Ilang araw na lamang ay matatapos na ang bakasyon ni Loid sa London. Nakadama din siya nang lungkot dahil matagal na naman hindi niya makikita si Carina. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili na para bang nahuhulog na ang loob niya sa babae. Kaya naman ay sinulit niya ang tatlong araw na natitira sa bakasyon niya. Bumalik siya sa restaurant para makita niya uli si Carina.
Nang nasa resturant na siya ay napansin niyang wala si Carina, hindi niya ito nakikita. Kaya naman nagtanong siya sa isang kasamahan niya sa trabaho.“Good morning sir, please come in! We have here a table for two. Maganda po dito sa area na ito para tanaw po ninyo ang labas. Here is the menu sir, pili lang po kayo.” Hindi naman nakafocus si Loid sa server dahil ang mga mata niya ay hinahanap si Carina.
“Can I take your order sir?” tanong uli nang server.
“Ha?! Ah, sorry! Same lang din sa ini order ko sa tuwing kumakain ako dito.” Sagot ni Loid.“Okay sir noted! Just wait for about 5 minutes sir.”“Thank you! Ah, by the way! May I ask, where is Carina?”“Oh! Si Carina po ay naka suspende po nang 7 days, kasi po last time may nagcomplaint na customer at subrang galit na galit.” Kwento ng katrabaho niya.“Oh! I see, ano daw dahilan kung bakit siya na suspend?”“Actually hindi naman talaga kasalanan ni Carina, masyado lang over acting iyong customer at sabi maimpluwensiya daw. Subrang galit na galit kaya wala nang magawa ang manager namin. Mabuti nalang mabait ang manager namin kaya suspended lang ang punishment niya kay Carina at hindi tinanggal sa trabaho. Mabait naman si Carina, may mga customer lang talaga na sadyang masama ang ugali. At dahil sa empleyado lang kami tinatanggap nalang namin ang kasalanan na hind naman kami ang may sala.” Mahabang kwento ng server.“Oh! Kawawa naman pala si Carina. Do you have any contact with her? Puwede mo ba akong bigyan?”“Ah! Opo, wait lang po. Isasabay ko nalang po sa order ninyo okay lang po ba?”“Yes please, salamat!Umalis na ang server para e prepare ang pagkain ni Loid. Habang nalungkot naman siya sa kwento ng katrabaho ni Carina. Nakadama siya nang pagkaawa kasi alam niyang ang mga tulad nila ay nagtatrabaho lang naman nang maayos para sa pamilya nila sa Pilipinas. Nakakalungkot lang isipin na may mga customer na hindi nakakaintindi sa sitwasyon ng mga worker.~~~~~“Hello friend, okay ka lang ba diyan sa bahay?” tanong ni Dina.Magkasama sina Dina at Carina sa isang apartment simula noong nagkakilala sila dahil sa nagtitipid din sila at malaki ang expenses pag mag isa ka lang. Kaya hati-hati sila sa mga gastusin para makapadala sila nang pera sa Pilipinas.“Oo, Dina okay lang ako dito. Nalulungkot ako sa nangyari sa akin. Kunti nalang ang matatanggap na sahod ko dahil nga may suspension na akong 7 days. Naiiyak ako kasi alam kung kailan nila nang pera sa katapusan dahil graduation na nang bunso kung kapatid sa senior high.” Malungkot na sabi ni Carina.Si Carina ay may dalawang kapatid siya ang panganay at ang dalawa niyang kapatid ay puro lalaki. Siya na ang nagpapaaral sa kanyang mga kapatid dahil ulila na sila sa ama tanging ina na lamang niya ang nag aalaga sa mga kapatid niya kaya masasabi talaga bread winner na siya ng pamilya.“Haist! Hayaan muna, pag may subra ako sa sahod ko papahiramin nalang kita. Huwag ka ng masyadong mag isip.” Sagot ni Dina.
