Share

The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)
The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)
Author: Chrysnah May

Chapter 1 Love At First Sight

Isang mayamang bilyonaryo si Loid Taylor, nag iisang anak nina Larry at Berna Taylor. Sikat ang pamilya nila sa buong mundo dahil sa madami silang negosyo na halos may mga branches sila sa iba’t ibang bansa.

Dahil sa gusto nang mga magulang ni Loid na magkaroon na siya nang asawa at magkaroon na sila nang apo ay na stress naman si Loid sa gusto nang kanyang mga magulang.

Nagbakasyon siya sa London para maibsan ang stress na nararamdaman niya dahil sa kakaisip kung paano niya mapagbigyan ang kanyang mga magulang. Thirty five years old na siya pero hindi pa rin siya nag aasawa dahil sa super busy niya sa mga negosyo nila.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makilala niya ang isang babaeng magpapatibok nang kanyang puso.

Sa restaurant…

“Carina, paki dala nga nang order ng customer na nasa table 5 may gagawin lang ako.” Sabi ng kasama niya sa trabaho.

“Sige po,” dinala ni Carina ang order ng customer na nasa table 5.

Hindi naman napansin ni Carina na may kaunting basa pala sa sahig kaya nadulas siya at na out of balance natapun ang dala niyang pagkain. Subra ang pagkahiya niya, at agad na lumapit ang kasama niyang si Dina at tinayo siya. Lumapit naman ang lalaki na customer na halatang nag alala sa nangyari. Napagalitan naman siya nang kanyang manager dahil sa hindi siya nag iingat. Napayuko na lamang siya at napapaluha, alam niyang may kasalanan din siya kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.

“Pasensiya na po kayo sir sa nangyari, kukuha nalang po ako nang order ninyo uli. Babayaran ko nalang po iyong natapon na pagkain.” Paumanhin niya sa lalaki.

“Oh! No worries, okay lang. O order nalang uli ako nang pagkain at huwag mo nang bayaran iyon. Hindi mo naman sinasadya kasi may kaunting basa ata sa sahig.” Sagot nang lalaki.

Hindi siya agad makasagot, nakatingin lang siya sa lalaki at nasabi niya sa kanyang isip napakabait naman nang lalaking ito. Sana lahat kagaya niya.

“I’m sorry sir, for the circumstances of what my employee has done. I will just tell her that next time she must be aware of what she was doing and serving the customer’s order.” Sabi naman nang manager.

“It’s fine, she was not her fault. I saw what happened. Just forget it, I will wait for my next order. And please, tell her she will be the one will serve for me. Thanks!” sagot nang eleganteng lalaki.

“Carina, ang bait nang customer na iyon. Guwapo at napaka elegante pa, ang swerte naman nang babaeng mapapangasawa niya mukha siyang mayaman ah!” sabi ni Dina.

“Oo nga eh! Hindi ko akalain na ganoon siya ka bait, madami na din akong na encounter dito na mga customer pero siya lang ang na encounter ko na kahit kasalanan ko ay okay lang sa kanya hindi talaga nagagalit.” Sagot ni Carina.

Si Carina ay nagtatrabaho sa isang restaurant sa London nang halos dalawang taon. Hindi naman mayaman ang kanyang pamilya pero dahil sa pagsusumikap niya ay nag babakasali siyang makahanap nang maayos na trabaho. Nagtry siyang mag apply abroad at fortunately nakapasa naman siya at nakapagtrabaho nga doon sa London. 

Doon na niya nakilala si Dina na isang pinay din, nakilala niya sa restaurant na pinagtatrabahoan niya kaya naging matalik sila na magkaibigan. Pareho silang single, madami naman nagpaparamdam sa kanila na mga british at european guys pero hindi naman nagtatagal kasi puro fling-fling lang. Kunbaga walang nagtatagal, kaya nagfofocus nalang sila sa trabaho para makapagpadala nang pera sa pamilya nila sa Pilipinas.

“Carina, sabi nang nasa table 5 ikaw daw magserve sa kanya nang bagong order niya.” 

“Ha?! Bakit ako? Nahihiya na ako sa kanya. Ikaw nalang kaya Dina,” tanggi ni Carina.

“Hoy! Ikaw ang gusto nang customer na magserve sa kanya. Iyon ang sabi sa akin nang manager natin. Gusto mo ba na pagalitan ka na naman o di kaya ay e fired ka.” Sagot naman nang katrabaho niya.

Wala na siyang magawa kundi sundin na lamang ang sinasabi nang katrabaho niya ayaw din kaya niyang matanggal sa trabaho kasi mahirap mamuhay sa dayuhang bansa lalo na doon sa London. Napabuntong hininga na lamang siya saka dinala ang order nang customer. 

