Share

Chapter 3 Accidentally Answers Him

Hindi mapalagay si Carina sa nabalitaan niya tungkol sa nangyari sa kanyang kapatid. Hindi na niya alam kung saan siya hahanap nang pera para may maipadala siya sa kanyang ina sa Pilipinas. Inaalala din niya si Loid, alam niyang nagtatampo iyon dahil hindi siya sumipot sa usapan nila.

Tinawagan niya uli si Loid pero hindi na ito sumasagot. Hindi pa man naging sila pero nasasaktan na siya sa mga nangyari sa kanila sa naging sitwasyon niya ngayon. Hindi naman niya kagustuhan na darating ang problema sa pamilya nila.

Tumawag siya uli sa ina niya sa Pilipinas para itanong kung kumusta na ang kapatid niya.

“Hello mom, kumusta na po? Ano na po ang balita kay Carlos?” nag alalang tanong niya.

“Nasa I.C.U pa rin siya Carina. Ilang oras na ang doctor na hindi pa lumalabas, subra na akong nag alala sa kapatid mo.”

“Ganoon po ba! Kawawa naman ang kapatid ko. Magpakatatag ka mom, e update mo ako palagi. Maghahanap lang po ako ng pera dito para makapagpadala po sa inyo.” Sabi ni Carina.

Ibinababa ni Carina ang telepono at nakatulala na naman siya.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Dina galing sa trabaho. Hindi pa siya nakapagluto nang pagkain kasi nga hindi pa siya napalagay.

“Carina, andito na ako. Oh! Anong nangyari, mukhang malungkot ka ata?”

“Oo nga Dina, hindi kami natuloy ni Loid mamasyal.”

“Hala! Talaga?! Bakit? Nag back out ba siya?”

“Hindi naman Dina, may natanggap kasi akong tawag sa Pilipinas tumawag sa akin si mom binalita niya sa akin na nadisgrasya daw ang pangalawa kung kapatid sa isang motorsiklo binangga siya nang isang motorsiklo na mabilis ang takbo at nasa I.C.U siya ngayon. Huhu!” naiiyak na kwento ni Carina.

“Ano?! Kawawa naman ang kapatid mo? Nagbigay ba nang panggastos ang nakabangga? Nasa I.C.U pa rin ba ang kapatid mo?” tanong ni Dina.

“Hindi ko nga alam kung nagbigay na ba, hindi kasi nabanggit ni mom. Oo nasa I.C.U pa daw hindi pa lumalabas ang mga doctor. Subra akong nag alala Dina, hindi ako mapalagay at inaalala ko din kung saan ako hahagilap nang pera. Gulung-gulo na ang isip ko.” Malungkot na sabi ni Carina.

“Friend, magpakatatag ka. Mag try kang mag Cash Advance kay boss baka sakaling payagan ka niya. Mabait naman iyon pakiusapan nalang natin na kailangan mo nang pera para sa kapatid mo. Samahan nalang kita para may lakas na loob ka.” Sabi ni Dina.

“Salamat talaga Dina, kung wala ka hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Baka nasiraan na ako nang bait kasi hindi ko na makayanan ang mga problema sa buhay ko.” Malungkot na sabi ni Carina.

Kinabukasan ay nagpunta na nga si Carina sa restaurant para kausapin niya ang kanilang manager tungkol sa cash advance na ipapakiusap niya. Hindi pa naman siya puwedeng pumasok kasi naka suspended pa siya. Nandoon naman si Dina sa labas ng opisina ng manager nila para antayin si Carina.

“Magandang umaga po sir Leo.” Bati niya sa kanyang manager.

Si Leo ang manager nila. Mga limang taon na siyang manager sa restaurant na iyon kaya siya na ang pinagkakatiwalaan ng may-ari nang restaurant na iyon. May pamilya siya sa Pilipinas at may isang anak na babae.

“Oh! Carina, napapunta ka ata dito sa restaurant di ba nakasuspended ka pa.”

“Oo nga po sir Leo, pero may ipapakiusap sana ako sa inyo sir. Alam kung kunti nalang ang makukuha ko sa katapusan dahil sa suspension ko pero sir kailangan ko talaga nang pera ngayon. May problema kasi ang pamilya ko sa Pilipinas, nadisgrasya kasi ang kapatid kung lalaki. Wala po akong ibang maisip na mauutangan nang pera. Kaya sa inyo na po ako nakikiusap pagtatrabahoan ko naman po iyan, ibawas nalang po sa sahod ko.” Paliwanag ni Carina.

“Oh! Ganoon ba?!” tumayo ang manager nila. “Alam mo hindi ako makapagdecide niyan ang finance department pero kung gusto mo puwede kitang pahiramin sa sarili kung pera pero sa isang kondisyon.” Sagot ni Leo.

Hindi agad nakasagot si Carina. Anong ibig sabihin nang boss niya na kondisyon? Kinakabahan siya sa offer nang boss niya.