“Maraming salamat Dina, kaibigan talaga kita.”“Oo naman, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang din naman.” Binababa ni Carina ang tawag ni Dina. Hindi na niya alam kung ano na ang gagawin niya. Nagtatrabaho naman siya nang maayos pero pakiramdam niya, sinusubok talaga siya nang tadhana.~~~~~Nakarinig siya nang ring sa kanyang phone. Unknown number iyon. Nagdadalawang isip siyang sagutin iyon kasi lahat naman nang nasa contacts niya ay may pangalan at isa pa baka manloloko at mang scam na naman. Dahil nadala na siya one time na scam siya. Pero tatlong beses na nagring ang phone. Nacurious siya kaya naman sinagot na niya.“Yes! May I know who’s this please?” sagot niya.
“Hi Carina, do you still rember me?”“Ahmm, no! Who is this?”“Oh! Sorry, this is Loid. Your customer in the restaurant you are working for.” Natulala siya, hindi siya agad nakasagot. Na isip niyang sino kaya ang nagbigay nang number niya sa lalaking iyon.“Ha?! Oh, sir Loid. Napatawag po kayo.”“Ah! Oo, busy ka ba? Na disturbo ba kita?”“Ah! Hindi naman po, nasa bahay lang po ako.”“Oh! I see, nabalitaan ko pala ang nangyari sa iyo. Kumusta ka naman?”Nagulat siya, bakit niya alam ang nangyari sa akin na nawala ako sa restaurant at nasuspende ako.“Ah! Okay lang naman po. Salamat po sa pangungumusta.”“Nabalitaan kung na suspende ka, I’ll understand your side. Sabi nang kasamahan mo hindi mo naman pala kasalanan kaya huwag ka nang mag alaa. Lucky ka pa rin kasi mabait ang amo mo at suspension lang ang binigay sa iyo.” Sagot ni Loid.“Ah! Opo, nakakahiya naman po nalaman niyo pa tuloy ang rason kung bakit wala ako sa restaurant. Masyado talagang chismoso ang katrabaho ko.”“Haha! Hindi naman siguro, nagtanong kasi ako sa kanya kaya sinabi niya sa akin kung anong nangyari.” Sagot ni Loid.“Oh! Pumunta ka pala sa restaurant? Akala ko umuwi ka na sa Pilipinas kasi medyo matagal na din na hindi kayo kumakain sa restaurant. At iyong last kita natin nagkaroon pa ako nang kasalanan sa kasama mo.” Sabi naman ni Carina.“Oo nga eh! Pasensiya ka na subrang busy ko lang talaga lately, ah! Iyon palang mga kasama ko mga business partners ko sila iyong natapunan mo nang juice kaibigan siya nang pinsan ko, iyong isa na kasama ko is pinsan ko siya.” Paliwanag ni Loid.Bigla natahimik si Carina. Nahihiya siya sa kanyang sarili kasi may connection pala silang tatlo hindi as mga babae niya kundi business partners at pinsan niya iyong isa. Kaya naman pala iyong isang babae na si Pia ay kalma lang siyang magsalita kagaya ni Loid kasi magpinsan pala sila. Natulala na lamang si Carina at hindi na siya nakapagsalita at nakalimutan niyang may kausap siya sa kabilang linya.“Are you still there?”“Ha!? Ay, sorry sir. May iniisip lang ako.”“Ah! Okay akala ko kung nasaan ka na. By the way, hindi ka ba busy mamaya? Yayain sana kita mamasyal saglit. Pabalik na kasi ako sa Pilipinas the coming days. Baka medyo matagalan pa bago uli tayo magkita.” Anyaya ni Loid.“Ha?! Sigurado po kayo sir, mamasyal tayo?”“Oo naman, bakit nagulat ka?” Hindi ba puwede? May magagalit ba?”“Ah! Wala naman po sir, nagulat lang ako kasi first time na may magyaya sa akin na isang estranghero.” Napangiti naman si Carina.“Oh! Talaga? Wala pa bang nagyaya sa iyo before?”“Ah! Mayroon naman po, pero group kami kunbaga group bonding. Pero kung dalawa lang so far hindi pa naman nangyayari sa akin iyan dito.” Sagot ni Carina.“Oh! That’s great, no worries harmless ako haha! So ano? Okay lang ba sa iyo mga 5pm?”“Ah! Okay sige po, e message ko lang si Dina, baka kasi magtataka siya kung bakit wala ako sa bahay.” “Okay, no worries. Ah! By the way send mo nalang location mo para masundo kita mamaya.” Sabi ni Loid.Binigay naman ni Carina ang location niya. Natapos ang usapan nila, at nakadama ng kagalakan sa puso si Carina sa naging pag uusap nila ni Loid.Nag message siya kay Dina at ipinaalam niya ang tungkol sa pagyaya ni Loid sa kanya. Kinilig naman si Dina sa nabalitaan niya kaya nag cheer up sa kanya ang kaibigan niya. Niloko pa siya nito na grab na niya ang opportunity para magka igihan na sila. Palagi na lamang siyang inaasar ni Dina, pero hindi naman niya iyon sinseryoso kasi alam na niya ang ugali nang kanyang kaibigan.