Nang makarating na siya sa table nakatingin sa kanya ang lalaki, ngumiti na lamang siya kahit pilit ang ngiting iyon para lang hindi mahalata nang customer na kinakabahan siya.

“Here is your order sir, enjoy your meal.” Ngiting sabi niya.

Ngumiti naman sa kanya ang lalaki, “Thank you! By the way, what is your name?” nagulat siya nang tanungin siya nito nang kanyang pangalan.

“Ah! Carina po sir,” sagot niya sa lalaki.

“Oh! Nice name, nice to meet you Carina.” Itinaas ng lalaki ang kanyang kamay para makipag shake hands.

Hindi agad nakakilos si Carina kasi natulala siya sa pakikitungo nang lalaki sa kanya. 

“Are you alright?” tanong uli nang lalaki pero hindi pa rin niya inalis ang kanyang kamay.

“Ah! Sorry po sir, nice to meet din po. Pero hindi ko po alam ang pangalan ninyo.” Tanong ni Carina sabay shake hands sa kamay nang lalaki.

“Oh! Pasensiya ka na nawala sa isip ko. I am Loid Taylor but you can call me with my first name Loid.” Sagot niya kay Carina.

“Ok po sir, siya nga po pala balik na po ako sa trabaho ko. Enjoy your meal sir.” Nakangiting sabi ni Carina sabay talikod at pabalik sa kusina.

Hindi siya mapakali sa mga nangyari, hindi siya makapaniwala na kakausapin siya ng isang customer kasi kadalasan sa customer na na encounter niya ay puro arrogante pero iba ang customer na iyon. Nabalik nalang ang alaala niya nang tapikin siya ni Dina.

“Hey! Ano nangyari? Bakit nakatulala ka diyan?” usisang tanong niya.

“Hindi ka talaga makapaniwala Dina, grabe tinanong ba ako nang customer kung anong pangalan ko at sinabi din niya ang pangalan niya.” Kinilig naman si Carina ng ikwento niya iyon.

“Oh! Talaga?! Baka siya na ang destiny mo?” asar naman ni Dina.

“Destiny talaga? Hindi ba puwedeng nakipagkilala lang at isa pa, mukhang malayo ang agwat namin mukha siyang mayaman at na feel ko iyan.” 

“Oh! Malay mo, baka siya na ang sagot sa kahirapan mo. Haha!”

“Grabe ka naman Dina, parang gusto mo na akong bugawin sa lalaking iyon ah!” naiinis na sabi ni Carina.

“Oppss! Sorry Carina. Na excite lang ako kung ano magiging kalalabasan kung sakali man magka interest siya sa iyo.” Sabi naman ni Dina.

Lumipas ang mga araw, ganoon palagi ang routine nila Dina at Carina na nagseserve nang pagkain sa mga customer. Hindi na rin pumupunta doon si Loid ang lalaking nagpakilala sa kanya. Naisip niyang baka hindi na nga babalik ang lalaking iyon. Nalungkot naman siya bigla, siyempre kahit unang beses silang nagkita ay nagpakita naman iyon nang kabaitan sa kanya, hindi nga siya pinabayad sa damages na ginawa niya. Napabuntong hininga na lamang siya.

“Oh! Malungkot ata ang aura mo ngayon. May natanggap ka na naman bang balita galing sa Pinas, nanghihingi na naman ba ng pera ang mga kapatid mo?” tanong ni Dina.

“Ah! Hindi naman, hindi naman ako malungkot. Tinatamad lang akong magtrabaho.”

“Hey! Parang alam ko na ang dahilan, ano ba ang dahilan or sino nga ba ang dahilan?” asar ni Dina.

“Manahimik ka na nga diyan, baka marinig tayo ng manager natin na ng uusap na naman tayo.”

“Haistt! Alam mo medyo matagal na nga siyang hindi nagpupunta sa restaurant. Nasaan kaya ang prince charming mo? Bakit kaya hindi na siya nakakain dito? Hindi kaya siya na offend sa pagkatapon nang pagkain na ini order niya?”

Mas lalong nalungkot si Carina kasi parang kinukunsensiya siya nang kanyang kaibigan. Kaya naisip niyang baka nga iyon ang dahilan, pero bakit ang bait naman niya nung nagtanong siya kung anong pangalan ko at nagpakilala siya sa akin na nakangiti pa nga. Napabuntong hininga uli siya.

“Hoy! Huwag ka nang malungkot masyado halata na affected ka na hindi na siya nagpapakita dito at kumakain sa restaurant. Baka busy lang siya o di kaya umuwi na sa Pilipinas.” Sabi ni Dina.

“Haist! Sige na nga, hindi ko na siya iisipin. Mag focus nalang ako sa trabaho ko.” Sagot ni Carina.

