Share

Kabanata 4

Author: Mira Solenne
last update publish date: 2026-06-12 13:37:23

Biglang tumahimik ang paligid.

Ramdam ni Elias ang bigat ng mga salita nito, pero hindi na iyon kasing sakit gaya noon. Siguro dahil noong araw, umaasa pa siya. Umaasa siyang magbabago si Bianca. Umaasa siyang makikita nito ang halaga niya.

Pero ngayon, wala na. Hindi na siya makapaghintay na lumayas sa puder nito.

“Ayaw ko na,” sabi ni Elias. “Pagod na pagod na ako, Bianca. Tapusin na natin ‘to.”

Napairap si Bianca.

“Fine. Kung gusto mong umalis, umalis ka. Matagal ko na rin namang gustong matapos ang marriage na ’to. Hindi ko lang magawa dahil kay Lola.”

Natawa siya nang mapait.

“Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pumayag si Lolo na ipakasal ako sa isang tulad mo. Ang Sandoval family ay may pangalan. May negosyo. May pera. Samantalang ikaw? Ano ka? Delivery rider na walang sariling bahay?”

Hindi kumibo si Elias.

“After annulment, wala ka nang karapatang tumira rito,” dagdag ni Bianca. “Hindi mo na magagamit ang kotse ng pamilya ko. Hindi ka na makakapasok sa mga lugar na pinapasukan namin. Mawawala ang lahat ng konting ginhawang natikman mo dahil sa akin.”

“Heh,” mahinang natawa si Elias. “Akala mo ba kailangan ko ang condo ninyo? O ang kotse ninyo?”

“Hindi mo kailangan?” nanunuyang tanong ni Bianca. “Elias, huwag kang mayabang. Hindi bagay sa’yo ‘yan.”

Isinara ni Elias ang maleta niya.

“Bukas ng umaga, ayusin natin ang annulment.”

Agad na nag-iba ang mukha ni Bianca.

“Bukas?” tanong nito. “Hindi puwede bukas.”

“Bakit?”

“Birthday ni Lola bukas. Eighty years old na siya. Kailangan nandoon ang buong pamilya bago alas-diyes ng umaga.”

Natahimik si Elias.

Naalala niya ang lola ni Bianca, si Donya Elena Sandoval. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ang kasal nila. Matagal na kaibigan ng lolo ni Elias ang matanda. Sa buong Sandoval family, si Donya Elena lang ang hindi masyadong malupit sa kanya.

Hindi siya nito minahal bilang apo sa kasal, pero hindi rin siya nito masyadong inapi.

“Bukod doon,” dagdag ni Bianca, “hindi ako puwedeng basta magdesisyon mag-isa. Kailangan kong kausapin ang buong pamilya ko.”

Napangiti nang malamig si Elias.

“Noon, hindi ka rin nakapagdesisyon nang mag-isa noong pinakasalan mo ako.”

Natigilan si Bianca.

“Tama ka,” sagot nito. “Kaya nga isa ’yon sa pinakamalaking pinagsisisihan ko.”

Sandaling nagkatinginan silang dalawa.

Dati, nasasaktan si Elias kapag sinasabi iyon ni Bianca. Pero ngayon, parang wala na lang. Parang natuyo na ang puso niya sa sobrang pagod.

“Sabihin mo sa pamilya mo na kapag handa na kayo, tawagan mo ako. Pipirma agad ako,” wika ni Elias.

Binuhat ni Elias ang maleta niya at lumabas ng kuwarto. Sinundan naman siya ni Bianca hanggang sala.

“Elias,” tawag nito.

Huminto si Elias, pero hindi lumingon.

“Pag lumabas ka ngayon, huwag kang umasa na tatanggapin pa kita pabalik,” mariin na sabi ni Bianca.

Mabagal na lumingon si Elias. Wala nang galit o lungkot sa mukha niya. Kalmado na lang siyang nakatingin kay Bianca.

“Huwag kang mag-alala, Bianca… dahil hindi na ako babalik para tanggapin mo pa ako,” malamig na tugon ni Elias.

