit tatlong taon na silang kasal, hindi sila kailanman natulog sa iisang kuwarto. Si Bianca ay nasa master bedroom. Si Elias naman ay nasa maliit na guest room malapit sa laundry area.
Para siyang bisita sa sarili niyang bahay. O baka mas mababa pa sa bisita.
Binuksan ni Elias ang cabinet at inilabas ang lumang maleta niya. Isa-isa niyang inilagay ang mga damit niya roon. Kaunti lang ang gamit niya. Ilang plain shirt, pantalon, jacket, at ilang lumang sapatos.
Sumunod si Bianca sa kuwarto niya. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya.
“Ano na naman ’to?” tanong nito. “Aalis ka na naman? Dahil lang sa nangyari kanina?”
Hindi tumigil si Elias sa pag-aayos ng gamit.
“Dahil lang do’n?” ulit niya, mababa ang boses. “Bianca, nakita kita sa hotel room kasama ang ibang lalaki.”
“Wala kang karapatang magsalita na parang ikaw ang agrabyado,” sabi ni Bianca. “Pasensya na sa sinabi ko kanina, siguro napuno lang ako dahil inakusahan mo ako. Pero totoong nag-uusap lang kami ni Marco tungkol sa business.”
“Sa hotel room na naka-bathrobe?”
Namula sa inis ang mukha ni Bianca.
“Sabi ko nga, business ’yon! Hindi mo kasi maiintindihan dahil hindi ka negosyante.”
Napahinto si Elias at napatingin sa kanya.
“Hindi ako negosyante?” tanong niya.
Umirap si Bianca.
“Ano ka ba, Elias? Delivery rider ka. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa mundo namin. Hindi dahil nakatira ka rito, kapantay mo na kami.”
Tahimik na tumingin si Elias sa kanya.
Dati, kapag sinasabi ni Bianca ang mga salitang iyon, nananahimik lang siya. Tinitiis niya. Pinapalampas niya. Iniisip niya na parte iyon ng pagsubok.
Pero tapos na ang pagsubok at tapos na rin ang pagtitiis niya.
Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga damit sa maleta.
“Maghiwalay na tayo,” malamig niyang sabi.
Natigilan si Bianca.
“Ano?”
Isinara ni Elias ang cabinet at humarap sa kanya.
“Sabi ko, maghiwalay na tayo. Magpa-annul na tayo.”
Ilang segundo siyang tinitigan ni Bianca. Pagkatapos, bigla itong natawa. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig niya.
Napabuga ng hangin si Bianca sabay natawa. “Ikaw? Ikaw talaga ang makikipaghiwalay sa akin?”
Hindi sumagot si Elias dahilan na mas lalo lang itong natawa.
“Elias, seryoso ka ba? Alam mo ba ang sinasabi mo? Kapag humiwalay ka sa akin, saan ka pupunta? Sa maliit mong inuupahang kuwarto? Sa kalsada? Sa motor mo?”
Napatingin siya sa maleta ni Elias.
“Akala mo ba kaya mong mabuhay nang wala ang pamilya ko?”
Mahinang ngumiti si Elias.
“Matagal na akong nabubuhay mag-isa,” seryosong sabi ni Elias.
“Talaga?” sarkastikong tanong ni Bianca. “Elias, kung hindi dahil sa pamilya ko, wala ka rito. Wala kang bahay na matitirhan, wala kang apelyidong maipagmamalaki, at wala kang karapatang pumasok sa mundong para sa amin lang.”
Lumapit ito sa kanya.
“Pamilya ko, Elias. Hindi ikaw.”
Huminga nang malalim si Elias.
“Sa loob ng tatlong taon, tiniis at tinanggap ko lahat ng insulto. Lahat ng utos. Lahat ng pangmamaliit sa akin, Bianca.”
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ng asawa niya.
“Ang mommy mong si Senyora Carmela, ilang beses na akong pinahiya sa harap ng mga bisita ninyo. Tinawag niya akong walang silbi. Tinawag niya akong pulubi. Minsan, pinaghugas pa niya ako ng pinggan habang may party kayo, para lang ipakita sa lahat kung gaano kababa ang tingin niya sa akin.”
Hindi nagsalita si Bianca.