~~~~~“Oh! Loid, you look so amazing today. Saan ang lakad mo?” tanong ni Pia.Si Pia ay pinsan ni Loid. Ang ina ni Pia at ama ni Loid ay magkapatid. Lumaki si Pia sa London dahil nung nag asawa na ang parents niya ay doon na siya pinanganak may twin brother siya si Patrick. Doon muna nagstay si Loid sa kanila habang nagbabakasyon siya.“Ah! Yes, she’s my friend. Niyaya ko siya kasi malapit na akong umuwi.”“Oh! Really, that’s good. Baka siya na ang soulmate mo. Alam mo naman sina uncle and auntie excited na magkaroon ka nang sariling pamilya at magkaroon sila nang apo.” Sabi ni Pia.“Haha! Ayan ka naman, alam mo bang naprepressure ako sa mga salitang iyan. Kaya nga nagbakasyon ako para makapag isip tapos ngayon pinaalala mo na naman.” Sagot ni Loid.“Haha! Ganoon ba, pero seryoso cuz hindi pa ba sumagi sa isip mo ang magsettle down. You are financially stable, CEO ka nang kompanya ninyo. Lahat na ata nang hinahanap ng isang babae ay nasa iyo na. Pero bakit hindi ka pa nakaisip na mag asawa.” Seryosong tanong ni Pia.“Hindi ko rin alam Pia, baka wala pa talagang para sa akin.”“Wish matagpuan muna siya cuz para maging mas happy na sina uncle and auntie.” Nakangiting sabi ni Pia.“Haist!! Kaya nga eh!”“Anu ka ba huwag kang mawalan nang pag asa baka this is your year makatagpo ka nang para sa iyo. Good luck sa friendly date ninyo!” ngumiti ang pinsan niya sabay alis.Napangiti na lamang din si Loid. Naisip niya ang mga sinabi ni Pia. Oo nga naman lahat ay nasa kanya na ang kulang na lamang ay magkaroon siya nang pamilya.Excited na rin si Carina sa muli nilang pagkikita, nagbihis siya nang maayos at nagpaganda din siya para naman ma impress sa kanya si Loid. Ready na siya na sunduin ni Loid.
Bago pa man siya nakaalis ay may tumawag sa kanya. Pagtingin niya ay ang mama niya. Sinagot niya iyon dahil alam na naman niya ang sadya nito.“Yes mom, napatawag po kayo?”“Anak, huwag kang mabibigla may sasabihin ako sa iyo.”“Bakit mom? Anong nangyari? Kinakabahan naman ako sa ibabalita mo.” Sagot ni Carina.“Nadisgrasya kasi sa motor ang kapatid mong si Carlos.” Naiiyak na sabi ng kanyang ina.Si Carlos ang pangalawa sa kanilang magkakapatid at pangatlo naman si Corby siya iyong bunso nila na gagraduate sa katapusan.“Ano?!” nanlumo ang buong katawan ni Carina. Paanong na disgrasya siya? Nakainom ba siya habang nagmamaneho?” “Hindi anak, hindi niya napansin na may kasunod pala siyang nakamotor din na malakas nagpatakbo nag signal naman siya na liliko siya kaso malakas talaga ang takbo nang kasunod niya. Kaya ayon natamaan siya, nasa ICU siya ngayon ginagamot nang mga doctor. Sana okay lang ang kapatid mo.” Malungkot na sabi ni Cora.“Haist! Pasensiya ka na mom, wala ako ngayon sa tabi mo. Hayaan mo maghahanap ako nang paraan na makapagpadala para may panggastos kayo diyan. Ano na balita sa nakabangga? Nagbigay ba sila nang tulong?” tanong ni Dina.“Oo, pero ang tagal kailangan pa nang proseso. Napurahan din ang driver nang motor. Hindi ko na alam ang gagawin ko anak,” “Huminahon ka lang mom, maghahanap ako nang may madiskartehan akong pera dito at ipapadala ko sa inyo kaagad. Magpakatatag po kayo, lalo na po wala po ako diyan sa Pilipinas.” Sabi ni Carina. Natapos ang usapan nila ng kanyang ina. Subrang nalungkot siya sa nangyari sa kanyang kapatid. Hindi niya namalayan na kanina pala tumatawag si Loid. Nawala sa isip niya ang usapan nila. Mga 30 minutes na din ang nakalipas ang huling missed call nito sa kanya. Kaya tumawag siya uli kay Loid pero di na makontak. Naisip niyang nagtampo siguro si Loid sa kanya dahil hindi niya sinasagot ang tawag nito.Naguguluhan na siya sa sitwasyon niya ngayon mas iniisip na lamang niya ang kapakanan ng kanyang kapatid kasi mas importante para sa kanya ang pamilya niya ang priority niya ngayon.Maiintindihan kaya ni Loid ang dahilan ni Carina kung bakit hindi siya nakasipot sa usapan nila?