Nanahimik si Bianca. Pinagmasdan niya ang asawa niyang dumaan sa pinto at lumabas ng condo. Biglang may kung anong init ang bumuo sa dibdib niya. Napakuyom siya ng kamay.

Pero bago tuluyang sumara ang pinto, bigla siyang sumigaw.

“Wala kang kwenta, Elias! Akala mo kaya mong mabuhay nang wala ako? Sa loob ng ilang araw, babalik ka rin dito! Luluhod ka rin sa harap ko!”

Hindi na lumingon pa si Elias. Naglakad siya papunta sa elevator habang hawak ang maleta.

Sa loob ng elevator, nakita niya ang sarili sa salamin. Nakasuot pa rin siya ng uniporme ng PandaPro. Pagod ang mukha niya. May bahid pa rin ng pawis ang leeg niya. Mukha pa rin siyang ordinaryong delivery rider.

Pero hindi na siya ang dating Elias. Kung noon ay marunong lang siyang magtiis. Ngayon, marunong na siyang bumitaw.

Pagbukas ng elevator sa basement parking, tumunog ulit ang cellphone niya.

Tinignan niya ang screen. Ang tumatawag ay si Arturo—ang matagal nang katiwala ng Monteverde family.

Sinagot niya ang tawag.

“Senyorito Elias,” bati ni Arturo. “Nakaalis na po ba kayo sa Sandoval residence?”

“Oo,” sagot ni Elias.

“May pinahanda na po kaming sasakyan para sa inyo.”

Tumingin si Elias sa lumang motor niya na nakaparada sa gilid. Iyon ang ginamit niya sa loob ng maraming buwan bilang delivery rider. Iyon ang nakita ng mga tao kaya nila siya minaliit.

“Hindi na kailangan,” sabi niya. “Gagamitin ko muna ang motor ko.”

Sandaling natahimik si Arturo.

“Pero sir, bukas po ang unang araw ninyo bilang chairman ng Maharlika Group. Nakaayos na po ang lahat sa kumpanya.”

“Alam ko.”

“May board meeting po ng alas-nuwebe ng umaga. Darating din po ang ilang investors. Kasama rin po sa meeting ang representatives ng Villareal Group.”

Natigilan si Elias nang marinig ang apelyidong Villareal, saka malamig siyang napangiti.

“Villareal Group?” tanong niya.

“Opo, sir. May proposal po sila sa kumpanyang binili ng Monteverde Group. Ang sabi po, personal daw pupunta si Marco Villareal.”

Tahimik na tumingin si Elias sa motor niya.

Naalala niya si Marco—ang ngisi nito, ang pangmamaliit sa kanya, at ang utos nitong lumuhod siya para lang humingi ng sorry kapalit ng five-star rating.

“Good,” sabi ni Elias.

“Senyorito?”

“Hayaan mong pumunta siya.”

Hindi na nagtanong si Arturo. “Masusunod po.”

Bago ibaba ang tawag, nagsalita ulit si Arturo.

“Senyorito Elias, tungkol po kay Senyorita Bianca…”

Nanlamig ang tingin ni Elias.

“Ano iyon?”

“Kung sakaling malaman ng Sandoval family ang tunay ninyong pagkatao, ano po ang ipapasabi namin?”

Sandaling natahimik si Elias.

Naalala niya ulit ang mukha ni Bianca habang sinasabi nitong wala siyang halaga. Malamig siyang ngumito.

“Wala,” sagot ni Elias. “Hayaan mo silang malaman sa tamang oras.”

“Masusunod po.”

Pinatay ni Elias ang tawag.

Bago sumakay sa motor, kinuha ni Elias ang tali na lagi niyang itinatago sa ilalim ng upuan. Inilagay niya ang maleta sa likod ng motor at mahigpit itong itinali para hindi mahulog sa biyahe. Pagkatapos, sinuot niya ang helmet, sumakay, at pinaandar ang motor.

Paglabas ni Elias ng basement, sinalubong siya ng mainit na hangin ng Maynila. Maingay ang kalsada dahil sa dami ng sasakyan at matrapik.