“Ang daddy mo naman na si Senyor Roberto Sandoval, ginawa akong helper niya. Pinagbubuhat niya ako ng mabibigat, pinapaayos ng mga sirang gamit, at pinagmaneho kahit pagod na pagod ako sa trabaho ko. Pero kapag ako ang nagkasakit, wala man lang nagtatanong kung okay pa ba ako.”
Lumamig ang boses ni Elias.
“Ang mga pinsan mo, pinaglalaruan ako. Tinatawag akong driver, katulong, at palamunin. At ikaw? Nakikita mo lahat hindi ba? Naririnig mo lahat ‘di ba? Pero ni minsan… hindi mo ako ipinagtanggol.”
Napayuko nang bahagya si Bianca, pero sandali lang iyon. Mabilis niyang ibinalik ang mataas niyang tingin.
“E ano ngayon?” sabi niya. “Gusto mo bang maawa ako sa’yo?”
Napatingin si Elias sa kanya.
“Hindi awa ang hinihingi ko, Bianca, kundi respeto.”
“Respeto?” natawa si Bianca. “Paano kita rerespetuhin kung wala ka namang ginawa para respetuhin kita?”
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Bianca. Para bang biglang nawala ang ingay sa loob ng sala.“Ano?” sigaw ni Senyora Carmela sa galit, kahit nagkunwari lang siyang walang alam sa plano ni Bianca. “May ibang babae si Elias?”Napahawak si Donya Elena sa dibdib niya. Biglang namutla ang mukha ng matanda, at bahagya siyang napa-atras sa kinauupuan niya. Mabuti na lang at nakaupo siya sa malaking upuang kahoy, dahil kung nakatayo siya, baka nawalan na siya ng balanse.“Jusko, Elias...” mahina niyang sabi, halos hindi makapaniwala.Lumapit agad si Senyor Renato at hinawakan ang braso ng matanda.“Mommy, kalma lang po. Huwag po kayong masyadong magalit,” maingat niyang sabi.Pero hindi na kumalma si Donya Elena. Mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa tungkod, at halatang pinipigilan niya ang sarili na hindi sumigaw sa sobrang galit.“Tatlong taon siyang pinatira sa bahay natin,” mabigat niyang sabi. “Pinakain natin siya. Pinagamit natin ng sasakyan. Tinanggap natin siya kahit wala siyang pan
Kinabukasan, alas-diyes ng umaga, puno na ng tao ang malaking mansion ng Sandoval family sa Forbes Park.Birthday ni Donya Elena Sandoval, ang lola ni Bianca. Eighty years old na ito, kaya malaking celebration ang inihanda ng buong pamilya. Mamaya pa gaganapin ang handaan sa isang five-star hotel sa BGC, pero bago iyon, pinatawag muna ni Donya Elena ang lahat ng anak at apo niya sa mansion.“Happy birthday po, Lola!”“Mommy, happy birthday! More years pa po sa inyo!”“Lola Elena, ang ganda-ganda ninyo pa rin!”Sunod-sunod ang bati ng pamilya habang nakaupo si Donya Elena sa gitna ng sala. Nakasuot ito ng mamahaling baro’t saya na may burda, at nakapatong sa hita niya ang maliit niyang puting aso na si Snowy.Sa harap niya, nakalatag ang mga regalo mula sa mga anak at apo niya. May mamahaling bag, gold jewelry, imported perfume, designer scarf, at iba pang mamahaling gamit.Ngumingiti si Donya Elena habang pinakikinggan ang pagbati ng pamilya niya.Si Senyor Roberto Sandoval, ang ama n
Biglang tumahimik ang paligid.Ramdam ni Elias ang bigat ng mga salita nito, pero hindi na iyon kasing sakit gaya noon. Siguro dahil noong araw, umaasa pa siya. Umaasa siyang magbabago si Bianca. Umaasa siyang makikita nito ang halaga niya.Pero ngayon, wala na. Hindi na siya makapaghintay na lumayas sa puder nito.“Ayaw ko na,” sabi ni Elias. “Pagod na pagod na ako, Bianca. Tapusin na natin ‘to.”Napairap si Bianca.“Fine. Kung gusto mong umalis, umalis ka. Matagal ko na rin namang gustong matapos ang marriage na ’to. Hindi ko lang magawa dahil kay Lola.”Natawa siya nang mapait.“Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pumayag si Lolo na ipakasal ako sa isang tulad mo. Ang Sandoval family ay may pangalan. May negosyo. May pera. Samantalang ikaw? Ano ka? Delivery rider na walang sariling bahay?”Hindi kumibo si Elias.“After annulment, wala ka nang karapatang tumira rito,” dagdag ni Bianca. “Hindi mo na magagamit ang kotse ng pamilya ko. Hindi ka na makakapasok sa mg