“Ano po ibig sabihin ninyo sir na kondisyon?” naguguluhang tanong ni Carina.

“Papautangin kita pero kailangan makipag date ka sa akin kapalit nang pagpapahiram ko sa iyo.” Sabi ni Leo.

“Ano po?! Kailangan po ba may ganoon pa? Magbabayad na naman po ako ah! Kung ganyan lang po ang gusto ninyo. Huwag nalang po sir, salamat nalang po.” Sagot ni Carina.

“Akala ko ba kailangan na kailangan mo ang pera. Isipin mo nalang na pagmatagal ka pang makahanap nang pera ay mas matagal ka pang makapagpadala ng pera doon sa pamilya mo.” Sabi naman ng boss niya.

Nalilito na si Carina sa naging sitwasyon niya. Buong akala niya ay walang masamang intensiyon sa kanya ang kanyang boss. Napansin niyang nakatitig ito ng matulis sa kanya, hindi siya sanay na ganoon ang tingin sa kanya nang kanyang boss. 

Lumapit ito sa kanyang harapan, nakatitig sa kanya na para bang gusto siyang tuklawin nito. Hinawakan siya nito sa braso.

“Ano?! Deal? Huwag ka nang mag isip para naman ito sa kapatid mo. Huwag kang mag alaala walang makakaalam sa usapan natin.” Tanong uli ng kanyang boss.

“Ha?! Hindi ko po kaya ang kondisyon ninyo sir Leo. Alam ko pong may asawa at anak kayo sa Pilipinas, huwag naman po kayong magtaksil sa asawa ninyo. Alam ko pong kailangan na kailangan ko ang pera pero hindi po kaya nang konsensiya ko na mang agaw nang may asawa.” Matapang na sagot ni Carina.

“Sa pagkakataong ito, dapat utak ang pinaiiral mo hindi ang puso mo. Akala ko ba priority mo ang pamilya mo, bakit tumatanggi ka sa alok ko? Para ito sa kapakanan ng kapatid mo.” Pilit ng kanyang amo.

“Madami naman pong paraan para makautang nang pera pero hindi po ito ang solusyon. Kung iyan lang din po ang gusto ninyo at ayaw ninyo akong pautangin ay okay lang po. Maghahanap nalang po ako ng ibang tao na makapagpapautang sa akin.” 

Tumayo na si Carina at naglakad papunta sa pintuan. Narinig niya ang kanyang manager na nagsasalita.

“Bahala ka Carina, magandang offer na iyan sa iyo. Kahit magkano ang gusto mo magpapautang ako, basta sundin mo lang ang kondisyon ko at walang problema. Kung magbago ang isip mo balikan mo ako.” Huling sabi ng kanyang manager.

Hindi na siya sumagot, umalis na lamang siya na malungkot ang kanyang mukha.

Nang makalabas na siya sa pintuan galing sa loob ay nakita siya ni Dina agad siyang lumapit kay Carina para itanong kung anong nangyari sa pag uusap nila ng kanilang manager. Hindi agad nakasagot si Carina, kasi iniisip pa rin niya ang sinabi ng kanyang boss sa kanya. Hindi niya lubos ma isip na ang akala niyang mabait na manager ay may masama palang intensiyon sa kanya.

“Carina, okay ka lang ba? Pumayag ba si sir Leo sa pakiusap mo sa kanya na mag cash advance ka?”

“Ha?! Sabi niya hindi daw siya ang makapagdecide niyan kundi ang finance daw. Kailangan ko pang magpasa nang mga requirements bago ma approved. Hindi ko na alam Dina, kung saan ako hahanap nang pera na madalian. Kung aantayin ko pang ma process iyon baka next week pa ma approve kailangan ko na nang pera. Huhu!” naiiyak na kwento ni Carina.

“Oo nga eh! So anong plano mo ngayon?”

“Hindi ko na alam Dina. Baka tanggapin ko nalang ang offer ni sir Leo.” Sabi ni Carina.

“Offer?! Anong ibig mong sabihin? May inaalok si sir Leo sa iyo? Ano naman iyon?” curious na tanong ni Dina. 

Biglang tumahimik si Carina, alam niyang hindi dapat pero napag isip niyang wala na talaga siyang ibang makapitan kundi kailangan na lamang niyang kumapit sa patalim kahit alam niyang may masasaktan siya sa gagawin niya.

“Hey! Ano?! Sabihin mo naman sa akin, grabe napaka mysteryoso mo naman. Kaibigan mo ako kaya e share mo na.”sabi uli ni Dina.

“Hindi pa ako sure sa decision ko nagdadalawang isip pa ako. Ayaw kung masira ang buhay ko at makasira ng pamilya. Alam mo ang ugali ko Dina.”