***

Samantala, sa loob ng condo, galit na galit si Bianca habang nakatayo sa sala. Hindi siya makapaniwalang si Elias ang nakipaghiwalay sa kanya.

Napahawak siya sa cellphone niya at agad tinawagan ang mommy niya.

“Mom,” sabi niya nang sagutin ang tawag. “Kailangan nating mag-usap.”

“Ano na naman ang nangyari?” tanong ni Carmela sa kabilang linya.

“Si Elias,” sabi ni Bianca, puno ng inis ang boses. “Gusto niyang makipaghiwalay.”

Ilang segundong natahimik si Carmela, pagkatapos ay natawa siya nang malakas.

“Si Elias? Ang delivery rider mong asawa? Gusto niyang makipaghiwalay sa’yo?”

“Oo,” sagot ni Bianca. “Ang kapal nga ng mukha e.”

“Hayaan mo muna siya, hija,” sabi ni Carmela. “Bukas, pumunta kayo sa birthday ng lola mo. Doon natin siya turuan ng leksyon. Hindi puwedeng siya ang unang bumitaw. Nakakahiya iyon sa pamilya natin.”

Napangisi si Bianca. “You’re right, Mom.”

“Sabihin mo sa kanya, kailangan niyang pumunta bukas,” dagdag ng pa ni Carmela. “At kapag humarap siya sa pamilya natin, ipapakita natin sa kanya na hindi siya kapantay ng mga Sandoval.”

Napatingin si Bianca sa pinto kung saan lumabas si Elias.

“Babalik din ’yon, Mom,” sabi niya. “Wala naman siyang ibang pupuntahan.”

Hindi niya alam, habang sinasabi niya iyon, si Elias ay papunta na sa mundong matagal niyang itinago.

Isang mundong ni hindi kayang pasukin ng pamilyang Sandoval.

Bukas, sa mismong kaarawan ni Donya Elena, magsisimula nang makita ni Bianca kung sino talaga si Elias—ang lalaking tinawag niyang walang kwenta.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 266

    Sandaling natahimik ang kabilang linya.“Listen, I know I won't be around to take care of you during your pregnancy,” pagpapatuloy ni Elias habang seryosong nakatingin sa sahig. “But I'll send you twenty thousand pesos a month. You can use it for your checkups, vitamins, or anything else the baby ne

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 265

    Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Bianca.“So why should it be any different now?” pagpapatuloy ni Rafael habang hinahawakan ang kanyang mga kamay. “Keep the baby, Bianca. I'll love and raise your child as my own.”“Rafael...” nanginginig na sambit ni Bianca habang hindi makapaniwalang nakat

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 264

    Hindi makapaniwalang napatitig si Bianca Sandoval kay Rafael Reyes.Hindi pa sila nagkakaroon ng pisikal na relasyon, kaya alam nilang pareho na si Elias Monteverde, ang dating asawa ni Bianca, ang ama ng batang dinadala niya.“What are you talking about, Rafael?” naguguluhang tanong ni Bianca. “I t

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 263

    “Then I'll make sure Elias regrets ever having a daughter,” malamig niyang sagot.Nanigas ang ekspresyon ni Leonardo.“What are you talking about?” tanong niya habang bahagyang lumalapit.“Elias took something from me,” sagot ni Rafael habang humihigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “So I'll ta

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 262

    “I need you to promise me something,” seryosong sabi ni Rafael habang pinupunasan ang kanyang mga luha.“What?” tanong ng kapatid.“If the doctors confirm that I can't have children, you can't tell anyone,” mariing sabi ni Rafael. “Not even Mom, Dad, or Grandpa.”“Rafael—” panimula ni Leonardo, ngun

  • The Return of Her Multibillionaire Ex-Husband   Kabanata 261

    “What's wrong, Bro?” naguguluhang tanong ni Rafael Reyes habang pinagmamasdan ang kanyang nakatatandang kapatid.Matagal nang magkakilala sina Rafael at Leonardo Reyes, kaya agad niyang napansing may kakaiba sa ekspresyon nito. Halatang puyat si Leonardo, at tila may mabigat na problemang iniisip.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status