Habang binabaybay ni Elias ang kalsada, hindi na niya gaanong ramdam ang init ng araw. Nasa motor pa rin siya, suot ang uniporme ng PandaPro, pero iba na ang takbo ng isip niya.Sa bluetooth headset niya, may mahinang tugtog na OPM song. Dati, kapag naririnig niya iyon, gumagaan ang pakiramdam niya. Pero ngayon, parang wala na siyang naririnig dahil nasa isip niya pa rin ang nangyari kanina.Tatlong taon niyang tiniis ang lahat para sa isang pagsubok ng lolo niya. Tatlong taon siyang nagpakumbaba sa pamilyang Sandoval. Tatlong taon siyang nagpanggap na mahirap, mahina, at walang laban.Pero hindi iyon ang totoong siya.Si Elias Monteverde ay hindi ipinanganak para maging utusan.Ang pamilya Monteverde ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Tahimik lang sila, pero hawak nila ang maraming negosyo—real estate, hotels, construction, banks, at investment companies. Hindi sila madalas lumabas sa balita. Hindi rin sila mahilig magpakita sa publiko. Pero sa mundo ng mga negosyante, sapat
Mas lalong humigpit ang hawak ni Elias sa helmet niya.Alam niyang kaya niyang pabagsakin ang lalaking ito sa isang suntok. Bata pa lang siya, sinanay na siya sa martial arts. Pero pinigilan niya ang sarili niya.Ayaw niyang gumawa ng gulo hindi dahil natatakot siya. Kundi dahil ayaw niyang sayangin ang lakas niya sa taong walang halaga.Napatingin si Marco sa pagkain na nasa sahig.“Pero may problema tayo,” sabi nito. “Nahulog mo ang pagkain ko. Dapat magre-report ako sa app ninyo, pero dahil asawa ka ni Bianca, bibigyan kita ng chance.”Tumaas ang kilay ni Elias.“Lumuhod ka at mag-sorry ka sa akin,” dagdag ni Marco. “Sincere dapat. Kapag nagustuhan ko, bibigyan kita ng five-star rating.”Saglit na natahimik si Elias. Hindi siya makapaniwala.Nahuli na niya ang asawa niya sa kuwarto ng ibang lalaki. Pero ngayon, siya pa ang kailangang humingi ng tawad?Napalingon siya kay Bianca, umaasang kahit papaano ay pipigilan nito si Marco. Pero hindi.Tumingin lang sa kanya si Bianca na para
Apat na oras nang bumibiyahe bilang delivery rider ng PandaPro si Elias. Kahit traffic sa EDSA at ramdam niya ang init ng araw sa batok, wala siyang magawa kundi ituloy ang biyahe. Kulang pa kasi ang kinita niya sa pang-isang kainan ng pamilya niya.Basang-basa na ng pawis ang likod ng uniporme ni Elias nang huminto siya sa harap ng isang five-star hotel sa BGC. Pakiramdam niya, hindi siya bagay sa lugar na iyon dahil amoy araw at pagod ang katawan niya. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang ihatid ang order ng customer.May dala siyang maliit na towel sa balikat. Kinuha niya iyon at pinahid sa basang mukha niya habang bumababa sa motor. Pagkakita pa lang sa kanya ng guard, agad itong lumapit.“Delivery po?” tanong ng guard.“Opo, sir. Room 1808,” sagot ni Elias habang ipinakita ang order sa cellphone niya.Tumango lang ang guard at itinuro ang entrance.Habang naglalakad papasok si Elias, napatingin siya sa malinis at malamig na lobby ng hotel. Napakalayo nito sa init at usok na