Hinila na ako ni Dina palabas nang store dahil kakain daw kami. Isa iyong magarang restaurant halos ata lahat nang customer doon ay mayayaman. Nagmamasid lang ako sa paligid habang inaantay ko si Dina galing nang wash room. Sa tapat naman nang restaurant na iyon ay may cafeteria, may nakita akong isang babae at dalawang lalaki.Magkatabi ang isang babae at lalaki habang nasa harap naman nila nakaupo ang isang lalaki. Familiar sa akin ang katabi nang babae. Subrang lapit nila sa isa't-isa kaya naman ay napa iling nalang ako. Grabe naman ang babaeng iyon wala man lang delikadesa kahit kaharap nila ang isang lalaki din. Parang namukhaan ko iyong lalaki na nasa harap nila. Oo nga pala siya iyong lalaki na nakabanggaan ko kanina, at kilala siya ni Dina."Wait, parang kilala ko iyong lalaki na katabi nang babae. Si Alfred ba iyon?" Hindi na ako mapakali sa nakita ko, sino ang babaeng iyon bakit ganoon nalang ang pagkahawak niya sa braso nang asawa ko. "Hey! Carina, kanina ka pa nakatingin
Natigilan nalang kami nang pumasok sina Alfred at Carmela kasama ang kapatid kung si Danilo.“Mama, salamat sa Diyos at nagising na po kayo. Subra po kaming nag alala.” Niyakap ni Carmela si Carina.“Oo naman anak, kakayaning maging malakas ni Mama para sa iyo. Anak, balang pag dumating man ang araw na mawawala na ako sa mundo. Huwag ka sanang malungkot ha! Alalahanin mong nag abroad lang si Mama na matagal babalik , alalahanin mong gagawin ko ito para sa kinabukasan mo.” Nakita kung subrang lungkot ni Carina, tumulo ang luha niya at di ko na rin napigilan ang mata ko na tumulo rin ang luha, nalungkot ako sa mga pinagsasabi nang kaibigan ko.“Mama naman, ano bang pinagsasabi mo? Malakas ka naman di ba! Sabi ni Doc Danilo stress lang iyan. Kaya huwag ka nang mag alala di ka namin bibigyan nang stress ni Papa, di ba Pa?” sumagot naman si Alfred. Grabe tagos sa puso, ang sakit malamang walang alam sina Carmela at Alfred. Napaiyak nalang ako na di ko pinapahalata sa kanila
“Hey! Carmela, you are very pretty with your outfit.” “Hindi naman Jenny, ikaw talaga!” “Yes Carmela, you look gorgeous.” “Nangbubula ka na naman Jacob.” “Yeah! I’m telling the truth, ah! Puwede ba tayong mag usap saglit. Tayong dalawa lang, Jenny will you excuse us?” “Okay bro, have fun with Carmela puntahan ko muna ang iba nating kaklasi.”Pumunta kami ni Jacob sa isang tagong lugar sa bahay nila isa iyong secret place na parang room siya. Nag usap kami doon, niyakap niya ako nang mahigpit ramdam kung namimiss niya ako nang subra at ganoon din ako sa kanya. Dinamdam namin ang mga oras na iyon na patago kaming magkasama. Habang tahimik ang palibot bigla akong may narinig na boses nang dalawang babae. Di ko masyadong narinig ang usapan nila kundi tanging kataga lang na “magpapasabog tayo mamaya tingnan lang natin kung anong maging reaksiyon ni Dina sa malalaman niya.” Dina?! Siya ba iyong Dina na nakasalubong namin sa may gate na may kasamang lalaki? Anong plano nila kay Ma’am