“Ano bang pinagsasabi mo? Kinakabahan naman ako sa kung ano ang maging decision mo.” Sagot ni Dina.

Hindi nga nasabi ni Carina ang gusto ng boss nila tungkol sa pagpapahiram niya ng pera kay Carina. Ayaw din niyang mag alala ang kaibigan niya. Kaya naman itinago na lamang niya.

Bago pa lang nakabalik si Carina sa bahay nila ay tumawag siya sa kanyang manager para tanggapin ang offer na mag date sila kung saan iyon ang kondisyon ng kanilang manager. Labag sa kalooban niya ang naging decision niya na tanggapin ang kondisyon na iyon kapalit ng pera na maipapadala niya sa pamilya niya sa Pilipinas.

Kinagabihan habang nag aantay siya nang tawag sa magulang niya ay nag ring ang phone niya. Dali-dali niya iyon sinagot at buong akala niya ang kanyang ina iyon hindi na kasi niya tiningnan kung sino ang tumawag.

“Mom, kumusta na po si Carlos? Mom, hindi pa talaga ako nakahanap ng pera. Naguguluhan na ako saan ako hahanap ng pera para may maipadala sa inyo. Nagpunta ako sa manager namin nagbabakasali na puwede akong makapag cash advance kaso sabi niya hindi daw niya hawak ang finance kailangan ko pa daw sumunod sa proseso. Pero next week pa iyon ma approved mom. Huhu! Pagod na pagod na ako, nahihiya naman ako kay Dina kasi palagi nalang siya ang tumutulong sa akin. Magpakatatag po kayo mom, kaya natin ito. Kung may naipon lang sana ako uuwi sana ako diyan sa Pilipinas para may karamay kayo.” Ang sabi ni Carina.

Bigla siyang natahimik nang hindi umiimik ang taong nasa kabilang linya. Nagtataka siya bakit hindi man lang sumagot ang kanyang ina. Tahimik lamang ang nasa kabilang linya. Nang tingnan niya ang phone, nagulat siya nang makita niya ang pangalan na nag appear. Si Loid pala ang tumawag sa kanya. Hindi siya makapagsalita, kasi hindi niya alam na si Loid iyon. Nasabi tuloy niya ang kanyang mga saloobin. Nahihiya siya kung bakit hindi man lang niya tiningnan kung sino ang tumawag.

“Are you okay Carina?” narinig niya ang boses ni Loid.

Hindi siya sumagot sa halip ay binaba nalang niya ang tawag. Nahihiya siya sa mga pinagsasabi niya kanina. Baka iisipin ni Loid na nagpaparinig siya dito. Nagring uli ang phone niya. Tiningnan na niya iyon, at si Loid uli ang tumawag. Nagdadalawang isip siya na sagutin iyon. Pero ilang beses na itong tumawag, kaya sinagot na niya sa pangatlong beses.

“Yes sir Loid, napatawag po kayo.” Sagot niya.

“Oo, narinig ko lahat ng mga sinasabi mo kanina. Anong nangyari sa kapatid mo?” tanong ni Loid.

“Ah! Sa akin nalang po iyon sir.”

“Carina, sabihin muna sa akin. Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa usapan natin kahapon?”

Hindi sumagot agad si Carina. “Ah! Opo, tumawag kasi ang mom ko. Binalita niya sa akin na nadisgrasya daw ang kapatid ko. Subra naman akong nag alala kaya nawala sa isip ko ang usapan natin na magkikita tayo.” Sagot ni Carina.

“Oh! Akala ko pa naman ayaw mong makipagkita sa akin kaya sa last minute nag back out ka.”

“Hindi naman po sa ganoon sir, nagkaroon lang ako ng problema sa family ko kaya hindi ko masabi sa inyo. Nagtry akong tumawag sa inyo kaso hindi ko po kayo makontak kaya naisip kung baka nagtampo kayo sa akin.” Sagot ni Carina.

“Ah! I see, pasensiya ka na. Aaminin kung nagtatampo nga ako sa iyo kasi akala ko ayaw mo talagang makipagkita sa akin.” Sagot naman ni Loid.

“Ano ba problema mo? Baka may maitulong ako sa iyo.” 

“Ah! Huwag na po sir, ayaw ko po kayong maabala. Problema po ito nang pamilya namin kaya okay lang po. Maghahanap nalang po ako ng ibang paraan.” Sabi ni Carina.

“Carina, I am willing to help you. Please let me, magkano ba ang kailangan mo? I am willing to lend you money.” Insist ni Loid.

Natahimik naman si Carina. Ano kaya kung tatanggapin ko nalang ang offer ni Loid? Kasi kung pipiliin ko iyong sinabi offer ng boss ko baka naman mas lalo lang akong mapahamak.” Bulong niya sa kanyang sarili.

Si Loid na kaya ang sagot sa pinoproblema niyang financial para sa family niya?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sa Rah Piala
na excite Ako🫣...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status