Makalipas ang ilang oras ay may isang lalaki na pumasok sa restaurant may kasama siyang dalawang babae. Nagpatingin sila sa may pintuan pati na si Carina, nagulat siya nang ang lalaking pumasok ay si Loid na may kasamang dalawang babae. Bigla naman siyang nakadama nang kirot sa kanyang puso. Ang akala niyang matinong lalaki si Loid ngunit hindi pala, may tinatago palang kulo. Naiinis siya nang makita niya si Loid na may kasamang dalawang babae.

Habang hinahanap naman siya ng katrabaho niya dahil sa nagrequest si Loid na siya ang magserve nang pagkain sa kanila.

Ayaw ni Carina na siya ang magserve kasi sasama lang ang loob niya kapag nakita niya si Loid na may kasamang mga babae. Ngunit pinipilit siya nang katrabaho niya dahil iyon ang utos ng customer hanggang sa ang manager na nila ang kumausap sa kanya. Wala na siyang magawa kundi sundin ang manager niya kasi ayaw din naman niyang mawalan ng trabaho. Kahit labag sa kanyang kalooban ay siya na ang nagserve sa kanila. Nang naluto na ang order nila ay sinimulan na niyang magserve ng pagkain nila.

Ang huling inumin na sinerve niya ay sinadya niyang itapon sa damit na suot nang babae.

“Ouch! What happened to you?” naiinis nasabi ng babae.

“Oh! I’m sorry ma’am, I didn’t mean to drop the juice in your dress.” Todo ang hingi niya nang tawad sa babae.

“Are you careless? You know that I am going to get the food but you give that drinks to me?” galit na sabi nang customer na babae.

“Calm down, Lizel!” awat ni Loid.

“What?! You want me to calm down! You see what this stupid server did to my clothes. And by the way, why you bring us here this cheap restaurant?” tumaas ang boses ni Lizel.

“Calm down please, everyone is watching with you!” awat uli ni Loid.

“I don’t care, this stupid girl is very careless. Where is your manager?”

“Ma’am I’m sorry, I didn’t mean to pour the juice in your dress it was an accident.” Pagmamakaawa ni Carina.

Dumating naman ang manager ni Carina.

“Yes ma’am, what happened?”

“Are you the manager?”

“Yes madam,” sagot ng manager.

“Then you fire this careless and stupid server. You know what she did to my clothes.” Ang galit na sabi ni Lizel.

“Oh! I’m sorry for what my server has done to you! Can we talked about this problem in a calm way. I know she has a mistake but can we fixed this issue.” Kalmadong sabi nang manager.

“Yes Lizel, the manager was right. She already asked an apology to you.” Ang sabi naman ng isang babae na kasama nila.

“Are you with them Pia?”

“No, I am just being fair. Though she accidentally poured the juice in your dress doesn’t mean she got immediately fired. You must talked in a good way so that it will be fix.” Sagot ni Pia.

“That’s enough Lizel, the server already said sorry, then let’s move on. We will go to another restaurant if you don’t like here.” Sabi naman ni Loid.

“But we already ordered and how about my clothes?”

“I’ll pay our order and buy clothes the near boutique we will pass by.” Sagot ni Loid.

“Hmm..I’m not done with you girl. You are lucky because Loid is so kind.” Banta niya kay Carina.

Kaya umalis na sila. Hindi naman makakilos si Carina sa naging experience niya sa araw na iyon. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan na lamang niya ang luha sa kanyang mga mata at napayuko na lamang siya. Isa na naman nakaktraumang experience na naranasan niya ang makaencounter ng mga customer na warfreak.

Pumunta na lamang siya sa may counter area. Hindi niya alam na lumapit sa kanya si Loid para magbayad sa na order nila.

“I’m sorry for what had happened kanina, pagpasensiyahan muna ang mga kasama ko. May attitude talaga si Lizel pero mabait naman siya.” Paliwanag ni Loid.

Nagulat siya sa sinabi ni Loid, siya talaga ang nag apologize sa ginawa nang kasama niya kanina.

“Ha?! Okay lang po sir, kasalanan ko din naman po. Pasensiya na po kayo sa nangyari.” Sagot ni Carina.

“Okay lang,” sagot ni Loid, tumalikod na siya at umalis kasama ang dalawang babae.

Hindi alam ni Carina ang nararamdaman niya. Naninikip ang dibdib niya kasi isa na naman pagkakamali ang nagawa niya. Nagsisisi siya bakit siya nakadama ng pagkaselos nung nakita niya si Loid na may kasamang iba. Masyado lang siyang assuming, kaya nasasaktan siya kahit hindi naman sila.

Magkikita pa kaya uli sina Loid at Carina?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status