Sa hospital…“Hi! Danilo, kumusta?” “Oh! Ate, bakit ka nandito? Di ba sinabi ko sa iyo na tatawag nalang ako sa iyo para sunduin ka. Alam mo naman na maselan ang kalagayan mo. Tatawagan na sana kita kasi katatapos ko lang e check up ang pasyente ko kaaalis lang din niya.” “Talaga?! Baka siya iyong nakasalubong ko sa may lobby kanina. Siyanga pala, ano nga pala ang pina consult niya sa iyo? Di ba neuro surgeon ka?” “Ah! Actually this is confidential kasi may policy kami sa hospital na never namin e share ang mga information at result nang patient namin unless kung family siya nang patient.” “Ah! Ganoon ba? Pasensiya ka na kasi na curious lang ako sa babaeng iyon. Hindi ba puwede malaman ang name niya? Kahit name lang. Please…Hindi ko naman matiis ang Ate ko kaya sinabi ko sa kanya ang name nang pasyente ko. Ngunit nagtaka ako bakit parang nalungkot siya at nanglumo wala naman akong ibang sinabi kay Ate kundi pangalan nang pasyente ko.“Ha! Ilang taon mo na siyang kilala Danilo?”N
Nakauwi na si Dina sa apartment na inuupahan niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakabanggaan niya kanina sa hospital. Si Carina kaya ang babaeng nakabanggaan ko? Pero impossible! Ilang taon na ang nakakalipas hindi na namin alam ang kaso tungkol sa pagkawala nila Carina at nang anak niya. Pero possible rin na may nakakita sa kanila sa laot at sinagip sila. Kailangan kung imbestigahan ang tungkol sa kanila ni Carina hindi ako titigil hanggat hindi ko ma kumpirma kung sino ang babaeng iyon. Biglang nag ring ang phone ko. Isang unknown number, ayaw ko sanang sagutin kaso ilang beses nang tumatawag. “Hello! Who’s this please?” Walang sumasagot, kinakabahan tuloy ako. Sino na naman kaya ang nanakot sa akin. Makalipas ang ilang minuto may narinig akong isang ungol nang babae at may boses na lalaki. Wala akong ibang maisip kundi ang asawa at friend ko sa London. Mga baboy talaga ang dalawang iyon, iniinis talaga ako. Hintayin niyo lang na manganak ako at babalikan ko kayo
Lumapit ako sa may table nila Papa Alfred, nakita ko din doon si sir Loid. Kinabahan ako, ano kaya ang sasabihin ko kay Papa.“Oh! Anak, anong ginagawa mo dito sa mall? Sino bang kasama mo?“Alfred? Anak mo si Carmela?”“Yes po sir Loid, pasensiya na po kayo hindi ko po siya masayadong nababanggit sa inyo. Siya po ang binilhan ninyo nang gift noong graduation niya.”“Talaga! So, you mean classmate siya ng mga anak ko? Pero nagtatrabaho siya sa company ko.”Bigla akong pinagpawisan nang malamig grabe parang binuhusan ako nang madaming yelo sa katawan ko. Nabuking na ako, alam kung magagalit si Papa sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya at kay Mama na nagtatrabaho ako sa Taylor’s Company kasi ayaw ni Mama. Hindi ko rin alam kung anong dahilan ni Mama pero ang sigurado ako, masesermonan ako nito pag uwi ni Papa sa bahay. Nakikita ko sa mga mukha ni Papa na nadisappoint siya sa akin pero nagpipigil siguro siya dahil nasa harapan namin si sir Loid.“Ah! Sige, Pa at sir Loid mauna na po ako